Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang kasaysayan ay sumasalamin sa ating nakaraan kung saan matatagpuan ang mga hindi

kapanipaniwalang mga pangayayari, bagay, at mga gawain ng tao. Dito natin malalaman kung
saan ba tayo nanggaling bago tayo makarating dito sa modernong panahon. Ang mga ito ay may
malaking epekto kung ano tayo ngayon at kung ano ang mga ginagamit natin ngayon. Unang-una
na dito ang "primary source" dahil dito natin malalaman kung saan tayo nagmula. Dahil ang
"pimary source" ay parang nagsisilbing diary ng buhay natin. Dito natin makikita kung sino ba
talaga tayo dahil ang "primary source” ay nanggagaling sa tunay na buhay ng isang tao. Ito ay
nakadepende sa nakaraan ng iisang tao kung saan malalaman kung sino nga ba siya nung
nakaraang panahon. Ang pangalawa naman ay ang tinatawag na "secondary source" ito naman
ay maaring sa diyaryo, magasin at mga journal na nagbibigay ng impormasyon sa mga
nakaraang panahon. At ang "secondary sources" na sinasabi ay hindi lang naman sa pasulat
kundi pwede din sa panonoood at pakikinig. Dito natin lalong mas maiintindihan ang nilalaman
ng kasaysayan. Ang lahat ng mga nabanggit sa mga naunang pangungusap ay ilan lamang sa
mga pinagkukunan natin ng impormasyon patungkol sa kasaysayan ng ating buhay. Gabay ang
mga ito para lalo nating pagbutihan ang mga ginagawa natin ngayon dahil sa susunod na
henerasyon tayo naman ang kanilang magiging basehan kung ano nga ba ang nangyayari ngayon,
tayo naman ang magiging kasaysayan kaya dapat nating paghusayan. Ito lamang ay isang
pahiwatig na dapat hindi natin nakalilimutan ang ating nakaraan dahil kung ano o sino man tayo
ngayon ay dahil iyon sa mga bagay na nalagpasan at pinaghirapan natin. Dahil ang kasaysayan
ay hinding-hindi mabubura kahit ito man ay makalimutan nang karamihan mananatili parin ito sa
mga librong nagpapatunay na minsa’y ang mga pangyayaring naganap ay katotohanan.

You might also like