Professional Documents
Culture Documents
Lit. Billy Carandang
Lit. Billy Carandang
By Billy Carandang
Nag umpisa ang lahat noong ikay nakitang humihikbi ng dahil sa sakit ng iyong kahapon.
Umiiyak ka na parang isang bata na hindi magkaintindihan saa pagpahid ng iyong luha.
Ikay aking nilapitan at pilit na dinamayan sa oras ng iyong kalungkutan kasabay ng pag damay na ito ay
ang unti unting pagkahulog ng aking loob sayo.
Isang damdamin na naghuhudyat na ika’y sobrang halaga isang damdamin naa kung saan ikaw ang
pinaka mahalaga.
At ito na nga ito na nga ang naging umpisa ng aking pag sinta
Nag desiisyong ibigay ang lahat sa kabila ng pangambang akoy iyong hindi makita.
Ganito pala ang pakiramdam ng umiibig mag isa. Saan ko nga ba ito uumpisahan?
Sa unahan ba? Sa gitna ba? o sa dulo kung saan tila nag wakas ang aking nadarama? Umpisahan natin sa
gitna kung saan ipinaramdam mo na akoy napakahalaga.
Pinagsabihan, pinangaralan, pinaalalahanan ngunit ni isa sa mga salitang ito'y wala akong pinakinggan!
Mas piniling mag bingi-bingihan wag lamang tunghan ang katotohanan na siguro mamaya, bukas, sa
isang araw ay magkakaroon ng tayo.
Ito, oo ito nga ! ang bagay na aking pinaniwalaan, isang pag-asa na ako mismo ang gumawa!
Bumilang ng ISA hanggang TATLO na ikaw ang pinapangarap ko! APAT hanggang PITO na nag patunay na
ikay mahal ko, sa kabila ng paulit-ulit na pagtaboy sa damdamin kong alam mong tapat sayo!
Hanggang sa umabot sa bilang na WALO, ang bilang kung saan akoy tinawag nilang martir, sa paulit-ulit
na panunuyo sayo! Dumating sa puntong akoy binansagan nilang mangmang,tanga,bobo!
Ngunit wala! Wala ni isa sa mga salitang ito ang aking pinaniwalaan! At ang alam ko lang ay ang salitang
MAHAL KITA!
Na sa haba ng panahon na itoy nasa aking kamay, ni minsay di naisip na bitawan. Dahil umaasa parin na
siguro bukas, sa susunod pang mga araw muli mong sasabihin na akoy mahal mo rin. Sa hindi
inaasahang pagkakataon, ito na pala ang huling yugto. Ang bilang ng WALO kung saan nag wakas ang
lahat. Oo nag wakas! Nagwakas para sayo! Inuulit ko sayo at hindi sa akin!
MAHAL isinulat ko ito hindi para ikay sumbatan kundi para ipabatid sayo na sa bawat araw na nagtatama
an gating mga paningin, na bakit ditto sa dibdib ay tila sumisigaw na ikaw parin. Ikaw na nagpabilis at
nagpabagal ng tibok ng akin puso, na hanggang ngayon ay damang-dama parin. Sabi nila lahat may dulo,
pero bakit sakin walang dulo? Na para bang hinid umuso, na tila mas pinili kong paulit-ulit na lokohin
ang aking damdamin. Dala ng pag-asang ako mismo ang lumikha. Ngunit tila akoy pinaglaruan ng
tadhana. Naglaho ang pag-asang ako mismo ang gumawa. Sa hindi malamang dahilan ikay pinadalhan ng
isang mensaheng sayoy magpapalaya. Pagpapalaya na hindi nangangahulugang ikay hindi na mahal!
MAHAL muli kong uulitin ang sinasabi kong dulo , ang dulo na datiy hindi umuso. Ngunit ngayon
natutunan kong tanggapin na ang lahat ay may wakas. Hindi lang buhay ang may dulo, hindi lang ang
palabas, ang oras,ang panahon, ang pasensya at higit sa lahat ang tayo.