Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Sistemang Pang-Ekonomiya

1
Aralin

1 Sistemang Pang-Ekonomiya

Modyul 4: Ikaapat na Linggo

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay

Pamantayang Pangkasanayan:

Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang- araw-araw na
pamumuhay

Kakayahan:

Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya

Pambungad:

Ano kaya ang mangyayari sa lipunan na may iba’t ibang kagustuhan at


pangangailangan na hindi matutugunan ang mga ito dahil sa kakulangan ng mga
pinagkukunang-yaman? May mekanismo bang dapat gamitin para matugunan at
wastong maibahagi ang sapat na pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo?

Ating pag-aralan ngayon kung ano ang maaring maging solusyon para matugunan
at wastong maibahagi ang sapat na pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo
sa mekanismong Alokasyon at ang kaugnayan nito sa Sistemang Pang-Ekonomiya.

2
Subukin

Panimulang Pagtataya

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Aling bansa ang hindi nagtataguyod ng sistemang Command Economy?


A. China B. France C. Iran D. North Korea

2. Itinataguyod sa bansang ito ang Mixed Economy bilang sistemang pang-


ekonomiya.
A. Canada C. Singapore
B. Hong Kong D. United States of America

3. Siya ay isang ekonomista at pilosopong Aleman na tinaguriang Ama ng


Komunismo.
A. Benito Mussolini C. Karl Marx
B. Friedrich Engels D. Vladimir Lenin

4. Alin sa mga sumusunod na Sistemang Pang-Ekonomiya ang hindi kabilang sa


Market Economy?
A. Kapitalismo C. Piyudalismo
B. Merkantilismo D. Sosyalismo

5. Ito ay mayroong free market system o free enterprise o kalayaang mamili ng


ninanais na produkto.
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy

6. Sa sistemang ito, ang pagpapasyang ekonomiya ay hindi lamang nakatuon sa


iisang bahagi ng pamilihan.
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy

7. Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng


pinagkukunang-yaman ng bansa.
A. Alokasyon B. Kakapusan C. Pagkonsumo D. Produksiyon

8. Ang mga sumusunod ay mga bansang nagtataguyod sa Tradisyonal na


ekonomiya. Alin sa mga sumunod ang HINDI kabilang dito?
A. Bhutan B. Greenland C. Singapore D. Yemen

3
9. Sa sistemang ito, ang mga suliraning pang-ekonomiya ay sinasagot sa
pamamagitan ng mga tradisyon, paniniwala, kagawian at patakaran ng
lipunan.
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy

10. Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang


maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng
pinagkukunang-yaman.
A. Sistemang Pang-Edukasyon C. Sistemang Pampamilya
B. Sistemang Pang-Ekonomiya D. Sistemang Panlipunan

11. Ikaw ay kabilang sa sistemang Market economy. Paano mo


maisakatuparan ang mga sagot sa apat na katanungang pang-
ekonomiko?
A. Nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan
B. Pinaghalong kontrol ng pamahalaan at malayang pagkilos ng pamilihan
C. Sa pamamagitan ng pwersa ng pamilihan o interaksiyon ng konsyumer
at prodyuser
D. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng mga tao

12. Sa ilalim ng Mixed Economy, paano maisakatuparan ang mga sagot sa apat
na katanungang pang-ekonomiko?
A. Nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan
B. Pinaghalong kontrol ng pamahalaan at malayang pagkilos ng pamilihan
C. Sa pamamagitan ng pwersa ng pamilihan o interaksiyon ng konsyumer
at prodyuser
D. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng mga tao

13. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod


ang hindi nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam
ng pamahalaan
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang- yaman
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang
pamahalaan sa ilang gawain

14. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Mixed Economy, alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano
B. Malaya kang kumikilos ayon sa iyong kinagawian, gampanin at kultura.
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang- yaman
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang
pamahalaan sa ilang Gawain

4
15. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung
ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyonal na ekonomiya?
A. Wala, sapagkat iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa
utos ng pamahalaan batay sa plano
B. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang
hindi pinapakialaman ng pamahalaan
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa
mga pinagkukunang-yaman
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin
sa ilang mga Gawain

Alamin

Sa ating pag-aaral ng Ekonomiks, ating nalaman ang kahulugan at kahalagahan


nito. Ngunit, kinakailangan din nating alamin at pag-aralan ang iba’t ibang
Sistemang Pang-Ekonomiya, suriin ang mga bansang nagtataguyod sa partikular na
Sistema at kung ano ang pinakamagandang Sistemang Pang-ekonomiya na maaring
sundin ng isang bansa.

Ang modyul na ito ay naglalayong maipamalas mo bilang mag-aaral ang iyong pag-
unawa sa mga pangunahing konsepto partikular na ang mga Sistemang Pang-
Ekonomiya bilang sagot sa kakapusan at bilang mekanismong gagamitin para sa
maayos na Alokasyon sa pinagkukunang yaman. Layunin din nitong maisasabuhay
mo ang mga natutunang konsepto bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon at
para maging isang maunlad na mamamayan.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na iyong;


a. nasusuri at naihahambing ang iba’t-ibang sistemang pang ekonomiya bilang
mekanismo ng alokasyon;
b. napahahalagahan ang mga konseptong natutunan bilang batayan sa matalino at
maunlad na pamumuhay;
c. nakabubuo ng isang karikatura na nagpapakita sa katangian ng iba’t ibang uri ng
sistemang pang-ekonomiya.

5
Balikan

Ating napag-aralan sa nakaraang aralin ang konsepto, kahulugan at kahalagahan


sa pag-aaral ng Ekonomiks lalo na sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Nalalaman natin na ang Ekonomiks ay nakatuon sa pagtugon sa hamong dulot ng
kakapusan sa pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Mahalaga na ating isaalang-alang ang paggawa ng matalinong
desisyon sa pamamagitan ng pagsusuri. Balikan muna natin ang nakaraang mga
konsepto kung talaga bang inyong naintindihan ang Aralin.

Gawain 3.1 Dugtung-dugtungan, Parirala ay Buuin


Dugtungan ang bawat pahayag.

1. Ang Paggasta ay .
2. Kailangan ang wastong pamamahala para sa .

3. Sa paggawa ng desisyon, kailangang bigyang diin ang iyong pangangailangan


kaysa sa iyong kagustuhan sapagkat
.

4. Malaki ang ugnayan ng ekonomiks sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil


.

5. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat .

Tuklasin at Suriin

Gawain 3.2 Hanap, Salita


Isulat sa sagutang papel ang mga salitang makikita sa kahon at bigyan ng
kahulugan.

1. Alokasyon 6. Kagustuhan
2. Tradisyunal 7. Market
3. Lipunan 8. Command
4. Pangangailangan 9. Sistema
5. Mixed 10.Ekonomiya

6
T A Y I M O N O K E N S U R E
R E W B A L I T A N I J E C L
A Y M O S A K A L S M K C E I
D U I A G L U W T D O A Q B P
I G X B R O Y E X N C G O U U
S T E S Q K M R O A O U N C N
Y O D C P A E M X M V S R I A
O Z A B H S I T O M I T E T N
N P I N B Y V E T O D U Y P B
A K T O A O Q U E C E H B U A
L M A P C N C O U R T A O T G
P A N G A N G A I L A N G A N

Alokasyon

Matapos mong gawin ang Gawain na nasa itaas, kailangan malaman natin ag
mahalagang ideya o konsepto ng alokasyon. Inaasahan na magagabayan ka sa
inihahandang teksto upang masagot ang katanungan kung bakit kailangan ang
mekanismo ng alokasyon ng pinagkukunang yaman sa iba’t ibang sistemang pang-
ekonomiya. Tara na, pag-aralan natin!

Dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao, at limitado


lamang ang mga pinagkukunang yaman, kinakailangan ng lipunan na gumawa ng
tamang desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga pinagkukunang
yaman upang matugunan at bigyang solusyon ang nagtutunggaliang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo ay
tinatawag na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na
maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang
paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.
Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-
yaman, dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang
ekonomiko: 1. Ano ang gagawin; 2. Paano gagawin; 3 Para kanino ang gagawin at;
4. Gaano karami ang gagawin.
(Hango sa Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas.)

Gawain 3.3 May Tanong ka ba?


Punan ang kahon sa kaliwa ng apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko
batay sa mga ibinigay na halimbawa sa kanang bahagi nito. Isulat sa inyong
sagutang papel.

Palay, mais, cellphone o computer

1
Tradisyonal na paraan o paggamit ng
teknolohiya
Mamamayan sa loob o labas ng bansa

500 kilong bigas o 200 metrong tela

Mga Sistemang Pang-ekonomiya

Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan


at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang
ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang
lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan
sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga
pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito ay sumasaklaw sa mga istruktura, institusyon
at mekanismo na batayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksiyon upang
sagutin ang mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya.

Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan


ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at
serbisyo. Ating alalahanin ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko
dahil ang mga sistemang pang ekonomiya ay sumasagot nito. Walang perpektong
sistema na angkop sa isang bansa, kaya ito ay maaaring baguhin ayon sa
pangangailangan ng ekonomiya.

Table 1. Talahanayan sa mga Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya at mga


Halimbawang Bans ana Nagtataguyod nito

Uri Katangian Bansang


Nagtaguyod

Tradisyonal Ang ganitong uri ng ekonomiya ay sinasagot ang mga Brazil


na suliraning pang-ekonomiya sa pamamagitan ng mga
Ekonomiya tradisyon, paniniwala, kagawian at patakaran ng Haiti
lipunan. Ang bawat tao sa ekonomiyang ito ay batid
agn kanyang gampanin at tungkulin sa lipunan, Yemen
ngunit wala silang Karapatan na magdesisyon sa mga
uri ng produkto at serbisyo na gusto nilang matamo.
Bhutan
Ang lipunan ang nagdedesisyon sa mga produkto
at serbisyo na gagawin at ipamamahagi batay sa Canada
kanilang tradisyon at kinagawian.
Nangangahulugan ang pagsagot sa mga Greenland
suliraning pang-ekonomiya ay
naiimpluwensiyahan ng kanilang paniniwala at
kaugalian.
Sa sistemang ito, ang pagdedesisyon sa pagsagot
Market na sa mga suliraning ano, paano, at para kanino Australia
Ekonomiya ang gagaawin ay isinasagawa ng indibidwal at
pribadong sektor. Ang bawat kalahok - Canada
konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod

2
sa kanilang pansariling interes na makakuha ng
malaking pakinabang. Ang market economy ay Estonia
nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng
kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng Hong Kong
presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano Ireland
karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
gaano rin karami ang malilikhang produkto at New Zealand
serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang
dami ng produkto na nais ibenta ng mga Singapore
prodyuser ay may katumbas na dami ng
produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Switzerland
Ang market o pamilihan ay nagpapakita ng
United Arab
organisadong transaksyon ng mamimili at
Emirates
nagbibili.
Ang tungkulin ng pamahalaan ay ang pagbibigay
United Kingdom
ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring
pampribado, kabilang ang mga batas na
mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at
kontrata sa pinapasukan ng mga pribadong
indibidwal..
Sa uri ng sistemang ito, ang ekonomiya ay nasa
Command ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon Belarus
na ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinusunod
Ekonomiya sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng China
ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya, ng pamahalaan. Cuba
Katunayan, ang pagpapasiya ukol sa mga
gawaing pang-ekonomiya ay isinasagawa ng Iran
estado at inaasahan na ang mga mamamayan ay
susunod sa mga naging desisyon. Ang estado ang Libya
may responsibilidad sa pagsagot sa mga
North Korea
suliraning pang-ekonomiya.

Mixed na Ang mixed economy ay isang sistema na France


Ekonomiya kinapapalooban ng elemento ng market economy
at command economy. Sa ilalim nito, binabalanse China
ang pagkontrol at kalayaan ng pamahalaan at
mamamayan. Binibigyan ng proteksiyon ng Sweden
pamahalaan ang pribadong pagmamay-ari ng tao
kaalinsabay ng pakikialam sa kaganapan sa Iceland
pamilihan upang matiyak na ang layuning pang-
ekonomiya ay matatamo United Kingdom

United States of
America

Russia

3
Table 2. Mga Sistema na kabilang sa Command Economy at ang mga
nagtatag/pinuno nito
KOMUNISMO PASISMO

Friedrich Engels Benito Mussolini


(1820-1895) (1883-1945)
German Social Italian Political
Scientist Leader
Fascist Dictator of
Italy

Karl Marx Adolf Hitler


(1818-1883) (1889-1945)
German German Politician
Father of Modern Leader Nazi Party
Communism &
Founder

Vladimir Lenin
(1870-1924)
Russian Politician
Communist
Theorist

Mao Zedong
(1893-1976)
Chinese
Founding Father
of People’s
Republic of China

Isaisip

Gawain 3.4 Tanong ‘to, Sagutin Mo!


Basahing Mabuti at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

4
1. Anu-ano ang iba’t ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya?

2. Paano nagkakaiba ang bawat isa?


3. Bakit kailangan ng isang bansa ang sistemang pang-ekonomiya?
4. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang mapapanatili ang
sistemang sinusunod ng iyong bansa? Pangatwiranin
.

Gawain 3.5 Usap Tayo!


Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.

Ano ba ang Paano mo


katangian ng ilalarawan ang
tradisyonal na market economy?
ekonomiya?

Sa command Bakit kaya


economy, sino ito tinawag
ang nagpaplano na mixed
ng ekonomiya? economy?

Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa usapan ng mga tauhan, anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral


sa Pilipinas?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang-ekonomiya na
paiiralin sa ating bansa, anong sistema ang iyong pipiliin? Bakit?

5
Isagawa

Gawain 3.6 Sistema Ikamo!


Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat larawan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Command Economy Mixed Economy

Market Economy Traditional Economy

A. C.

B. D.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?
2. Sa iyong palagay, bakit kailangan ng isang bansa ang isang sistema sa
pagpapatakbo nito?

6
Pagyamanin

Gawain 3.7 Analohiya


Punan ang patlang upang mabuo ang paghahambing. Isulat ang tamang sagot sa
inyong sagutang papel.
1. Tradisyonal: kagawian ng lipunan; Command:

2. Adam Smith: Ama ng Makabagong Ekonomiks; Karl Marx:

3. Kapitalismo: desentralisado; Komunismo:


4. Mao Zedong: China; Vladimir Lenin:

5. Pribadong Sektor: Kapitalismo; Diktador:

Tayahin

A. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Siya ay isang tanyag na lider ng mga Nazi.


A. Adolf Hitler C. Karl Marx
B. Friedrich Engels D. Vladimir Lenin

2. Siya ang nagpasimuno ng Pasismo sa kanyang bansa.


A. Adolf Hitler C. Karl Marx
B. Benito Mussolini D. Vladimir Lenin

3. Itinataguyod sa bansang ito ang Mixed Economy bilang sistemang pang-


ekonomiya.
A. Canada C. Singapore
B. Hong Kong D. United States of America

4. Alin sa mga sumusunod na Sistemang Pang-Ekonomiya ang hindi


kabilang sa Market Economy?
A. Kapitalismo B. Merkantilismo C. Piyudalismo D. Sosyalismo

7
5. Itinataguyod sa sistemang ito ang free market system o free enterprise o
kalayaang mamili ng ninanais na produkto.
A, Command Economy C. Market Economy
B. Traditional Economy D. Mixed Economy

6. Sa sistemang ito, ang mga pangunahing gawain o industriya at ang gamit sa


produksiyon ay pag-aari ng pamahalaan.
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy

7. Ang ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at


magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa.
A. Alokasyon B. Kakapusan C. Pagkonsumo D. Produksiyon

8. Ang mga sumusunod ay mga bansang nagtataguyod sa Tradisyonal na


ekonomiya. Alin sa mga sumunod ang HINDI kabilang dito?
A. Bhutan B. Greenland C. Singapore D. Yemen

9. Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang


maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng
pinagkukunang-yaman.
A. Sistemang Pang-Edukasyon C. Sistemang Pampamilya
B. Sistemang Pang-Ekonomiya D. Sistemang Panlipunan

10. Sa ilalim ng mixed economy, paano maisakatuparan ang mga sagot sa apat
na katanungang pang-ekonomiko?
A. Nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan
B. Pinaghalong kontrol ng pamahalaan at malayang pagkilos ng pamilihan
C. Sa pamamagitan ng pwersa ng pamilihan o interaksiyon ng konsyumer
at prodyuser
D. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng mga tao

11. Isa sa mga batayan ng Market Economy ay ang mga sumusunod maliban sa
A. Ang lilikhaing produkto ay umiikot lamang sa pangunahing
pangangailangan.
B. Ang pagpapasyag ekonomiya ay hindi lamang nakatuon sa iisang bahagi
ng pamilihan
C. Ang produksyon at distribusyon ng mga produkto at serbisyo ay
nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan
D. Nagpapahintulot sa pribadong pag-aari ng kapital

12. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod


ang hindi nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam
ng pamahalaan
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang- yaman
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang
pamahalaan sa ilang gawain

8
13. Ikaw ay kabilang sa sistemang Market economy. Paano mo maisakatuparan
ang mga sagot sa apat na katanungang pang-ekonomiko?
A. Nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan
B. Pinaghalong kontrol ng pamahalaan at malayang pagkilos ng pamilihan
C. Sa pamamagitan ng pwersa ng pamilihan o interaksiyon ng konsyumer
at prodyuser
D. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng mga tao

14. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung
ikaw ay kabilang sa sistemang Tradisyonal na ekonomiya?
A. Wala, sapagkat iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos
ng pamahalaan batay sa plano
B. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang
hindi pinapakialaman ng pamahalaan
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa
mga pinagkukunang-yaman
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin
sa ilang mga gawain
15. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Mixed Economy, alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano
B. Malaya kang kumikilos ayon sa iyong kinagawian, gampanin at kultura.
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang- yaman
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang
pamahalaan sa ilang Gawain

Karagdagang Gawain

Gawain 3. 8 Suliranin ‘to, Solusyonan Natin!


Bigyan ng kaukulang solusyon ang bawat suliranin at isulat ito sa inyong sagutang
papel.
Suliranin Solusyon
Hal. kahirapan Turuang maging produktibo ang
mamamayan at hindi palaging umaasa
sa pamahalaan.
1. kakulangan sa pagkain

9
2. pagtaas ng mga bilihin
3. pagtaas ng kaso sa Covid19
4. kakulangan sa supply ng tubig
5. pagdami ng basura

Gawain 3. 9 Kaalaman ko, Iguhit ko!


Gumawa ng isang karikatura sa isang kupon bond na nagpapakita ng mga katangian
ng iba’t ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG KARIKATURA


MGA
KRAYTERYA 4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi Walang ipinamalas na
nagpamalas ng malikhain sa gaanong pagkamalikhain sa
pagkamalikhain paggawa. naging paggawa.
sa paggawa. malikhain sa
paggawa.
Presentasyon Lubhang Naging Hindi Hindi naging malinaw
naging malinaw ang gaanong ang paghahatid ng
malinaw ang paghahatid malinaw ang paksa
paghahatid ng ng paksa. paghahatid
paksa ng paksa.
Organisasyon Buo ang May Konsistent, Hindi ganap ang
kaisipan kaisahan at may pagkakabuo, kulang
konsistent, may sapat kaisahan, ang detalye at di-
kumpleto ang na detalye kulang sa malinaw ang
detalye at at malinaw detalye at intensyon
napalinaw. na hindi
intension. gaanong
malinaw ang
intension
Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop ang
Paksa angkop ang mga gaanong mga larawan sa
mga larawang larawang angkop ang paksa.
naiguhit ukol naiguhit mga
sa paksa. ukol sa larawang
paksa. naiguhit
ukol sa
paksa
Kabuuang Puntos

10
Sanggunian

A. Aklat
Imperial, Consuelo M.; Antonio, Eleanor D; Dallo, Evangeline M.; samson maria
Carmelita B & Soriano, Celia D. Kayamanan Ekonomiks 2015, Rex Bookstore Inc.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipnas; Ekonomiks 10 Araling


Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015

B. Websites
http://en.wikipedia.org/wik
https://worldpopulationreview.com/country-rankings/traditional-economy-
countries
https://worldpopulationreview.com/country-rankings/command-economy-
countries
https://worldpopulationreview.com/country-rankings/capitalist-countries
https://worldpopulationreview.com/country-rankings/market-economy-countries
https://ekonomiks.info/sistemang-pang-ekonomiya/
https://www.britannica.com/biography/Friedrich-Engels/images-videos
https://pt.wikiquote.org/wiki/Karl_Marx
http://www.marxist.com/in-defence-of-lenin.htm
https://www.ducksters.com/biography/world_leaders/mao_zedong.php
https://www.wikidata.org/wiki/Q23559
https://christianhistoryinstitute.org/magazine/article/adolf-hitler-sidebar

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like