Professional Documents
Culture Documents
Mga Makrong Kasanayan
Mga Makrong Kasanayan
1. PAKIKINIG
2. PAGSASALITA
3. PAGBASA
4. PAGSULAT
PANIMULA:
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng
pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na
pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging
tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang gawain upang
iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng
maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
KAHULUGAN NG PAKIKINIG
• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito
dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang
kanyang napakinggan.
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay
nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli.
Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga
tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Kahalagahan ng Pakikinig
• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas
gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa
talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.
2. Komprehensibo
1
San Mateo Municipal College
FILI1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino REVIEWER/LECTURES
Kahalagahan:
• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
3. Paglilibang
Layunin:
• upang malibang o aliwin ang sarili
• ginagawa para sa sariling kasiyahan
4. Paggamot
Kahalagahan: matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa
hinaing o suliranin ng nagsasalita.
5. Kritikal
Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan
• Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang
gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
• Two-eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi
maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan
sa pakikinig.
Kahulugan ng Pagsasalita
• Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
• Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng
mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
Pakikipag-usap
pakikipanayam
pagkatang talakayan
pagtatalumpati
pakikipagdebate
3
San Mateo Municipal College
FILI1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino REVIEWER/LECTURES
Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na
panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.
- Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at
pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.
Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na
pumapasok sa ating isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
• kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
• Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
• Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran,
gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito.
Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan
sa buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat
1. Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili,
matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung
nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
2. Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng
sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal,
magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
3. Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating
sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n
gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
4. Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-
unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang
sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na
pamaraan ng pagsulat.
5
San Mateo Municipal College
FILI1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino REVIEWER/LECTURES