Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik

- Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistrukturang kurikulum sa batayang


edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang mga
estratehiya sa pagtuturo.

2. Higit namahahamon ang mgamag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang
masikap namatamo angkanilang interes o pangarap sa buhay.

3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang
disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.

5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y


behikulo sapagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.

Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mgasumusunod na


obserbasyon:

(1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mulaelementary hanggang tersyarya.
Hindi pang-linggwistikaang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa

(2) Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-
aaral sa kolehiyo.

(3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang
gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang sosyo-linggwistik.)

(4) Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.

(5) Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa
maunawang pagbasa at malikhaing pagsulat.

(6) Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang sabdyek na
ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at

(7) Nananatiling napakababaang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)

Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang framework.

1. nilinaw na ang pangunahing mithiin sapagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng mag-aaral na


pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)

2. Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.

3. bilang pantulong na sabdyek saelementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat na


kasanayang makro at kaisipang Pilipino.

3. lebel 1-3, idedebelop ito samga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang awtentikong
materyal. lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal napag-iisip

4. Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.

5. Sa unang dalawang taon,ang pokus ay gramatikaat pagbasa (1-2) sa huling dalawang taon
naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)

6.Maibubuod samga sumusunod nakatangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum.

a) May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-


aaral.

b) Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo,


mgapagpapahalaga o values at mgakompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak ng
makabayan.

c) Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa


batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.

d) Nakasentro sa pagtulong samga mag-aaral na magkaroon ng akses namatutuhan ang nilalaman


anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.

e) May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.

f) Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.

g) Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga


alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng
mga estratehiyasa pag-aaral.

h) Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sadisenyo ng pagkatuto at pag-


oorganisang klase

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO

NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon

A. DESKRIPSYON

MGA LAWAK O KASANAYAN SAKLAW NG MGA LAWAK O KASANAYAN

Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay lumilinang sa kasanayan sa PAKIKINIG,


PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT at PAG-IISIP.

Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang sa pamamagitan


ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.

Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, ang FILIPINO bilang


isang aralin ay lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP.

KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, ang NILALAMAN ng Filipino sa una hanggang ikatlong


baitang

a. Maaaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa PAGLILINANG ng
mga kasanayan sa PAKIKIPAGTALASTA-SAN.

b.Inaasahangang mga BATAYANG KASANAYAN sa pagbasa ay matutuhan nang lubusan satatlong


unang baitang.

4. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO

PAGBABAGO

BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO

I-III 60 80 Dagdag na 20 minuto

IV-VI 60 60 Walang dagdag

PAGBABAGO

1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto samantalang
sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto

2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walangdagdag
sa Baitang IV-VI.

3. Katulad ng saENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA BAITANG IV-VI sa


pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN sa pag-aaral ay natutuhan na saunang
tatlong baitang..

5. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD

You might also like