Professional Documents
Culture Documents
ESP 7 Module 2 Lesson 2
ESP 7 Module 2 Lesson 2
PANIMULA
Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay. Ang
misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagtupad ng iba’t ibang tungkulin. Wika nga ng marami, tayo
ay nasa mundo upang gumanap ng ating mga misyon. Hindi lang natin kailangang isagawa o isakatuparan
ang mga ito, mahalaga ring maglaan ng panahon upang unti-unting tuklasin ang mga ito. Patunay lamang
ito na namumuhay tayo sa mundo hindi para sa ating sarili lamang, kailangan nating maglingkod sa ating
kapwa. At sa ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, mahalaga ang matapat na pagtupad sa ating mga
tungkulin.
Ano nga ba ang iyong mga tungkulin? Kanino ka nga ba may tungkulin? Sa pamamagitan ng araling
ito ay malilinawan mo ang mga kasagutan sa mga tanong na ito.
ARALIN
Ang aking tungkulin bilang
2 Kabataan
Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan ang iyong edad ay
nadaragdagan din ang iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba’t iba mong tungkulin?
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 1
1. Ang Tungkulin sa Sarili
Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad
kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga bagay na dapat mong bigyang-
pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili.
Hindi ka na nga bata. Pero hindi nangangahulugan ito na maaari mo nang ihiwalay ang iyong sarili
sa iyong pamilya. Nananatiling ang iyong pamilya ang may pinakamalaking impluwensiya sa iyong buhay.
Mayroon ka ng sapat na edad upang makibahagi sa iyong pamilya at sa tahanan.
Mahalaga rin na maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng isang magandang ugnayan sa iyong
mga magulang. Ito ang yugto ng pagkakaroon ng madalas na hindi pagkakaunawaan mo at ng iyong
magulang. Lagi mong tandaan na naging tinedyer din sila minsan. Pinagdaanan nila ang iyong mga
pinagdaraanan. Ngayon iba na ang kanilang pananaw bilang mga magulang.
Sa bahay para kayong ”aso’t pusa”. Ito ang laging sinasabi ng iyong mga magulang kapag lagi
kayong nag-aaway ng iyong mga kapatid. Pero ang kapatid na lagi mong kaaway sa bahay, handa mong
ipaglaban kapag inaapi ng ibang tao.
Natural lamang na may mga mabubuong hindi magagandang damdamin sa pagitan ninyong
magkakapatid. Ang kailangan lamang ay huwag itong hayaang magtagal at maipon hanggang sa lumaki.
Ikaw ngayon ay nasa high school na. Nasa higit na malaking” mundo”. Mas marami ka nang
gawaing nararapat gawin at marami kang natutuhan sa mga bagay na iyong ginagawa. Sa bawat gawain na
iyong natatapos, karagdagang karanasan at aral na iyong maiipon. Mas nadadagdagan ang kabuluhan ng
iyong buhay.
Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon sa kanyang mga tungkulin para sa
kapakanan nito.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 2
Bilang nagdadalaga/nagbibinata may tungkulin ka sa iyong pamayanan
Sa mga sumusunod na paraan ng pakikilahok, nararamdaman mong hindi ka malayo sa mga tao sa
iyong pamayanan. Kung minsan, may mga pagkakataon na hindi mo kilala ang iyong mga kapitbahay; na
hindi mo kilala ang namumuno sa inyong pamayanan. Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga tungkuling ito,
mararamdaman mong ikaw ay kabahagi. At makatutulong ito upang mas mapaangat mo ang iyong halaga
bilang tao.
Ang simpleng pag-aalay ng panalangin araw-araw ay napakalaking bagay na para masabing isa
kang tunay na mananampalataya.” Prayer can move mountains”. Ngunit dapat mong isaisip na hindi ang
ating panalangin ang nakapagpapagalaw kundi ang Diyos. Ang panalangin ay paraan ng papuri sa Diyos.
Ito ay paraan ng pakikipag-usap sa Kanya mula sa puso.
7. Ang Tungkulin Bilang Konsiyumer ng Media.
Maraming uso at maraming makabago sa modernong panahon ngayon. Nakokondisyon ang iyong
isip na ang mga ito ay kailangan dahil sa husay ng presentasyon nito ng media. Sa dami ng mga inihahain
sa iyo, minsan hindi mo na alam kung ano ang iyong tatanggapin at paniniwalaan.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 3
Pangalan: _______________________________________________ Baitang: __7-Capricorn___
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang ilang linya ng kantang pinamagatang “Pananagutan”. Magbigay
ng repleksyon patungkol dito.
Repleksyon:
_________________________________________________________________________________

Takdang Aralin:
Panuto: Isulat mo sa mga kahon sa ibaba ang mga salitang nagbibigay-kahulugan sa salitang
KONSIYENSIYA. Gabay mo ang halimbawa sa ibaba.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 4
Sanggunian
Aklat
Bongat, Q.V., at Memijie, E.H, Edukasyon sa Pagka-Tao at Pagpapakatao 2016, Sta Ana, Manila,
Philippines. Aklat at Dunong Publishing Inc. p. 30
Website
https://k12resources.files.wordpress.com/2016/04/gr-7-esp-lm-q1-to-4.pdf
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 5