Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Ang Dyornal bilang Konseptong Filipino:

Isang Pagmamapa sa mga Kahulugan ng isang Terminong Pang-


Akawntansi
nina Roshan Chelsey Cuartero, Jima Dela Rosa, Jenavere Jade Laurenciano,
Laurence Gerard Recto
(Saliksik Wika sa Filipino I: Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino)

I. Introduksyon
Bilang parte ng pag-aaral ng Accounting, malaking parte ang ginagampanan ng
salitang “Journal” sapagkat ito ang isa sa mga paksa na una naming tinatalakay upang
maging daan para lubusang maintindihan ang aming larangan. Malaki ang gampanin nito
hindi lamang sa aming pag-aaral sa aming kurso, kundi pati na rin sa pag-aaral sa kung
gaano kalawak ang kahulugan nito sa pangkaraniwang buhay ng mga tao. Bukod sa
pamilyar ang karamihan sa terminong ito, maari din itong maging parte ng kani-kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit sino, kahit saan ay maaring magkaroon ng
ganitong bagay. Naniniwala kami na mahalagang talakayin ito sapagkat sa pag-aaral
naming ito, magagamit namin ang salitang “Journal” sa iba’t ibang uri ng transaksiyon,
intelektuwalisasyon at lalong mapagyayaman ang salitang ito sa aming mga pamumuhay.

Pokus ng pag-aaral
Nakatuon ang papel sa pagtatalakay sa salitang “Journal” bilang isang
mahalagang salita sa intelektuwalisasyon ng Filipino sa larangan ng pagtutuos. Bilang
isang larangan na tumatalakay sa iba’t ibang uri ng transaksiyong pinansyal, isa itong
kasangkapan upang maunawaan ang aming pag-aaral. Importanteng maipahayag ang
pag gamit ng salitang ito sa wikang Filipino upang mas lalong mapagyaman at magamit
ang salitang “Journal” sa iba't ibang antas ng komunikasyon, hindi lamang sa industriya
ng negosyo, kundi pati na rin sa iba pang antas ng komunikasyong panlipunan gaya ng
pag-aaral at sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang mga mag-aaral sa kolehiyo ng
Accountancy na nasa unang antas, malaking parte ang pag 'journal' o pagtutuos ng mga
transaksiyon na aming ginagamit sa larangan ng Accounting. Kasama nito, sa parehong
larangan sa pag-aaral, ang pag "journal" din ay ginagamit sa pagpapahayag ng iba't-
ibang pangyayari na maaaring ilathala. Isa na ding dahilan ang pag "journal" ng mga tao
sa kani-kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ang nagpapatunay na madami ang
gamit ng salitang journal kung saan ito ang nagtulak at nagbigay sa amin ng interes upang
gawin ang saliksik wikang ito.

Disenyo at metodo ng pananaliksik

1
Ang disenyo ng aming kalitatibong pag-aaral ay nakatuon sa pagtalakay ng
termino na nagmula sa larangan ng pagtutuos. Upang maisagawa namin ito, kumuha
kami ng mahahalagang impormasyon mula sa iba’t-ibang mga sanggunian tulad ng mga
tekstong akademiko at tekstong lingap upang lubos na maintindihan ang terminong
‘’journal’. Ginamit ang diakroniko at sinkronikong paraan para sa pagsusuring aming
isasagawa. Inilalatag ng pag-aaral ang elaborasyon ng terminong ito sa sa tatlong na
aspekto: istandard na kahulugan, kahulugang pangkasaysayan at mga kahulugan batay
sa mga komunidad pangwika.

II. Elaborasyon ng kahulugan ng mga salita

Sa parteng ito, nais namin ipahayag ang kahulugan ng terminong “journal” upang
magbigay ng dagdag impormasyon sa mga mambabasa. Alinsunod dito, ipapaliwanag
din sa bahaging ito ang elaborasyon sa iba’t-ibang kahulugan ng salitang “journal”.

Ang elaborasyon ng wika ay isang sistematikong parte ng proseso ng pagbabago


at pag-unlad gamit ang wikang Filipino kung saan ang istruktura ng wika sa isang
larangan ay unti-unting nagbabago upang maging estardandisado at modernisado sa
komunidad. Ayon kay Fishman (1974), ang elaborasyon ay tumutukoy sa proseso ng
intelektuwalisasyon ng mga terminolohiya kung saan dito dumidepende ang pagpaplano
ng wika. Kaugnay nito ang paggamit ng salita sa iba’t ibang uri ng transaksiyon. Ang
bawat salita ay nagkakaroon ng mas malawak na bokabularyo at nagiging parte ng
modernisasyon at intelektuwalisasyon na siyang daan upang mapayaman ang kaban.
Bukod dito, ang ating wika ang siyang pangunahing kasangkapan sa komunikasyon ng
daigdig kung saan mayroon itong tinatanong pangangailangan ng mga tao tulad ng
intstrumental at sentimental na pangangailangan (Constantino, 1996). Nagpopokus ang
pag-aaral na ito sa mapanuring paggamit ng isang wika sa isang lipunan, kung saan ang
pagkalap ng mga impormasyon at datos ay kinakailangan upang bumuo ng desisyon
kaugnay sa kung anong wika ang pinaka wasto na gamitin sa isang lipunan (Eastman,
1982). Batay dito, ang wika ay nagsisilbing behikulo upang makisangkot ang mga
mamamayan sa nangyayari sa paligid. Ang mga wika din ay nagbabago ng istruktura sa
pamamagitan ng paglinang at pag-aantas ng mga konsepto sa wikang Filipino at
panghihiram ng salita at pagbuo ng bagong terminolohiya.

Ang bahaging ito ay nahahati sa pagtatalakay ng elaborasyon ng wikang “journal’


sa paghahanay ng istandard na kahulugan ng salita o denotasyon, etimolohiya o
pinagmulan ng salita, mga kahulugan batay sa ibang konteksto, batay sa komunidad
pangwika at kahulugang batay sa kaugnayan nito sa aming larangan.

III. Denotasyon

Tatalakayin sa bahaging ito ang tunay na kahulugan ng salitang ‘’journal’’ mula sa


dalawang sanggunian pang akademiko. Kabilang na dito ang diksyonaryong Ingles,

2
diksyonaryong filipino, dalawang diksiyonaryong bilingguwal at isang salin ng mga
terminolohiya sa Ingles.

1. Diksyunaryong Ingles na Merriam Webster: http://merriam-webster.com

Ayon sa diksiyonaryong Merriam Webster, ang mga sumusunod ay ang


mga malalim at tunay na kahulugan ng salitang journal:

Journal noun
jour·nal | \ ˈjər-nᵊl \

Definition of Journal
1 a: a daily newspaper —usually used in titles
// The Wall Street Journal

b: a periodical dealing especially with matters of current interest


// An academic journal
-- Often used in titles
// The Journal of the American Medical Association

2 a: a record of experiences, ideas, or reflections kept regularly for


private use : DIARY

b: A record of current transactions


especially: a book of original entry in double-entry bookkeeping

c: An account of day-to-day events

d: A record of transactions kept by a deliberative or legislative body.

Batay sa mga nakalahad na kahulugan mula sa diksyonaryong Ingles na Merriam


Webster, binigyang kahulugan ang journal sa unang pahayag kaugnay sa larangan ng
sining, kung saan ito ay isang babasahin na nagbibigay impormasyon o aliw base sa
interes ng mga mambabasa. Ang pangalawang tala naman na may letrang A ay binigyan
kahulugan base sa personal na interes na pribadong pinagmamay-ari ng isang tao.
Habang ang tatlong sumusunod naman ay binigyang kahulugan ito base sa larangan ng
accountancy na konektado sa pag-uulat na iniingatan ng mga legislatibong tauhan sa
konteksto ng (1) kasalukuyang transaksiyon ng mga negosyante at kumpanya, (2)
listahan ng mga araw-araw na kaganapan.

2. UP Sentro ng Wikang Filipino: http://diksiyonaryo.ph

3
Ayon naman sa diksiyonaryo ng UP Sentro ng Wikang Filipino, ibinahagi
nito ang malalim at tunay na kahulugan ng journal.

journal (jór·nal)
png |[ Ing ]

1: peryódikó o mágasín

2: taláarawán

3: Kom sa pangangalakal, ang aklat ng mga arawang transaksiyon.

Halos walang pinagkalayo ang pagpapakahulugan ng UP diksiyonaryo sa Ingles


na diksiyonaryo ng Merriam Webster. Sa unang pahayag, ipinaliwanag ng UP
diksyunaryo ang salitang journal sa larangan ng sining kung saan ang mga peryodiko o
magasin na mga ito ay naglalaman ng mga balita, patalastas at ibang pang-aaliw na
palabas. Habang ang dalawang tala naman ay binigyan kahulugan base sa larangan ng
accountancy, kung saan sa pangalawa at ikatlong pahayag ay mga sulatin na nakasulat
at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw na sumusunod sa porma ng kalendaryo sa
araw-araw na transaksiyon ng mga kumpanya o negosyo.

3. Luciano Gaboy. Gabby Dictionary. Ingles -Filipino:


(http://www.gabbydictionary.com/) Mula naman sa
http://www.gabbydictionary.com/, na isang diksiyonaryong Ingles-Filipino
na tinipon ni Gaboy (2008), ang journal ay may sumusunod kahulugan:

journal (dzer’nal) n. -- talaan, aklat-talaan;

1: talaarawan;

2: peryodiko, dyaryo, pahayagan, babasahin, magasin;

3: goron (Sp.: gorron),

4: munyon (Sp.: muñon), parte ng ehe (axle) na sapo o


sinusuportahan ng bearing ng makinarya;

5: libro, rebista (magasin o babasahin)

Sa diksiyonaryong English-Tagalog namang tinipon ni Gaboy (2008), nagkaroon


ito ng parehas na pagpapakahulugan sa mga naunang diksyunaryo. Nagkaroon ito ng
mga dagdag na pagpapakahulugan sa salitang journal at sinabi na ang ibig sabihin ng
journal ay maaari maging isang talaarawan na pinagsusulatan ng mga pangyayari na

4
nakaayos sa sunod-sunod na araw. Pangalawa, ito ay inihalintulad sa mga peryodiko,
dyaryo o iba’t ibang uri ng babasahin. Pangatlo, nagkaroon ito ng dagdag na kaugnayan
sa salitang “goron” na mula sa salitang Spanish. Panglima, ipinakita ang isa pang
kaugnayan ng journal sa Spanish na salita na “muñon” na ang ibig sabihin ay isang parte
ng ehe na sapo na sinusuportahan ng bearing ng makinarya. At panghuli, ito rin daw ay
isang uri ng babasahin tulad ng libro at rebista.

4. Harold Averkamp. What is a Journal?

A journal is a record of financial transactions in order by date. Traditionally, a journal has


been defined as the book of original entry.

Sa libro ni Harold Averkamp, ang pagpapakahulugan nito ng Journal ay nakatuon


sa larangan pagtutuos kung saan ito ay ginagamit para sa teknikal na mga terminolohiya
kapag may kinalalaman na transaksyon ang isang negosyo. Tinutukoy bilang “book of
original entry” ang journal sa larangan ng pagtutuos.

Maikukumpara ang pagkakaiba nito sa mga naunang pagpapakahulugan ng


journal. Ang mga naunang papapakahulugan ay sinasabi na ang journal ay isang pang-
araw-araw na babasahin, magasin o diyaryo. Ngunit sa pagpapakahulugan ni Harold
Averkamp, sinabi niya na maaari rin ito gamitin bilang isang teknikal na terminolohiya na
tumutukoy sa journal bilang parte ng pagtutuos.

5. Depinisyon Filipino Ingles. Pilipino Ingles Diksiyonaryo:


https://www.depinisyon.com/
Ayon naman sa Tagalog-Ingles Diksiyonaryo
(https://www.depinisyon.com/depinisyon-102058-journal.php), ang mga sumusunod ang
eksaktong pagpapakahulugan sa salitang journal:

Definition of journal
adjective
1: Daily; diurnal.
source: Webster 1913

noun
2: a daily written record of (usually personal) experiences and
observations
source: WordNet 3.0

3: a periodical dedicated to a particular subject


He reads the medical journals.
source: WordNet 3.0

5
4: a ledger in which transactions have been recorded as they occurred
source: WordNet 3.0

5: a record book as a physical object


source: WordNet 3.0

6: the part of the axle contained by a bearing


source: WordNet 3.0

7: A diary; an account of daily transactions and events.


source: Webster 1913

noun
8: [dchérnal] Páhayagang; pang-araw-araw

Ang mga pagpapakahulugang ito mula sa Depinisyon.com ay nalalapit rin sa mga


naunang nabanggit mula sa iba pang pinaggalingan ng aming saliksik. Ang unang
pagpapakahulugang nabanggit ay tumutukoy sa pang-uring dyornal na
nangangahulugang pang-araw-araw. Ang anim namang sumusunod na depinisyon ukol
sa pangalang dyornal ay mga bagay na kumakatawan sa konteksto ng (1) personal na
talaan ng pang-araw-araw na karanasan, (2) dyornal na ginagamit ng mga dalubhasa sa
akademikong larangan, (3) libro na talaan ng mga pinansiyal na transaksiyon, (4) bilang
aklat-talaan, (5) bahagi ng isang ehe, at (6) sariling talaarawan ng mga personal na
transaksiyon at kaganapan. Ang huling depinisyon naman ang Tagalog na katuringan sa
salitang ‘journal’.

IV. Etimolohiya

Layunin ng bahaging ito na ipaliwanag ang detelyadong pinagmulan ng salitang


journal at kung paano nagbago ang anyo at kahulugan nito sa paglipas ng panahon.
Upang lubos na maunawaan ang pagpapaliwanag sa pagbabago ng salitang “journal”,
iilan sa mga reperensiyang ito ang pinagkuhaan ng datos at impormasyon upang
makabuo ng timeline para ipakita ang pag-usbong ng salitang journal: Merriam Webster
Dictionary, Online Etymology Dictionary, Libro ni Podnieks na may pamagat na Daily
Modernism.

1325–75: Ang unang salita na naitala sa taong ito ay ang salitang “Diurnal” na nagmula
sa late latin na ang ibig sabihin ay “Libro na naglalaman ng oras ng pagseserbisyo kada
oras sa isang araw”.

1409-1449: Sa taong ito naman umunlad ang kahulugan ng salitang Journal na kung
saan ito ay nagmula sa salitang “Jurnal” na nanggaling sa salitang Prances na ang ibig

6
sabihin ay “Aklat ng oras ng pagiging aktibo ng simbahan.” Ito rin ang taon kung saan
ang libro na may pamagat na Journal d’un bourgeois de Paris ay tinago ng isang Pranses
na pari mula taong 1409 hanggang taong 1431 na ipinagpatuloy ng isang hindi
pinakilalang pari hanggang 1449. Ang journal na ito ay isa sa mga mahahalagang
mapapagkunan ng kaalaman patungkol sa pinagmulan ng bansang Prances sa unang
kalahati ng ika-15 siglo.

1540: Sa taong ito mas lumawak at nadagdagan ang kahulugan ng salitang journal. Sa
panahon na ito, tinutukoy ang journal bilang pang-araw-araw na tala ng mga
transaksiyong komersyal, na isinusulat habang nangyayari upang mapasaayos ang
pagpapanatili dito ng mga accountant. Ito rin ang taon kung saan sa pangkalahatang
kahulugan ito ay tinaguriang “Day-book”.

1552: Nang humantong ang 1552, dito naiugnay ang salitang journal sa paglalakbay. Ito
ang taon kung saan binigyang kahulugan ang journal bilang isang libro na naglalaman ng
mga paunawa patungkol sa pang-araw-araw na daan ng isang ruta at iba pang mga
impormasyon na maaaring makatutulong sa mga manlalakabay. Bilang pangkalahatan,
umunlad ang kahulugan na ito at tinawag na “Itinerary”.

1565: Sa panahong ito naman minarkahan ang kahulugan ng salitang journal bilang isang
talaan ng mga pampublikong kaganapan o ng mga pampublikong transaksiyon na
isinusulat kada araw o sa sunod-sunod na mga panahon, nang walang talakayan
patungkol sa kasaysayan.

1581-1605: Sa pagitan ng mga taong ito, naihambing ang salitang journal sa kahulugan
ng “diary.” Kung saan ang kahulugan ng journal ay: Pang-araw-araw na tala sa mga
kaganapan at transaksiyon; bilang partikular, ito ay ang pang-araw-araw na tala ng mga
bagay na nakakaapekto sa personal na buhay ng manunulat o mula sa kanyang sariling
obserbasyon.

Ang salitang ito ay unang nagamit sa taong ito kung saan ito ay nakasaad sa liham
na isinulat ni William Fleetwood, nabanggit niya na: “Sa gayon ay buong kababaang-loob
na ipinapadala ko sa iyo Lo, ang mga huling Linggong Diarye” sa kalaunan ang kahulugan
ng mga katagang ito ni William ay lumaganap noong 1605, kabilang ang “Isang aklat na
hinanda para sa pagpapanatili ng pang-araw-araw na tala, o pagkakaroon ng mga
puwang sa mga nakalimbag na petsa para sa pang-araw-araw na listahan na
importanteng ulat o gawin ng mga miyembro sa isang partikular na propesyon, trabaho,
o hangarin.

*Bagama’t higit na binigyang pansin ang paggamit sa salitang dyornal, lalo na sa isang
pampublikong dokumento - ang pagsulat ng dyornal ay higit na mas mahaba, kung saan
ito ay mas pinahaba ng tatlong beses kumpara sa isang diary o talaarawan.

7
1610: Sa taong ito tinukoy ang salitang journal bilang isang partikular na “pribadong”
talaan ng mga kaganapan o mga impormasyon na may kinalaman sa personal na interes
na itinatago ng isang tao, kung saan ang mga talang ito ay ginawa araw-araw, o habang
nangyayari ang mga kaganapan.

1665: Dito naitala ang unang journal sa buong mundo na dedikado sa agham ng
Philosophical Transaction, kung saan ito ay pinamagatang “Parisian Journal des
Sçavans”.

1674 - 1765: Itinala sa taong ito ang sulatin ni Heylin kung saan ang isang talaarawan o
dyornal, ay katulad sa pangalan nito, ito ay naglalaman ng mga gawaing naganap o
ginaganap sa sa araw-araw. Habang noong taong 1765 ay binanggit naman ni T.
Hutchinson na itinabi ni Goffee and kaniyang dyornal o talaarawan.

Kung saan dahil sa mga kalabuang ito, ang salitang dyornal at talaarawan ay
madalas na maipagpalit ng mga manunulat noong unang panahon.

1728: Sa taong ito naman, naihalintulad ang salitang journal sa pahayagan o “isang pang-
araw-araw na dyaryo o anumang pang publikasyon”. Samakatuwid, ito ay ang anumang
pana-panahong publikasyon na naglalaman ng mga balita o pagtutunan na mga bagay
na nasa kasalukuyang interes sa anumang partikular na larangan. Dito nagsimula ang
paglikha nila ng tinatawag na “pampublikong dyornal.”
Bilang isang terminong Ingles, mahalaga na matumbasan sa Filipino ang salitang
“Journal.” Natutummbasan ang salitang journal sa wikang tagalog base sa larangan na
pag gagamitin nito. Ang salitang journal ay tinatawag sa terminong talaarawan kung saan
ito ay isang teknikal na termino na ginagamit sa larang na akwantasi (Castillo n.d).
Habang dyurnal naman ang tawag sa isang arawang tala ng pansariling gawain, mga
repleksyon ng mga nadarama ng tao. (Webster n.d). Gayunpaman, mas nauunawaan ng
mga Filipino ang natatanging kahulugan ng salitang journal base sa larangan na pag
gamitan nito. Kung saan higit nilang mas maiintindihan ang kahulugan nito sa
pamamagitan ng pagpopook o pagmamapa ng mga kahulugan batay sa iba’t - ibang
artefak mula sa mga komunidad pangwikang aktibong gumagamit ng salitang journal.

C. Mga Diskurso ng Iba’t ibang Komunidad Pangwika

Sa bahaging ito tinatalakay ang iba’t ibang kahulugan at kabuluhan ng salitang


journal sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga kahulugan ng salita bilang isang sagisag
na nalikha ng mga partikular na komunidad pangwika na kinakatawan ng iba’t ibang
larang ng karunungan.
Batay sa mga denotasyon at etimolohiya, mayroong apat na pangunahing
komunidad pangwika na nag-aambag sa pagpapakahulugan ng terminong journal:
sining, edukasyon, panitikan at agham at teknolohiya. Ang mga larang na ito ang naging

8
daan para mapalawak ang mga kahulugan ng journal sa dalawang antas: elaborasyon
ng gamit at elaborasyon ng anyo.

1. Elaborasyon ng gamit

Komunidad Pangwika 1: Sining

Sa larang ng Sining, kilala ang dyornal kung saan ito ay isang babasahin na
nagbibigay impormasyon at aliw base sa interes ng mga mambabasa (Merriam-Webster,
n.d.). Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga peryodiko o magasin na naglalaman
ng mga balita, mga patalastas at iba pa na pang-aaliw na mga palabas (Diksiyonaryo,
n.d.).
Ang mga halimbawa na nabanggit tulad ng diyaryo at magasin ay nagbibigay ng
impormasyon na partikular sa industriya at propesyon ng tao. May malaking tulong din
ang mga ito lalo na sa akademikong larang. Kabilang din sa mga ito ay ang mga tinatawag
na “Scientific/Medical Journal” na siyang may malaking ambag sa mga iba’t ibang pag-
aaral ukol sa medisina (Cambridge Dictionary, n.d.).
Isa rin sa tipong journal na gamit sa sining ang mga tinatawag na ‘’Bullet Journal’’.
Ito ay ginagamit ng mga tao bilang panatulong sa kanilang plano sa kanilang pang-araw-
araw ukol sa mga trabaho sa araw na iyon (Shcumer & Garrity, 2019)

Komunidad Pangwika 2: Edukasyon

Sa larang ng edukasyon, tinutukoy ang dyornal bilang isang teknikal na terminolohiya sa


ilalim ng pagtutuos na kung saan ang kahulugan nito ay isang talaan na may kinalalaman sa
transaksyon ng isang negosyo. Ito ay tinutukoy bilang “book of original entry” (Averkamp,
n.d.). Isa ito sa mga importanteng parte ng proseso na ginagamit ng mga taga-tuos.
Layunin nito ang magtala ng pinansyal na transaksyon ng isang negosyo sa paraang
naka-ayos base sa araw na ito’y naganap. Hinahanda ito para sa paglipat ng mga opisyal
na tala ng transaksyon sa tinatawag na “General Ledger” (Chen, 2019).
Kapag naganap ang sinasabing transaksiyon, dito pumapasok ang pagkakaroon
ng pinansyal na transaksyon at ito ay tinatawag bilang “journal entry”. Ang tamang paraan
ng pagdodokumento nito ay pagkakaroon ng tamang petsa, tamang halaga ng bilang ng
ilalagay sa “debit” at “credit”, deskripsyon ng transaksyon at natatanging numero kung
saan ang sanggunian nito (“What Is a Journal Entry in Accounting?”, n.d.).
Maliban sa dyornal na ginagamit sa bawat transaksyon, meron din iba pang uri ng
dyornal na tinatawag na ‘’Cash Book/Cash Journal’’. Dito ay pwede ituring na iisa ang
dyornal pati ang ledger. Ang mga transaksiyon na may kaugnay sa salapi ay tinatala ng
dalawang magkahiwalay na journal. Ito ay tinatawag na “Cash Receipt Journal” at “Cash
Disbursement Journal”. Ang mga ito ay patungkol sa mga pera na ibinabayad o
nababawas sa negosyo ng isang entidad. Ang isa pang halimbawa ay ang tinatawag na

9
‘’Special Journal’’ na kung saan nilalagay lahat ng may malalaking transaksyon kagaya
ng mga benta ng isang negosyo (Fazal, n.d.).

Komunidad Pangwika 3: Panitikan

Sa larangan ng panitikan, ito ang karaniwan na tala ng buhay ng isang indibiduwal


o mas kilala sa tawag na autobiography. Ang maaring laman nito ay ang mga pangyayari
ukol sa karanasan, ideya, repleksyon ng isang indibiduwal. Ito ay karaniwang pribado
(Merriam-Webster, n.d.). Madalas ito ihalintulad sa salitang dayari. Kilala din ito bilang
isang tahimik na kasama, repositoryo ng mga lihim at karanasan sa buhay ng tao at
instrumentong ginagamit sa pag-uusisa o pagkausap sa sarili (Tan, 2011).
Ang ilan sa mga dahilan kung bakit ito pinapanatili ng isang indibiduwal sapagkat
ito ay maaring makatulong sa kanila sa iba’t ibang aspekto. Maari ito maging talaan ng
kanilang kaisipan, mga plano at pati mga ideya. Maari din nila ito maging batayan sa
kanilang mga malikhaing gawain.
Bagama’t personal, ito ay walang sinusunod na anumang pisikal na kaanyuan.
Maari ito isulat ng kahit na sinong tao anuman ang kanilang estado sa buhay. Ito ay
malaya at walang sukat o kailangan na istilo.

Komunidad Pangwika 4: Agham at Teknolohiya

Sa larangan ng agham at teknolohiya, ito ay may kaugnayan sa Spanish na salita


na “muñon” na ang ibig sabihin ay isang parte ng ehe (axle) na sapo na sinusuportahan
ng bearing ng makinarya (Gaboy, n.d.). Ginagamit ang mga ito pang suporta sa mga
malalaking makinaryang umiikot ng mabilis tulad ng mga turbine at compressor dahil sa
kanilang tibay at kapasidad sa pagdadala. (Hashimoto H., 1998)
Ang mga journal bearing na ito ay isa sa mga pinaka-karaniwang uri ng mga
hydrodynamic bearings. Isa sa mga pangunahing layunin nito ay ang pag suporta sa mga
umiikot na baras. Ginagamit din ang mga ito sa iba’t - ibang uri ng ma subsystems mfa
makina, tren at kuryente. Halimbawa nito ay ang pagsuporta sa mga crankshaft o
camshaft. Bukod pa rito, ginagamit din ang mga ito sa mga rocker shaft ng mga balbuba
ng mga sistema ng tren. (Hashimoto H., 1998)
Batay sa mga nabanggit sa itaas, naihahalintulad ang salitang dyornal sa iba’t -
ibang larangan tulad ng sining, edukasyon, panitikan at agham at teknolohiya.
Samakatuwid hindi lamang sa larangan ng pagtutuos nagagamit ang salitang dyornal
kundi mas lumawak pa ang salitang ito at naiugnay sa iba’t - ibang larangan. Ang salitang
dyornal ay kilala bilang isang babasahin na nagbibigay ng mga impormasyon at
inspirasyon tulad ng mga magasin, autobiography, tala ng mga pinansyal na transaksiyon
atbp. Bukod pa rito, kilala rin ito bilang isang materyales na nagbibigay suporta sa
malalaking makinarya. Kaya maaring sabihin na magagamit ang salitang journal sa iba’t

10
ibang antas, salitang journal bilang nagbibigay nagbibigay impormasyon at inspirasyon
at salitang journal bilang isang materyales

2. Elaborasyon ng anyo at kahulugan

Inilahad sa unang apat na pangkat pangwika ang paglawak ng kahulugan ng


salitang journal bilang talaan ng mga balita, pangyayari sa personal na pamumuhay ng
isang tao, at sa mga transaksiyon sa negosyo. Bukod pa rito, sinabi din na ang journal
ay parte ng isang ehe. Sa kabilang banda, ang mga bagong karanasan sa pag-unlad ng
teknolohiya na mayroong malaking parte ngayong panahon ng pandemya ay nagbunga
rin ng bagong mga kahulugan at at wika sa salitang journal. Ito ay sa larang ng Cyber
kung saan nagbago ang gamit at paraan ng pagsulat ng terminong journal.

Komunidad Pangwika 5: Kulturang Cyber

Malaki ang papel ng Kulturang Cyber sa larangan ng karunungan dahil sa


malaking pag-unlad ng information technology o paggamit ng Internet sa buhay ng ating
henerasyon. Alinsunod dito, umusbong din ang salitang “e-journal” o “electric journal” na
kilala bilang isang makabagong pamamaraan upang mabasa ang mga dyornal na
nakalathala sa mga silid aklatan at magkaroon ng integrasyon upang mabasa din ito sa
online. Natagpuan na ang pinakamatandang e-journal ay nagsimula pa noong 1987
(Roes, 1995). Hindi naging matagumpay ang pagkakaroon ng electric journal noong mga
panahong iyon dahil karamihan sa mga mambabasa ay walang sapat na kagamitan
noong mga panahong iyon para makita at magamit ang mga e-journal na ito kaya’t ang
mga manunulat ay walang nakikitang gantimpalang salapi sa paggawa nito (Lancaster,
1995).
Sa kabila nito, madaming magandang dulot ang e-journal sa paglipas ng panahon
dahil mas magkakaroon ng mabilis na proseso ng pang-agham na komunikasyon, ito rin
ay magagamit 24 na oras sa isang araw at 7 araw sa isang linggo, ito ay malaking tulong
din upang hindi na ito ilathala at ilagay sa mga silid-aklatan, at ito ay hindi
nangangailangan ng malaking espasyo dahil walang limitasyon ang espasyo sa Internet
(Bailey, 1995).
Kaugnay din ng terminong e-journal ang terminong “e-books” na tumutukoy naman
sa mga librong nakalathala at makikita online upang mapag-aralan at magamit ng mga
taong nangangailangan nito. Ngayong panahon ng pandemya, madaming electric journal
ang matatagpuan na may kaugnayan sa pandemyang COVID-19 dahil ang mga electric
journal na ito ay mayroong malaking papel sa larangan ng pananaliksik ng mga
mananaliksik.
Ang konseptong ng “e-journal” ay nabuo at gamit na gamit sa panahon natin
ngayon lalo na’t ang mga mag-aaral ay gumagamit ng online learning kaya’t ang mga

11
dyornal sa ibang larang ay mahirap nating magamit ng harap-harapan dahil tayo ay nasa
bahay lamang at tuktok na tuktok sa Internet sa epektong dulot ng pandemya.

Noong nagumpisa ang pagakyat ng pilipinas sa 50th bilang sa Global Innovation


Index galing sa 73rd noong 2017.
Undersecretary Guevara wishes that all HEIs in the country would have access to
electronic scientific journal resource(s),

Guevara said this is in line with DOST’s campaign “R&D – Making Change
Happen” as it allows researchers to gain access to more than 3,000 journals and 25
million research articles across 26 subject areas and citation index database with over 5,
000 publishers and about 76 million articles.

Sa pagbibigay ng access dito sa mga siyentipikong dyornal ay mapapayaman


natin ang kaalaman na makakatulong para sa mananaliksik sa kalakalan at kaunlaran.
Sinasabi ng DOST na kapag ang CHED ay mamuhunan mas lalo mapapataas ang ating
kaalaman gamit sa mga dyornal na ito na makikita sa online.

(Manila Bulletin, 2020)

Inilathala ang Editorial Cartoon na may pamagat na “Ensure a truly safe opening
of classes” noong Mayo 23, 2020 ng Manila Bulletin. Ito ang panahon na mas tumagal
ang epekto ng Coronavirus sa bansa. Dito lubos na naapektuhan ang karamihan ng mga
Pilipino sa iba’t ibang aspekto. Ang Editoryal ay patungkol sa sitwasyon ng mga
estudyante sa edukasyon. Ang virus ay patuloy na kumakalat at bilang paraan ng

12
paninigurado sa proteksiyon sa bawat isa, higit na naapektuhan nito ang pagkakaroon ng
pagkakataon upang makaharap ang mga tao kaya’t ipinatupad ang ilang mga batas ukol
sa “social distancing” .
Bawat taon, alam ng lahat na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kagaya ng
DepEd o Department of Education ay gumagawa ng iba’t ibang preparasyon para sa mga
mag-aaral at mga guro. May mga ilang programa na isinasagawa noon kagaya ng
“Brigada Eskwela” kung saan ang iba’t ibang organisasyon ay sumasali upang makilahok
sa pagtulong sa pagsasaayos ng istruktura ng paaralan at paghanap ng iba’t ibang
kailangan ng paaralan matapos ang mahabang bakasyon.
Ngunit dahil sa hindi inaasahang problema na kinakaharap ng bansa dulot ng
pandemya, maraming bagay ang naapektuhan nito tulad ng pagsasara ng mga
establesimiento at pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Ang mga klase ay patuloy na
ipinagpaliban ngunit sinabi din na hindi hindi to maaring itigil kung kaya’t ang
pagpapatuloy ng pag-aaral ay ipinatupad parin.
Patuloy pa rin na dumadami ang bilang mga kaso na naapektuhan ng Covid-19,
bilang proteksiyon sa mga estudyante, ang paraan na kanilang sinabi ay pagpapatupad
ng “online classes” na lamang. Sinabi ito at ipinatupad habang wala pang lunas at bakuna
ang magagamit.

Komunidad Pangwika 6: Politika at Pamahalaan

Noong Mayo 2018 nagsagawa si Duterte ng malawakang giyera sa publiko


partikular na sa mga media outlet. Kung saan madalas niyang tinatawag ang mga artikulo
ng mga journalist bilang isang “kalokohan” o nagpapalaganap ng mga “Fake news.”
Sariwa na dito ang rappler.com, kung saan ito ang nagiisang digital-born ng bansa.
Maaalala noong Enero, inihayag ng gobyerno na babawiin nito ang lisensya sa
pagpapatakbo ng Rappler Company. (Rappler 2018)

“Since you are a fake news outlet, then I am not surprised that your articles
are also fake.” (Duterte 2018)

Sa kabilang banda, umani ng batikos ang pamahalaan dahil sa ginawang


pagharang sa isang 27-year old reporter sa Malacañang. Dahil sa eksenang ito, gumawa
ng iba’t ibang paraan ang mga ordinaryong mamamayan upang tuligsain ang desisyon
ng pamahalaan laban sa rappler. Makikita ito sa mga isinagawang pagpupulong o
pagpoprotesta ng mga mamamayan.

13
Makikita rin sa Editorial Cartoon na
ito na sumisimbolo sa “Fake news” kung saan nirerepresenta nito ang Pangulo bilang
isang mamamahayag na pinaniniwala ang publiko o mamamayan sa mga maling
impormasyon. Inilathala ito ng Sunstar Philippines noong Hunyo, 2020

(Itumay, 2020)

Inilathala ang Editorial Cartoon na may pamagat na “Mamati ta ni Duterte” sa


Cebuano at “Nakikinig si Duterte” naman na pagsasalin sa Filipino noong Hunyo 14, 2020
sa Sunstar Philippines. Simula noong naging matindi ang epekto ng sakit na Corona Virus
sa bansa ay libo-libong pekeng balita ang kumalat at patuloy na kumakalat patungkol sa
mga plano ng pamahalaan at ni Pangulong Duterte para sa ating bansa kaugnay sa
pandemyang ito na nangyayari sa ating kasalukuyang panahon.
Ipinahayag ng Editorial Cartoon ni Ariel Itumay ang pagsasalita ni Pangulong
Duterte sa mga fake news na ipinapahayag ng mga tao sa pamamagitan ng mga artikulo,

14
mga journal, o kahit mga post sa iba’t ibang bahagi ng social media. Makikita sa
paglalarawang ito ang kapangyarihan na nagagawa ng mga pekeng balita na kumakalat
lalo na sa panahon ngayon. Simula nang nagsimula ang quarantine sa buong bansa ay
naging alerto ang mga mamamayan ng Pilipinas sa mga pahayag ni Pangulong Duterte
kagaya ng pagkakaroon ng espesyal na pansin sa ibang lugar ng bansa kung saan
marami ang kaso ng COVID-19. Ang mga balita at pahayag kagaya nito ay nagmula
mismo sa bibig ng pangulo kaya’t hindi tayo maloloko ng mga pekeng balitang kumakalat
sa iba’t ibang bahagi online.
Ang lahat ng pahayag mula sa Pangulo ay paniguradong sumasalamin sa mga
rekomendasyon mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases
(IATF) na patuloy na sinusubaybayan at pinag-aaralan ang pag-unlad ng COVID-19 na
pandemya sa ating bansa kaya nararapat na tayo ay manatiling responsable at matatag
sa mga panahong ang kalaban natin ay ang sakit na ito na may matinding banta (Itumay,
2020). Sa ngayon, importanteng tayong mga mamamayang Pilipino ay maging maingat
sa mga kumakalat na pekeng balita at sumunod na lamang sa mga alituntuning bigay ng
gobyerno sa atin.

Tignan ang dayagram 1 sa ibaba upang higit na maunawaan ang mga diskursong
nilikha ng iba’t ibang komunidad pangwika:

15
Matatanaw natin sa dayagram blg. 1 ang isang biswal na representasyon ng pag-
unlad ng kahugulan, pag gamit ng salita at mga konteksto at larang ng terminong journal.
Sinisimulan ito sa “Esensiyal na Kahulugan ng Journal” sa larang ng sining (bilang isang
babasahin na nagbibigay impormasyon at aliw base sa interes ng mambabasa),
edukasyon (bilang isang teknikal na terminolohiya sa ilalim ng pagtutuos na kung saan
ito ay talaan na may kinalaman sa transaksiyon ng negosyo), panitikan (bilang isang
karaniwan na tala ng buhay ng isang indibidwal), at agham at teknolohiya (bilang isang
kagamitan na magbibigay suporta sa malalaking makinarya).

16
Sa gitnang bahagi ng concept map ay makikita ang pagbabagong naganap sa
anyo at kahulugan nito sa paglipas ng panahon. Dahil sa pag-unlad sa larangan ng
Teknolohiya at pagkakaroon ng tinatawag na Internet ay nagkaroon ng ilang
pamamaraan ang mga eksperto upang magamit ito at mapadali ang buhay ng mga tao.
Sa kasalukuyang panahon, bago pa man ang panahon ng pandemyang COVID 19 o
Corona Virus ay nagagamit na rin ang salitang ‘e-journal’ sa larang ng online learning sa
mga piling paaralan o sa larang ng pananaliksik. Gayunpaman, mas lalo itong naging
matunog ngayong panahon ng pandemyang ito sa Pilipinas dahil ang lahat ng paaralan
sa bansa ay hinikayat na magkaroon ng online learning ng gobyerno. Dahil dito, ang mga
dyornal na nakalathala ay maaaring magamit ng mga mag-aaral sa kasalukuyang
panahon sa tulong ng mga online library at upang mapakinabangan ito ng nakararami sa
kanilang pag-aaral. Sa pagbibigay ng madaling access sa mananaliksik ay magiging
malaking tulong ito para madagdagan ang kaalaman kaya nang sinabi ng DOST na dapat
ang CHED ay mamuhunan sa mga e-journal para magamit ito sa mga online library.
Bukod pa rito, noong tumindi ang epekto ng sakit ng Corona Virus sa bansa ay tumindi
rin ang pagkalat ng libo-libong pekeng balita. Sa kasalukuyang taon, sa Pilipinas, naging
matindi ang epekto ng pag kalat ng pekeng balita. Noong nag-umpisa ang quarantine sa
buong bansa ay naging alerto ang mga mamamayan ng Pilipinas sa mga pahayag ni
Pangulong Duterte kagaya ng pagkakaroon ng espesyal na pansin sa ibang lugar ng
bansa kung saan marami ang kaso ng COVID-19. Ang mga balita at pahayag kagaya
nito ay nagmula mismo sa bibig ng pangulo kaya’t hindi tayo maloloko ng mga pekeng
balitang kumakalat sa iba’t ibang bahagi online. Sa dulo, tinatanaw ng mga mananaliksik
na lumawig ang kahulugan ng salitang journal bilang “Talinhaga na naipagkakait ang
katotohanan” lalo na kung titiyakin pa ang mga pagpapakahulugang simbolikal mula sa
iba’t ibang teksto.

III. Mga Kahulugang Simbolikal

Hindi tuwiran ang kahulugang simbolikal. Taglay nito ang kontekstuwal na


pagsusuri ng kahulugan ng mga karanasan upang mas maunawaan ito sa malalim at
mas makabuluhang paraan. Kaugnay nito ang konsepto ng pananalingahaga o mga
kahulugang naiiugnay sa iba pang mga simbolo at karanasan depende sa tiyak na
konteksto na maaaring dulot ng mahalagang pangyayari o pagbabagong
pangkasaysayan (LiteraryDevices Editors, 2014).

Sa pagsulat ng papel na ito ay patuloy na kinakaharap ng mga Pilipino at mga tao


sa iba pang parte ng mundo ang Corona Virus o mas kilala bilang COVID-19. Kasabay
nito ang lalong paggamit ng mga mananaliksik at mag-aaral sa salitang e-journal sa mga
panahong ito.

17
Batay sa mga nailatag na elaborasyon ng salita, ilalahad sa bahaging ito kung
bakit matingkad ang pag-iral ng kahulugan ng journal bilang “Talinhaga na naipagkakait
ang katotohanan” kaugnay ng ating kinakaharap ngayon na kung saan mas lumalaganap
ang mga maling impormasyon habang dinaranas natin ang pandemya.

Maiuugnay sa tradisyon ng pagdidiskurso sa lipunan kaugnay ng katotohanan na


naipagkakait sa mga mamamayan. Isang magandang halimbawa dito ay noong unang
panahon kung saan ginagamit ni Rizal ang kaniyang talento sa pagsulat sa mga libro at
gumagamit ng iba’t - ibang karakter upang ipahawatig ang sitwasyon o sakit na
nararanasan ng mga Pilipino. Isa na rito ay ang paglalarawan sa kathang La Filipina sa
libro ng El Filibusterismo ni Rizal. Inilalarawan sa La Filipina ang pamamahayag sa
Pilipinas kung saan ito ay ang state of Filipino press o Journalism. Kung saan ito ay
inilarawan bilang isang matanda o makaluma na. Pisak rin ang isang mata nito kung saan
ipinapahiwatig dito na hindi makatotohanan ang pagbabalita at kung ano lang ang iyong
ibig paksain ang pinapaksa. Bukod pa rito, sumisimbolo ito ng marumi at lugami na
pamamahayag noon.

Sa kasalukuyan, mayroong mga pangunahing estratehiya ang ginagamit upang


malabanan ang pagkalat ng mga pekeng impormasyon. Isa na rito ang pagbibigay ng
pang malawakang kamalayan sa mga mamamayan. Kung saan sa proseso, ang iba’t
ibang karanasang dulot nito ay nagbubunga ng mga simbolikal na kahulugan.

Kilos protesta online

……………………………..

18
Paglubha ng Karamdamang Panlipunan

Sa proseso, nagbabago ang anyo ng terminong journal bilang pagbibigay


impormasyon at inspirasyon patungo sa pagbibigay ng maling impormasyon at
pagkalinlang sa katotohanan. Patuloy din ang pag-iral ng tunggalian sa pagitan ng
pamahalaan at ng mg mamamayan. Dagdag sa militaristikong pagdidisiplina ang
niritasadang “Anti-Terrorism Bill” sa kamara na tinutulan ng mga mamamayan dahil sa
pangambang higit itong makakapag palala ng suliranin sa kalayaan at karapatang
pantao. Kung saan nagsulputan dito ang ang mga kilos-protesta at online rally upang
ihayag ang pagtutol sa pagsasabatas nito. Ito ang pulso ng Basilan Rep. and Deputy
Speaker Mujiv Hataman kaugnay sa pagtutol sa pagsasabatas ng anti-terrorism bill.

Batay sa pahayag na binanggit ni Deputy Speaker Mujiv Hataman, nagbagong-


anyo ang pagpapakahulugan. Hindi na lamang ito tungkol sa pagkakalat ng mga pekeng
impormasyon, kung hindi tumutukoy na ito sa pagsasabatas ng pamahalaan ng isang
patakarang tinatanaw na laban sa kalayaan ng mamayan, at isa na rito ang kalayaan sa
pagpapahayag. Dahil dito, hindi na lalala ang pagkasakit ng Filipino, kung saan
maidadawit na rito ang pagkakait sa atin ng katotohanan.

Batay sa mga nailahad, ang journal bilang isang talinghaga na naipagkakait ang
katotohanan ay nagdulot ng isang kilos protesta o online rally upang ilaban ang kanilang
karapatan na ipahayag ang sarili. Kung saan pulong - pulong na isinasagawa ng mga
mamamayan ang pagpapahayag nila sa pagtutol sa desisyon na ginagawa ng
pamahalaan. Bukod pa rito, sa kadahilanan na sila ay nagpupulong - pulong online
nagkakaroon ng transpormasyon ang mga indibidwal na magkaroon ng lakas na
ipaglaban ang karapatan ng bawat isa. Subalit lumulubha ang sakit bilang isang
karamdamang panlipunan dahil nagpapatuloy ang tunggalin ng pamahalaan at ng
mamamayan. Sa gayon, ito na ang bagong talinghaga ng kasalukuyang karamdaman ng
bansa - talinghaga na naipagkakait ang katotohanan.

19
IV. Konklusyon

Bilang kabuoang paglalagom, masasabing ang terminong journal ay


pananalinghaga na naipagkakait ang katotohanan sa lipunan. Ang isa pang katotohanan
na nagbigyan din ng terminong journal sa kasalukuyan ay ang pagkakatanto na may mga
suliranin pa ring kaakibat ito na lalo pang nagpapahirap sa mga tao. Isa na rito ang
pagpapakalat ng mga maling impormasyon at paglilinlang sa mga mamamayan. Sa papel
na ito, natuklasan ng aming pangkat na ang mga teknikal na salita sa agham ng
akwantansi ay lalong tumungo na sa pagtawid sa talinghaga sa mga usapin o isyung
panlipunan. Journal na nagbibigay impormasyon tungo sa journal na maaaring
maipagkait ang katotohanan dahil sa pagpapakalat ng pekeng impormasyon - na siyang
bunga ng mga diyalogo, argumento ng mamamayan at pamahalaan at iba-iba pang mga
pagpapakahulugan. Tunay na sa pagtawid ng salitang journal sa iba’t ibang aspeto at
iba’t ibang grupo sa lipunan, naging mas maigting ang pag gamit ng salitang ito, mas
naging magulo at komplikado ang kahulugan, at lalo nang nagkaroon ng mga lebel ng
pagpapakuhulugan. Gayon pa man, maihahambing natin ito sa totoong buhay, ang iba’t
ibang interaksyon ng mga karanasan at pakikipag palitan ng mga diskurso sa bawat
indibidwal ang siyang napapabuhay o nagpapamayaman sa bagong pag gamit ay
kahulugan ng mga salita.

Sa konklusyon, nawa’y nagampanan ng papel na ito ang isang saliksik wikang nag-
aambag sa elaborasyon ng Filipino sa larangan ng akwantasi. Kami ay umaasa na magkakaroon
ng makabuluhang ambag ang mga mga naisaliksik namin sa itaas upang magbigay halaga at
inspirasyon sa mga mag-aaral na nasa kursong akwantasi. Upang lubos nilang maunawaan at
maintindihan ang buong larawan ng wika, kung saan ito ang wika ng mundo at wika ng ating
sariling bansa.

V. Dokumentasyon ng Proyekto

A. Mga pinakanagustuhang konsepto ng grupo sa salitang pananaliksik

B. Mga hamon sa paggawa ng saliksik wika ayon sa karanasan ng grupo

Sa aming paggawa ng papel, isa sa mga hamon na aming hinarap ay ang pagsaliksik
tungkol sa etimolohiya ng salitang journal. Naging matrabaho ang parteng ito sapagkat kakaunti
at mula sa iba’t ibang sanggunian nanggaling ang mga impormasyon na aming ilalagay dito. Ang
mga nakuhang impormasyon din ay nasa wikang Ingles at may mga ilang termino na mahirap
isalin kung kaya’t binasa namin ito ng ilang beses at siniguradong wasto ang aming pagsasalin.
Alam namin na ang ganitong klaseng proyekto ay nararapat na maingat gawin at hindi dapat
madaliin. Kaya sa panahon na ibinigay ng guro saamin, sinigurado namin na hindi namin

20
aaksayahin ang oras at ilalaan namin ito upang magkaroon ng malalim na pag-unawa at
pagninilay sa salitang aming pinagtatrabahuhan. Sa pagkonsulta namin sa aming guro, ang
komento saamin ay nakatulong upang mabatid namin ang mga dapat baguhin at ayusin.
Binanggit na nasa tamang daloy naman ang aming papel ngunit dapat pagtuunan namin ng
pansin ang iba’t ibang gramatika namin. Naging hamon ito saamin sapagkat dapat namin pag-
aralan pa ang iba’t ibang paraan ng tamang paggamit ng mga salita.

C. Mga kasanayang natutuhan at nalinang

Bilang mga mananaliksik ng salitang hindi katutubo sa atin, nalinang sa amin ang pagiging
mas matiyaga sa pagkalap ng impormasyon dahil hindi namin basta-basta nakuha ang mga
impormasyon na aming kakailanganin. Kailangan namin magkaroon ng ‘mata’ upang humanap
ng maaring ilagay na impormasyon sa aming papel. Ang pag-usisa namin sa aming salita ay
nakatulong upang magkaroon kami ng mas malawak na kaalaman hindi lamang sa aming larang
kundi pati na rin sa kahulugan nito sa iba’t ibang aspekto ng ating mga pamumuhay. Mas nalinang
ang aming kasanayan sa pagsalin sapagkat ang bawat impormasyon na aming nakakaalap ay
nasa wikang Ingles at nararapat na ito’y maisalin ng buo at malinaw. Hindi lang din namin ito
basta isinalin, kundi nagbigay din kami ng mga paliwanag at paglalagom sa bawat parte, kaya
masasabi din na nakatulong ito upang linangin ang aming kritikal na pag-iisip. Hindi lang sa
teknikal na aspekto kami natuto dahil sa bawat impormasyon na aming nakukuha, nakakatulong
din ito upang magkaroon kami ng malalim na pagpapakahulugan sa aming tampok na salita.

D. Mga rekomendasyon para sa susunod na pag-aaral

Sa salitang aming pinili na may kaugnayan sa aming larang, tiyak na makikita ang
importansya nito sa aming pag-aaral. Labis na ginagamit ang salitang ito hindi lang sa aming
paaralan kundi pati na din sa labas ng aming paaralan. Hinding hindi mawawala ang salitang ito
sa ating pang-araw-araw na gawain dahil alam ng karamihan kung gaano pinapahalagahan ang
pagtutuos sa iba’t ibang aspekto ng ating mga pamumuhay. Dahil diyan, tiyak na mas
madadaragdagan pa ang paggamit, pagdalumat at pagpapakahulugan ng mga tao sa salitang
journal sa paglipas ng mga araw.
Isang rekomendasyon din ang tingnan din ang mga pagpapakahulugan ng salitang journal
sa iba’t ibang kultura sa ibang panig ng daigdig. Sa papel na ito naman kasi ay may tuon lamang
ito sa lipunang Pilipino kung kaya’t hindi na ipinabilang ng mga mananaliksik ang mga talakay
panlipunan o pangkultura mula sa ibang bansa, maliban na lang sa unang bahagi ng papel kung
saan tinalakay ang mga kahulugang pandiksiyonaryo at etimolohiya ng salitang journal na dapat
lang namang masaliksik mula sa labas dahil hindi naman katutubong salita sa atin ang journal.

V. Mga Sanggunian

Averkamp, H. (n.d.). What is a journal? Retrieved September 14, 2020, from


https://www.accountingcoach.com/blog/what-is-a-

21
journal?fbclid=IwAR1R78JqqkUpZ6yTOuZCe8LiReLddg2YShxdcL6pGQY6r3eY
PDQtMffu55I

Bailey, Charles W., Jr., Network-Based Electronic Publishing of Scholarly Works: A


Selective Bibliography, The Public-Access Computer Systems Review, 6(1),
1995, pp. 5 - 21
URL:http://info.lib.uh.edu/pr/v6/n1/bail6n1.html

Baromn, J. (2014, July 12). Pagpaplanong Pangwika, Elaborasyon, at


Intelektwalisasyon. Retrieved from
https://prezi.com/2wygmgcmdbqw/pagpaplanong-pangwika-elaborasyon-at-
intelektwalisasyon/

Cambridge Dictionary. (2020, September 30). Retrieved from


https://dictionary.cambridge.org/dictionary/english/journal

Chen, J. (2020, August 28). Journal. Retrieved from


https://www.investopedia.com/terms/j/journal.asp

Damicog, J. (2020, September 04). 'Invest in electronic journal resources,' DOST urges
CHED. Retrieved September 30, 2020, from
https://mb.com.ph/2020/09/04/invest-in-electronic-journal-resources-dost-urges-
ched/

Ensure a truly safe opening of classes. (2020, July 23). Retrieved from
https://mb.com.ph/2020/05/23/ensure-a-truly-safe-opening-of-classes/

Fazal, H. (2014, March 16). What is journal and how many types of journals are in
accounting? Retrieved from https://pakaccountants.com/journal-types-of-
journals-in-accounting/

Gaboy, L. (2008). Gabby’s Practical English-Tagalog Dictionary. Retrieved from


http://www.gabbydictionary.com/
Itumay, A. (2020, June 14). Editoryal: Mamati ta ni Duterte. Retrieved September 30,
2020, from https://www.sunstar.com.ph/ampArticle/1860107

Journal. (n.d.). In Merriam Webster Dictionary. Retrieved from https://www.merriam-


webster.com/dictionary/journal#h2

Journal. (n.d.). In Online Etymology Dictionary. Retrieved from


https://www.etymonline.com/word/journal#etymonline_v_6512

22
Journal d’un bourgeois de Paris. (n.d.). In Wikipedia. Retrieved September 14, 2020,
from https://fr.wikipedia.org/wiki/Journal_d%27un_bourgeois_de_Paris

Lancaster, F.W., The Evolution of Electronic Publishing, Library Trends, 43(4), 1995a,
pp. 518 - 527

Norman, J. (n.d.) Journal des sçavans


https://www.historyofinformation.com/detail.php?entryid=2661

Oldenberg, H. (1665) History of Philisophical Transactions


https://royalsociety.org/journals/publishing-activities/publishing350/history-
philosophical-
transactions/#:~:text=Philosophical%20Transactions%20is%20the%20world's,act
ed%20as%20publisher%20and%20editor.&text=The%20journal%20appeared%2
0monthly%2C%20selling%20for%20one%20shilling.

Peter, R. (n.d.). Journal Bearings. Retrieved from


https://www.sciencedirect.com/topics/engineering/journal-bearings

Podnieks, E. (1964). Daily Modernism: The Literary Diaries of Virginia Wolf, Antonia
White, Elizabeth Smart, and Anais Nin. Retrieved from
https://books.google.com.ph/books?id=oUrFopFy_rQC&printsec=frontcover#v=o
nepage&q&f=false

Roes, H. (1996). Electronic Journals: A Short History and Recent Developments.


Retrieved September 29, 2020, from https://oitio.eu/publications/ej_1996.html

Roes, Hans, Electronic Journals: a survey of the literature and the net, Journal of
Information Networking, 2(3), 1995, pp. 169 - 186
URL:http://pi1103.kub.nl:2080/hanshome/articles/ej_join.htm

Tan, C. (2011, February 28). Komposisyong personal. Retrieved from


https://www.slideshare.net/xiaoxiaocamster/komposisyong-personal

The Editors of Encyclopedia Britannica. (n.d.). Diary (Literature). Retrieved from


https://www.britannica.com/art/diary-literature

23
What Is a Journal Entry in Accounting? (2020, July 20). Retrieved from
https://www.freshbooks.com/hub/accounting/journal-entry

24

You might also like