Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Cabaguio, King Evaggelou P.

BS Legal Management 3-1

Ang Mabait na Usa

Isang malaking leon ang naipit ng mabigat na sanga ng puno kung kaya’t
nahirpan siyang gumalaw. Bagama’t natatakot sa leon, ang isang usang may mabuting
puso, nag pasya itong tulungang makaalis sa mabigat na sanga.

Buong lakas niyang kinahig ang nakapalibot na lupa at ang lupa sa ilalaim ng
katawan nito. Pagkalipas ng ilang sandali, nakalaya ang leon subalit hindi agad
makagalaw sapagkat ang ibang bahagi ng kanyang katawan ay lubhang masakit.
Sinabi nito sa usa na samahan siya sa kanyang kuweba at nangako itong bibigyan niya
ng pagkain ang usa tanda ng kanayang pasasalamat.

Bahagyang ngumiti ang usa sa leon at sinabi na hindi na niya gusto pang
subukang palawigin ang kanayang kapalaran. Sapat na sa usa na ang leon ay may
dinaramdam at hindi siya kayang patayin nito. Umalis na ang usa.

Ang Alamat ng Saging

Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Raja. Siya lamang
ng tanging kaibigan ng isang mangingisdang nagngangalang Galencio.

Sa kasamaang palad, namatay si Galencio sa sakit sa puso. Dahil sa


pangungulila ni Raja, maging ang mga hayop at halaman ay kanyang kinakausap.

Isang araw, habang nakikipagusap si Raja sa ibon, isang tumatakbong kuneho


ang dumating. Sinundan niya ang kuneho hanggang sa marating niya ang isang
maruming kuweba. Sa kuweba, nakakita siya ng isang espirito, sinundan niya ito, sa
kanyang pagkadapa nakita niya ang kanyang sarili sa isang lugar na puno ng ginto,
brilyante at pilak. Nagsimula siyang tumalon.
Ang espirito ay nagkatawang tao at siya’y hinalikan, siya’y nakatulog at sa
kanyang paggising ay nasa loob siya ng isang maganda at gintong silid. Ang espiritong
lalaki ay si Baanna, pinakasalan niya si Raja at sila’y nagkaanak ng lalaki. Alam ni
Baanna na oras na para bumalik siya sa mundo ng mga espirito. Nang araw na iyon
siya at umalis at biglang naglaho, ang tanging nakita ni Raja ay ang nagdurugong puso
lamang. Pinulot niya ito at itinanim, lumago at namunga ng gintong prutas, kasing ginto
ng gintong silid-pinangalanan niya itong Banana bilang parangal kay Baanna.

You might also like