Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

II.

Pagsusuring Pinanglalaman

Tema o paksa ng Akda: Ang paksa ng notre dame ay ukol sa diskriminasyon.Tinatalakay dito
ang Buhay ni Quasimodo ang isang kuba na dahil sa kanyang kapangitan ay binansagang ang
Papa Ng Kahangalan. pinapakita na karamihan parin sa mga tao ay tumitingin sa pisikal na
kaanyuan ng isang tao, nanghuhusga sila batay sa panlabas na anyo ng isang tao hindi iniisip
kung masasaktan ba ang taong kanilang kinukutya.Tinatalakay din dito ang labis na pagmamahal
ni Quasimodo kay La Esmeralda. Hanggang sa kabilang buhay ay sinahan niya ito.Tinatalakay
din dito ang mabuting ugali ni Quasimodo sa kabila ng kanyang kapangitan at pangungutya ng
mga tao ay taglay pa rin niya ang pagiging mapagtiis at marunong tumanaw ng utang na loob ng
akuin niya ang kasalanang nagawa ng taong umampon sa kanya.Makabuluhan ito sapagkat
tinatalakay nito ang nararamdaman ng isang protagonista.Napapanahon ito sa ngayon na
kasalukuyan dahil marami ng mga tao na mapanghusga.Tutugon ito sa sensibilidad ng
mambabasa dahil lahat naman tayo ay may karanasan sa pangungutya dahil dito na-i-aangat nito
ang kuryusidad ng mga mangbabasa.

You might also like