Professional Documents
Culture Documents
San Lázaro de Betania
San Lázaro de Betania
***DADAGOK SA DIBDIB***
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Patawarin Mo po siya/sila,
Panginoon; Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng
sanlibutan, Pakapakinggan Mo siya/sila
Panginoon; Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng
santinakpan, Maawa Ka sa kanya/kanila
Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos. Nang kami ay maging dapat
makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.
***PAGHAHABILIN***
***SAGUTANG PANALANGIN***
Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw
na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng
aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka
namin, ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen. N.
Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo. S. Nang kami’y
maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.
***ANIMA CHRISTI***
N: Kaluluwang Mahal ni HesuKristo
S: Pakasantusin mo siya.
N: Katawang Mahal ni HesuKristo
S: Pakasakupin mo siya.
N: Dugong Mahal ni HesuKristo
S: Pakalungihin mo siya.
N: Tubig sa tagilirang Mahal ni HesuKristo
S: Pakahugasan mo siya.
N: Pawis sa mukhang banal ni HesuKristo
S: Pakabuhayin mo siya.
N: Pasyong Mahal ni HesuKristo
S: Pakatapangin mo siya.
O Maluwalhating Hesus, Pakinggan mo siya, Itago mo siya sa mga sugat mo.
Huwag mong itulot na mahiwalay sa iyo. Nang maisama at maipakabilang sa mga
banal mong kawal na nagpupuri’t nagpapasalamat sa iyo. Siya Nawa.
***TRISAGIO***
***BENDITO***
Bendito y alabado sea el Santísimo Sacramento del Altar, y la Inmaculada
Concepción de María Santísima, Madre de Dios y Señora nuestra, concebida sin
pecado original en el primer instante de su ser. Amén.
Salamat po Panginoon kong Diyos, Kami’y sinapit mo sa mahal na hapon
Sapitin mo na rin sa mahal na umaga na walang sakit.Ang katawan ay
bigyan mo ng kabanalan at kababaang loob na matutong sumunod sa
Panginoong Diyos, pangalawa sa Magulang.
N: Kamahal-mahalang Puso ni Hesus
S: Mapasa-kanya ang kaharian mo
N: Kalinis-linisang Puso ni Maria
S: Ipanalangin mo siya
N: San Jose
S: Ipanalangin mo siya
N: San Lorenzo Ruiz
S: Ipanalangin mo siya
N: San Pedro Calungsod
S: Ipanalangin mo siya
N: San Miguel Arkanghel
S: Ipanalangin mo siya
N: San Lazaro de Betania
S: Ipanalangin mo siya
N: San Roque
S: Ipanalangin mo siya
N: Ave Maria Purisima
S: Sin pecado concebida