Professional Documents
Culture Documents
GRD 10 SLK1
GRD 10 SLK1
Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Mitolohiya
Filipino – Ikasampung Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 1: Mitolohiya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
(SLK) na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Ang Sariling Linangan Kit (SLK) na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng
ikasampung baitang ng asignaturang Filipino. Lubos naming pinasasalamatan at
pinahahalagahan ang mga magulang, mga kapatid ng aming mga mag-aaral o ang
kanilang mga kamag-anak na naging katuwang namin sa pagtuturo sa aming mga
mag-aaral.
Makikita sa SLK na ito ang tekstong babasahin, mga pagsasanay at
paglalahat para sa isang tiyak na aralin. Mangyaring isakatuparan ang mga gawain
nang may pagkukusa at katapatan. Isulat ang inyong mga sagot sa bukod na papel.
Huwag kailanman sulatan ang alinmang bahagi ng SLK. Kung may katanungan o
agam-agam sa alinmang bahagi ng SLK, itanong sa inyong mga guro. Makipag-
ugnayan sa kaniya sa telepono bilang ___________________.
Para sa mag-aaral:
ii
Alamin Natin
Subukin Natin
A. Panuto: Piliin ang angkop na kahulugan ng mga salita batay sa kayarian nito.
Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.
Hal. Ang pag-iisang dibdib ay tambalang salita, ano ang isa pang
kahulugan nito? (sagot: pag-aasawa)
1
nagbabadyang bagyo.”
______________4. Anong inuulit na salita ang maaaring gamiting pamalit sa
pariralang sobra kitang gusto!
______________5. Alin sa mga salitang payak na nasa kahon ang may naiibang
kahulugan?
2
Aralin Natin
3
malikhaing kamay mula sa ivory at marmol!
Tuluyan nang nagbago ang mundo ni Pygmalion. Siya na ni ayaw makipag-
usap sa sinumang babae, ngayon ay nag-uubos ng kaniyang panahon sa
“pakikipag-usap” sa isang estatwang inaalayan niya rin ng mga regalo tulad ng
mga bulaklak, kabibe, ibon, at iba pang alam niyang nagugustuhan ng mga
totoong babae. Naiiling ang mga tao lalo na ang mga babaeng nakakikita sa
ginagawa ni Pygmalion. “Iyan ang nangyayari sa mga lalaking labis na pihikan at
ni ayaw makipag-usap sa mga totoong babae,” ang bulungan nila habang hindi
malaman kung maaawa o matatawa sa ginagawa ni Pygmalion.
Subalit walang halaga kay Pygmalion ang anumang isipin o sabihin ng
sinuman. Patuloy siya sa paggawa ng lahat ng inaaakala niyang makabubuti sa
kaniyang minamahal kasama na ang pagsusuot dito ng pinakamagagandang
kasuotan at paglalagay ng pinakamakikinang na alahas tulad ng singsing,
kuwintas, at hikaw.
Ang balita ng pagkahumaling ni Pygmalion sa isang estatwa ay kumalat sa
bayan at nakarating sa kaalaman ni Aphrodite, ang diyosa ng pag-ibig at ng
kagandahan. “Kaawa-awang Pygmalion,” ang naibulong sa sarili ng butihing
diyosa. “Hindi ko matitiis ang isang nilalang na umiibig nang tapat subalit hindi
nasusuklian ang kaniyang pag-ibig,” ang muli’y nasabi niya sa sarili habang
pinag-iisipan ang isang plano.
Nang sumapit ang kapistahan ng diyosang si Aphrodite ay nagtungo si
Pygmalion sa templo upang mag-alay ng isang baka. Habang nag-aalay ay
taimtim niyang nausal ang pagnanais magkaroon ng kasintahang katulad na
katulad ng babaeng kaniyang nililok. Narinig ni Aphrodite ang hiling ng puso ng
binata kaya binigyan siya nito ng isang tanda. Ang apoy mula sa sinusunog na
alay ay tatlong beses pumailanlang. Ipinagtaka ni Pygmalion ang nakitang tanda
subalit hindi niya maisip kung tungkol saan ito. Hanggang sa siya’y makauwi at
makita ang estatwa ni Galatea. Muli, ang kaniyang buong atensiyon ay naukol sa
dalaga at nakalimutan na niya ang tungkol sa nakitang tanda sa templo.
Agad niyang niyakap ang estatwa subalit anong laking pagtataka niya. “Bakit
parang mainit ang katawan ni Galatea?” ang tanong niya sa sarili. “Ah nasa tabi
kasi siya ng bintana. Maaaring dahil sa init ng araw na tumama sa kaniya’y uminit
ang kaniyang balat,” ang naisip niyang dahilan sa nadama. Tulad ng nakagawian
ay hinalikan din niya ang estatwa subalit bigla siyang napaurong. “Bakit
malambot ang labi ni Galatea?” ang buong pagtataka niyang sabi habang
matamang tinititigan ang estatwa ng dalaga. Halos mapasigaw sa galak si
Pygmalion. Hindi siya nananaginip, buhay si Galatea! Hindi na isang estatwa
kundi isa nang tunay o ganap na babae ang pinakamamahal niyang si Galatea.
Ngayo’y alam na niya. Ang tandang nakita niya sa templo ay ang tanda ng
pagbibigay-buhay ng diyosang si Aphrodite kay Galatea.
Muli niyang hinaplos si Galatea dahil naghahalo pa rin ang kaniyang
pagtataka at kaligayahan. Subalit ang anumang pagdududa ay napawi at ito’y
napalitan ng labis na kaligayahan. Buhay ang kaniyang pinakamamahal. Gusto
niyang ipagsigawan ito sa buong mundo! Subalit hindi niya nakalimutang
4
magpasalamat sa diyosa ng pag-ibig at ng kagandahan sa pagbibigay-buhay kay
Galatea. Agad siyang nagbalik sa templo at nanikluhod sa paanan ni Aphrodite
bilang pasasalamat.
At hindi nagtagal, naganap ang pinakamasayang araw sa buhay ni
Pygmalion. Ikinasal sila ng pinakamamahal niyang si Galatea! Ang pag-iisang
dibdib nila ay binasbasan ni Aphrodite. Biniyayaan sila ng panganay, isang
sanggol na lalaking pinangalanan nilang Paphos. Si Paphos tulad ng kaniyang
magulang na nagtataglay rin ng pambihirang kagandahan. Ang pangalang
Paphos ay isinunod ng mga mamamayan ng Cyprus sa isa sa mga lungsod na
matatagpuan sa bansa. Ang lungsod ng Paphos ay mahal na mahal at itinuturing
na sagrado ni Aphrodite. Nakompleto ang kanilang pamilya sa pagsilang ng isa
pang malusog at napakagandang sanggol na babaeng pinangalanan nilang
Metharme.
Bilang pasasalamat sa kabutihan ni Aphrodite ay hindi nakalimot sina
Pygmalion, Galatea at ang kaniyang mga anak na mag-alay sa templo ng diyosa
taon-taon. Tinutumbasan naman ito ng diyosa ng kaligayahan at pagmamahal
para sa buong pamilya. Ang pagtatagpo nina Pygmalion at Galatea ay isang pag-
iibigang nakatadhana at ito’y patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa marami na
kayang lagpasan ng tunay na pag-ibig ang anumang hadlang o pagsubok at ito’y
mananatili magpakailanman.
(Pinagyamang Pluma 10 p. 9-12)
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Letra lamang ang isulat sa sagutang
papel.
____ 2. Bakit kaya isang babae pa ang nabuong obra maestra ni Pygmalion gayong
wala siyang interes sa mga babae?
A. Marahil sa kabila ng pag-ayaw niya sa babae ay nag-asam din siya ng
babaeng magmamahal sa kaniya.
B. Ibinuhos niya rito ang oras na inis niya sa mga babae.
C. Gusto niyang makabuo ng obra maestra.
5
niya itong Galatea. Paano niya ipinakita ang labis na pagmamahal dito?
A. Ipinagmamalaki niya ito sa kanilang buong nayon.
B. Kasa-kasama niya ito kahit saan man siya pumunta.
C. Kinakausap, nireregaluhan ng bulaklak, alahas at pinagsusuot ng
magagarang kasuotan.
_____ 5. Paano nagiging inspirasyon sa ibang tao ang pag-iibigan nina Pygmalion at
Galatea?
A. Gawing makatotohanan ang iyong nararamdaman sa isang bagay.
B. Ang isang pag-ibig na marunong maghintay ay kayang lampasan ang ano
mang pagsubok na dumating.
C. Maging matalino sa pagpili ng iyong mamahalin habambuhay.
Gawin Natin
6
A. pumaibabaw B. gumulong C. umikot)
7
itinalaga ng IATF (Inter Agency Task Force) COVID 19 sa bansa. Gaya ng
hindi paglalabas ng bahay, nakasuot lagi ng face mask at maghuhugas
lagi ng kamay.
Layon nitong
A. Bigyan ng pansin ang kahalagahan ng IATF.
B. Para sa kaligtasan ng marami na di mahawahan ng sakit.
C. Magkaroon ng kapayapaan sa bansa.
Sanayin Natin
_____1. Nilait man ng karamihan iba pa rin ang nagagawa ng tunay na pag-ibig sa
isang tao.
A. Iniiwan at sinasaktan para matauhan.
B. Handang tiisin lahat para sa isang minamahal.
C. Kabaliwan ang ipinakikita sa iba.
8
B. Panuto: Ang susunod na gawain ay susuriin mo ang kaisipang taglay ng
akda. Lagyan ng tsek (✔) ang mga kaisipang nabasa sa mitilohiya
at ekis (✖) naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang inyong
sagot.
Nauunawaan mo na ba ang aralin? Huwag kang mag-alala may mga pagsasanay pang
nakalaan para sa iyo na makatutulong pa nang lubos sa iyong pagkatuto.
Tandaan Natin
MitolohiyangGriyego
Suriin Natin
9
Panuto: Basahin ang isang napakagandang kahulugan ng pag-ibig.
Panuto: Baon ang kaisipang ito kaugnay ng pag-ibig, paano mo maipakikita ang
tunay na pag-ibig sa sumusunod na sitwasyon.
Sumulat lamang ng dalawa hanggang tatlong (2-3) pangungusap sa bawat
sitwasyon. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Kopyahin ang sitwasyon at
sagutin.
Sa iyong sarili:
Sa iyong pamilya:
10
Kapag may klase ay mas matagal ang panahong paglalagi mo sa
paaralan at masayang nakikipagkuwentuhan sa iyong mga kaklase. Gayong
alam mong pagod din ang iyong ina mula sa trabaho at nangangailangan siya
ng tulong mula sa iyo sa mga gawaing-bahay gaya ng pagluluto, paglilinis,o
pag-aayos sa inyong bahay.
Sa iyong kaibigan:
Sa pamayanan o bansa:
11
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Sa daigdig:
Ano ang maaari nating gawin upang makatulong tayo sa pagsugpo ng sakit at
maipakita ang pagmamahal natin sa daigdig?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Binabati kita at nasagutan mo nang maayos ang gawain. Ihanda pa ang sarili sa mga nakalaan
pang gawain para sa iyo upang mahasa ka pa sa aralin.
Payabungin Natin
Pagdating niya roon ay isang ubod ng kisig na lalaki ang kaniyang nakita.
Yaon si Adonis na ang hilig ay pangangaso. Halos araw-araw ay magkasama
sina Venus at Adonis sa gubat. At tuluyan silang naging magkatipan. Isang araw,
nagpaalam si Venus sa kasintahan na uuwi muna sa Bundok Olimpus upang
dalawin ang anak at ang iba pang diyos at diyosa. “Mag-iingat ka, Adonis, baka
mapahamak ka sa pangangaso habang ako’y wala,” paalala ni Venus.
Ang iyong binasa ay isang uri ng mito na ukol sa pag-iibigan ng isang diyosa
at isang karaniwang tao.
Panuto: Sagutin ang tanong: Sumulat lamang ng dalawa hanggang tatlong (2-3)
pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
13
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Pagnilayan Natin
Panuto:
Kung kayo’y may internet sa inyong bahay o kaya’y maka-access ng internet;
Panoorin ang isang maikling video na magpapakilala sa iyo sa mga diyos at
diyosa ng Bundok Olympus. Narito ang link na panonoorin ninyo.
https://youtube.com/watch?v=eJCm8W5RZes
14
5) Ares- diyos ng digmaan, karahasan at kaayusan. Ang kaniyang sandata’y
isang sibat na gawa sa tanso. Ang kaniyang suot ay isang gintong
baluti (armor). Ang hayop na kaniyang alaga ay isang buwitre at
makamandag na ahas.
6) Apollo- diyos ng musika, tula, busog at pana, at lunas. Anak siya ni Zeus
kay Leto. Ang armas niya’y busog at pana at ang instrumentong
tinutugtog ay kudyapi (lyre)
Panuto: Matapos mong mapag-aralan ang mga katangian ng mga diyos at diyosa,
sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel kopyahin ang tanong at ang format.
Kung ikaw ay susulat ng isang Mitolohiya, sino sa kanila ang nais mong
gawing tauhan sa iyong kuwento?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
15
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Kung ikaw ang papipillin sino sa mga diyos at diyosa ang gusto mong
maging? Pangatuwiranan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto
16
Sanggunian
Ambat, V., Barcelo, M.T., Cariňo, E., Dasig, M.J., Enrijo, W., Molina, S., Rivera, J.,
Sayson, R., Tabora, M.G. at Urgelles, R. (2015) Filipino 10 Modyul Para
sa Mag-aaral. Vibal Group, Incorporation, Pasig City Philippines.
https://youtube.com/watch?v=eJCm8W5RZes
Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2321572#readmore
17
SUSI NG PAGWAWASTO
SARILING LINANGAN KIT 1
MITOLOHIYA
ARALIN NATIN
1. B
2. A
3. C
4. A
5. B
GAWIN NATIN
A.
1. B
2. C
3. A
4. C
5. A
B.
1. C
2. B
3. C
4. A
5. B
18