Layunin NG Mga Kastila Sa Kanilang Pananakop Sa Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pananakop ng mga Espanyol

Ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ay isa sa pinakamahirap na


pananakop na naranasan ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang
mananakop. Ang mga Pilipino ay ginawang mga alipin sa sariling bayan at
hindi pinatikim ng kaginhawaan mula sa sarili nitong likas na kayamanan.
Tunay ngang nakalulungkot ang pinagdaaanan ng mga Pilipino sa kamay ng
mga Kastila, inalisan sila ng karapatan at kalayaan sa sariling bayan.
Ang pananakop ng mga Kastila ay masasabing panahon ng pagmamalabis
at kalupitan. Sa loob ng mahigit labing-pitong dekada ay nagtiis, nakipaglaban
at nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino upang makawala at
makaligtas sa mga pang-aapi at makamit ang kasarinlan at kalayaang
hinahangad at pinapangarap.
Layunin ng mga Kastila sa kanilang Pananakop sa Pilipinas  

 Ang mga Kastila ay may misyong manakop ng mga lupain sa daigdig at


isa na rito ay ang hangaring masakop ang Pilipinas.  
 Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas upang makatuklas ng mga ruta
patungong Silangan.  
 Isa rin itong bahagi ng pagkakatuklas ng mga lupain noong ika-15
hanggang ika-16 na siglo.  
 Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas dahil sa pampulitikang hangarin.  
 Isa sa pinakang dahilan ng mga Kastila sa pananakop ng Pilipinas ay
upang maipalaganap sa bansa ang relihiyong Kristiyanismo.  

Ang tatlong pinakanglayunin ng mga Kastila sa kanilang pananakop sa


Pilipinas na tinatawag na 3G's:  

1. God (Kristiyanismo)  
2. Gold (Kayamanan)  
3. Glory (Karangalan)  

God o Kristiyanismo

 Bahagi ng misyon ng mga Kastila sa pananakop ng mga lupain ay ang


mas malawak na maipalaganap ang Katolisismo.  
Gold o Kayamanan  

 Itinuturing ng mga Kastila na kayamanan ang mga lupaing kanilang


masasakop sapagkat kanilang mapakikinabangan ang mga yamang tao at
yamang likas nito.  

Glory o Karangalan  

 Itinuturing ng mga Kastila na isang karangalan ng mga mananakop na


bansa ang pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop na lupain.  
 Sa panahon ng Kastila isa sa mga nabigyang tuon ay ang paksa ng mga akdang
panitikan sa panahon ng pananakop. Isa sa mga paksa ay ang katiwalian ng mga
Kastila sa pamamahala sa bansang Pilipinas. Binigyang diin ito ni Dr. Jose Rizal
sa kanyang mga isinulat na akdang pampanitikan. Ang kanyang isinulat na
dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay iilan lamang sa mga
aklat na nagtulak sa mga Pilipino upang magkaroon ng himagsikan laban sa mga
Kastila. Ang orihinal na pamagat ng Noli Me Tangere sa Ingles ay “The Social
Cancer” ngunit kinalaunan binigyang batayan ang pamagat sa wikang Latin.Ang
naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang nobelang
“Uncle Tom’s Cabin” ni Harriet Beecher Stowe. Ang pamagat na “Noli Me
Tangere” ay nagmula sa Latin na kinuha ni Rizal sa Bibliya na nangangahulugang
“Huwag Mo Akong Salingin o Hawakan” o sa Ingles ay “Touch Me Not”. Sa Juan
20:17 Ang Salita ng Diyos
 “Sinabi ni Jesus sa kaniya: Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako
nakakaakyat sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila
na ako ay papaitaas sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong
Diyos.”
 Ang isa pang sinulat ni Rizal ay ang karugtong ng nobela na El Filibusterismo na
inialay niya sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos at Zamora. Ayon sa
kanya lingid pa sa kaalaman ng mga Pilipino ang kahulugan ng Filibusterismo
hanggang sa masaksihan ang pagbitay ng tatlong pari. Ang kahulugan ng El
Filibusterismo sa Wikang Filipino ay “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Tumutukoy
ito sa mga namamahala sa bansang Pilipinas. Kung ang Noli ay nagpagising sa
diwa at damdamin ng mga Pilipino, ang El Filibusterismo naman ang pumukaw
kay Andres Bonifacio at sa Katipunan.
 Ilan pa sa mga naging paksa sa panitikan ay tungkol sa relihiyon. Ginamit ng mga
Kastila ang relihiyong Kristiyanismo upang tuluyang masakop ang bansang
Pilipinas. Marami ang nailimbag na aklat patungkol sa relihiyon at isa na rito ang
Doctrina Christiana. Ito ang aklat naglalaman ng mga karunungan tungkol sa
Kristiyanismo.Isinulat ito ni Fray Juan de Plasencia. Maging sa mga paaralan ang
itinuturo ng mga prayle ay ang relihiyon. Hanggang sa ngayon dahil sa mga aral
ng mga Kastila ay nanatili sa mga Pilipino ang pagiging relihiyoso. Karamihan sa
populasyon ng bansa ay Kristiyano.
 Dahil sa mga akdang tumatalakay sa relihiyon sa panahon ng Kastila, ang mga
Pilipino ay nagkaroon ng paniniwala. Isa na rito ang “indulhensiya plenarya”.Sa
aklat ni Jose Rizal na Noli Me Tangere sa ikalabingwalong kabanata ay malinaw
na inilarawan ang Indulgencia plenaria o indulhensya plenarya. Ito ay
nangangahulugang dasal o sakripisyong nagpapababa sa parusang ipinataw sa
naghihirap na kaluluwa sa purgatoryo.
 Ang mga Kastila ay tunay na matalino sa kanilang pananakop lalong-lalo na sa
pagpapalaganap ng mga akdang panitikan. Dahil bago pa man nanakop ang mga
dayuhan ay mayroon na itong sariling pag-unlad ng panitikan, subalit nang
dumating ang mga Kastila pinag-aralan nila ito at sinunog sa pag-aakalang gawa
ito ng mga demonyo. Ito rin ang naging dahilan kaya walang orihinal na piyesang
mula sa mga sinaunang Pilipino ang naibahagi sa kasalukuyang panahon.
 Sa loob ng 333 na taong pananakop ay nakapaglimbag ng napakaraming akdang
pampanitikan. Magpasahanggang ngayon ay napag-aaralan ang mga ito ng mga
mag-aaral at siyang nagiging daan upang maalala ang mga mapapait na karansan
at pagbangon ng bansang Pilipinas. Gayunpaman, may magandang itong dulot sa
larangan ng panitikan sa bansa.

You might also like