Franzzz Demo

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin - Pagkatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay


inaasahan na:
a. natatalakay ang kahulugan ng tayutay at mga uri nito
b. naiuulat ang mga halimbawa ng tayutay at mga uri nito
c. nakapagbibigay ng sariling opinyon sa kahalagahan ng
paggamit ng tayutay.
II. PAKSA: ‘’Tayutay’’ at mga uri nito ( Figure of speech)
A. Sanggunian: Internet
B. Kagamitan: Sipi, pentel pen, cartolina, pandikit.
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagtala sa lumiban
3. Pagsasanay - Maglalaro ang klase ng "Tayo, upo , upo, Tayo"
kung sino ang mahuling tumayo o umupo ay siyang sasagot sa
inihandang katanungan ng guro.
B. Balik-aral - Pagbalik aral sa nagdaang aralin
Mga tanong:
1. Ano ang pabula?
C. Pagganyak:
Magbibigay ang guro ng mga halimbawa ng pangungusap na
may matatalinghagang salita at tukuyin nila kung ano ang ibig
sabihin ng mga sumusunod na pangungusap.
1. Tulad ng porselana ang kutis ni Celia.
2. Tuwing eleksyon ay umuulan ng pera.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Nagkasakit ang aking kotse.
5. Ulan! bumuhos ka't aking mundo'y lunuring tuluyan.
D. Pagtalakay - Magtatanong ang guro sa klase ng mga
sumusunod na na katanungan:
Mga tanong:
1. Ano ang tayutay?
2. Ano-ano ang mga uri ng tayutay?
E. Paglalahad - Ilahad ng guro ang kahulugan ng tayutay sa klase
at bibigyan niya ng sipi ang mga mag-aaral kung saan
nakapaloob ang mga uri ng tayutay at bibigyan niya ito ng
limang minuto upang basahin ang mga uri ng tayutay.

‘’ Tayutay’’
Ay nagbibigay ng makulay na pagpapakaahulugan sa tulong ng
patalinghagang pagpapahayag na kaiba sa karaniwang paraan.
Layunin ng tayutay na mapaganda at magawang mabisa,
masining at kawili-wili ang paglalarawan.
1. Pagtutulad (simile)
- Naghahambing sa dalawang magkakaibang bagay, tao, o
pangyayari. Ginagamitan ito ng mga salita’t pariralang: tulad ng,
gaya ng, animo’y, mistula, tila, wari atbp.
Hal: Sina Jenina at Eloisa ay tila mga rosas na namumukadkad
sa hardin.
2. Pagwawangis (methapor)
- isang tuwirang paghahambing. Hindi ginagamitan ng
mga parilalang: tulad ng, kawangis ng, gaya ng, atbp.
Hal: Para kay Joyce, si Ariel ay isang Adonis.
3. Pagsasatao (personification)
- pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay.
Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.
Hal: Ang puno ay marahang isinasayaw ng hangin.
4. Pagtawag (apostrophe)
- kahawig nito ang pagsasatao. Dito’y ginagawa ang
pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-usap
sa isang buhay na tao.
Hal: Buwan na kay rikit tanglawan mo ang aking pusong
naguguluhan.
EKSAHERASYON (Pagmamalabis)
5.

-Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at


kalagayan ng tao, bagay, pangyayari, atbp.
Hal: Nabasag ang bambam ng tainga ni Gina sa sobrang lakas
ng sigaw ni Mary ann.

F. Pagsusuri - Pasasagutan ng guro sa klase kung anong uri ng


tayutay ang mga sumusunod na pahayag.
1. Ang luha sa kanyang mata ay tulad ng batis na umaagos.
Sagot: PAGTUTULAD
2. Tuwing eleksyon ay umuulan ng pera. Sagot: PAGMAMALABIS
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. Sagot:
PAGWAWANGIS
4. Nagkasakit ang aking kotse. Sagot: PAGSASATAO
5. Ulan! bumuhos ka't aking mundo'y lunuring tuluyan. Sagot:
PAGTAWAG

G. Paglalapat - Papangkatin ng guro ang klase sa dalawang


pangkat at magbibigay sila ng halimbawa ng bawat uri ng
Tayutay.
Pamantayan:
Nilalaman - 20 puntos
Presentasyon - 20 puntos
Kooperasyon - 10 puntos
Kabuoan - 50 puntos

H. Paglalahat - Magtatanong ang guro ng isang mag-aaral na


siyang sasagot sa inihanda nitong katanungan.

Tanong: Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga ang paggamit


ng tayutay sa pagpapahayag?

IV. Pagtataya
Panuto : Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga
sumusunod na pahayag.

___1. Sariwang hangin ang banayad na humahalik sa kanyang


mala-rosas na pisngi.
___2. Namuti ang buhok ko sa kahihintay.
___3. Kandila siya sa aking paningin na unti-unting nalulusaw.
___4. Ang luha sa kaniyang mga mata ay tulad sa batis na
umaagos
___5. O, maawaing langit! Bakit ang buhay ko ay puno ng sakit?
Sagot:
1. Pagtatao (hanging humahalik) at pagtutulad(malarosas na
pisngi)
2. Pagmamalabis
3. Pagwawangis
4. Pagtutulad
5. Pagtawag

V . Takdang aralin
Panuto: Magsaliksik pa ng iba pang uri ng tayutay at ilagay ito
sa isang malinis na papel.

Fortunato D. Dorado
Jr
BSED - FILIPINO

You might also like