Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Mga Prinsipal na Angkan ng Wika.

Ang pagkilala at pagpapangkat-


pangkat ng halos 5,000 wika sa daigdig ayon sa kani-kanilang pinagmulan ay
hindi biru-birong gawain. Sa payak na paglalarawan, ang ganitong gawain ay
naisasagawa ng mga antropologo at dalubwika sa pamamagitan ng pagtutulad-
tulad sa iba't ibang wika upang alamin kung ang mga ito'y may pagkakahawig,
kundi man pagkakatulad, sa palatunugan, sa palabuuan, sa palaugnayan at
sa talasalitaan o leksikon. Ipinalalagay ng mga palaaral na ang dalawang
wikang may pagkakatulad o pagkakahawig sa nabanggit na mga lawak ay mga
palatandaan na ang dalawang wika ay magkaangkan. 

Kopya ito ng aklat ni Santiago, A. (1979) 

Binabakas din ng mga antropologo ang kasaysayan ng paglaganap ng tao


sa daigdig, ang pag-uugnayan ng mga tao na may kinalaman sa kanilang
pagkakalakalan o pulitika, ang, heograpya at iba pa na may kaugnayan sa
pagbakas ng pinagmulan ng iba't ibang wika. Kung nasakop ng isang bansa,
halimbawa, ang isang bansa noong mga unang panahon, natural lamang na
asahan na ang wika ng nanakop ay pinairal sa sinakop. Gayundin, ang
pagkakalapit o pagkaka layo ng mga bansa, ang mga dagat, mga bundok na
nakapagitan sa mga ito ay mga salik na isinasaalang-alang sa pag-uuri-uri ng
mga wika. 

Ang pagbakas sa kasaysayan ng mga wika ay masasabing nakabalik


lamang ng mga 6,000 hanggang 8,000 taon dahilan sa kawalan ng mga datos
na mapananaligan. Sa katotohanan, ang pagbakas sa ibang wika ay ni hindi
nakaabot sa nakaraang 2,000 taon. 

Marami nang linggwista, antropologo at pilologo ang nagsagawa ng


pagkaklasipika ng iba't ibang wika sa daigdig. Sa kabuuan ay masasabing
malaking-malaki ang pagkakahawig ng kani-kanilang klasipikasyon bagama't
may mga bahaging sila'y nagkakaiba-iba. Kunin nating halimbawa nito ang
klasipikasyon ni Gleason (1961): Linguistics): 
I. Indo-European (pinakamalaking angkan) 

(a) Germanic (o Teutonic) 

(1) English-Frisian - sinasalita sa baybayin  ng


Netherlands at Alemanya

English -- pinakamalaganap sa kasalukuyan;

Frisian ng mga pulong malapit at sakop ng


Netherlands at Alemanya (Frisian Islands)

(2) Dutch-German 

Dutch ng Netherlands

German ng Alemanya

Flemish ng Belgium

(Ang Afrikaans, isa sa dalawang wikang opisyal


ng Unyon ng Hilagang Africa, ay buhat sa Dutch;
Ang Yiddish na gumagamit ng alpabetong Ebreo
ay buhat sa Aleman) 

(3) Scandinavian 

Danish ng Denmark

Swedish ng Sweden at Finland

Riksmal at Landsmal ng Norway

Icelandic ng Iceland 

Anglo-Saxon ng Britanya,

(b) Celtic 

(1). Breton ng 'Timog-Kanlurang Pransya

(2) Welsh ng Wales


(3) Irish of Ireland 

(4) Scots Gaelic ng Scotland

(c) Romance 

(1) Portuges ng Portugal at Brazil

(2) Espanyol ng Espanya, Latin Amerika, at Brazil

(3) Pranses ng Pransya at mga bansang sakop; isa sa mga


opisyal na wika ng Belhika,  Belgian Congo,
Switzerland, at Canada,

(4) Italyano ng Italya

(5) Rumanian ng Rumania

(6) Sardinian

(7) Rhato Romanic 

(a) Romansch – isa sa apat na opisyal  na wika ng


Switzerland (ang iba – Aleman, Pranses, at
Italyano)

(8) Haitian Creole

(9) Catalan at Galician ng Espanya

(10) Latin (Oscan, Umbrian, Venetic) – sinasabing kauri ng


mga pinakaugat na wika ng mga wikang Romance,

(d) Slavic ng Silangang Europa 

(1) Ruso - buhat sa rehyon ng Moscow, kumalat sa


katimugang Asya; pangalawang wika ng U.S.S. R.;
pangalawa sa Ingles sa dami ng nagsasalita.
(2) Byelorussian at Ukrainian - wika sa gawing hilaga ng
Rusya.

(3) Polish ng Poland. 

(4) Czech ng Czechoslovakia

(5) Slovak ng Slovakia

(6) Serbo-Croatian ng Yogoslavia 

(7) Bulgarian ng Bulgaria

(e) Baltic 

(1) Lithuanian ng Lithuania 

(2) Latvian ng Latvia

(f) Alabanian

(g) Armenian - Sinasalita sa kahilaga ang Caucasus at sa ilang


lugar sa Near East.

(h) Griyego ng Greece

(i) Iranian (Kurdish sa kanlurang Turkiya; Persyano sa mga


Muslim ng India at Pakistan; Pashto 0 Afghan sa bahagi ng
Afglianistan at paligid-ligid ng Pakistan; Balochi sa isang bahagi
ng Pakistan.

(j) Indic – mga wika sa gawing timog ng India at Pakistan

(1) Hindi ng Republika ng India

(2) Urdu ng Pakistan

(3) Bengali ng Bengal

(4) Nepali ng Nepal

(5) Sinhalese ng Ceylon


(6) Sanskrito - ginagamit pa ring wikang pampanitikan at
panrelihyon sa Indya

II. Finno-Ugrian 

(a} Finnish ng Finland

(b) Estonian ng Estonia

(c) Hungarian ng Hungary

(d) Lappish, Mordvin, Cheremiss - mga wikang  kaangkan ng


kumalat sa gawing timog ng Europa at Asya.

III. Altaic 

(a) Turkic (Turkish, Azerbaijani-timog-kanluran ng Iran at


Caucasus; Kirghiz, Uzbeg, Kazak kalagitnaang Asya)

(b) Mongol ng Mongolia 

(c)Manchu-Tungus ng Silangang Mongolia

IV. Caucasian sa rehyon ng Caucasus sa U.S.S.R. 

(a) South Caucasian (Georgian, Mingrelian)

(b) North Caucasian (Abkahasian, Avar, Chechen, Kabardian)

(c) Basque

V. Afro-Asiatic – timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya.


(a) Semitic 

(1) Ebreo ng Israel – wikang ginamit sa Matandang Tipan.

(2) Arabiko ng Arabia

(3) Maltese ng Malta

(4) Assyrian ng Asyria


(5) Aramaic - sa wikang ito nasulat ang unang Biblya; wikang
ginamit ni Hesukristo at ng kanyang mga disipulo

(6) Phoenician (kahawig na kahawig ng matandang Ebreo, wika


noon ng komer syo sa Mediterranean at pinagmulan ng ating
matandang alpabeto)

(b) Hamitic 

(1) Egyptian

(2) Berber ng Timog Africa at ng Sahara

(3) Cushitic ng Silangang Africa 

(4) Chad ng Nigeria

(c) Mande ng Kanlurang Africa

(d) Kwa ng Gitnang Africa

(e) Sudanic ng Sudan

(f) Bantu (Swahili, Congo, Luba, Ngala, Shona, Nyanja, Ganda, Kafir,


atb.) ng Niger-Congo

VI. Korean

VII. Japanese 

(a) Niponggo

(b) Ryuku ng Ryukyu Islands sa kanlurang Pasipiko. 

VIII. Sino Tibetan ng silangang Asya 

(a) Tibeto-Burman (Tibetan, Burmese, Garo, Bodo, Naga, Kuki-Chin,


Karen)

(b) Chinese (Mandarin, Fukien, Wu, Cantonese) 


(c) Kadai (Thai, Siamese, Laotian, Lao, Shan)

IX. Malayo-Polinesian (sumusunod nang laki sa Indo European); kumalat


sa mga kapuluan sa Pasipiko at sa kanluran ng Madagascar)

(a) Indonesian ng East Indies; Tagalog, Bisayan, Ilocano, Pampango,


Samar-Leyte, Bicol, atb. ng Pilipinas; Chamerro ng Guam.,

(b) Nialay ng Sumatra, Malaya, Bomeo; Batak ng Sumatra; Balinese ng


Bali; Dayak ng Borneo, Makassar ng Celebes.,

(c) Micronesian

(d) Polynesian (Hawaiian, Tahitian, Samoan, Maori) 

(e) Melanesian (Fijian ng Fiji)

X. Papuan (New Guinea at mga kalapit-pulo)


XI. Dravidian (Hilagang India) 

(a) Telugu

(b) Tamil

(c) Kannarese ng Kanara 

(d) Malayalam ng hilagang-kanlurang India

X. Australian Open XIII. Austro-Asiatic (Hilagang-Silangang Asya) 


(a) Munda (kalagitnaang India); Santoli, Kkasi, Nicolabarese, Palauag,
Wa, Mon) 
C. Ang Angkang Malayo-Polinesyo at ang mga Wika sa Pilipinas. Hindi
nagkakaisa ang mga palaaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng
iba't ibang wika sa kapuluan, Ngunit waring marami ang naniniwala sa
teoryang ang mga rehiyong nasa baybay-ilog ng kanlurang Tsina at
hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng kulturang Indonesyo.
Sa paglakad ng panahon, ang paglikas ng mga tao (cf. Lopez 1967) ay
nahati-ang isang pangkat ay lumikas na pakanluran patungong Indya,
Indo-Tsina at Indonesya. Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang
nakaabot sa Pilipinas, Formosa, at sa iba pang kapuluan sa Pasipiko. Dahil
dito ay kapani-paniwalang iisa lamang ang pinagmulan ng iba't
ibang sistema ng pagsulat na ginagamit noon sa kapuluan, katibayang iisa
lamang ang pinagmulan ng mga ito. 

Sinasabing ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay


buhat sa Alifbata ng Arabia (naging Alibata sa katagalan), na nakaabot
sa Pilipinas daang India, Java, Sumatra, Borneo, at Malaya. Ang
ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat ang Bahasa Melayu na
pinaniniwalang nagmula rin sa Alifbata ay naging lingua franca sa
Timog-Silangang Asya sa pagitan ng A. D. 700 at A. D. 1500.
Ipinalalagay na pumasok ang Alifbata sa Pilipinas nang maitindig ang
emperyo ng Madjapahit sa Java sapagkat noon mabilis na lumaganap
ang impluwensya ng Malay sa pulu-pulo mula Jaya hanggang sa
Filipinas.

Sina David at Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay


nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa
Pilipinas ang iba't ibang wikang ating nakikilala sa ngayon. Sila'y
naniniwala na mahahati sa tatlong panahon ang malakihang
paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-
Polinesyo. Noong 700 B.C. ang “Philippine Stock” ay nahati sa tatlo:
"Northern Philippine Family", "Southern Philippine Family”, at
Pangasinan. Noong 200 B. C., ang “Northern Family" ay muling nahati
sa hindi kukulangin sa tatlo: (1) ang mga wika sa Lalawigang
Bulubundukin (Ifugao, Kankanai, Bontoc), (2) Ilocano at ang mga
wikang lumaganap sa kahabaan ng Ilog Cagayan (Kalinga, Tinggian,
Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, Agta), (3) at Inibaloi. 
Ang “Southern Philippine Family," noong 100 B. C., ay nahati sa mga
sumusunod na pangkat ng wika: Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol,
Cebuano, Butuanon, Surigao, Kalagan, Mansaka, Batak, Cuyunon,
Maranao, Magindanao, Binukid, Dibabaon, Western Bukidnon Manobo,
Southern Bukidnon Manobo, Subanun, atb, 

May palagay din ang mga mananaliksik na malamang na ang


“Philippine Stock” ay napahalo sa paglaganap ng ibang wika sa
Pilipinas at sa iba pang wikang kaangkan ng Malayo Polinesyo, tulad ng
wikang Vietnam.

Noong 1100 B. C., ang “Philippine Superstock” ay nahati sa


"Philippine Stock” at iba pang wika sa Timog Luzon, tulad ng Ivatan,
Ilongot; Baler Dumagat, atb. At noong 1300 B. C., ang malalaking
pangkat ng mga wikang kilala sa uring Proto-Indonesian ay nahati sa
“Philippine Superstock," "Southern Mindanao Family (Bilaan, Tagabili,
at maaaring kasama rito ang Tiruray),” at isang angkan na kasama ang
Malay at ang “Chamic Family” ng Vietnam. 

PANIMULANG LINGGWISTIKA

PAGPAPANGKAT-PANGKAT NG MGA WIKA SA PILIPINAS 


(Ayon kina David Thomas & Alan Healey ng SIL, 'Anthropological Linguistics,
Vo. 4, No. 9.) 
ANG WIKA 

May palagay din ang nasabing mga mananaliksik na ang mga wika sa
Borneo, Celebes, kanlurang Micronesia, o Formosa ay kaangkan ng “Philippine
Superstock.". 

Pitong pangalan ang ginamit nina David at Healey sa pagpapangkat ng


mga wika sa Pilipinas: "Southern Philippine Family, Northern Philippine
Family, Southern Mindanao Family, Chamic Family, Philippine Stock, Malay
Stock, at Philippine Superstock." 

Mapapansin sa nasabing klasipikasyon na (1) ang Tagalog,


Kapampangan, Cebuano, at Bicol ay higit na magkakalapit sa isa't isa kaysa
Ilocano at Pangasinan na magkalapit din sa isa't isa; at (2) ang Tagalog ay higit
na malapit sa Kapampangan kaysa Cebuano o Bicol. 
Bagama't hindi matatawaran ang kakayahan ng mga ma nanaliksik na
nabanggit, sa kabuuan ay makapagbibigay tayo ng kahinaan ng kanilang
isinagawang pag-aaral, gaya ng mga sumusunod: 

1. Hindi ibinibigay ang tiyak na petsa ng pinagmulan ng inang-wika (parent


language);
2. Ang mga talasalitaang ginamit ay lubhang kakaunti upang magbigay ng
mapananaligang resulta;
3. Limitado lamang sa mga talasalitaan ang isinagawang pagsusuri; wala
sa morpolohya at sintaksis;
4. Hindi isinaalang-alang ang maaaring naganap na paghihiraman ng mga
wika sa kapuluan (inter dialectal borrowing); at
5. Walang sanligang matematikal ang teknik o pamaraang ginamit.

Ang iba pang mga pag-aaral na isinagawa tungkol sa klasipikasyon ng mga


wika sa Pilipinas ay ang mga sumusunod: 

Sa klasipikasyon naman ni Conklin (1952) ay pinangkat niya ang ilang wika


sa Pilipinas sa dalawa: Iloko-type at Tagalog-type, batay sa korespondensya ng
mga tunog at iba pang katangiang panlinggwistika. Ang Ilocano at Pangasinan
ay isinama niya sa pangkat ng Iloko-Type, samantalang ang Tagalog, Bicol,
Hiligaynon, at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat ng Tagalog-
Type, Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito. 

Ang isa pang pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na


ginamitan din ng lexicostatictics ay ang kina Fox, Sebley at Eggan (1953).
Gumawa sila ng panimulang glottochronology para sa Katimugang Luzon. Ang
glottochronology ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon
nahiwalay ang mga anak na wika sa kanilang inang wika at, gayundin, kung
anu-anong petsa nagkahiwa-hiwalay o nagkawatak-watak ang nasabing mga
anak na wika pagkatapos mahiwalay sa inang wika. Sang-ayon sa kanila, ang
halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon, matangi sa Ilongot, ay
mapapangkat lamang sa isa. Ang ‘Northern Luzon Type, anila pa, ay mahahati
pa rin sa mga sumusunod: (1) 'Northern Division, (2) 'Central Division', (3)
'Southern Division, at (4) Southeastern Division.' 

Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen, kinikilalang pinaka pangunahing


linggwista ng wikang Malayo-Polinesyo, sa mga wikang Austronesian (cf.
Constantino 1972) ay mababanggit din dito. Lexicostatistical din ang paraang
ginamit ni Dyen. Kasama sa kanyang pag-aaral ang 60 wika sa Pilipinas.
Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging
resulta ng pag-aaral ni Dyen, matangi sa isang pagkakaiba: Hindi tinanggap ni
Dyen na malapit ang relasyon ng Tagalog at Kapampangan. Sinabi niyang higit
na malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyunon kaysa Kapampangan. 

D. Ang Wika at ang Dalubwika. Nabanggit natin sa nakaraang yunit na hindi


kukulangin sa 5,000 ang lahat ng wikang sinasalita sa buong daigdig–
5,000 iba't ibang wika. Ngunit nagkakaiba-iba man ang mga wikang ito,
lahat naman ay masasabing may pagkakatulad sa dahilang lahat ay
binibigkas at lahat ay binubuo ng mga tunog. Subalit sinasabing walang
tunog na unibersal. Ang ibig sabihin, ang (t), halimbawa, sa lahat ng
wikang mayroon nito, ay tiyak na may pagkakaiba, kung susuriing mabuti,
sa uri o sa paraan ng pabigkas. Bukod dito, ang bawat wika ay may kani-
kanyang set at balangkas ng mga tunog. 

Ang mga mekanismong ginagamit ng tao sa pagsasalita ay may


kakayahang lumikha ng napakarami at halos walang katapusang uri ng mga
tunog. Subalit hindi lahat ng tunog na nabibigkas ng tao ay ginagamit sa isang
wika. Pumipili lamang ang tao ng mga tunog na kanyang kailangan sa
napakaraming tunog na maaari niyang mabigkas. Sapagkat kung hindi gayon,
magiging lubhang napakaraming tunog ang gagamitin ng mga tao sa kanilang
pagsasalita at dahil sa karamihan ay tiyak na hahantong sa hindi
pagkakaunawaan o pagkalagot ng komunikasyon. 

Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Wika ang kanyang ginagamit


sa pagdukal ng karunungan, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang
kapwa. Sa wika ipinahahayag ng tao ang kanyang tuwa, lungkot, takot, galit,
pag-ibig-ang halos lahat-lahat na sa kanyang buhay. 

Mula ito sa aklat nina Austero, C., et al. (2014) 

Ang Ingles ang dominanteng wika na pinagamit ng Amerikano noong


tayo'y kanilang sinakop. Itinuro ang Ingles sa mga paaralang bayan at
itinadhana na kailangang matutunan ng bata sa elementarya, hayskul at
tersarya. Tinuruan ang mga bata ng “reading, writing, phonetics at spelling" 

May mga dibisyon ang mga wika sa Pilipinas. 

 Wika sa Hilaga (Northern Philippine Languages) 

Ang Ilokano, Kapampangan at Pangasinense ay sinasalita sa


Hilaga at Gitnang Luzon. Ang iba pang dayalekto tulad ng Iraya at
Tadyawan sa Mindoro ay kabilang din sa grupong ito. Samantala, ang
wikang Yami na kilala rin sa tawag na "Tao" sa Isla ng Orhidya sa
Taiwan ay kabilang din sa grupong ito. 

 Lenggwaheng Meso 

Ang pamilya ng lenggwaheng ito ang may pinakamalawak na


narating. Sinasalita ito sa Gitnang Luzon, Visayas at ilang parte ng
Mindanao. Ang ilang wikain na sinasalita sa Palawan at Mindoro tulad
ng Tagbanwa, Palawano at Hanunoo ay kabilang sa sab-grupong ito. Ang
pinakamalaking sab-grupo ay ang sentral na Filipinong wika na
kinabibilangan ng Tagalog, Bicol, Bisaya (kabilang ang Cebuano,
Hiligaynon, Waray-Waray at ang Mansakan). Ang Tagalog na
pinakamalawak ang narating ay sinasabing nagmula sa taga-ilog, na
nangangahulugang nakatira sa tabing-ilog. 

 Wika sa Timog 
Ang Maranao, Maguindanao, Manobo at Subanum ay mga wikang
ginagamit sa Mindanao. Marami sa mga wikang ginagamit dito ay may
impluwensya ng Malay, Indones, Sanskrito at Arabic. 

Samantala, ang Tboli at Blaan ay sinasalita sa Katimugang


Mindanao. Sa Silangang Mindanao ginagamit ang Mandaya, Bagobo at
Ata. Ang dayalektong Mansaka ay ginagamit sa Davao. Ginagamit din
ang Bagobo, Clata, Tagabawa at Ubo. Gayon din ang Matigsalog na
kabilang sa sa-grupong Ata. 

 Ang Sama-Bajaw 

Ginagamit sa Sulu Arkipelago at sa ilang parte ng Borneo. 108


Abaknon ay sinasalita sa Isla ng Capul sa Samar. Kabilang din sa mga
lenggwahe rito ang Yakan at Samasa Sulu, Tawi-tawi at Basilan. 

You might also like