Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name: Christine Faith Alantason Grade&Section: 11-ABM

Wikang Opisyal
Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan at sa politika, sa komersiya at industriya. Ito ang wikang kadalasang ginagamit
sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na
isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Ang mga kinikilalang wikang
minoritaryo ng pamahalaan ay madalas din mapagkamalan na wikang opisyal. Subalit, ang isang
wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa, tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa mga
opisyal na komunikasyon ay hindi kinakailangang isang wikang opisyal.
Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman
kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang
pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-
alang ng ibat' ibang salik.
Sa atas ng 1899 Konstitusyon ang opisyal na wika ng Republikang Malolos ay Espanyol
bagaman itinadhana ding “opsiyonal” ang gamit sa mga wikang sinasalita sa kapuluan. Sa 1935
Konstitusyon, itinadhana na Ingles at Espanyol ang wikang opisyal habang hinihintay ang
pagkabuo ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Noong
7 Hunyo 1940, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg 570 ay ipinahayag na wikang opisyal ang
Wikang Pambansa mula sa ika-4 ng Hulyo 1946. Iniatas din ng naturang batas na ihanda ang
lahat ng teksbuk sa Wikang Pambansa na gagamitin sa pagtuturo sa lahat ng paaralan at sa
pagpapalaganap nito sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Education at may pagpapatibay ng
Institute of National Language. Ngunit waring nauntol ang naturang simbuyo dahil sa isyu ng
“purismo” laban sa Pilipino. Kinampihan ito ng mayoryang di-Tagalog na mga delegado sa
itinawag na bagong kumbensiyonal konstitusyonal. Sa nabuong 1973 Konstitusyon, bagaman
ipinahayag na Ingles at Pilipino na mga wikang opisyal ay ipinakilala ang pagbuo ng Filipino
bilang Wikang Pambansa
Sa isang dekreto, ang Presidential Decree No. 1, ng Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 15
Marso 1973 ay kinilala naman ang patuloy na pag-iral ng Espanyol bílang isang wikang opisyal
ng Pilipinas.
Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3)
“Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal
na wika.”

You might also like