Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 213

The Jerk is a Ghost

by april_avery

Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong


nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya?

THE JERK IS A GHOST.


Genre: Fantasy Teen Fiction Romance Adventure
Written by: april_avery

=================

The Jerk is a Ghost

Prologue:

Ashton Montecillo had an almost perfect life.

He's the Mayor's son. He had a beautiful girlfriend. An awesome


basketball team. A dependable best friend.

He is the life of the party, who frequently gets into trouble for being
carefree and reckless.

But everything turned upside down because of a cruel incident.

An incident that led him to meet Delia Salazar.

Delia is a nobody. An ordinary girl in Jefferson High. You wouldn't even


know she exists. She's a girl fading on the background.

But what if the Mr. Popular turned ghost meet Ms. Nobody, Delia Salazar?

Will she be able to make him see the different side of life far from the
attention and limelight?

When your life is not as perfect as you wanted them all to think, would
you dare come back?

As Ashton's secrets and family issues slowly surface, will she be able to
save him?

If you lose everything you look forward to, are you willing to be save?

Are you willing to fight for a second shot at life?


This is a story about love, death, family, friendship, and the ups and
downs of a teenage life.

The Jerk is a Ghost.Written by: april_avery

COMPLETED STORY.Video trailer above.Thank you for reading!

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: One

One,

“Delia, kanina ka pa dyan. Hindi pa ba tayo aalis? Nagugutom na ako.”


reklamo ng kaibigan kong si Mindy habang nakarest ang chin sa palad at
pinagmamasdan ako.

“Sandali nalang ito at hwag kang maingay. Baka paalisin na talaga tayo ng
Librarian.” sagot ko na hindi inaalis ang tingin sa librong nasa harap
ko. Itinuro ko ang isang paragraph sa libro at dali daling isinulat ito
sa notebook.

“Pero lunch time na. Kanina pa tapos ang vacant natin. Gutom na talaga
ako.” muling sabi nito. I placed my finger in my lips to hush her up.
Kanina pa kasi kami sinisita ng librarian na si Mrs. Beth. Baka lalo kong
hindi matapos itong research paper namin.

“God Delia, pwede naman kasi next week nalang natin ipasa. Okay lang sa
akin kahit na C minus na ang grade na makuha—“

I cut her in mid-sentence with a grin. “Ayan. Tapos na.” I announced.


Pinagmasdan ko ang book review na ilang page din ang kapal. “See, konting
scan lang ng libro at makakagawa tayo.”

Tumaas ang kilay ni Mindy at napatingin sa gawa ko. “Great!” she half
whispered half yelled. Kinuha niya ang mga librong nasa mesa,
pinaglalagay yun sa pinakamalapit na shelf ng English literature kung
saan namin nakuha, at hinila ako palabas ng Library.
“Sandali naman.” sabi ko na nilagay ang mga gamit sa bag. Sinabit ko ang
bag pack sa balikat ko. Nagpaalam kami kay Mrs. Beth bago lumabas ng
Library.

“Kanina pa ako nagugutom.” ulit ni Mindy for the nth time. “Hindi kaya
ako nag breakfast. Geez alam mo naman kung paano magluto si Mama.”

She shivered slightly. Natawa ako. Ang Mama kasi ni Mindy ay hindi mo
masasabing pinaka ulirang ina. Mahilig ito sa fast food delivery or
anything instant. Kung magluto man ito during rare occasions asahan mong
hindi mo makakalimutan. I’ve been there and excuse me for the word but it
was horrible.

Nakarating kami sa maingay na Cafeteria sa first floor. Gaya ng dati naka


group ang mga students ng Jefferson High sa kanya kanya nilang table.
Pumunta kami sa counter at nag order ng pagkain. I can hear a few loud
laughs from the table in the center of the Cafeteria. Kung makatawa sila
pakiramdam nila sa kanila ang lugar. Which is quite true.

Matapos kumuha ng pagkain at mabayaran, pumunta kami ni Mindy sa pinaka


gilid na table malapit sa glass wall ng Cafeteria at doon umupo. Gilid or
commonly called sidelines. Ito ang pwesto ng mga katulad namin. Yung
tipong nag exist lang sa school. Halos walang nakakakilala. And that is
fine.

“Ang ingay talaga nila. Akala mo naman sa kanila itong Cafeteria.”


reklamo ni Mindy. Kumagat siya sa club sandwich sabay irap sa mga taong
nasa gitna.

Tahimik akong kumuha ng fries at tiningnan din sila. Dalawang table ang
pinagsama kung saan ilang tao ang nakaupo doon. Karamihan sa kanila ay
part ng iba’t ibang sports team sa school or organization.

Tulad ni Micko, siya ang captain ng basketball team ng Jefferson High.


Nandyan din si Caleb, ang goal keeper ng soccer team. Kasama niya ang
girlfriend niyang si Veronica, ang captain ng cheer dance team, at si
Reese, ang president ng drama club at girlfriend ng vice-captain ng
basketball team na si Ashton. Nakapalibot sa kanila ang iba pang member
ng mga team o grupo nila.

“Oh, wala ata ang isa sa kanila.” puna ni Mindy na ngayon naman ay fruit
salad ang kinakain.

I nodded mutely at uminom ng pineapple juice. Tama siya. Madali mong


mapapansin kung wala ang isa sa kanila. Kilala sila ng lahat. Linibot ko
ang tingin at narealize na wala ang isa sa pinaka kilala sa kanila. Si
Ashton Montecillo.
“Baka hindi pa pumapasok.” commented Mindy while eating. “Narinig ko
madalas absent yun pag umaga. Hapon lang pumapasok. Ano kaya yun?”

Natawa ako ng bahagya. Si Mindy kasi noong freshman kami, matindi ang
crush nun kay Ashton. As in paniwalang paniwala siya na napapansin siya
nito. Tumagal ang pagka humaling niya doon hangang naging sophomore kami.

Kaya lang noon kumakalat na ang tsismis kung gaano kababaero si Ashton.
Nagkakaroon ito ng girlfriend pero hindi lang isa, dalawa, o tatlo. Meron
yung time na apat ang naging girlfriend niya mula sa iba’t ibang school.

Doon narealize ni Mindy na walang kwenta ang taong hinahangaan niya. She
hit the uncrush button right away bago pa mas lalong bumagsak ang self-
confidence niya. But I highly doubt she really get over him one hundred
percent.

My pakiramdam kasi ako na kaya bitter siya ngayon sa lalakeng yun ay


dahil girlfriend niya ngayon ang babaeng pinaka ayaw niya sa buong mundo.
Si Reese Dela Vega. And take note, mag isang taon na sila. That is really
a major improvement when it comes to Ashton’s attitude toward girls.

Nagpatuloy kami sa pagkain at hindi na pinansin ang tawanan nila. Si


Micko ang may pinaka malakas na tawa. Kasunod ito ng mga member ng cheers
squad. Halos patapos na kami sa pagkain nang sumigaw si Micko. “Oh,
andyan na pala yung sleeping beauty natin.” natatawang announced niya.

“Ulol.” sagot ng lalakeng bagong dating.

Kapapasok lang nito sa school, halata naman sa ayos niya. Nakasabit ang
bag pack niyang halos walang laman sa balikat, nakapamulsa at nagkakamot
ng batok sabay hikab. Almost all the girls in the Cafeteria eyed him
dreamily, secretly wishing that they are Reese.

Tumayo si Reese mula sa pagkakaupo nito sa taas ng table, lumapit siya


kay Ashton at humalik dito. Eww. “Hey, babe.” bati niya sa lalake.

Sinabit niya ang kamay sa braso nito at sabay silang naglakad papunta sa
table. Ngumiti ng malapad si Reese, breathing all the attention in. Alam
niya kung gaano kadami ang mga tao, specially mga babae, na nakatingin
kay Ashton and she always make sure na alam ng lahat na siya ang
girlfriend.

“Perfect combination. A slut and a player.” Mindy muttered.

Pinagmasdan ko sila ulit bago niniligpit ang pinag kainan namin. “Tara
na.” aya ko kay Mindy sabay tapon ng mga tira sa basurahan.
Tumango ito at ngayong busog na nakukuha niya ng ngumiti. “Oo nga pala,
may chicka ako sa iyo, Delia.” sabi niya nang makalabas kami sa maingay
na Cafeteria at mapuntahan ang mga locker.

Binuksan ko ang locker ko, nilagay doon ang ilang libro mula sa bag ko,
at pinalitan ng mga libro para sa mga panghapon na subjects namin. “Hmm?
Tungkol nanaman ba ito sa lalake sa coffee shop?” tanong ko.

Mindy has a new found crush. At ito ay ang lalakeng nagt-trabaho sa isang
coffee shop malapit sa school. “NO!” asik niya. “Iba ito, mas exciting.”
sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. Akala ko wala ng mas exciting sa kanya maliban sa
mga crush niya, celebrity man o totoong buhay. “At ano naman ang mas
exciting pa sa mga lalake mo?” I asked teasingly.

She mock frowned before answering. “Mamayang hating gabi, may


mangyayaring drag racing sa bagong gawang highway sa labas ng village.”

“And why would that concern me?” tanong ko as I slammed my locker shut.

She rolled her eyes. “Dahil sabi ng pinsan kong si Timothy. Yung pinsan
kong taga kabilang school?” I nodded in recognition.

“Jefferson High versus Saint Augustus daw ang maglalaban. Bali balita na
yun sa school nila kahapon pa.”

Natigil ako sa pagsara ng zipper ng bag pack ko. “Talaga?” tanong ko. I
can almost feel a hint of uneasiness in my voice.

The two schools always have this ridiculous competition na nagsimula sa


interschool sports event noong freshmen kami. But I didn’t know they
would go to such extent like drag racing. That is against the law.

“Kaya siguro kanina pa hinihintay ng mga bugok na yun si Ashton.” tukoy


niya sa grupo na nasa Cafeteria.

“Ang alam ko mga member ng basketball team ng dalawang school ang


kasali.” Mindy said while slamming her own locker shut matapos makuha ang
kailangan

We walk back to our room. “This is going to be great. Sino kaya ang
mananalo?” excited na tanong niya.

I tried to smile just to match her energy. Pero deep inside may masama
akong pakiramdam sa mangyayari.
Little did I know that my instinct is already warning me about something.
Ang dahilan kaya magbabago ang mundo ko sa mga susunod na araw.

***

Author's Note:

Hi! Thank you for giving this story a chance. I love to hear what you
think about the story so far.

See you on the next chapter!@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Two

Two,

It was nearly three o’clock AM. Freaking three o’clock in a cold Saturday
morning, at walang tigil sa pagtunog ang phone ko. I groaned beneath the
sheets at hindi pinansin yun. God, can that caller give me some sleep!

Lumipas ang ilang minuto at tumutunog parin ito. Minsan hihinto at


matatahimik ako, tapos biglang tatawag ulit. Tinakpan ko ang ulo ng
kumot. “Go away.” I mumbled.

Pero hindi talaga ito sumusuko. Halos kalahating oras na ata ang lumipas
nang nainis na inihagis ko ang kumot paalis sa mukha ko at kinapa ang
phone sa bed side table.
“WHAT?” I demanded.

Narinig ko ang kakaibang tunog sa kabilang linya. Maingay at tila ba nasa


labas ang kausap ko. Madaming boses ng tao sa background at may narinig
akong serena ng sasakyan. Kumunot ang noo ko at biglang naalimpungatan.
Is that the sound of an ambulance or a police car?

“DEELS!” the girl on the phone hissed. Tila ba bumubulong ito at the same
time sumisigaw. Tiningnan kong mabuti ang caller ID. Si Mindy.

“Nasaan ka?” tanong ko. “Alam mo ba kung anong oras na?” Nagkaroon ng
ingay mula sa kabilang linya. Tila ba naglalakad si Mindy sa gitna ng
madaming tao.

“Oh god! Buti sinagot mo!” she exclaimed. “Hindi ko kasi macontact si
Mama. Nandito ako ngayon sa highway sa labas ng village. Deels, may
nangyaring accident sa mga nag drag racing at—“

Naputol ang sasabihin niya.

“Ano?” tanong ko. This time nanginginig na ang kamay ko habang hawak ang
phone. “Okay ka lang ba? Wala bang nangyari sayo? Ano yang naririnig ko?
May mga nasaktan ba?”

Napahawak ako sa noo ko. Oh god. Ito na yung kinatatakot ko. Ano ba
kasing inisip nila at nagkarera sila ng ganyan! At si Mindy anong
ginagawa niya sa lugar na yun!
“Deels.” biglang bumalik ang nanginginig niyang boses. “May narinig akong
may namatay. Hindi ko alam!” she is crying. Oh my god. Mindy is crying.

“Medyo magulo dito. May tumawag ng ambulance tapos biglang dumating yung
mga police. Sinasama kaming lahat sa police station. Delia I swear hindi
ko gustong nandito. Sinama lang ako ng pinsan ko. Delia pakisabi kay Mama
na sunduin ako sa police station. Delia—“

Namatay ang tawag.

Hindi makapaniwala na tiningnan ko ang screen ng phone ko. I was in that


position for nearly five minutes. I was frozen in shock and worry. May
namatay sa accident. Oh my god. May namantay akong schoolmate sa
accident!

Hindi ko namalayan ang sumunod kong ginawa. Basta ang alam ko lumabas ako
ng kwarto at ginising si Mama at Dad. Magkayakap sila nang madatnan kong
natutulog sa master’s bedroom. During ordinary instances baka napangiti
pa ako. But there is no time for smiling now.

“Delia?” tanong ni Dad na pupungas pungas pa. “Anong ginagawa mo dito?”


napatingin siya sa digital alarm clock na nasa table. “Alas tres palang
ng—“

“Kailangan nating sunduin si Mindy sa police station, Dad.” sabi ko.


Napansin niya ang nagpapanic kong boses kaya bigla siyang umupo sa kama.
Maging si Mama nagising na.

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Mama.


Alam kong hindi magiging maganda ito kinabukasan but I have no choice.
Mindy’s Mom is probably passed out somewhere kaya hindi nito nasagot ang
tawag niya. Mrs. Gonzales has a weird habit to cope up with her insomnia.
Umiinom ito. Kaya sigurado akong kung pupuntahan ko man siya sa bahay
nila baka hindi ko din siya makausap ng matino.

“Okay lang siya. Kailangan nating bilisan. Sa sasakyan ko na


ipapaliwanag.”
It was pure chaos. Para akong nasa setting ng isang shipwreck movie nang
pumasok kami sa police station. There are people crying, some talking to
their parents on the phone while begging, others are just shock. Hindi
nagsasalita at nakatunganga lang.

There’s a lot of people I know at meron ding ngayon ko lang nakita. It’s
weird. Really weird. Na yung mga taong minsan na hinangaan mo dahil sa
pagka confident nila, yung mga taong lagi mong nakikitang patawa tawa
lang ang mukhang walang problema, ngayon ay umiiyak na parang mga grade
school.

In the midst of the chaos, nakita ko si Micko at si Reese, kaharap nila


ang isang police officer sa dulo ng kwarto at tila tinatanong sila nito.
Kalmado kung sumagot si Micko, tumatango ang police officer at nagtype sa
computer sa bawat sabihin nito. Pero napansin ko ang mga palad ni Micko.
Sobrang nanginginig ang mga ito. Then there’s Reese. For the first time
wala ang elegance and sophistication sa aura niya. Magulo ang buhok niya,
madumi ang designers na damit, at higit sa lahat humahagolgol ito.

“DELIA! OH MY GOD DELIA!” isang pares ng braso ang agad yumakap sa akin
mula sa kung saan. Napansin ko ang familiar na amoy ng buhok niya. Si
Mindy.

“Mabuti dumating ka. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Nasaan si Mama—
“ natigilan siya nang mapansin kung sino ang mga kasama ko. Umalis siya
sa pagkakapayak sa akin at humarap kay Mama at Dad.

Sa gitna ng mga taong nagkakagulo sa loob ng station, hindi mapagkakaila


na stand out ang formal na mukha ni Dad at ang maamong mukha ni Mama.
“Tita, Tito.” nanginginig ang boses na bati ni Mindy sa kanila. Yumuko
ito at nag iwas ng tingin. “Kayo po pala ang pumunta. Pasensya na po—“

Mindy was cut in mid-sentence nang bigla siyang kayapin ni Mama.

“Are you okay, honey? Hindi ka ba nasaktan?” tanong niya. Hindi nakasagot
si Mindy.

“Sinubukan naming tawagan si Melany pero hindi siya sumasagot. Nasobrahan


nanaman siya sa inom ng wine.” paliwanag ni Mama.

Si Mama at ang Mama ni Mindy na si Mrs. Melany Gonzales ay matagal ng mag


kaibigan mula pa noong high school sila. Lagi niyang pinagsasabihan ito
na ihinto na ang pag inom ng wine and instead ay proper insomnia
medication ang gawin.

“Pasensya na po talaga. Hindi ko naman alam na—“

“We’ll talk about it later. Sa ngayon kailangan nating ayusin ito.” sabi
ng formal na boses ni Dad.

Mindy cringed. She always told me that my Dad is the kindest father she
knows but there are times that Dad is really scary. Tumango si Mama.
Pumunta si Dad sa mga police officer na nandoon at nakipag usap sa mga
ito. I held Mindy’s arms. Nanginginig parin siya.
Good thing Dad is a lawyer kaya naman madali niyang naayos ang gusot kay
Mindy. Nakaalis kami sa police station makalipas ng kalahating oras.
Tahimik ang byahe pabalik ng bahay. It’s nearly four o’clock in the
morning and there are some establishment sa daan na nagbubukas na. May
nadaanan kaming bakeshop at tinanong ni Mama kung gusto namin ng kape at
bagong lutong tinapay. Mindy and I both shook our heads in the back seat.

Nagpatuloy ang byahe at makalipas ng ilang minuto huminto kami sa


malaking bahay nila Mindy. Pinatay ni Dad ang engine at lumabas ako
kasama si Mindy. “Ako na ang maghahatid sa kanya.”

Tumango si Dad at Mama. Pero bago kami naglakad papunta sa porch nila,
bumukas ang window sa driver’s seat at nagsalita si Dad. “Tomorrow or
should I say later.” sabi niya nang mapansin ang digital clock na nasa
kotse. “Sabihin mo sa Mama mo na dumaan sa bahay sa lunch. Kailangang
malaman niya ang consequences ng nangyari sayo. As for now, mag pahinga
ka na muna.”

Tahimik na tumango si Mindy. Pero halata ko ang pag aalala sa mukha niya.
I mentally face palmed. Dad is always like that. Very formal. I think
part yun ng pagiging lawyer niya. Pero pwede naman siguro na sabihin ang
mga yun in a normal way hindi ba?

“Thank you, Delia.” sabi ni Mindy nang buksan ang front door nila.
Madilim sa loob ng bahay gaya ng dati. Aakalain mong walang nakatira.

“No problem. Magpahinga ka na.” nakangiting sabi ko.

“Sorry talaga sa abala. Lalo na sa Mama at Papa mo.” sabi niya for the
nth time.
I heaved a deep sigh. “Minds, alam mo naman na hindi abala yun sa kanila.
Nag aalala sila sayo at syempre pati ako.”

Tumango siya and for the first time isang maliit na ngiti ang sumilay sa
mukha niya. “Patay sa akin si Timothy bukas.” biro niya. “Talagang
itatakwil ko yun na kamag anak.” Natawa ako.

“Thank you talaga, Delia. Bukas.” sabi niya. “Ik-kwento ko sayo ang lahat
ng nangyari bukas.” sabi niya saka niyakap ako at pumasok sa loob ng
bahay.

Bumalik ako sa sasakyan. Narinig ko si Mama at Dad na nagusap ng mahina.

“Ano daw ang casualties?” tanong ni Mama.

“Hindi pa malinaw.” sagot ni Dad. “Hinihintay pa nila ang kalagayan ng


mga batang dinala sa Hospital.”

“Mga bata nga naman sa panahon ngayon.” sabi ni Mama sabay tingin sa akin
mula sa rearview mirror.

Pilit akong ngumiti. “Let’s go?” Binuhay ni Dad ang engine ng sasakyan.
Pinagmasdan ko ang pasikat ng araw sa hindi kalayuan.
Nag yawn ako at pumikit. Hindi ako makapaniwala na nangyayari talaga ito.
My head is still floating from everything that happened. Bukas. Bukas
malalaman ko ang lahat.

***

=================

The Jerk: Three

Three,

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa ibaba. Ramdam ko ang init at liwanag


na pumapasok sa kwarto ko mula sa glass door ng terrace. I rolled on the
surface of my bed to face my alarm clock. Almost nine thirty na ng umaga.
I groaned sleepily at bumalik sa pagkakahiga.

Then it hit me. Napaupo ako sa kama. Bigla kong naalala ang mga nangyari
noong madaling araw. Mabilis akong bumangon at tinali ang walang kasing
gulo kong buhok sa isang bun. Nagbihis ako at lumabas ng kwarto.

Nang bumaba ako nadaanan ko ang kapatid kong si Daniel na naglalaro sa


labas kasama ang aso naming si Nacho. Binati ko siya at dumerecho sa
kusina. Nadatnan ko doon si Mama na naghuhugas ng pinagkainan at nandoon
din si Dad?

Umupo ako sa katapat na kitchen chair at nag salin ng orange juice sa


baso. “Dad? Wala ka bang work ngayon?”
He raised his head from the local newspaper he’s reading. “Mamayang hapon
pa ako pupunta sa office anak.” sagot nito saka uminom ng kape.

“Kumain ka na, sweetie.” sabi ni Mama. Tumango ako at naglagay ng ham,


scrambled egg, at fried rice sa platong nasa mesa.

Kumain ako ng tahimik hangang sa nakita ko ang isang article sa newpaper


na binabasa ni Dad.

“Dad.” bigla kong sabi na maging si Mama natigil sa ginagawa. “Yan na ba


yung nangyari kagabi?” turo ko dyaryo.

Nakalagay doon: Students from two local school involve in a drag racing
accident. Nalunok ko bigla ang kinakain ko.

“Wala pang masyadong detalye, anak. Halos ilang oras lang ito nangyari.
Pero nagawa nilang isama sa issue ngayong umaga.” sagot niya.

“Mabuti nalang at hindi mo naisipang pumunta sa lugar na yun, sweetie. I


heard there are a few casualties. Baka mamatay ako sa sama ng loob kapag
nadatnan kita sa police station.”

Muntik akong mabilaukan. Pati si Dad napangiti.


Alam niyang imposibleng mangyari ang bagay na yun. Pumasok nga lang sa
school na hindi nakagawa ng homework pakiramdam ko magkakasakit na ako,
ang manuod pa kaya sa isang illegal drug racing sa gitna ng gabi.

Matapos kong kumain sinabi ni Mama na tingnan ko si Daniel sa bakuran.


Nang lumabas ako nakita ko si Daniel na kasama parin si Nacho.

“Hey, Danny.” bati ko sa five year old kong kapatid na seryosong


naglalaro sa sandbox sa gitna ng bakuran.

“Hey, sweetheart.” bati ko sa Saint Bernard na aso na sumalubong sa akin.


Iwinagayway nito ang mabalahibong buntot.

“Ate?” tanong ni Danny. Tumigil ito sa ginagawa niya at lumapit sa


nakaupong aso. Halos magkasing laki lang sila. Nacho is quite a large
dog.

“Sabi ni Lala, umalis kayo kagabi. Saan kayo pumunta?” Daniel’s bright
eyes are full of innocent curiosity.

Si Lala ay ang matandang kapitbahay namin. Mag isa siyang nakatira sa


katabing bahay at kada weekend dinadalaw siya ng anak niya at apo niya.
Siya ang pinag bantay namin kay Daniel kagabi.

Hindi naman naging malaking abala ito sa kanya. She is an early riser.
Eksaktong alas kwatro ng umaga siya nagigising araw araw. Kaya sinuman sa
malapit ay hindi na nagtataka kung may naririnig na nagwawalis ng bakuran
ng ganun kaaga.
“Bumili kami ng paborito mong cereal.” sabi ko. “Hindi ba sabi mo kahapon
wala ka ng rainbow flakes kaya bumili kami para pagising mo meron na.”

Ngumiti ako ng malapad. Paano ko ba sasabihin ang totoong nangyari sa


isang five years old?

Nawala ang kunot sa maliit niyang noo at napalitan ng pout. “Sabi ni Mama
pinadala yun ni Buzz Lightyear.” tila nag re-reklamong sabi niya.

Binitawan niya ang mga laruang dala niya saka hinila si Nacho papasok sa
bahay. “Mama.” narinig kong tawag niya mula sa loob.

Bumuntong hininga ako at umupo sa lawn chair. Pinagmasdan ko ang


maliwanag na paligid. Naalala ko si Mindy. Kamusta na kaya siya?
Nakatulog kaya siya ng maayos?

I remembered the phone call where Mindy mentioned that someone probably
died. My stomach started to churn uncomfortably. Totoo kaya yun? Sino
naman kaya?
Bandang tanghali nang dumating si Mrs. Melany at Mindy sa bahay. Nakasuot
ng maayos na damit si Mrs. Melany na para bang makikipag meeting. Si
Mindy naman halata mong hindi nakatulog buong gabi.

Nagsalo kami sa tanghalian. Walang ka ide-ideya si Mrs. Melany sa


nangyari kagabi. That makes things really awkward. Hindi niya alam kung
bakit siya nandito sa bahay. Ang akala niya isa sa amin ang may birthday.
Sabi ni Mindy muntik na siyang bumili ng regalo bago sila pumunta sa
bahay. Buti napigilan niya.

We are nearly finished with the dessert when Dad cleared his throat in a
business like manner. Mindy played with her fingers in her lap. Hinawakan
ko ang kamay niya with a reassuring smile.

“Melany.” my Dad started. “Alam mo bang may nangyaring drag racing ng mga
high school students kagabi.”

Tumigil siya sa pagkain ng mango float. “Really?” she asked, unconcerned.

My Dad turned to Mindy then nod. That is the sign. Sasabihin na niya ang
nangyari sa harap naming lahat.
“Ma, ano kasi.” Mindy started nervously.

Deep inside I don’t think it’s necessary to be this formal but


considering nadamay na rin lang kaming lahat, and Dad, being his formal
and logistic self, mas mabuti na siguro ito para isang beses lang
kailangang sabihin ang lahat.

Huminga ng malalim si Mindy. “Nandoon ako sa lugar na yun at nagkaroon ng


aksidente, dumating ang ambulansya kasama ang mga police at hinuli kaming
lahat.” tuloy tuloy na sabi niya. No wonder kailangan niyang huminga ng
malalim.

Tuluyan ng hindi nakapag salita si Mrs. Gonzales. “Ma, sorry.” dagdag ni


Mindy. “Hindi ko alam na mangyayari ang ganun, promise.”

Mrs. Gonzales’ mouth open, the close again. Gusto niyang magsalita pero
walang lumabas na kahit ano sa bibig niya. She just stared at everyone in
shock. This is not good.

“Melany, sinundo namin ang anak mo sa police station.” si Mama ang


nagsalita. “Though naiuwi namin siya agad meron paring records doon na
kasama siya sa nangyari. We just want you know how to fix it kaya
pinapunta ka namin dito.”

“I-Is that so?” Tila wala sa sarili na tanong ni Mrs. Gonzales. Humigpit
ang hawak sa akin ni Mindy nang mapatingin sa kanya ang Mama niya. “Tell
me everything that happened.”
Halos isang oras ang discussion sa nangyari. There are times that I
thought Mrs. Melany would faint. Meron naman na halos maiyak si Mindy.

Ayun sa kwento niya ala una ang usapan ng race, kaya lang hindi
nakarating agad ang mga kasali. One thirty nang nag decide sila na mag
trial muna habang naghihintay. Doon palang daw alam nilang may mali na sa
isang kotse.

Eksaktong two o’clock nakompleto sila. Nagkaroon pa ng ilang paghahanda


bago nagsimula ang race. Ilang laps din ang kailangan nilang tapusin.
Tumagal ang race ng fifteen minutes bago nangyari ang accident.
Pumutok ang gulong ng isang sasakyan. Tumama ito sa dalawa pang sasakyan
na kasabay niya. Bumanga sila sa poste ng ilaw. Doon na huminto ang
dalawang kotse. Nawasak ang harapan ng mga ito. Ang isang kotse
nagpatuloy na tumilapon hangang sa tumama ito sa concrete barrier at
tumaob.

Hindi ko maiwasang mangilabot habang sinabi lahat ito ni Mindy. Naiyak na


siya nang tuluyan nang ikwento ang mga sumunod na nangyari. Nagsisigaw
ang mga tao. Everyone rushed to the scene. Natigil ang karera.

There were cries of horror everywhere. It was a catastrophy. May


sumisigaw na tumawag sila ng ambulansya. May mga umiyak. Hindi nila alam
ang gagawin. Dumating ang ambulansya makalipas ang ilang minuto. And in
that moment it hit them all. Malalaman ng lahat ang nangyari.

Nagkagulo. Lalo na nang sundan ang tunog ng ambulance ng tunog ng police


car. Lahat gustong umalis sa lugar. Yung mga taong pumunta ng by groups
iniwan ang mga kasama nila. Pero wala ng masyadong oras para tumakas sa
pangyayari. Halos lahat sila nahuli at pinunta sa police station.
Pagkatapos mag kwento ni Mindy hindi parin naging maayos ang expression
ni Mrs. Gonzales. Pinapunta kami ni Mama sa labas dahil pag usapan na
nila ang mga legal actions na kailangang gawin. Mindy and I just turned
eighteen three months ago. And this is one of the consequences of being
an adult.

Pumunta kami sa kwarto ko. Mindy sat nervously in my bed. “Akala ko okay
na kagabi. Meron palang ganito.” sabi niya.

I nodded. Having a lawyer parent opens me to these kinds of things kaya


halos expected ko na ito. Binuksan ko ang glass door ng terrace para
papasukin ang natural na hangin mula sa labas. Bigla kaming natahimik.
Mukhang hindi ko muna makikita ang masiglang si Mindy sa mga susunod na
araw.

“Delia, may hindi pa ako sinasabi sayo.” bigla siyang nagsalita nang
maupo ako sa harap ng baby piano na nasa kwarto ko.

“A-Ano yun?” I asked nervously.

“Alam mo yung sinabi ko kagabi? Yung may namatay pero hindi ko alam kung
sino?”
I nodded. A weird feeling erupted from the pits of my stomach.

“Naalala ko na.” sabi niya na may halong takot at pagsisisi sa boses.

“S-Sino?”

“Si Ashton Montecillo.”

***

=================

The Jerk: Four

Four,

Hindi ako makatulog. Ilang oras na akong nakatitig sa ceiling ng kwarto


ko hinihintay na dalawin man lang ako ng antok. But it was no use.
Bumangon ako sa kama at sinindi ang ilaw sa kwarto. Tiningnan ko ang
orasan. Alas dose ng gabi.

Napatingin ako sa labas kung saan tahimik na nakasindi ang mga street
lights. Pilit pumapasok sa isip ko na kagabi lang, sa eksaktong oras na
ito, nagbabadya ang isang aksidente. I sighed at umupo sa kama.
Kalat na ngayon sa buong village ang nangyari. I heard some of the
parents are more than angry. Sumugod ang ilan sa police station. Ang iba
doon nadatnan ang mga anak nang marealize na hindi pa sila umuuwi.

Nagkalat ang usapan kung sino ang mga damay at kung anong parusa nila.
May nawalan ng sasakyan, nawalan ng phone and internet privileges, na cut
ang mga bank accounts, curfew at kung ano ano pa.

Sa tingin ko hindi yun sapat. Those are just material things. Maibabalik
nila ang mga yun makalipas ng ilang lingo o buwan and the incident would
be forgotten. But how about the lesson? May natutunan ba sila?

The day ended with Mindy being record free with the police. Naayos ito ni
Dad stating that Mindy is only a witness of the accident. Hindi siya
kabilang sa nag ayos o bumuo ng event whatsoever.

Ganun din ang nangyari sa iba pang damay sa insidente. Nagkaroon lang ng
counseling ang mga ito kasama ng mga magulang. Kaya naman maghapon kong
hindi nakita si Mindy mula nang lumabas siya sa kwarto ko kaninang
tanghali.

“Si Ashton Montecillo.”

Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi niya. I tried to shake the
thought away. Everything feels surreal up to now. Hindi parin ako
makapaniwala na ang taong kahapon lang ay nakita ko pa sa school kasama
ng mga barkada niya at masayang nagtatawan, ngayon ay patay na at kahit
kailan hindi ko na makikita.

Kahit hindi ka close sa isang tao mararamdaman mo yun. That in denial


state. Yung inisip mo na pagpasok mo sa Lunes ay makikita mo parin siya.
I’m really bad at handling this kind of emotions.

Eksaktong ala una ng madaling araw nang mag decide akong humiga nalang
ulit. Halo halong bagay ang pumapasok sa isip ko. Gigising ako.
Makakatulog. Tapos kapag akala kong mahimbing na ang tulog ko, magigising
ako ulit. The process goes on for a while bago ako tuluyang nakatulog.

“Ah, shit. Ang ulo ko.”

Bigla akong naalimpungatan. As in bigla akong napaupo sa kama nang


marinig ko ang isang boses. Hindi ako nakagalaw habang slow motion na
linilibot ang tingin sa madilim na kwarto. S-Sino ang nagsalita?

“Pota, nasaan ba ako?”


Bigla akong kinilabutan. Hinablot ko agad ang phone sa bedside table
kasama ang mail opener na regalo ni Dad. Tinapat ko ang liwanag na
nagmumula sa phone sa madilim na sulok ng kwarto habang mahigpit ang
hawak sa maliit na patalim. Magnanakaw. May magnanakaw sa kwarto ko.
Hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi agad nag sink in sa akin na hindi tao ang narinig ko. Sa
pagsasalita at tono ng boses, napaka normal nito, normal na iritable at
nagre-reklamo. Halos marinig ko din ang yapak niya sa sahig. Kaya naman
nang isindi ko ang ilaw sa buong kwarto halos mahimatay ako sa gulat.

I was face to face with Ashton Montecillo.

Nawalan ako ng hininga. Nakatingin siya sa akin na nagtataka. Hindi ko


alam kung masusuka ako na ewan. I stood there, frozen in shock. My eyes
are wide as I stared at him. Yung katawan ko pakiramdam ko hindi akin.

“Oh my god.” Para akong isda na wala sa tubig. Nagtaas baba ang dibdib ko
sa sobrang kawalan ng hangin. Gusto kong sumigaw pero para bang nawalan
ako ng boses. I was caught in a strange trance.

Kumunot ang noo niya. “Sino ka naman?”

Then it happened. Namalayan ko nalang na may sumisigaw. “AAAAHHHHHH!” Ako


ang sumisigaw. Isang sigaw na halos gumising sa buong bahay.
“AAAAAHHHHH!”

BLAG! Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Dad. He looks fear


stricken. “Anong nangyayari dito?” halos sigaw niya.

Tinuro ko ang bahagi ng kwarto kung nasaan ang pinto ng terrace. Walang
ano man na lumabas sa bibig ko.

“Bakit anak? Anong meron sa—“ Realization fell on my father’s horrified


face. “May magnanakaw? Nasaan ang magnanakaw!”

Kung ordinaryong pagkakataon lang ito baka natawa pa ako. Ang laging
formal at striktong mukha ni Dad, ngayon ay may pinag halong expression
ng gulat, pag aalala, at sapilitang tapang.

Pero wala siyang nakita. Wala ng tao sa kwarto ko maliban sa aming


dalawa. I stared at the closed terrace door and windows. Pero paanong
nangyari yun? Saan siya dumaan?

Kumalma si Dad at pinagmasdan ako. “Anak, wala namang tao sa tinuturo mo.
Nasaan ang magnanakaw?”
I shook my head, still unable to speak. “Okay ka lang ba anak?” nagsimula
nanaman siyang magalala.

Huminga ako ng malalim at sinubukang magsalita. “Kanina, nandito si—“

Natigilan ako. Anong sasabihin ko? Nandito ang schoolmate kong si Ashton
Montecillo, yung namatay sa aksidente? The thought send a fresh wave of
shiver down my back. Oh my god.

“Anak, binabangungot ka ba?” came my Dad’s over patient voice. Ginagamit


niya lamang ang tono na ito kapag nakikipag usap sa kapatid kong si
Daniel.

I tried to nod. “S-Siguro nga.” wala sa sariling sagot ko. Tama.


Binabangungot lang ako. Wala akong nakita. Imposibleng mangyari yun.
Bakit naman ako mumultuhin ng isang taong hindi naman ako kilala in the
first place.

Huminga ng malalim si Dad. “Anak.” ayan nanaman siya sa tono ng boses


niya na para bang nakikipag usap siya sa isang five years old. “Matulog
ka na. Alam kong hindi naging maganda ang araw na ito para sa ating
lahat. Mabuti pa matulog ka na.”

I nodded mutely. Hinalikan niya ako sa ulo at pumunta sa pintuan. Akmang


papatayin na sana niya ang ilaw nang pigilan ko. “Hwag!” medyo nabigla
siya sa reaction ko. “I mean ganyan muna. Ako na ang papatay mamaya.”

He smiled that smile only fathers can give. “Sigurado ka bang okay ka na?
Gusto mo bang samahan ka namin—“

“No. I’m fine. Really. Binangungot lang ako.” sagot ko.

But honestly gusto kong sumama kay Dad at sa kwarto nalang nila matulog.
O sabihin na dito nalang sila matulog ni Mama. Yes, I’m not the bravest
person on this planet. Pero hindi niyo ako masisisi. There is a freaking
ghost inside my room.

Nagpaalam si Dad at sinara ang pinto. Nanginginig parin ang mga paa ko
nang umupo ako sa kama. Suddenly, my favorite place is the world is not
that safe anymore. Tiningnan ko kung saan ko nakita si Ashton kanina. I
swear nandyan siya kanina. Malapit sa pintuan ng terrace.

Hindi kaya bumaba siya? I mentally whacked my head. He is dead. Effin’


dead. Nangaling na mismo kay Mindy na nakakita sa pangyayari. Siya ang
nasa sasakyan na tumilapon sa barrier. Humiga ako sa kama at napatingin
sa ceiling. Then why? Bakit siya nandito? Of all people in Jefferson High
bakit sa akin pa niya napiling magpakita?
Muli kong linibot ang tingin sa kwarto habang nakahiga. Tahimik na ulit.
Wala ng kahit anong ingay. Pinikit ko ang mga mata ko. I don’t even care
how old I am right now. Whatever happens, I will sleep with the lights on
tonight.

***

Author's Note:

Hi! If you are a reader of my other stories that also happen to check
this one, thank you. At sa mga bagong nagbabasa sobrang naappreciate ko
po. I hope to see your comments below because I read all of them. Hope to
see you on the next update!

@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Five

Five,

Alam kong sinabi ni Dad kay Mama ang nangyari kagabi. Dahil ang unang
bumungad sa akin pagpasok ko sa kusina ay:

“Sweetie, totoo bang binangungot ka kagabi?”

Umupo ako sa kitchen chair at naghikab. “Wala po yun.” sagot ko.


Ngayong maliwanag na at wala na akong dapat katakutan, parang tama si
Dad, isang nightmare lang ang nangyari sa akin kagabi. Nakita ko ang
reflection ko mula sa metal surface ng microwave. Sabog ang buhok at
kulang sa tulog. Mukha namang napansin din ito ni Mama.

“Sweetie, pagkatapos mong kumain, kailangang magbihis ka na. Nine mag


start ang mass.”

Napa paused ako sa gitna ng pagkagat ng toasted bread. “Oo nga pala.”

Kagabi, tumawag si Mrs. Melany para sabihin na may magaganap na mass sa


Christian church sa village. Naka centro ang preach sa mga taong involve
sa accident noong Saturday morning at para na din ipagdasal ang mga nasa
Hospital at nagpapagaling. Kasama ito sa counceling session ng mga
nakasama sa aksidente.

Makalipas ang isang oras bumaba akong muli na nakabihis na ng Sunday’s


dress. Nakita ko si Dad na nag aayos ng necktie habang nakaharap sa full
length mirror sa living room. Pati si Daniel ay nakabihis din ng formal.
“Sweetie, mabuti bumaba ka na.” sabi ni Mama na sinusuot ang pares ng
earings habang naglalakad palabas ng kusina. Ibinaba niya ang isang bag
na may lamang tubig at pagkain ni Daniel.

“Tara na Edward, malalate na tayo.” tukoy niya kay Dad. Tinapos nilang
pareho ang ginagawa saka kinuha ni Dad si Daniel.

“Let’s go.” ulit ni Mom sa akin.

Habang naglalakad sa driveway papunta sa sasakyan huminto si Mama at


inayos ang neck tie ni Dad. I can’t help but admire how good looking my
parents are. Si Dad at si Mama. Bagay na bagay talaga sila. And even
after eighteen years they still look inlove with each other.

Hindi ko mapigilang magtanong.

Makikita ko din ba ang taong nakalaan para sa akin? Kasing saya din ba
kami nila Mama pagdating ng araw?
For the first time mula nang tumira ako sa village, nakita kong napuno
ang local church. Hindi lang napuno, umaapaw ito. Kinailangan na
magdagdag ng upuan, at ang iba nakontento nalang na makinig ng mesa mula
sa labas.

But here’s the catch. Sa unang pagkakataon, madaming kabataan na


nagsimba. And yes it was a phenomenon.

Malayo pa kami sa simbahan, tanaw ko na ang pila ng mga sasakyan na naka


park sa gilid ng daan. Karamihan dito ay magagarang sasakyan na kung
hindi ko lang ngayon nakita, sa school ko lang nakikita.

Nang makalapit kami sa dulo ng pila. “Mukhang mahihirapan tayo maghanap


ng parking space.” puna ni Dad mula sa drivers seat. “Mabuti pa dito ko
na i-park itong sasakyan at maglakad nalang tayo.”

Sumangayon kami nila Mama. Nang maipark ang kotse nagsimula kaming
maglakad. Mabuti nalang pala at naka flats ako, si Mama naman naka wedge.
Habang naglalakad, ilang familiar na mukha ang nakita namin. I recognize
the younger once immediately as my schoolmates.

Nagtaka ako nang kilala ng mga magulang nila sila Mama at Dad. Samantala
kilala ko ang schoolmates ko pero sila hindi nila ako kilala. Wow. Way to
go for being the ultimate outcast Delia.
Nakita ko si Mindy at ang Mama niya bago kami pumasok sa loob ng
simbahan. Naka dress ito ng kulay powder blue and for the first time
nakita kong nakaayos ang buhok niya. Naka braids ito.

“Mindy!” sigaw ko. Napalingon siya sa akin at agad ngumiti at kumaway


nang makita ako. Pinuntahan niya kami kasama ang Mama niya.

“Hey, Deels.” bati niya. She looks anxiously in the huge building in
front of us. “First time kong magsimba this year.” medyo natatawang sabi
niya. But it came out quite force.

Pumunta na sa loob ang mga magulang namin. Nanatili muna kami sandali sa
labas para panuorin ang pagdating ng mga tao.

“There’s Caleb.” sabi sa akin ni Mindy na nakatingin sa isang pamilyang


bagong dating. Nandoon nga si Caleb kasama ang step mother niya, ang Papa
niya, at kapatid niyang mukhang freshman year.

“Look, Reese’s family is coming.” Mindy whispered again.

Sa bandang kanan, nandoon ang familiar na mukha ni Mrs. Dela Vega. Halos
lahat ng pumapasok sa school namin ay kilala siya. Siya kasi ang
chairwoman ng PTA sa Jefferson High. Nandoon din ang asawa niya na isang
businessman. Kasama nila ang isa pa nilang anak, ang seven years old na
si Rachel.

“Wala si Reese.” puna ni Mindy. “Sa tingin mo hindi siya sumama?”


I shook my head lightly. “Hindi niya gagawin yun.” sagot ko.

Reputation and image is everything for Mrs. Dela Vega. Siguradong


malaking dagok sa kanya ang pagka involved ng anak niyang si Reese
especially noong nalaman na girlfriend siya ng isa sa mga pinakamalalang
casualties. Hindi siya papayag na hindi makita ng publiko ang
pagpapakumbaba ng anak niya.

“Oh, there she is.” pasimpleng ngumuso si Mindy sa direction ng isa pang
pamilyang bagong dating.

Noong una hindi ko agad nakita ang sinasabi niya. Ang napansin ko kasi ay
ang pamilya ni Micko. Nandoon ang Mama niya at dalawang kambal na babaeng
kapatid. Wala ang Papa niya. Nasa ibang bansa ito at ilang taon ng hindi
umuuwi. Ang sabi nila may iba na itong pamilya.

Nang makapalampas sila at pumasok sa loob ng simbahan, nakita ko si Reese


at Micko na kasunod lamang nila. Magkasama ang dalawa at halatang sabay
na naglakad. Seryoso silang nag uusap.

“Maybe they are talking about Ashton.” sabi ni Mindy. In that moment
bigla akong natigilan.

“Mindy, may sasabihin ako sayo.” I announced. Pero hindi ko natuloy yun
nang marinig namin ang bells ng simbahan. Mag start na ang mass.

“Mamaya mo nalang sabihin. Tara na.” yaya niya sa akin at hinila ako
papasok sa loob.
Nang makapasok kami, mas lalo akong na overwhelmed sa mga taong nakikita
ko sa loob ng simbahan. Kompleto ang mga member ng cheer squad at mga
pamilya nila, ganun din ang basetball team at soccer team ng school.

I heaved a deep sigh.

Sasabihin ko ba kay Mindy? Hindi kaya ako magmukhang baliw nito? Sa dami
ng kaibigan ni Ashton, kaibigan na sikat, kilala, at mayayaman, bakit
naman sa akin siya magpapakita? Ni hindi niya ako kilala.

Tungkol ang mass sa tatlong bagay. Disobedience of the authority,


overlooking the word of God, and repentance. Nakatuon ang preach sa mga
kabataang tulad ko. Specially sa mga taong kasali sa gulong nangyari
noong Saturday.

“Let us thank the Lord for giving three of His son a second chance and
many others a lesson which He hope will never be forgotten.”

Meron yung iba na hindi man lang nagabala na itago ang kawalan ng
interest nila. May nakapikit at mukhang natutulog, may nakikisabay sa
pagsasalita ng pastor sa harap, may iba mukhang bored na bored na. Nakita
ko si Mrs. Dela Vega na pasimpleng siniko ang asawa nito na tumatawag sa
phone.

“Let us pray for those souls to overcome the adversities that descented
upon them with faith, hope, and a repentant heart. For Brian Samson,
George Martinez, and Ashton Montecillo, we hope for your immediate
recovery. Let’s sing.”
Pero imbes kumanta ng church hymn, napanganga ako sa narinig. Immediate
recovery. IMMEDIATE RECOVERY?

Napalingon ako kay Mindy na nakaupo sa kabilang side ng aisle kasama ang
Mama niya. Seryoso itong nakatingin sa harap.

Anong ibig sabihin nun? Akala ko ba— Akala ko ba patay na si Ashton


Montecillo. Ibig bang sabihin nun totoong tao ang nakita ko kagabi?
Naguguluhan na ako. Ano ba talagang nangyayari?

***

=================

The Jerk: Six

Six,

Pagkatapos na pagkatapos ng mass, hinila ko agad si Mindy palabas ng


simbahan. Pumunta kami gilid nito, sa may fountain, at tinanong ko siya.

“I though he is dead!” I exclaimed. Tiningnan niya lang ako na para bang


hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ko.

“Si Ashton Montecillo, hindi ba sinabi mo sa akin na siya yung namatay sa


accident?”

Umaliwalas ang mukha niya nang marealize kung sino ang tinutukoy ko. “Ah,
oo. Yun din ang akala ko eh. Pero sabi ng pinsan ko hindi pa siya patay.
Half lang.”
I stared at her, incredulously. “Anong half lang?”

“I heard he is in coma. He is half dead, half alive. Parang ganun yun


hindi ba? Walang nakakaalam kung gigising pa siya.”

Natigilan ako. Ashton is in comatose?

“Sasabihin ko sana sayo kahapon kaya lang buong araw hawak ni Mama yung
phone ko. Alam mo na, medyo strikto siya ngayon dahil sa mga nangyari.”

Hindi ako nakasagot. Ashton is in comatose. Yung ang paulit ulit na


pumapasok sa isip ko. He is not dead. He is not alive either. Kung ganun
ano ang itatawag ko sa nakita ko kagabi? Multo parin ba?

“Hey, are you okay?” tanong ni Mindy sa akin.

Wala sa sarili na tumango ako. Makalipas ng ilang segundo bigla akong


nagsalita. “Alam mo ba kung saang Hospital siya naka confined? I-I just
have to make sure.”

Tiningnan ako ni Mindy na para bang na wi-weirduhan sa kinikilos ko. “He


is in Montoyo Medical Center.” she stared at me as if I was an ill
person. “Delia, may sakit ka ba?”

I shook my head and held her hand. “I’m fine. Kailangan ko lang talaga
siyang makita. Samahan mo ako, Mindy.”

Nagpaalam ako kay Dad na pupunta ako ng bayan. I didn’t mention where we
would head though. Nagpaalam din kami sa Mama ni Mindy. I have to tell
her that we will go to the mall to buy some stuff for a project. My
parents told me to be back before dinner. Pinagamit ni Mrs. Melany ang
dala niyang sasakyan para hindi na kami mag commute. Sumabay siyang umuwi
kina Mama.

Ako ang nagmaneho ng sasakyan. Habang nasa byahe hindi maiwasang


magtanong ni Mindy na nasa passenger seat. “Bakit bigla ka atang naging
interesado sa kalagayan ni Ashton Montecillo?”

Hindi agad ako nakasagot. Ano bang pwedeng idahilan? Concern ako? Pft.
That is the funniest thing I thought so far.

“Concern ka ano?” nakangising sabi ni Mindy. “O baka naman may gusto ka


sa kanya kaya concern ka. Kailan pa?”
Kumunot ang noo ko pero nanatiling derecho ang tingin ko sa daan. “Wala
akong gusto sa kanya.” I said firmly. “I just—“ How would I say this?

“Just what?” Mindy probed, teasingly.

“I just want to know what really happened. After all, schoolmate natin
siya. Don’t I have the right?”

Mindy pondered about that thought. “Sabagay.” sagot niya. “Hindi ko kasi
naisipang bisitahin siya. Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan niya
kapag nakita ako doon? Pero kahit paano may history naman kami so concern
din ako.”

Bigla kong naapakan ang preno ng sasakyan. Mindy gasped. “Hey!” sigaw
nito nang halos tumama ang ulo niya sa dashboard. “Gusto mo bang
magkaroon ng part two ang aksidente?” she shrieked. “Nagbibiro lang naman
ako sa history thingy. Ang tinutukoy ko yung dating crush ko sa kanya.
You don’t have to react that harsh.”

Pero hindi yun ang dahilan kaya ako biglang huminto.

Tama si Mindy. Ano ba ang inisip ko? Siguradong doon dederecho ang mga
kaibigan ni Ashton after ng mass. Baka nga kasabay na namin sila sa daan
ngayon. Tiningnan ko ang side mirror ng kotse.

Another thing, paano kapag nandoon ang mga magulang niya, anong sasabihin
kong dahilan? Schoolmate niya ako na nagkataon na hindi niya kilala pero
minumulto niya? This is really a bad idea.

Sa huli, at dahil halos ilang metro nalang ang layo namin sa vicinity ng
Hospital, nag decide kami na tumuloy nalang. Mindy is right. Ashton,
being the Mr. Popular and all, halos hindi naubusan ng bisita sa loob ng
private room niya.

Pinagmasdan namin mula sa dulo ng corridor ang pagbukas at pagsara ng


pinto ng kwarto niya. May aalis at may darating. Bumisita doon ang ilang
kaibigan niya na galing sa mass, merong mukhang maids na may dalang fresh
fruits at bulaklak. Then ang huli, mga taong naka business suit. Pumasok
sila sandali, then lumabas din agad kasama ang isang matangkad na
lalakeng mukhang nasa early fifties.

Tiningnan ko si Mindy na nakaupo sa bench kasama ko. “Sa tingin mo wala


ng tao?” tanong ko.

Naaantok na iniangat niya ang ulo niya. “Hindi ka pa ba gutom, Delia?


Ilang oras na tayong naghihintay dito? It’s freaking two o’clock in the
afternoon.”
“Sshh.” I hissed. “Wala tayong magagawa. Hindi tayo pwedeng makisabay sa
mga tao kanina. Ano nalang sasabihin nila Reese at Micko kapag nakita
tayo?”

Mindy rolled her eyes. “What are they doing here?” she imitated Reese’s
high pitch voice. “Are they stalkers? Did Ashton even know them? Blah
blah blah.”

I smiled. “Now you get my point. Tara na.”

Lumapit kami sa pinto ng Room 087. Huminto kami sandali para pakingan
kung may tao parin sa loob. This is really weird. Pakiramdam ko mga
secret agents kami. Okay, forget that. I watch too much movies.

“Excuse me, mga Miss?” napalingon kami ng sabay sa likod namin. “Bisita
ba kayo ng pasyente?”

Isang babaeng nurse na may hawak na clipboard ang nasa harap namin.
Mukhang papasok siya sa loob. Tiningnan niya kami na para bang nag d-
decide kung tatawag siya ng mga guards o hindi.

“Ah, ano.” si Mindy ang sumagot. “Ex niya. Ex girlfrieds niya kami.”

Mindy wear her sweetest smile. Samantalang ako halos manlaki ang mga mata
kong napatingin sa kanya. Ako? Ex girlfriend. EX GIRLFRIEND?

Umaliwalas ang mukha ng nurse. “Aah.” she answered. “Hindi niyo naman
sinabi agad. Sige pasok na.”

Mindy winked at me nang pumasok ang nurse sa loob at sumunod kami. I was
staring at her, horrified, all the way. Pero nang makapasok kami sa
maaliwalas na kwarto I realized her idea is not that bad.

Tama kami ng hinala. Wala ng ibang tao sa loob sa mga oras na ito.

“Sinabihan ako ni Mr. Montecillo na bantayan siya.” sabi ng nurse habang


isinasara ang puting kurtina ng bintana para takpan ang sobrang liwanag
mula sa labas. “Kung alam ko lang na darating kayo dapat nag round muna
ako sa kabilang ward.”

Malaki ang kwarto at maliwanag. Kompleto ito sa gamit na para bang isang
maliit na bahay. May sofa, cabinet, maliit na dining area, may sink kung
saan nakalagay ang coffee maker at microwave, meron ding medium size
refrigerator. May pinto din na may nakalagay na sign: bathroom.

Puno din ng makukulay na bagay ang kwarto. May mga bulaklak na nakapatong
sa isang table, may mga prutas, sa isang parte ng wall may nakalagay na
board na puno ng sandamakmak na post it notes at pictures, pati na din
get well soon cards and letters. Meron ding bola ng basketball sa isang
sulok at RC cars.

“Ang dami naman nito.” commented Mindy na linibot ang tingin sa kwarto.

“Actually inuwi na ang iba dyan. Madaming bumibisita sa room na ito.


Kadalasan mga babae. Alam niyo bang pang labing anim at labing pito na
kayong nagsabi na ex girl friends niya? Hindi din siya playboy ano?”
natatawang sabi ng nurse.

Mindy hide a laugh. “Ganyan po talaga siya. Kaya hindi kami nagtagal.”
sabi niya na enjoy na enjoy ang role ng pagiging ex girlfriend. I
mentally groaned.

“Magkaibigan ba kayo?” tanong ng nurse na ngayon naman ay inaayos ang


temperature ng air conditioning ng kwarto. “Naging ex niya kayo pareho.
Mabuti hindi kayo nag away. Para kasing ginawa kayong fishball. Alam niyo
yun?”

I was about to deny na hindi niya talaga ako naging ex girlfriend


whatsoever nang muling magsalita si Mindy.

“Our friendship is stronger than any other temporary relationship.” proud


na sabi nito. She smiled wickedly in my direction and I mentally face
palmed yet smiling.

“Ganun ba, good for you.” sabi ng nurse.

Pumunta siya sa parte ng kwarto na natatakpan ng pale blue na kurtina.


Agad nawala ang ngiti ko. This is it. Makikita ko na si Ashton. Si Ashton
na nasa coma. Napalunok ako lalo nang hinawi ng nurse ang isang parte ng
kurtina at naging malinaw sa akin ang iba’t ibang tunog ng mga medical
apparatuses.

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon.” sabi ng nurse na tinutukoy si


Ashton. “Sayang gwapo pa naman siya.”

Iniwan ako ni Mindy at agad sinilip si Ashton. Nanatili akong nakatayo


malapit sa sofa. “Delia, halika na.” I tried to smile but deep inside my
stomach is churning.

Ayoko talaga ng mga tunog na yun. Those are really horrible sounds.
Sounds that determined life and dead. Naglakad ako papunta sa hospital
bed at unti unting bumungad sa akin ang mukha ni Ashton. Napalunok ako.

My head injury si Ashton, bakas yun sa bendang nasa ulo niya. Pero
maliban doon at ilang gasgas sa mukha, maaliwalas ang mukha niya. Para
siyang natutulog. Maliban nalang siguro sa oxygen mask na nakalagay sa
ilong niya. Kaya pala nasabi ng nurse na gwapo ito, kahit na comatose,
bakas parin sa mga features nito kung gaano siya kagwapo.

Naalala ko ang sinabi ni Micko noon sa Cafeteria. Sleeping Beauty.


Madalas siyang asarin ng mga kaibigan niya nun dahil lagi siyang
natutulog kahit saan niya maisipan. This time he is sleeping again. And
nobody knows if he would even wake up soon.

***

=================

The Jerk: Seven

Seven,

Bandang three o’clock ng hapon umalis kami sa Hospital ni Mindy.


Kinailangan namin yun dahil sabi ng nurse babalik si Mr. Montecillo, ang
Papa niya, ng ganung oras. Dumaan kami sa isang fast food chain bago
umuwi ayun na din sa request ni Mindy. Dahil daw sa akin nag fasting siya
ng hindi oras.

Pero wala akong ganang kumain. Lagi kong naalala ang mukha ni Ashton na
payapang natutulog at yung mga sinabi ng nurse. Walang kasiguraduhan na
magigising siya. It could take days, months, years, or never.

Meron daw yung mga situation na more than five years under coma at saka
lang sila nagising. Pero meron din yung mga kamag anak na wala pang ilang
lingo sumuko na at pinaputol na ang life support.

I wonder, if that happens to any member of my family makakayanan ko kaya?


Ang maghintay kahit alam kong maaring walang patutunguhan? Ang putulin
ang natatanging bagay na nagbibigay sayo ng pag asa. That is really a
heavy decision.

“Hindi mo ba kakainin yang fries mo? Pwedeng akin nalang?” tumango ako
kay Mindy. Kinuha niya ang plate ko at nagpatuloy sa pagkain.

“Mindy sa tingin ko magkakamalay din si Ashton.” wala sa sarili na sabi


ko.

“Talaga?” tanong niya na naka focus parin sa pagkain.

“Ang sabi kasi ng nurse hindi ba? Mas mapapabilis ang pagising ng taong
nasa comatose kung laging kinakausap at may kasama.”
“Ngayon?” Mindy said.

“Wala lang. Naisip ko laging may kasama si Ashton, madami siyang


kaibigan, madaming taong nagmamahal sa kanya. So there’s a high chance na
mabuhay siya.”

“Pft.” sabi ni Mindy.

Kumunot ang noo ko. “Why?”

She shoke her head. “Nothing. It’s just that hindi lahat ng classmates mo
ay kaibigan mo. Madalas nakikisama ka lang dahil yun ang dapat. You get
my point?”

I slowly nodded.

“Madami nga ang bumibisita sa kanya but are they real friends or not? Who
knows? Maybe some of them are wishing the opposite of those cards.”

Nang matapos kaming kumain, or should I say, matapos si Mindy na kumain,


dumerecho agad kami pauwi. Kanina pa kasi nag t-text si Dad kung nasaan
kami. Dumaan kasi sila sa Mall na dinahilan ko at doon kumain ng lunch.
Sumabay na daw kami. Ang hindi nila alam nasa kabilang part kami ng
bayan.

Habang nag d-drive pauwi, biglang nagtanong si Mindy. “Hey, Deels.


Naalala ko lang, may sinabi ka kanina. Yung tinanong mo sa nurse?”

I glanced at her from the corners of my eyes. Ako parin kasi ang nag d-
drive. Mindy is uh, a very agressive driver so kapag magkasama kami ako
lagi ang dapat nasa manibela. “What? Yung tungkol sa pagising ng
comatose?” tanong ko.

“No. The other one. Yung tumawa yung nurse.” sagot niya. “Tungkol ata yun
sa kung nagiging multo ba ang isang naka comatose?”

Natigilan ako pero pilit na hindi pinahalata ito. “Yep? Bakit yun?”
casual na tanong ko.

“Bakit mo natanong yun?” she said habang nakatingin sa daan gaya ko.

I pursed my lips uncomfortably before answering. “Wala lang.” sagot ko.


“Curious lang ako.”
She nodded. Hindi na siya muling nagtanong pa. I really wanted to tell
Mindy. But thinking about it now in broad daylight pakiramdam ko nga
isang nightmare lang ang nangyari. I’m not really that sure anymore if it
really happened in the first place.

Hininto ko ang sasakyan sa harap ng bahay. Binuksan ko ang pintuan at


nang nasa labas na ako, Mindy took my position in the driver’s seat.

“Ngayon alam mo na kung ano talaga ang kalagayan niya.” sabi niya na
tinutukoy si Ashton. “Siguro naman maniniwala ka na. Hindi pa siya
patay.”

Tumango ako at pilit ngumiti. “Yeah. Matatahimik na ako dahil dyan. Ingat
sa paguwi.” sabi ko while she turned the ignition on.

Kumaway siya bago itinaas ang bintana ng kotse at pinaharurot ang


sasakyan paalis. Naiwan ako sa gilid ng daan at napabuntong hininga. Why
did I have this strange feeling that this is not the end yet?

Pumasok ako sa bahay at narealized na hindi pa dumadating sila Mama.


Mukhang nag enjoy sila sa Mall. Hindi naman kaya nag bonding sila kasama
si Daniel? Kung ganun I miss another a family day.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng milk drink. Narealize ko hindi pa pala


ako kumakain. Lumabas ako at umakyat sa second floor. Ang tahimik naman.
Napatingin ako sa orasan. Mag four na ng hapon. Ano mang oras darating na
sila Mama.

Hawak ang carton ng milk drink, binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Balak
ko sanang magbihis agad pagkarating ko doon dahil kating kati na ako sa
suot kong dress nang biglang nabitawan ko ang carton na hawak ko. Nabuhos
ang laman nun sa floor.

My eyes widen in horror as I stared at the guy sitting in my


bed. Nakatingin siya sa picture frame sa bedside table ko kaya naman
nakatalikod siya sa akin. Pero kahit hindi siya lumingon alam na alam ko
kung sino siya. I started to open my mouth to let an ear splitting scream
nang napatingin siya sa akin.

“Mabuti naman dumating ka pa.”

“Oh my god.” I whimpered. Kinakausap niya ba ako? I was so shocked that


my heart suddenly stops functioning. Nasa harap ko si Ashton Montecillo!
Gusto kong sumigaw pero mukhang pati throat ko tumigil na sa pag
function. Nag flashed ang image ng Ashton na nasa Hospital habang
nakatitig ako sa Ashton na nasa harap ko. Hindi maari ito.
“Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” I exclaimed. I backed away in the
direction of the door as far from him as possible. “Hindi pwedeng ikaw si
Ashton Montecillo. Comatose si Ashton Montecillo!”

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Tiningnan niya ako nang hindi
makapaniwala. “Anong sinabi mo?” he demanded. His face is fear stricken.

“C-Comatose si Ashton. Nakita ko mismo ng dalawang mata ko. Kaya kung


sino ka man—”

“Fuck!” Natigilan ako dahil sa sigaw niya. “I knew it!”

Nagtatakang tinignan ko siya. Ano bang pinagsasabi niya? “Kaya ba ikaw


lang ang nakakakita sa akin? Kaya ba nagagawa ko ang mga bagay na yun?”

Naituro ko ang sarili ko. “Ako lang ang nakakita sayo?”

Bigla siyang tumayo. “Kailangan kong puntahan ang katawan ko. Nasaan ako
naka confined?”

“Sa Montoya Medical Center.” wala sa sarili na sagot ko. Wait a minute.
Ibig sabihin hindi niya alam ang nangyari sa kanya?

“Sandali, wala ka bang naaalala sa mga nangyari? Ang drag race, ang
aksidente—” Halos mawalan ako ng balanse nang bigla niya akong hinila.

“Sumama ka sa akin. Pupuntahan natin ang katawan ko.”

May sinasabi siya pero hindi ko masyadong maintindihan. Naka focus ako sa
mga kamay niyang hawak ang wrist ko. Nanlaki ang mga mata ko. Nahahawakan
niya ako. Paanong nangyari yun?

Pinagmasdan ko kung paano siya tumagos sa pader samantalang halos tumama


ang mukha ko doon.

“Sandali naman!” asik ko. “Kailangan kong dumaan sa tamang daanan. Isa
pa, bakit hindi ka nalang lumipad or something.”

Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo. “Kung kaya kong gawin yun sa
tingin mo nandito pa ako?”

“Hindi mo kaya? Pero bakit sa TV ang mga multo pwedeng—”

“Tigil tigilan mo nga ako sa kakokompara mo.” iritableng utos niya. Nai-
inis din pala ang mga multo.
Nang makarating kami sa labas naalala ko ang isang bagay. Wala akong
pwedeng masakyan. Dala nila Mama ang family car at kauuwi lang ni Mindy
sa bahay nila.

Lumingon sa akin si Ashton nang huminto ako. “Ano?”

“Wala akong sasakyan eh.”

Mas lalong naging irritable ang mukha niya. “Gamitin mo ang sasakyan ko.”

“What?”

He runs his fingers through his hair in frustration. “Kilala ko ang


kalyeng ito. Malapit ito sa bahay namin. Kunin mo ang sasakyan ko sa
garahe namin.”

Tiningnan ko siya na para bang nababaliw na siya. Oh wait. Nababaliw na


nga siya. Ano yun? Gusto niya akong magnakaw?

“Hey, wait up.”

Tuluyan kong hinila ang kamay ko mula sa kanya. First time kong makipag
usap kay Ashton Montecillo. I didn’t even imagine that I can be this
close to him noong nabubuhay pa siya. Pero hindi ibig sabihin nito ay
gagawin ko na ang lahat ng gusto niya!

“Gusto mo akong magnakaw sa bahay niyo?”

He rolled his eyes in a manly way. Kinatok niya ang ulo ko. “Sinabi kong
nakawin mo? Sabi ko hiramin mo lang.”

“Pero paano ko gagawin yun? Sa tingin mo ba ganun lang kadaling makapasok


sa bahay ng isang mayor?”

Ini-isip ko palang napapa winced na ako. Ang dumaan nga lang doon kapag
ordinaryong araw na-alibadbaran na ako sa dami ng guards na nakapaligid.
Baka makulong ako nito.

Ngumisi si Ashton sa akin. “Ako ang bahala.” he insisted.

Tiningnan ko siya at ang ngisi sa labi niya. It was like seing your fave
celebrity in person. Now I know why those girls keep falling for his
looks. Ashton is definitely a good-looking piece of jerk.
“Sigurado ka ba dito?” tanong ko kay Ashton.

Nasa harap kami ng gate ng mga Montecillo. Isang malaki, mataas, at kulay
itim na gate na gawa sa makakapal na bakal na tanging sa high end na
kulungan ko lang nakikita. In short, mapapahamak talaga ako dito. I just
knew it.

“Sundin mo lang ang sinasabi ko.” confident na sabi niya habang nasa tabi
ko.

Hindi ako humaharap sa kanya habang nakikipag usap. Hindi ko din


masyadong pinapahalata na nagsasalita ako. Sabihin na nating hindi ko
gustong maulit ang nangyari sa park na dinaanan namin kanina kung saan
pinagtinginan nila ako sa pagaakalang nakikipag usap ako sa sarili ko.

“Pwede naman akong mag commute.” napatingin ako sa mga surveillance


camera sa bawat sulok ng gate. “Mabuti pa bumalik na tayo. Okay lang sa
akin ang mag commute.”

“Sa akin hindi.” sagot nito. “Kaya pindutin mo na ang doorbell.”

Napansin ko ang unti unting paglapit sa akin ng mga taong naka business
suit na nasa loob ng mansion nila Ashton. May dala ang isa kanila na K9
dog.

“Ano na?” impatient na tanong ni Ashton. Bakit ba ako napunta sa


sitwasyon na ito? Ang gusto ko lang naman ay magpahinga sa bahay at
ituloy ang binabasa kong libro.

“Pero—”

“Kung hindi mo gusto ako na ang gagawa. Napaka bagal.”

Mabilis akong lumingon kay Ashton. So anong ibig niyang sabihin? Kung
makapag utos siya akala mo may sweldo—

“Miss, may kailangan ka?”

Natigilan ako nang marinig ang monotone na boses ng isang personal guard.
Siya yung may dalang aso. Tiningnan ako ng masama ng aso na para bang
alam ang masamang binabalak ko.

“Ah ano po—” Napansin kong biglang hinawakan ng matangkad na guard ang
earpiece sa tenga niya. Nire-report niya na ba ako? Wala pa akong
ginagawa ah!
“Gusto ko sanang—”

Nagpapanic na napatingin ako kay Ashton. He smiled and whispered in my


ear. Napanganga ako sa sinabi niya. Whoa! That is so below the belt. Wala
na ito sa usapan.

“Ano, Miss?”

“Ah, ano...”

Cold sweat trickled on my palms. Anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng


sabihin yun. I glanced desperately at Ashton. He just raised his eyebrows
as if what he said is the most obvious thing to answer.

“Miss, may kailangan ka ba talaga o—”

“Gusto ko lang bawiin ang sasakyan ko from Ashton.”

The guard raised his eyebrow above his dark shades. A slight mocking
smile flashed across his lips.

“Sasakyan mo?”

I tried to sound sophisticated. “Yes. Yung ginamit ni Ashton last week


noong natulog siya sa condo ko.”

Naging seryoso ang mukha ng guard. Oh my god. I can’t believe I just said
that. Ground, please open up and swallow me. I’m begging you.

“Isa ka ba sa bababe niya? Akala ko ba ang anak ng chairman ng school ang


girlfriend niya?”

“I’m his other girlfriend.”

Crap. Papatayin ako ni Reese kapag nalaman niya ito. I swear gusto ko ng
tumakbo paalis sa gate. Ano nalang ang sasabihin nila Mama kapag nalaman
nila ang tungkol dito?

“Kung ganun pasok na.” tila amused na sabi ng guard.

Sinenyasan niya ang dalawa pang guard sa guard house para buksan ang
authomatic na gate. Ashton winked at me on the way inside. Walang hiya
siya. Matapos lang ang lahat ng ito. Pinapangako kong babawi ako sa
ginawa niya.
“Hwag ka lang magtatagal, Miss.” pahabol ng guard. “Yung blue na civic
ang tinutukoy mo hindi ba? Siguro naman may susi ka?”

“I have my spare key.” sagot ko. Hindi ko nagawang lumingon dahil sa


matinding kahihiyan. Nang makalayo na kami sa ilan pang guards na naka
stand by sa palibot ng mansion, humarap ako kay Ashton.

“Great. Akong bahala pala, ah.” I said mockingly.

“Tss. Ano bang problema? Nakapasok na tayo.”

“Yes. Thanks to you and your god forsaken reason.”

“Normal lang yun. Ano ba ang ikinagagalit mo?”

“In your world it’s normal, not mine.” Sinamaan ko siya ng tingin bago
muling bumalik sa paglalakad.

Bumuntong hininga ako. Tama ang obserbasyon namin ni Mindy. Hindi


kailanman magkakasundo ang mundo namin at ng mga tulad ni Ashton. Kung
mangyari man, sa rare situations lang gaya nito, kung saan multo siya at
ako ang napiling niyang pagtripan. Nakarating kami sa garahe at nakita ko
ang may pitong sasakyan na nandoon. Wow. I never thought na ganito kadami
ang sasakyan ni Ashton.

Humarap ako kay Ashton na biglang tumahimik sa likod ko. “Now what?”

He shrugged. Pumunta siya sa isang electrical box sa pader kung saan


nakakonekta ang ilang wire. Binuksan niya ito at may kinuha. Isang susi.

“Nice hiding place.” I muttered.

“Gamitin mo ang civic.” inihagis niya sa akin ang susi at muntik ko na


itong hindi nasalo.

“Bakit mo nahahawakan ang mga gamit? Akala ko ba multo ka?” tanong ko


habang pinagmamasdan ang susi sa kamay ko. Malamig ito.

He rolled his eyes. “Hindi ako multo.” he said as if I was the dumbest
person in the world. “Hindi pa.”

Pinagmasdan ko kung paano niya buksan ang pinto ng kotse. Sa mata ng


ibang tao para lang automatic na bumukas ang pinto. Walang nakakakita o
nakakarinig sa kanya maliban sa akin. Bakit ako? Ano bang kinalaman ko
dito?

***

Author's Note:

First time magsama ng dalawa. The Nobody and the Mr. Popular turned
ghost. Magkaka sundo kaya sila?

Thank you sa lahat ng nagbabasa ng story and for your amazing comments.

Stay awesome!@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Eight

Eight,

“Sinubukan mo na bang magparamdam sa mga kamag anak mo o mga kaibigan?”


tanong ko habang nagmamaneho. Lumingon siya sa akin sandali mula sa
passenger seat bago binalik ang tingin sa daan.

“Done.” maikling sagot niya.

“Anong nangyari?” Nakaka panibago ang biglang pagtahimik niya. Kanina


lang halos gusto ko na siyang sakalin sa sobrang inis ko sa kanya.

“Ano bang klaseng tanong yan? Malamang hindi nila ako nakita.”

Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho.

“Sandali, kanino ba talagang sasakyan ito? Totoo bang may girl friend
kang iba maliban kay Reese?”

This time humarap siya sa akin na nakakunot ang noo. “Kilala mo si


Reese?” Sasagot sana ako nang muli siyang magsalita. “Kanina ko pa
napapansin, madami kang alam tungkol sa akin. Magkakilala ba tayo dati?”
I was expecting na hindi niya talaga ako kilala. After all he is Ashton
Montecillo, the Mr. Popular. And I'm... well... I’m me. Delia Salazar.
The nobody. Pero kahit paano masakit din pala malaman na hindi man lang
ako familiar sa kanya.

“Magka-klase tayo.” I mumbled. “Mula grade school hangang ngayon.”

Tiningnan niya ako na para bang naghihintay na sabihin ko ang salitang


‘joke’. Pero wala na akong sinabi pang iba.

“Seryoso ka?” Halata ang pagtataka sa mukha niya. I can even see a hint
of amused smile in his handsome face. Para talaga siyang artista. The way
he smiled na halos nawawala ang mga singkit niyang mata. At yung buhok
niya na clean cut sa gilid at may mga spike sa itaas.

“Pwede ba, hwag mong ini-iba ang usapan.” asik ko.

This topic is really awkward. Yes we are in the same room for the past
few years but that doesn’t mean na kilala namin ang isa’t isa. Of course
I remember the few times I talked to him. Naging kagroup ko siya sa isang
science project at naging seatmate noong grade four. But I guess
nakalimutan niya na ang tungkol sa mga instances na yun. Sa dami ba naman
ng mga taong laging nakapaligid sa kanya. We are inches near yet worlds
apart.

“Hindi lang ako makapaniwala.” He held his chin as if thinking deeply.


“Tingin ko kasi ngayon lang kita nakita.”

I rolled my eyes. “Hwag mo ng problemahin ang tungkol doon.” Bumuntong


hininga ako. “Ako si Delia Salazar, okay na?”

Napangiti siya nang sabihin ko ang pangalan ko. Can he stop doing that?
Mas lalo akong na-intimidate sa presence niya. Kung alam niya lang kung
gaano kahirap mag concentrate sa pagmamaneho habang nasa tabi siya.
Tingin ko nga mas nailang pa ako sa pagiging si Ashton Montecillo niya
kesa sa pagiging multo.

“Nice name. Vintage.” Hindi ko alam kung isa ba yung compliment o pang
aasar.

“Wala akong girlfriend maliban kay Reese. Sinabi ko lang yun para hindi
ka mukhang tuod sa harap ni Bed." Ang guard ba ang tinutukoy niya?

"Napanalunan ko itong kotse sa pustahan. Pero syempre kapag sinabi ko ang


totoo, mapapatay ako ng ama ko.”
I frowned. “And what did you do to win this thing? I bet magka singhalaga
sila ng pinusta mo.”

He raised his hands then fastened it on the back of his head. “Pinusta ko
ang condo ko. Muntik na nga kaming matalo. Buti naipasok yung huling
tira.”

His eyes gleamed in excitement dahil sa naalala. Basketball game. I don’t


understand. Hindi naman napupulot ang pera para gamitin sa mga bagay
tulad ng pustahan. Instead magsalita pinili ko nalang tumahimik.

Nakarating kami sa parking lot ng Hospital. Nasabi niya din na kamag anak
nila ang may ari ng Hospital na yun. The perks of being high profile.
Kasama ko siya mula paglabas ng kotse hangang sa paglalakad sa corridor
ng hospital. Pero as usual sa tingin ng ibang tao mag isa ako.
Nakakailang tuloy.

“Kagagaling ko lang dito kanina.” bulong ko. Nakapa mulsa siyang


naglalakad sa tabi ko. Nakasuot siya ng gray na t-shirt, faded jeans at
black converse. I wonder kung yun ba ang suot niya nang maaksidente siya.

“Binisita mo talaga ako? Sigurado ka bang magka-klase lang tayo?” derecho


ang tingin niya sa harap nang sabihin yun. Anong ibig niyang sabihin
doon?

“Na-curious lang ako noong nagpakita ka sa kwarto ko noong gabi. Bakit ka


nga pala nandoon?” Tumabi ako para padaanin ang isang pasyente na naka
wheelchair. Pero kay Ashton tumagos lamang ito.

“Hindi ko alam.” he shrugged. “Basta pag gising ko nandoon na ako sa


kwarto mo. Tumama nga ata ang ulo ko sa sahig mo.”

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong narinig na pagtama ng ulo bago ko
siya nakita. Bigla kong naalala ang head injury ni Ashton na nasa
comatose. Maybe that’s the reason.

Nakarating kami sa private room niya. Tumigil ako sa tapat nito at


humarap sa kanya. “Pumasok ka na.” sabi ko. Tiningnan niya lang ako na
nakataas ang kilay. For the nth time. Can he stop doing that?

“Hindi ka ba sasama?”

“Nangaling na ako dyan kanina. Isa pa baka may makakita sa akin na


binibista ka.”

Mas lalo siyang nagtaka. “Ano ngayon? Mag kaklase naman tayo, sabi mo.”
I can’t help but roll my eyes. Hindi niya naintindihan ang sitwasyon.
Hindi porke magkaklase pwede na akong bumisita sa kanya ng mag isa.
Magkaiba ang mundong ginagalawan namin.

“Hihintayin nalang kita dito sa labas.” sabi ko. Mukha namang walang tao
sa loob ng kwarto. Pero malaking gulo parin kung nadatnan ako dito ng isa
sa mga kaibigan o pamilya niya.

Hinila niya ako. “Sumama ka.” utos niya. “Ako ang magde-decision kung
sino ang gusto kong bisita. Isa pa, kailangan ko ng magpapaliwanag sa
nangyari.”

Napatingin ang isang nurse mula sa corridor sa direction ko. Nakakunot


ang noo nito at mukhang nagtataka na sa ginagawa ko. Bumuntong hininga
ako at pasimbleng tumango.

“Oo na.” bulong ko kay Ashton. “Basta hwag lang tayong magtatagal.”

Binuksan ko ang pinto at halos mapasigaw sa gulat nang makita ang nurse.
Siya din yung nurse na nagpapasok sa amin kanina ni Mindy. Bigla akong
napatingin kay Ashton na nasa tabi ko. He stared at me with a questioning
look. Mukha namang walang nahahalatang kakaiba ang nurse.

“Ikaw pala.” masiglang bati ng nurse. “May nakalimutan ka ba? Nasaan na


ang kasama mo?”

Pilit akong ngumiti habang dumerecho si Ashton lampas sa nurse. “Ah,


kasi—” I fumbled with fingers lamely. I really sucked at lying. I need
Mindy in these kinds of situations.

“May nakalimutan akong sabihin sa kanya.” turo ko sa direction ni Ashton


sa hospital bed. “You know, private?”

I prayed na sana hindi niya mapansin na halos masuka ako sa sinabi ko.
Private? Crap. I sound like a desperate ex.

Mas lalong napangiti ang nurse. “Okay then.” Tiningnan niya ang hawak
niyang clip board. “Mabuti dumating ka. Mag round pa ako sa kabila. Just
ring me kung may nangyari.”

Tumango ako at gumilid para padaanin siya. Nang makalabas na siya sa


kwarto, saka lang ako nakahinga ng maluwag. There’s too much lies hanging
around today. Bakit nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Pinuntahan ko ang hospital bed kung nasaan ang tunay na Ashton. Gaya ng
dati mukha parin itong natutulog. Napatingin ako sa kasama kong si
Ashton. Nakatitig lang ito sa katawan niya. Pilit kong iniwas ang tingin
sa mga medical contraption na nakakabit sa kanya.
“So, there.” basag ko sa katahimikan. “Hindi ka patay. You are just in a
comatose.”

Tahimik parin siya habang nakatitig dito. Okay this is getting really
awkward. Inabot ni Ashton ang katawan niya pero tumagos lamang ang kamay
niya dito. Pinagmasdan ko ang reaction niya. For the first time he seems
so lost. Hindi niya alam ang gagawin. He reminds me of a loss puppy.

Nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko. “Just a reminder na hindi ako
nagi-isa.” paliwanag niya.

Humigpit ang hawak niya habang pinagmamasdan ang bawat detalye ng kanyang
katawan. He can touch things but never people. And his reaction stunned
me. Ngayon ko narealize na kahit paano, isa parin siyang ordinaryong
taong gaya ko na may pakiramdam.

“There’s this accident.” paliwanag ko. “A drag racing accident to be


exact. And you are the worst casualty.” Tiningnan ko siya. “Naaalala mo
ba?”

Bumuntong hininga siya at unti unting binitawan ang kamay ko. “Wala akong
maalala.” Umalis siya sa tapat ng bed at lumabas mula sa blue curtain.
“Ang huling natatandaan ko ay kausap ko ang ama ko. Hindi ko alam kung
anong araw yun.”

Pinagmasdan niya ang mga bagay na nasa kwarto. Ang mga cards, pictures ng
barkada niya, pictures ng mga laro nila. Binasa niya ang ilan sa mga
nakasulat. Napangiti siya pero mabilis na nawala yun. It’s hard when you
have almost a perfect life pero ngayon mo lang napahalagahan ito ngayong
nawala sayo ang lahat.

“At least madaming nagmamahal sayo.” I offered with a smile. “For sure
iiyak ang mga yan ng pure teaddrops—”

Tiningan niya ako nang nakakunot ang noo. “Ano bang pinagsasabi mo?”

“Sa TV? Ganun ang nangyari noong may nacomatose—” Tumigil ako nang
tingnan niya ako ng masama. “Okay hindi na.”

Nagpatuloy siya sa ginagawa. Ngayon naman pinagmamasdan niya ang picture


nila ni Reese.

“Hwag kang mag alala, magigising ka din.” I said. “Madami ang naghihintay
para makabalik ka.”
Natawa siya ng walang sigla sa sinabi ko. Balak niya sanang magsalita
nang pareho kaming matigilan dahil sa pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga
mata ko at hindi nakagalaw nang nakita kung sino ang mga pumasok. I
glanced at Ashton worriedly bago binalik ang tingin sa kanila. Si Reese
at si Micko.

Hindi ako nakalagaw sa kinatatayuan ko. Nagtatakang napatingin si Reese


sa akin. Maging si Micko ay nakakunot ang noo.

“Anong ginagawa niyan dito?” tanong ni Reese na kung tingnan ako ay para
bang isa akong kalat sa kwarto.

Micko shrugged matapos akong tingnan na para bang inaalala kung saan ako
huling nakita. “Baka gusto lang bumisita.” sagot nito.

“Did Ashton even know her?” naka cross ang arms na tanong ni Reese.

“Who knows?” Pumasok sa kwarto si Micko at napa atras ako. Tiningnan ko


ang kasama kong si Ashton na nasa sulok ng kwarto. Tiningnan niya ako na
para bang nagtataka sa kinikilos ko.

“I’m sorry. Mali ata ako ng napasukan.” pagsisinungaling ko. “Sorry.


Aalis na ako.”

Dumerecho ako sa pinto at muntik pang matisod dahil sa nagkalat na RC


cars sa sahig. Sinundan nila ako ng tingin.

“I think nakita ko na siya dati.” narinig kong sabi ni Micko.

“Hey, sandali.” tawag ni Reese sa akin.

I mentally cursed inside. Hindi ko na dapat ginawa ito. Hindi na dapat


ako pumunta dito. I knew one way or another something is going to be
wrong. Pero mas malala pa ito sa inaasahan ko.

Huminga ako ng malalim bago lumingon. Tiningnan niya ako mula ulo hangang
paa. “Hindi ka naman mukhang papatulan ng boyfriend ko, pero sana iwasan
mo ng pumunta dito. We don’t appreciate strangers visiting Ashton.” sabi
nito sa derechong mukha habang pahiyang pahiya ako sa sarili ko. “You can
go now.” utos niya na nakangiti. I tried to smile back pero hindi ko
kaya.

“Somobra ka naman ata.” Micko said.

“Tama lang yun para alam nila ang lugar nila.” Reese answered.
Lumabas ako sa kwarto nang walang nariring mula kay Ashton. Huminga ako
ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. This is exactly what I want to
avoid. Pero ngayon nangyari na.

Dumerecho ako sa kotse ni Ashton. Hindi ko alam kung ilang minuto ang
lumipas na naka-rest ang noo ko sa steering wheel at masama ang
pakiramdam, bago bumukas ang pinto ng passenger seat. Napalingon ako at
nakitang pumasok si Ashton.

“What happened down there?” he demanded once na naisara niya ang pinto.
He stared at me with an unreadable expression. “Bakit hindi mo sinabi na
mag kaklase tayo? Pinagtangol mo man lang sana ang sarili mo.”

Bumuntong hininga ako. “Kalimutan mo na.” sagot ko.

He scoffed. “Come on. You should at least defend yourself. Si Reese at


Micko lang yun.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “You don’t understand. Kabilang ka


sa kanila kaya hindi mo mai-intindihan. You don’t even know what your
types of people are capable of.”

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

“Kapag sumagot ako sa kanya para ko na ding inimbitahan ang sarili ko sa


araw araw na giyera. Hindi niya ako titigilan sa school. And because your
group is being worshipped, hindi lang siya ang makakalaban ko. My
remaining high school days would be a living hell.”

“Ano bang sinasabi mo? I know Reese could be a bitch pero hindi ka naman
niya sasaktan.”

Natawa ako. A laugh without humor. “See what I mean? Hindi niyo alam
impact ng ginagawa niyo sa ibang tao. I’m not talking about physical harm
here. It’s more than that.”

He runs his fringers through his hair in frustration. “Ikaw ang hindi ko
maintindihan.”

“Remember Benji Mendoza? Yung nag transfer na kaklase natin?” Ashton


looks clueless. “Siya yung paborito niyong pagtawanan dahil pa-ika ika
siya kung maglakad. Remember?”

Umaliwalas ang mukha niya nang maalala ang tinutukoy ko. “Nagbibiruan
lang kami. Alam niyang hindi seryoso yun.”
“Did he?” I asked mockingly. “Do you know he tried to kill himself? Do
you know that he transferred because he thinks our school is a hell? You
don’t even know that his injury is from an accident he shared with his
Dad. His Dad risked his life to save him but you made his son’s life a
living hell.”

Ashton scowled. “Delia, hindi naman namin alam na may ganung nangyari.
Hindi namin sinasadya.”

I smiled disappointedly. “That’s the whole point. Hindi niyo inalam. As


long as you guys are entertained wala kayong pakialam sa nararamdaman ng
iba. That’s stupid and selfish.”

Tumalikod ako at binuksan ang pinto ng driver’s seat. “Uuwi na ako.”

Hinila niya ang braso ko. “Sandali, ganun nalang yun?” Para siyang bata.

Humarap ako sa kanya. “Nakita mo na ang katawan mo. Alam mo na ang


totoong nangyari. Pwede na akong umalis.” Napamura siya ng mahina. “Mag
co-commute nalang ako. Bahala ka na sa sasakyan.”

Binuksan ko ang pintuan at lumabas ng kotse. Bago ako tuluyang umalis


nakita kong ini-untog ni Ashton ang ulo niya sa dashboard. I can’t help
feeling guilty. But I know from the start that this scheme would never
work out. All I want is to be invisible in the eyes of those people who
cause unnecessary drama. Pero ilang oras palang kaming magkasama ni
Ashton naging magulo na ang lahat.

***

=================

The Jerk: Nine

Nine,

Magdidilim na nang makauwi ako sa bahay. Pakiramdam ko pagod na pagod


ako. Nadatnan kong nakaupo si Dad sa couch sa sala at nanunuod ng weekend
news. Si Mama naman ay nasa kusina. Nalanghap ko agad ang magiging dinner
namin.

“Hey, Dad.” bati ko.

Napalingon siya sa akin. “Saan ka galing, anak?”


Sumilip si Mama mula sa kusina. “Nakauwi na si Mindy noong hinatid namin
ang Mama niya. Bakit ngayon ka lang, sweetie?”

All of a sudden I want to hug my parents. “Nagpasama kasi yung classmate


ko, Ma.” sagot ko.

“Nagpasama saan?” asked Dad inquiringly, his lawyer instinct kicking in.

“Sa Hospital.” I mumbled. You can never lie in front of Dad. “Sinamahan
ko siya na bisitahin yung classmate namin na kasama sa accident.”

Umaliwalas naman ang mukha ni Mama. “Oh, kamusta na ang classmate niyo?”

I shrugged and tried to sound unconcern. “Comatose.” Iniba ko agad ang


usapan. “Nasaan nga pala si Danny?”

“Nakikipag laro sa mga apo ni Lala. Tawagin mo na siya at kakain na


tayo.”

Tumango ako at bumalik sa labas. Pagbaba ko sa balcony paalis na ang


pulang sasakyan sa driveway sa kabilang bahay. Mukhang pauwi na ang anak
ni Lala na si Mrs. Herera at mga apo nito.

Kumaway ako saglit sa bintana ng sasakyan nang makita ang mukha ng five
year old na si Ella na kumakaway sa akin. Ngumiti ako kay Mrs. Herera
bago dumerecho sa pinto ni Lala. Eksakto naman na bumukas ang pinto at
lumabas ang dalawa.

“Nandito na pala ang ate mo, Danny.” Lala told my little brother.
Napansin kong may hawak na plastic ng assorted candy si Daniel gaya ng
lagi niyang iniuwi kapag pumupunta siya kay Lala.

Kumaway si Lala sa paalis na sasakyan bago humarap sa akin. “Nasaan na


ang kasama mo, Delia?”

Natigilan ako sa pagpupunas ng bibig ni Daniel na may chocolate. “Kasama


ko?” She never insisted on calling her Granny or anything resembling her
real age. “Nasa bahay na si Mindy, Lala.”

“Hindi si Mindy ang tinutukoy ko. Yung kasama mong umalis ng bahay niyo
kanina. Yung lalake.”

Natigilan ako at halos mabitawan ang panyong hawak ko. “Lalake?”

Tumango ito nang nakangiti. Napatingin siya sa bintana ng kwarto ko sa


second floor. “Kaninang tanghali ka pa niya hinihintay sa kwarto mo.”
Nanlaki ang mga mata ko. Nakikita niya si Ashton! “Nakikita mo siya,
Lala? Y-Yung lalake?”

She shook her head as if to say no. Naguluhan ako. “Hindi ko siya
nakikita, Delia. Nararamdaman ko siya.”

Nagpalipat lipat ng tingin si Daniel sa aming dalawa ni Lala. “Danny,


pwede bang mauna ka na sa bahay? May pag uusapan lang kami ni Lala.”
Kumunot ang maliit niyang noo at nag pout. “Sige na. Susunod ako.” halos
pakiusap ko.

Inalog alog niya ang plastic na hawak niya na para bang pinag isipang
mabuti ang sinabi ko. “Okay.” he muttered saka siya tumawid sa bakuran ni
Lala papunta sa balcony namin. Nang buksan ni Dad ang pinto, kumaway ako
at sinabi na susunod ako agad. Nang pareho na silang nasa loob ng bahay
humarap ako kay Lala.

“Lala, alam mo ba kung ano siya?”

Naupo si Lala sa paborito niyang rocking chair na kulay pink. “Ang alam
ko lang hindi siya tao.” malumanay sa sagot niya. “Masyadong manipis ang
presensya niya para maging tao.”

“Lala, nakakakita ka ng mga multo?”

Marahan siyang natawa. “Iba ang multo sa mga espirito, Delia. Ang asawa
ko ay isang multo. Ang kasama mo ay maaaring isang espirito. Espirito na
wala sa kanyang katawan.”

I never knew Lala has this ability. Ang buong akala ko mahilig lang
talaga siyang mag-imbento ng kwento para sa mga apo niya at kay Daniel.
Hindi ko alam na maaring totoo ang mga yun.

“Kung ganun matutulungan mo ba siya, Lala? Alam mo ba kung bakit siya


nandito?”

Nakangiti siya sa akin na para bang napaka normal na bagay ng topic


namin. “Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?”

“Pero wala siyang nasabi sa akin. Hindi niya alam ang nangyari sa kanya.
Wala siyang maalala sa araw ng aksidente at bago ito.”

Lala gently leaned on her rocking chair. “Then it’s really unfortunate,
isn't it? Dahil ang alam ko dito nakasalalay kung makakabalik pa sila."
Natahimik ako sa sinabi niya. Makakabalik si Ashton. Hindi ako dapat
magduda doon. Pero paano kapag hindi niya nagawa ang dapat niyang gawin?

“Lala, sa tingin mo anong kinalaman ko dito? Bakit ako lang ang


nakakakita at nakakarinig sa kanya?”

She faced me with a mysterious smile. “Bakit hindi mo tingnan? May


mawawala ba sayo kung tutulungan mo siya?”

Naalala ko si Reese at Micko, ang mga sinabi ni Reese at ang iba pang
kaibigan ni Ashton. Malaki ang mawawala sa akin. Magugulo ang buhay ko.
Mahihirapan na akong iwasan sila. Pero... Pero paano si Ashton?

Noong gabing yun nakatitig ako sa kisame at ini-isip ang sinabi ni Lala
sa akin. May rason kaya hindi makabalik si Ashton. Pero wala sa amin ang
nakaka alam kung ano ito. At kung ano man yun, magagawa niya kaya ito
kahit wala ang tulong ko? Bigla akong nakonsensya sa ginawang pag iiwan
sa kanya. Nasaan kaya si Ashton sa mga oras na ito?

Nagising ako kinabukasan ng mas maaga pa sa alarm clock ko. Pag gising
ko, naupo ako sa kama at napatingin sa kwarto, umaasa na bigla nalang
susulpot si Ashton kung saan. Pero wala siya. Kagabi hinintay ko din ang
pagdating niya. Pero naging tahimik ang pagtulog ko. Walang kahit anong
ingay at gulo. Mukhang wala na talaga siyang balak kausapin ako.

Matapos magbihis at kunin ang mga gamit ko, pumasok ako sa kusina.
Nandoon si Dad at si Mama.

“Someone’s early.” My Mom said.

“Nasabi ng kapatid mo na may kasama kang lalake kahapon.” pasimpleng


tanong ni Dad habang nakaharap sa laptop. “Is that true?”

Pakiramdam ko nasa court room ako kapag binabangit ni Dad ang tanong na
yun. Is it true that you have an affair with this man? Is it true that
you murdered this woman with a scissor? Well you get the picture.

Bumuntong hininga ako. “Dad, Danny is just messing around.”

“Pero sabi ng kapatid mo nakita daw ito ni Lala.” Mom chirped in. I
mentally face palmed. Si Daniel talaga.

“It’s just a misunderstanding, Ma.” I answered.

I’m not exactly lying. Hindi naman nakita ni Lala si Ashton in the first
place. Naramdaman niya ito. And we had this deal last night. Nangako
siyang walang pagsasabihan ng tungkol kay Ashton.
“I will ask Lala then.” Mom said with a smile as if expecting me to
reveal the truth once and for all.

I smiled sweetly. “Sure, Ma.”

Sumabay ako kay Dad sa pagpasok gaya ng dati. Bago kami umalis napatingin
ako sa second floor kung nasaan ang kwarto ko. Still no sign of Ashton.
Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng sasakyan. Nakarating kami sa
harap ng gate ng school. Hindi pa man ako nakakababa nang naririnig ko
ang pangalan ko.

“Delia!” Tumatakbo si Mindy papunta sa akin. Nakita ko sa likod niya ang


sasakyan ni Mrs. Melany na pabalik na sa direction ng street nila.

“Whoa. Ang aga mo ata.” nakangiting bati ko.

She smiled while panting. “Bawal malate. Part of the counseling.” sagot
niya. Nagpaalam kami kay Dad bago naglakad papasok sa school.

Ang buong akala ko, kami na ang pinaka maagang pumasok. Pero nang
mapatingin ako sa parking lot, the place is uncharacteristically full.
Nakita ko ang ilan sa mga kaklase ko na tila inaantok pa habang nag uusap
sa labas ng kanilang mga kotse.

Meanwhile sa flag ceremony, medyo nagkagulo noong sinabi ng Principal ang


tungkol sa nangyaring accident last weekend. Madami parin ang hindi alam
ang nangyari, especially lower years. But coincidentally all the seniors
are unusually quiet. Lalo na noong sinabi ang pangalan ng mga casulaties,
two are from Saint Augutus, and the worst case is from Jefferson High.

Out of nowhere napatingin si Reese sa akin nang sabihin ang pangalan ni


Ashton. Sandali lang ito but it was enough to make me tensed. Naalala
niya ba ako from the Hospital? Crap. And here I was thinking na sa dami
ng mga bisita sa kwartong yun nakalimutan na niya ako.

“Why do they always have to remind us about that certain moment? Can we
just all move on?” Mindy muttered while we line up to our respective
rooms.

Gusto kong sabihin kay Mindy ang nangyayari at nakikita ko. But it seems
like I’m breaking an essential rule or something. Baka may mangyaring
hindi maganda kay Ashton kapag ginawa ko yun.

“Hey, kanina pa malalim ang ini-isip mo.”


Mindy poked my back. Nasa room kami at naghihintay ng last subject before
lunch. I peel away my gaze from Ashton’s vacant seat. Dati lagi kong ini-
iwasan na mapatingin doon. Pero ngayon pilit ko itong tinititigan, hoping
that if I stared hard enough he will suddenly pop out of nowhere.

“It’s nothing. Naaantok lang ako.” sagot ko.

Some people are worst than what I feel. Mapapansin mo kung sino ang
kasama sa accident. Ilan sa kanila nakatunganga lang buong umaga. Ang
dating mga life of the party halos hindi nagsasalita. Karamihan din
napapatitig sa bakanteng upuan ni Ashton Montecillo. The school reminds
them of the accident more than anything. And for sure bumalik ang
pagiging traumatized nila sa nangyari.

Dumating ang lunch at pumunta kami ni Mindy sa usual table namin sa


sulok. Wala ang dating ingay ng cafeteria gaya ng huli kong natatandaan.
I gripped my tray of food as I passed the popular table. Last Friday lang
nandoon si Ashton kasama ng barkada niya at nagtatawanan.

Narinig ko ang usapan sa kabilang table namin. “Mabuti lang yan sa


kanila.” tukoy ng isang lalake. “Para maiba naman. Kung tutuusin
kasalanan din naman nila ang nangyari.”

Tumango ang kaharap nitong babae. “Kailangan pa kasi ng ganitong


aksidente para magtino sila.”

“Pansin mo, walang pinagtripan ang grupo nila ngayon.” another girl said.
“Even that bitch Reese is laying low. Sana everyday ganito.”

Gusto kong tumayo at sabihin na hindi dapat sila humihiling ng ganung


bagay. But I can’t deny the fact that they have a point. Mas madami ang
nakakagalaw ng maayos dahil hindi sila nag aalala na mapapansin ng isa sa
grupo. And for the first time napansin ko na ang cafeteria ay para sa
lahat. Hindi lang para sa grupo nila Reese at Micko.

“Ano bang problema ng Reese na yun? Bakit ba siya tingin ng tingin dito?”

Muntik kong mabitawan ang orange juice na ini-inom ko. Tiningnan ko ang
tinutukoy ni Mindy pero sa iba na siya nakatingin. Bumubulong si Reese sa
isa sa mga kasama niya.

“Kanina pa ba?” tanong ko.

Tiningnan ako ni Mindy na nagtataka, her mouth full of chunks of cookies.


“Sort of.” Nanlaki bigla ang mata niya. “Baka naman alam na niya ang
pinag gagawa natin sa Hospital.”
I shrugged. “Imposible yun.” I said as casual as possible. “The nurse
didn’t even know our names.”

“Sabagay.” sagot nito at nagpatuloy sa pagkain. Samantalang ako nawalan


na ng gana.

Natapos ang araw na iniwasan kong makasalubong si Reese at Micko sa


corridor and even sa loob ng classroom. Pakiramdam ko isa na ito sa
pinakamahabang school days na naranasan ko. Pag uwi ko sa bahay, nandoon
na si Mama at Daniel. Nasa sala sila at mukhang gumagawa ng assignment.

“May brownies sa kusina, sweetie, kung gusto mong mag meryenda.”

Tumango ako at sinabing ilalagay lang sa taas ang gamit ko. Pumasok ako
sa kwarto ko at wala sa sarili na pinatong ang mga gamit ko sa kama.
Paalis na sana ako nang may magsalita.

“Hey,”

Lumingon ako sa sulok ng kwarto at nakita siya. Si Ashton na naka lean sa


wall ko at pinag mamasdan ako. I open my mouth to say something pero
walang lumabas sa bibig ko.

“What?” he asked.

“Akala ko hindi ka na magpapakita sa akin,” I answered almost in a


whisper.

Nag tss siya. “Para namang may pagpipilian ako.”

Pilit kong hindi pinansin ang sinabi niya. Kailangan kong masanay sa
walang modo niyang ugali kung gusto ko siyang tulungan—

“Sorry na.”

Natigilan ako at napatitig kay Ashton. Wait, what? Bumuntong hininga siya
at napakamot sa ulo.

“Kahapon sa Hospital,” sabi niya. “Tama ka. May pagka gago ako.”

Eh? Si Ashton Montecillo nagso-sorry sa akin?

“Kalimutan mo na yun,” sagot ko. What am I supposed to say? This is


really awkward.
Ngumiti siya sa akin. That signature smile of his, half grin and half
amused smile. “Kapag nakabalik ako, babawi ako sayo.”

***

Author's Note:

Imagine Reese’s reaction kapag nalaman niya ito lol. Some ships are
sailing haha! I'm starting to love #DelTon.

Sa mga hindi pa nakaka alam, character portayers natin ay si Suho as


Ashton at Park Chorong as Delia. These are for imaginary purposes only.
Kung ayaw sa napili okay lang. Hwag nalang pansinin.

Thanks for reading guys! Until the next update!

@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Ten

Ten,

After that awkward silence matapos niyang mag sorry, sinabi ko agad kay
Ashton ang nalaman ko last night, na hindi lang ako ang nakakakita sa
kanya. Nararamdaman din siya ng kapitbahay naming si Lala.

“Ngayon?” Nakaupo siya sa shivel chair sa tapat ng computer table ko at


nakarest ang chin sa sandalan nun at pinagmamasdan ako.

“Sinabi niyang may dahilan kaya hindi ka makabalik. Kailangan mong


alalahanin kung ano yun.” I answered.

Kumunot ang noo niya. “Bingi ka ba?” sabi niya. “Wala nga akong
natatandaan sa nangyari.”

I grimaced at him. “Kahit konti?”


Bahagya siyang napatingin sa ceiling habang nag i-isip. How can someone
be hot and cute at the same time?

“Ang alam ko pinatawag ako ni Tanda.” Napakamot siya ng ulo. “Yun ang
huling kong natatandaan.”

“Tanda?” tanong ko.

Tiningnan niya ako na para ba akong isang bata na hindi marunong mag
alphabet. “Ang ama ko.”

I opened my mouth in slight shock. “Ang mayor ng bayan na ito ang ama mo,
Ashton. You can’t just call him like that.”

He scoffed. “Mayor nga siya. Ama ng lahat maliban sa sarili niyang anak,”
he muttered.

Hindi ako nakapag salita. Pilit kong iniba ang usapan. “Do you remember
what day is it?”

I know Ashton’s issue with his Dad. I’ve known him since grade school
kaya familiar sa akin ang bagay na ito. He is the illegitimate son of the
Mayor. Namatay ang Mama ni Ashton dahil sa sakit sa puso. Ang legal wife
naman ni Mr. Montecillo ay hiniwalayan na siya. Hindi sila nagka anak.
Kaya naman si Ashton nalang ang naiwan kay Mr. Montecillo.

Ashton shrugged. “Basta ang alam ko may pasok. Nalate nga ako kay Samonte
e, langya.”

Napatingin sa akin si Ashton saka kumunot ang noo niya. “Bakit ganyan ka
makatingin?”

“Mr. Samonte is our THIRD subject, Ashton. Late ka parin kahit saang
angulo mo tingnan.” I said in a matter of fact tone.

“Kahit paano umaabot ako sa subject bago lunch.” tila proud pa na sabi
niya.

“You rarely not. Madalas pumapasok ka sa mismong lunch hour na.” I


reasoned out.

Napangiti siya sa sinabi ko. “Stalker talaga kita.”

Natigilan ako. Did he just trick me? Tiningnan ko siya ng masama.


Natatawa siyang nakatingin sa akin.
“Huli!” he announced amusingly.

THIS IS NOT EVEN AMUSING. I started to think of a quick come back. “It’s
just so happened that you are popular.” I replied. “Hindi ko kasalanan na
madalas kang pag usapan.”

That moment biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Unti unting
nawala ang ngiti niya at napalitan ng pilit na tawa. Nag sink in sa akin
ang sinabi ko at halos pagalitan ko ang sarili ko. Great, Delia.

“Pati ba oras ko ng pagpasok pinag uusapan nila?” natatawang sabi niya.


Pero hindi na ito gaya ng kanina.

“Mukhang mas madami pa silang alam tungkol sa akin kesa sa sarili ko.” I
began to bit my lips nervously. This conversation is going downhill.

“I’m a form of fucking entertainment in the school.”

He sighed and run his fingers through his hair. Hindi ko alam ang
isasagot sa sinabi niya.

“Hindi yun ang ibig kong sabihin.” I said lamely. “Hindi sa ganun—“

“Hindi mo kailangan magpaliwanag, Delia.” nakangiting sabi niya. “Alam ko


ang lahat.”

“Pero iba ang pagkaka interpret mo.” I almost exclaimed. It’s frustrating
talking to Ashton like this. Kasi alam kong maaaring totoo ang sinabi
niya.

“It’s not easy.” sabi niya na napatingin sa malapit na bintana.


Pakiramdam ko sa sarili niya sinasabi yun at hindi sa akin.

“What is?” I asked hesitantly.

Bakit ba napunta sa awkward na topic ang usapan na ito? One minute we are
talking about solutions for his case and now this.

“Madalas ang mga tao ang nagdidikta kung sino ka. At minsan
pinaniniwalaan mo yun.” Medyo natawa siya. “Mahirap baguhin ang tingin ng
ibang tao sayo dahil yun ang nakatatak sa mga utak nila.”

They he really thinks that way?


“Sa mata nila ako si Ashton Montecillo, mayabang, walang modo, tarantado.
Kahit anong gawin ko hindi na mababago yun.”

“Kaya pinangatawanan mo nalang.” It’s not a question, it’s a statement.

Napatingin siya sa akin. He grinned. “Exactly.”

Ayoko kong paano siya ngumiti. Ayokong nakikita na nakangiti siya pero
yung mga mata niya iba ang sinasabi.

“Pero nagbago ang tingin ko sayo.” Bigla kong sinabi. “Ilang araw palang
tayong magkasama nagbago na ang tingin ko sayo.”

Ashton leaned in my direction. “Because you’re different.” he answered.


“Iba ka sa kanila. Wala kang pakialam. That’s why I like you.”

Natigilan ako. I stared at him questioningly. Wait, what? Is that even a


good thing?

“Wala kang pakialam sa sinasabi ng iba. You don’t base your judgement on
other people’s opinion. Pwede akong maging kahit sino sa harap mo so I
choose to be myself.”

I suddenly forgot how to speak.

“I’m fed up living the image people gave me.” he added with a grin. “Kaya
maswerte parin akong ikaw ang nakakakita sa akin. Hindi mo ako lalayuan
dahil lang ako si Ashton Montecillo.”

“No. You’re wrong. I nearly did.” sagot ko. I need to be honest. He


doesn’t deserve my lies.

Natigilan si Ashton at napatingin sa akin. Nakataas ang kilay niya na


para bang nagtatanong.

“You also have mistakes here.” I stated. “Kung sawa ka na sa tingin ng


ibang tao sayo bakit yun parin ang pinapakita mo?”

Bumuntong hininga si Ashton. “Delia, if I wouldn’t be the jerk and the


bad boy that everyone knows, I would be nothing.”

“You’re afraid to be nobody.” I said, staring directly at his eyes.


“I don’t want to be ignored.” sagot niya sa emotionless na boses. “Baka
mas lalo akong makalimutan ng ama ko.”

Pinagmasdan ko si Ashton Montecillo sa harap ko. I wanted to say


something. Something to make him feel better. But as usual I ended up
saying nothing. There’s something in his attitude that bothers me. Kahit
pa noong nabubuhay pa siya at nakikita ko sa school alam kong may rason
ang ugali niya.

Ngayon alam ko na. And by knowing the real Ashton mas lalo akong
napapalapit sa kanya. I don’t want to feel this. Lalo na kung alam kong
kapag bumalik man sa dati ang lahat, ako din ang masasaktan.

Iniwan ko si Ashton sa kwarto para bumaba at kumain ng dinner. Sinabi


kong maghintay siya doon pero knowing Ashton alam kong hindi siya yung
taong may patience para maghintay. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang
pagbalik ko ay wala siya.

Umupo ako sa bed at pinagmasdan kung saan siya nakaupo kanina. “Great.” I
muttered. “At least I can do my homework in peace.”

Halos patapos na ako sa pag gawa ng homework nang maramdaman kong bumukas
ang bintana ng kwarto ko. Pumasok ang malamig na hangin kasabay ng
pagsayaw ng mga kurtina sa bintana.

“Good evening, Ashton.” bati ko nang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa
ko.

“Whoa. Alam na alam mo na talaga.” tila natutuwang sabi niya. Nag appear
siya bigla sa tabi ng table ko habang naka lean ang isang balikat sa wall
at pinagmamasdan ako.

“Matutulog na ako niyan. Saan ka ba galing— oh crap.”

Binura ko ang maling nailagay ko sa papel dahil tuluyang nawala ang


concentration ko sa pagdating ni Ashton.

“Sa bahay.” sagot niya. “Doon ako tumutuloy. Maliban nalang kung i-
imbitahan mo ako sa kwarto mo.”

“Shut up.” wala sa sarili na sabi ko habang pilit inaalala ang dapat kong
isulat.

Natawa siya sabay gulo ng buhok ko. “Biro lang.” sabi niya. “Kung bakit
kasi ngayon lang kita nakilala.”
Kumunot ang noo ko at inayos ang buhok ko. “May sinasabi ka?” tanong ko
na napa paused sa pagsusulat.

“Wala.” he muttered.

Umupo siya sa bed at pinagmasdan ako. Saka siya biglang nagsalita. “Isang
papel.” sabi niya. “Isang papel ang pinakita niya.”

Tuluyan na akong napatingin sa kanya. “Ang alin?”

Napa tss siya ng bahagya na para bang responsibilidad kong malaman agad
kung tungkol saan ang sinasabi niya. “Noong nag usap kami ni Tanda may
pinakita siyang papel.”

Biglang nawala sa isip ko ang conclusion sa essay na ginagawa ko.


“Talaga? Anong laman nun?”

“Yun ang problema. Hindi ko matandaan. Naalala ko lang ang tungkol doon
habang hinihintay kita. Pumunta ako sa bahay para kunin yun pero wala na
ito sa lugar kung saan ko natatandaan na nilagay ni Tanda.”

“Do you think that paper has something to do with what you need to do?”

He shrugged. “Yun ang huli kong natatandaan. It counts for something.”

“Fine then.” sagot ko. “Kailangan nating malaman kung ano ang meron
doon.”

Hindi ko alam kung anong oras na ako natulog. All I know is it’s passed
my allowed bedtime. Hindi ako pwedeng magpuyat especially during school
days. Pero hindi ko akalain na mahirap maghanap ng paraan para malaman
ang laman ng isang document.

We tried different plans. Pero walang naging convincing. Lalo na at out


of town ang Mayor ngayon for a couple of weeks. Mas madali sana kung
nandito siya at maaaring sundan ni Ashton. He will eventually bring the
document out at least once, right? O kung hindi man, at least mabanggit
niya ang laman nun.

“We should continue this tomorrow, mukhang pagod ka na.” sabi ni Ashton
na nakatingin sa akin.

Wala sa sarili na lumingon ako sa kanya. I’m on my bed at siya naman ang
nasa shivel chair. “No no. We need to find something that can work out.”

“Mukhang pipikit ka na.” pamimilit niya.


“I’m fine.” sagot ko. Tiningnan ko ang notebook sa harap ko na puno ng
doodles at crossed out list ng mga failed na plano namin.

“How about your Dad’s secretary or something? Baka may alam siya tungkol
doon.” Napatingin ako sa orasan sa kwarto ko, 12:00 midnight.

“Hindi siya naglalabas ng personal na bagay sa public, Delia. Lalo na


kapag tungkol sa akin. Pinaka importante sa kanya ang image niya.” sagot
ni Ashton na nakatingin parin sa akin. Bumuntong hininga ito saka tumayo
mula sa upuan. “Matulog ka na.”

“How about your friends? Si Reese, si Micko. Maybe nasabi mo tungkol sa


kanila ang bagay na yun. Maybe they have an idea about—“

Natigilan ako nang kunin niya mula sa kamay ko ang notebook at ballpen.
“Yeah, we’ll think about that tomorrow.” Nilagay niya ang mga yun sa
table at pumunta sa switch ng ilaw.

“Pupunta ka na ba sa mansion niyo?” tanong ko. Napa paused siya sa akmang


pagpindot nun.

“Gaya nga ng sabi ko maliban nalang kung kung i-imbitahan mo ako dito.”

“Baliw.” I muttered. I yawned and I can feel sleep coming. “Good night,
Ashton.” sabi ko habang halos nakapikit na.

Pinatay ni Ashton ang ilaw. “Good night, Delia.” sagot niya though hindi
ko na siya makita.

“Hmm.” I mumbled at tuluyang napapikit. Few seconds later naramdaman ko


yun. Something warm touched my forehead.

Pilit akong nagmulat ng mga mata pero wala na si Ashton sa kwarto. Hindi
ko na maramdaman ang presence niya. Napahawak ako sa noo ko. Then it
sinked in. He gave me a good night kiss.

***

Author's Note:

An amazing reader (ahem, Coleen) made a video teaser for TJIAG! You can
check her video above.
And oh, please don't be silent readers. I would appreciate it if I see
your comments below.

Til next update!@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Eleven

Eleven,

“Honey, okay ka lang? You look pale.” sabi ni Mom nang pumasok ako sa
kusina kinabukasan.

Nilapag ko ang bag pack ko sa upuan at humarap sa breakfast table. “I’m


fine, Mom.” sagot ko which is a white lie. Pakiramdam ko ni hindi ako
nakatulog ng kahit konti kagabi.

Napatingin sa akin si Dad na nagbabasa ng dyaryo. Kung hindi laptop ang


dala niya sa table, madalas newspaper. “Nagpuyat ka nanaman.” sabi niya.
“Alam mo namang—"

“Yes, Dad. I know.” sagot ko na kumuha ng bacon at egg, pati na din corn
beef at nilagay sa plate ko.

“And she’s talking in her sleep.” biglang sabi ni Daniel na seryosong


nagpapalaman ng Nuttela sa tinapay niya.

Napatingin kaming lahat sa kanya. “What?” tanong niya sa inosenteng


boses. “I heard her talking.”

Si Daniel ang pinakamalapit sa kwarto ko. Halos magkadikit lang ang


kwarto namin. But it’s not like the walls separating our rooms are so
thin to the point na audible ang usapan. Nawala lang sa isip ko na
magdamag na nakabukas ang pinto ng kwarto niya dahil kasama niya si Nacho
na natutulog doon.

“It’s Mindy.” sagot ko nang mapatingin sa akin si Dad at Mom. “Late


siyang tumawag sa akin kagabi.”
Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na pinalaki nila Dad ang usapan.
Matapos kumain hinatid na ako ni Dad sa school. Nagpaalam ako pagdating
sa school gate. Papasok na sana sa loob nang mapansin ko ang isang
lalakeng naka lean sa wall at pinagmamasdan ako. Napangiti ito.

“Uh, okay?” wala sa sarili na sabi ko. Napatingin ako sa likod ko. Ako ba
ang nginingitian niya?

“Hey, Delia.” Tuluyan nang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ako
kinaka usap ni Micko?

Gusto kong umiwas sa kanya at hindi siya pansinin. Pero naglalakad na


siya papunta sa direction ko. Anong kailangan niya?

“Sabi ko, hey.” sabi niya na naglakad sa tabi ko. I instantly felt
uncomfortable. Hindi ko alam kung bakit pero nakakailang siya.

“I heard that.” sagot ko na mas binilisan ang paglalakad.

Huminto siya bigla at kumunot ang noo. “May nasabi ba akong masama?”
nagtatakang tanong niya.

NO. But you’re acting really weird. I thought silently. I know Micko.
Hindi siya gaya ni Ashton na madalas madamay sa kung ano anong gulo. Kung
tutuusin mas approachable siya. Mas matino ng konti. Pero hindi siya yung
tipong mag aabang sa gate ng hindi niya kilala at bigla nalang magiging
friendly.

“Delia.” tawag niya. Doon ako napahinto. Ano bang problema niya?

Nagsimula ng magtinginan ang mga taong kasabay naming papunta sa school


building. What a great way to start the day.

“May gusto lang akong malaman.” sabi niya na naglalakad ulit palapit sa
akin. Damn. If only I can ignore him.

“Ano yun?” tanong ko. Kahit paano hindi siya gaya ng iba. Kahit paano
pinag tanggol niya ako kay Reese noon sa Hospital kahit hindi niya ako
kilala. I should at least hear what he wants to say.

“Can I date you?”

Pakiramdam ko nabingi ako. Everything and everyone within the hearing


distance stopped abrupty in their positions. Naging tahimik ang paligid.
Did someone just stop the time?
Napatingin ako sa mga taong kasama namin sa pathway. Bigla akong natawa.
“Nice try, Micko.” sagot ko at natatawang nagpatuloy sa paglalakad.

Geez. Kinabahan ako doon. Akala ko naman kung ano. Maagang pang aasar
lang pala. Mukhang bumalik na ang grupo sa dating gawi nila.

“I’m serious, Delia.” sigaw niya.

Napa paused ako sa paglalakad though pinili kong hwag nalang siyang
patulan. Hinigpitan ko ang hawak sa straps ng bag pack ko at hindi
pinansin ang tingin na binibigay sa akin ng mga kasabay ko. WHAT THE HELL
IS HAPPENING.

Nalaman ni Mindy ang nangyari kaninang umaga sa pathway kaya hindi niya
ako tinigilan tungkol doon buong umaga.

“Delia, may masama talaga akong pakiramdam tungkol sa Micko na yan.” sabi
niya habang naghihintay kami para sa susunod na subject.

“Mindy, it’s just a joke. Kilala mo sila.” sagot ko habang nilalabas ang
libro ko mula sa bag.

“Micko won’t take it this far if it’s only a joke.” seryosong sabi niya.

Mindy is talking about this whole thing na pinuntahan ako ni Micko sa


classroom bago mag first subject kanina para mag sorry dahil mukhang
nabigla niya daw ako. Mabuti nalang talaga taga kabilang section siya.

Bumuntong hininga ako. “Mindy, the guy didn’t even know me two days ago.”

Naalala ko noong nagkita kita kami sa Hospital. It’s clear na ni hindi


niya ako kilala noong mga oras na yun. Tapos ngayon ito? Come on, no one
is that stupid to believe this bull.

“That’s the whole point.” Mindy hissed para hindi kami masyadong marinig.
As of this moment kasi medyo alam na ng mga classmate namin na nag e-
exist pala kami sa Jefferson High.

“Hindi ka niya kilala and his best friend almost died in an accident
tapos biglang gusto ka niyang maka date? That is pretty strange.”

I nodded. “I agree.” Pero hindi alam ni Mindy na nagkita kita na kami.


And I swear kapag nalaman niya yun mas lalaki ang suspicion niya.

“Why would he want to be close to you?” Mindy asked to nothing in


particular. “Anong kailangan niya?”
Tumunog ang bell for Lunch. Nagmadali akong iligpit ang mga gamit ko para
sabay kaming lumabas ni Mindy. Kanina habang nag ka-klase kami naalala ko
si Ashton. Sinabi niyang aayusin namin ang tungkol sa problema niya
ngayong araw. Pero hangang ngayon hindi ko pa siya nakikita. Wala sa
sarili na napahawak ako sa noo ko. Nasaan na kaya siya?

“Delia,” natigilan ako bigla nang marinig ang pangalan ko. Napatingin ako
sa pintuan ng classroom. Nandoon si Micko.

OH GOD. Don’t tell me hindi parin tapos ito? Napatingin ako sa bakanteng
upuan ni Reese. For the first time sa buong existence ko sa Jefferson
High, hiniling ko na sana nandito siya. Para naman mapigilan niya ang
nababaliw na si Micko.

“Alam kaya ito ni Reese?” tanong ni Mindy na nakatayo na sa tapat ko.


“That would be a nice show, don’t you think?” biro niya.

Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko mapagawa. Hindi na ito nakakatawa.


Micko should stop this crap.

“Let’s go.” sabi ko kay Mindy at sabay kaming naglakad palabas ng


classroom. Hindi ko tiningnan si Micko na naghihintay sa labas.
Linampasan namin siya kahit pa gustong tumigil ni Mindy para tingnan siya
ng masama.

“Bakit ba pinagti-tripan niya parin ako? Wala naman akong ginawang


masama.” sabi ko habang naglalakad.

Bigla kong natanong sa sarili ko. Wala nga ba? It’s pretty clear that
Reese don’t like me. Pero sobra naman ata na pag tripan nila ako dahil
lang sa nangyari sa Hospital. Nakarating kami sa cafeteria at nagulat
nalang ako nang tumahimik ito pagpasok namin.

“That’s her.” narinig kong sabi ng isang babae.

“Oh, yung love interest ni Micko.” answered another.

“I heard he already asked her on a date.”

“She doesn’t look special. Ano bang nakita ni Micko sa kanya?”

“Maybe one of their silly jokes.” sabi ng isang pinakamalapit sa amin.

Tila may nagbara sa lalamunan ko. Napalunok ako at hindi sila pinansin.
Dumerecho kami sa usual table namin ni Mindy sa sulok.
“Bitches, bitches, bitches everywhere!” naiinis na sabi niya. “Leche
talaga ang Mickong yun. Alam kong ito ang plano nila.”

“Calm down, Mindy.” sabi ko. But deep inside halos manginig na ang kamay
ko sa humiliation na nararamdaman.

“Dito ka lang. Ako na ang kukuha ng pagkain natin.” she said. “Hwag mo
nalang sila pansinin.”

Pumunta si Mindy sa counter dala ang pera. Naiwan ako doon ng mag isa.
Dati, hangang marunong kang umiwas hindi ka mapapansin nila Micko. Pero
ngayon kahit anong gawin ko I was the center of the biggest joke.

Mas lalong sumama ang pakiramdam ko nang makitang pumasok si Micko sa


cafeteria. Kasabay niya ang ilan sa basketball team. My stomach started
to churn nang mapatingin siya sa direction ko. WHAT NOW?

Nagpaalam siya sa mga kasama niya at naglakad papunta sa table namin.


Napatingin ako kay Mindy na busy sa counter. Mindy, I need you. I thought
lamely. Nagsimulang magtinginan ang mga tao.

“Delia, pwede bang—“

“Stop this.” sabi ko nang makalapit siya. “Wala akong ginagawang masama
sa inyo so please stop this bullshit.”

Nagtataka siyang pinagmasdan ako. Nice acting, Micko. “Ano bang sinasabi
mo?” tanong niya.

“Don’t act like you don’t know.” sagot ko. Hindi ko naipagtanggol ang
sarili ko kay Reese noon but that doesn’t mean I would let it happen
again.

“Hindi na nakakatawa ito, Micko.” Huminga ako ng malalim. “Stop this.”

Tila nag sink in sa kanya ang sinabi ko. “Pero hindi ako nagbibiro.”
seryosong sabi niya.

“Really?” I can’t help but sound sardonic. “You don’t even know me.” I
pointed out. “Two days ago you don’t even know I exist, remember?”

I tried to keep my voice low pero hindi ko mapigilan ang inis ko.
“Mali ka.” sabi niya. There is this sad smile in his face. I almost
believe him. “Delia, can we just—“

“NO.” sagot ko agad. “There is no we.”

Hinablot ko ang bag ko at balak na sanang umalis sa harap niya nang


harangan niya ang daraanan ko.

“Padaanin mo ako.” utos ko.

Huminga siya ng malalim pero hindi parin umalis sa way ko. “Delia, I just
wanted to show you something.” he said. “Para maniwala ka.”

Mas tiningnan ko siya ng masama. “Just go, Micko. No one is laughing at


this silly joke.” I stated.

Pero instead sumunod mas lumapit siya sa akin. I can feel my pulse
quicken. He is towering over me. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

“I’m sorry but I just want you to—“

Natigilan si Micko sa pagsasalita nang isang walang laman na water


dispenser container ang gumulong sa gitna ng cafeteria at huminto sa
tapat niya. Wait, what?

Napatingin ako sa pinangalingan nun at nakita siya sa gitna ng mga tao.


Si Ashton na nakataas ang kilay habang naka lean sa poste kung saan
nakalagay ang water dispenser. Kalmado niyang muling sinipa ang isang
container at gumulong ulit ito sa direction ni Micko.

Nagtataka na ngayon ang mga tao since ako lang ang talagang nakakakita sa
may gawa nun. Thank God. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para umalis. I
grabbed my bag at nagmadaling lumabas ng cafeteria. Napansin kong sumunod
si Ashton sa akin. Naka pamulsa siya at tila ba wala sa mood.

“What was that?” tanong niya nang makalayo na kami. Naglalakad kami
hallway papunta sa side ng school.

“I will be glad if I know.” sagot ko na nagpatuloy sa paglalakad.

“Ginugulo ka ba niya?” tanong niya ulit.

“May kailangan lang siya sa akin.” sagot ko.


“Hindi yun ang narinig ko.” Napahinto ako at humarap sa kanya. Luckily
halos nasa cafeteria ang lahat sa mga oras na ito kaya walang
makakakitang kinakausap ko ang sarili ko.

“He needs something kaya niya ako nilalapitan. What else could be the
reason?” tila naiinis na sagot ko. Maging ako kasi naguguluhan na.

Nakalagay ang mga kamay ni Ashton sa bulsa habang seryoso akong


tinititigan. It’s weird. Na kausap ko si Ashton sa isang lugar na
tinuturing siyang hari.

Kumunot ang noo ko. “Bakit ganyan ka makatingin?”

“Paano kung ikaw ang kailangan niya?” walang emosyong tanong niya.

I can’t help but snort. “Come on, Ashton. You and I both know that he
doesn’t even know me.”

Something on Ashton’s eyes suddenly made me uncomfortable. “How can you


be so sure?”

***

Author's Note:

Hi! We have a Facebook group! Just search April Avery's Stories. I love
hanging out with you here. Makikita niyo din ang mga post ng iba pang
readers ng TJIAG. Nasa profile ko po ang mga links.

You are also free to submit fan arts and covers. I'll post it as
multimedia here in Wattpad (Like the one above made by Diorena)

So what do you think about Micko? Is he serious about this or Team Ashton
parin?

Til the next update!@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================
The Jerk: Twelve

Twelve,

Pinagmasdan ko ang seryosong mukha ni Ashton. How can I be so sure?


Tinatanong niya ba talaga yun? Of course I’m sure.

“Come on, Ashton.” Nagsisimula na akong mainis sa usapan na ito. “He is


Micko De Lara, one of your friends, one of the most popular people in
this place. Why would he want me?”

“Why wouldn’t he?” balik tanong niya sa akin.

I opened my mouth to say something pero natigil ito nang magsink in sa


akin ang sinabi niya.

“You’re smart, you’re pretty, you’re funny, and you never care what other
people think. You’re a total package. Himala ba na may magka gusto sayo?”

Tuluyan na akong hindi nakapag salita. Nakatayo nalang ako sa harap ni


Ashton na hindi makapaniwala sa mga narinig.

Bigla siyang napamura ng mahina. “Ang ibig kong sabihin. Hindi impossible
na magkagusto si Micko sayo.”
I stared at him suspiciously. Something in his action is bothering me.
“May alam ka ba tungkol dito?”

Biglang naging blangko ang mukha ni Ashton. Para bang hindi niya
inaasahan ang tanong ko.

“Ashton.” I demanded.

Bumuntong hininga siya. “Delia, masekreto si Micko sa mga bagay na tulad


nito. Pero alam ko kung kailan siya seryoso.”

Bigla akong nanghina sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi
ito ang gusto kong marining.

“Halika, may ipapakita ako sayo.”

Hinila ni Ashton ang kamay ko. I nearly flinched with his touch. His
hands felt strange with mine. Like touching solid ice using fire.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa marating namin ang classroom ng


kabilang section. Hindi ko alam kung anong gagawin namin doon. Hindi
binitawan ni Ashton ang wrist ko kahit ano pang hila ang gawin ko.

“Ashton, ano bang ginagawa natin dito?” tanong ko nang makapasok kami sa
loob. Anytime soon magbabalikan na ang mga students sa section na ito
galing sa cafeteria. Ano bang gusto niyang ipakita?
Pumunta siya sa isang upuan habang hawak parin ako. Napipikon na talaga
ako sa kanya. Binitawan niya lamang ang wrist ko nang kunin niya ang
isang pulang bag pack mula sa silya. I stood there frozen in place nang
marealize kung kanino yun.

“What are you doing? Nanakawan ba natin siya?” nagpapanic na bulong ko.

Napatingin ako sa pinto ng classroom habang binubuksan ni Ashton ang bag.


I hope walang makakita sa amin. Jesus. Pagharap ko kay Ashton bigla
niyang pinitik ang noo ko.

“Ibang klase ka din mag isip, ano?” tila natatawang sabi niya. Pero hindi
ko makita ang sayang yun sa mga mata niya.

Ashton suddenly held the bag upside down. Mula sa nakabukas na zipper,
isa isang nahulog ang mga laman nun sa mesa. Pictures. A lot of pictures.
All stolen shots. OF ME.

“Bumisita ako kina Micko kaninang umaga bago siya pumasok. Nakita kong
inaayos niya ang mga ito.”

Halos hindi ko na narinig ang sinabi ni Ashton. The only thing existing
for me now is this. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang mga litrato sa
mesa. Inisa isa ko yun sa pagbabakasaling nagkataon lang ang lahat.

Pero hindi eh. Ako ito. Mukha ko ang mga ito!


Kinuha ko ang isang picture kung saan nakaupo ako sa sidewalk at
naghihintay ng sundo sa harap ng school. Meron ding isa na nagbabasa ako
habang nakaupo sa cafeteria, may picture din ako sa hallway habang
naglalakad kasama si Mindy, picture noong nakaraang intramurals at
nanonood ako sa bleachers. Pinagmasdan ko ang isang picture, at ang isa,
at ang isa pa.

“NO.” tila wala sa sarili na sabi ko. “This can’t be happening.”

Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko. There are even pictures of me during
the sophomore declamation kung saan yun ang naging una at huling beses
kong sumali sa isang contest. That was two years ago.

Nabitawan ko ang mga litrato na hawak ko. “Impossible.”

“Ang alin, Delia?” Ashton suddenly asked. “Impossibleng magka gusto si


Micko sayo? Ganun na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo?”

I can’t help but feel wounded. “Hindi sa ganun.” How can he be so damn
stupid?

“Then what?” Ashton asked in a serious tone. I can feel this conversation
becoming pointless.

Ashton tried to calm his voice. “Delia, maging ako hindi ko alam ang
tungkol dito. Hindi pala kwento si Micko sa mga ganitong bagay.”
Bumuntong hininga si Ashton. “But, Delia, there are thousands of guys who
could and will fall in love with you. Believe me.”

I just stared at Ashton. Balak ko sanang sumagot nang biglang may pumasok
sa loob ng classroom. Mabilis akong napalingon sa pintuan. Na sana hindi
ko nalang ginagawa.

“Delia?”

Micko is now staring at me with worried questioning eyes. Napatingin siya


sa mga pictures na nagkalat sa mesa and then sa akin. Para siyang isang
bata na nahuling nagtatago ng candy.

Napalunok ako. “M-Micko.”


Mabilis na pinuntahan ni Micko ang mga pictures na nagkalat sa mesa at
sahig. Pinulot niya ang mga ito at isa isang nilagay sa bag habang ako
naman ay nakatayo lang doon at hindi alam ang gagawin.

“Ah, ano—“ Micko started habang busy parin sa ginagawa. “Ano kasi—“ he
stuttered. Mukhang hindi niya alam ang sasabihin.

Nagsimula akong tulungan siya. This is really awkward.

“Pasensya na, Delia. Sa ganitong paraan mo pa nalaman. Sasabihin ko naman


talaga sayo, eh.” Bumuntong hininga siya at tuluyang humarap sa akin.
“Pero bigla mo lang akong iniwan sa cafeteria.”

Bigla akong na-guilty sa sinabi niya. Kanina lang halos magalit ako sa
kanya at layuan siya. But now he seems like an embarassed and loss kid.
He almost looks like blushing at hindi alam ang gagawin. Lumingon ako kay
Ashton pero wala na siya sa pwesto niya sa table. Nagpalinga linga ako sa
kwarto. Wala na siya dito.

“Pasensya na talaga.” Pilit ngumiti si Micko. “I know I might creep you


out. Yun kasi ang nasa isip ko kaya ayokong ituloy ito.”

Nilagay niya ang huling picture sa bag. That picture was taken just last
week. Noong nakikipag usap ako sa homeroom teacher namin sa tapat ng
faculty room. How can he even take those pictures? Ni hindi ko alam na
nandoon siya.

“Pero bakit?” tanong ko. “Bakit— Bakit ngayon pa?”


Nabigla siya sa sinabi ko. Pakiramdam ko wala na yung Micko na
kinatatakutan namin ni Mindy. Naglaho na siya. Yung Micko na nasa harap
ko. Pakiramdam ko mas familiar na siya sa akin.

Napakamot ng ulo si Micko. “Hindi ko din alam.” he answered. “Siguro


dahil nakakapagod magkunwari.” He digged his hands deep in his pockets.
“Noong nakita kita sa Hospital two days ago that was my very first close
encounter with you after three years. Hindi ako makapaniwala na nasa
harap kita.” Bigla siyang natawa ng mababaw. “Pero dahil nandoon si Reese
at Ashton, ang comatose na si Ashton, pakiramdam ko hindi dapat kita
kausapin.”

“Why?” tanong ko kahit pa alam ko na ang sagot.

Micko smiled slightly. “Dahil wala silang alam sa lahat ng ito. Wala
silang alam na gusto kita.”

“Kailan pa?” wala sa sariling tanong ko. I already stopped functioning a


while ago. Ang katawan ko nalang mismo ang gumagawa ng paraan para
malaman ang lahat.

“Since sophomore. Noong bagong lipat ako dito. Hindi mo ba natatandaan—


Ikaw ang naging tour guide ko.”

Hindi ako nakapagsalita. Noong transferee si Micko sa Jefferson High ako


ang naging tour guide niya sa school for the first week. Nagkataon kasi
na ako ang nasa Faculty room noong umagang yun kung kailan unang araw
niya sa klase.
Pero matagal ko ng binaon yun sa limot. Dahil matapos ang unang lingo
niya sa Jefferson High at nalaman niyang doon nag aaral si Ashton na
naging kaibigan niya sa isang sports camp kada summer naging kabilang
siya sa mga sikat. At pareho kaming hindi na nag exist sa isa’t isa.

He became Ashton’s best bud. He became the team captain of the basketball
team. He became popular and all in a spun of a year. And I remain the
same. So why would he want to keep me? In the back of my mind though
iniisip ko parin na baka dahil hindi kami pinagti-tripan ng grupo nila
for the past few years ay dahil doon. Kahit paano natatandaan niya ako
bilang naging unang kaibigan niya sa Jefferson High.

“Nalaman ko ang takbo dito sa school niyo. Nahahati ang lahat sa grupo.
Kaya nahirapan akong kausapin ka ulit. Ayoko kasing magulo ka dahil sa
akin.”

“You’re doing it now.” I almost whispered.

“Alam ko.” sagot niya. “Dahil sa aksidente nagulo ang balanse dito sa
school.” Natawa siya na para bang hindi makapaniwala na sinasabi niya
yun.

“Ngayong hindi na kami katulad ng dati. Ngayong wala ng pakialam sa amin


ang mga tao. Nagkalakas ako ng loob na sabihin ito sayo. Delia, I like
you. I like you since sophomore year.”

I starred at him and his hopeful eyes. Napalingon ako sa direction kung
nasaan si Ashton kanina pero hindi na talaga siya bumalik. Damn him.

***
=================

The Jerk: Thirteen

Author's Note:

Song for the chapter: Iris (acoustic).

Dedicated sa isa sa umaangkin kay Ashton haha! And Happy Birthday sa


bias ni Coleen na si Park Chanyeol! Enjoy reading sa lahat.

@april_avery

***

Thirteen,

Pumasok ako sa kwarto ko na hindi maintindihan ang nararamdaman. Binaba


ko ang bag ko sa sahig at nahiga sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod
ako.

“Kamusta?”

Mabilis akong natigilan dahil sa boses na yun. Paglingon ko nakita ko si


Ashton na nakaupo sa silya ng baby piano at nakatingin sa akin. Hindi ba
niya alam bumati ng normal?

“Where have you been earlier? Bakit bigla ka nalang nawala.” I demanded.

He shrugged. “Para makapag usap kayo.” sagot niya. “Ayos ba?”

Tiningnan ko siyang mabuti umaasa na sana higit pa doon ang sabihin niya.
Pero kalaunan tumango na lang ako.

“Thank you.” sabi ko. “Naging malinaw sa akin ang side ni Micko.”

Natahimik si Ashton. Sinimulan niyang hawakan ang ilang keys sa piano. It


created a slow errie sound.

“Anong sinagot mo?” bigla niyang tanong na kinabigla ko.


Umupo ako sa side ng bed at pinagmasdan siya. “Hindi ko kailangang
sumagot, Ashton.”

Natigilan siya at kumunot ang noo. “But he’s asking you to date him.”

Napa isip ako. “Pero mas kailangan ako ng isang tao.”

“Sino naman?” tila nairita na sabi niya. He seems wondering kung sino pa
ang kailangan kong pag tuunan ng pansin. He’s really cute when doing
that. Yung pagsalubong ng kilay niya na parang bata.

I smiled. “You.”

Gusto kong matawa dahil sa naging reaction niya. Balak niya sanang
magsalita pero bigla niyang binawi. Maya maya pa bumuntong hininga siya.

“Delia, you don’t need to do that.”

“But I want to.” I insisted. “And Micko is good enough to accept the
friendship for now.”

Bigla nanaman siyang hindi nagsalita. This time ako na ang nagtaka. May
problema ba siya? He didn’t look like his usual self.

“Ashton, is there something wrong?”

He snapped back in attention at pilit na ngumiti. “Wala.” Tumayo siya at


lumapit sa akin saka ginulo ang buhok ko. “Sige na, aalis na ako.
Sinigurado ko lang na nakauwi ka ng maayos.”

Wala sa sarili na napa hawak ako sa ulo habang pinagmamasdan siya na


paalis through the terrace. “Ashton, sandali—“ tawag ko. Pero hindi siya
lumingon.

Nagmadali akong tumayo at pumunta sa terrace pero wala na siya. Bigla


akong natigilan. There is something really wrong with Ashton. Naalala ko
ang tinutugtog niya kanina sa piano. Yun ang piece na natutunan namin sa
grade school music class. It was a sad song— Bigla akong kinabahan. May
nangyari kaya na hindi niya sinasabi sa akin?

Hindi na bumalik si Ashton nang gabing yun. Nagsimula na akong mangamba.


We are supposed to be solving about his issue. Hindi ko alam kung hangang
kailan siya magtatagal sa sitwasyon niya. If it was unlimited until he
can go back or with a designated deadline.
Napakagat ako ng labi habang nakaupo sa bed at hinihintay siya. Hindi ba
talaga siya darating? Bakit hindi niya sabihin ang problema niya sa akin?
Akala ko ba magkakampi kami dito? That jerk.

Hindi niya din nagawang magparamdamn sa akin kinabukasan. Buong araw ko


siyang hinintay na mag pakita kahit sandali man lang pero wala talaga.
Hindi ko na maitago ang pangamba ko kaya naman maging si Mindy nagsimula
ng magtaka.

“Delia, may problema ba?” tanong ni Mindy sa gitna ng History class


namin.

Napalingon ako sa kanya. “Wala naman. Bakit?” wala sa sarili na tanong


ko.

“Err.” Tinuro niya ang blankong papel sa harap ko. “We are supposed to
copy what was written in the white board.”

Linibot ko ang tingin sa mga classmates ko. Lahat sila mukhang busy sa
ginagawa. Hindi ko ata narinig ang instruction ng teacher. I tried to
smile at Mindy at nagsimulang magsulat. Pero wala pang ilang minuto nang
muli nanaman akong huminto. Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Reese.
Bakit kaya hindi parin siya pumapasok hangang ngayon?

Gaya ng inaasahan ako ang huling natapos. Mabuti nalang at lunch break
ang kasunod kaya pwede akong manatili sa room. Hinintay ako ni Mindy
hangang sa matapos ako. When I was nearly finish nakita ko si Micko na
naghihintay sa tapat ng pintuan. He smiled at the two of us.

“Pwedeng sumabay mag lunch?” tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Mindy. Mindy rolled her eyes and stared at me


questioningly. I nudged her and tried to smile back at Micko. Napag
usapan na namin ito ni Mindy. I offered friendship to Micko and she
promised to do the same despite her obvious dislike to him and his group.

“Sure.” sagot ko kay Micko. Pero maging ang tono ng boses ko ay hindi
gaanong sigurado.

Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ni Micko. He leaned on the door
frame para hintayin kami.

“I still can’t believe this.” whispered Mindy habang tinatapos ko ang


ginagawa.

“Sssh.” saway ko. “We’ve talked about this, right? Give Micko a chance.”
sagot ko.
Bumuntong hininga lang siya at nag shrugged. “What else can I do?” she
muttered.

Nagaayos na ako ng gamit nang mapadaan ang ilang member ng basketball


team sa harap ng room kung saan naghihintay si Micko.

“Oy, Captain!” maingay na bati nila.

“Anong meron dito?” sigaw ng isa.

“Di pa ba tayo lalamon?” said another.

Ganyan ba talaga siya mag usap? Parang ilang bundok ang pagitan. Sigawan.
Tawanan. Natigilan ako nang maalala si Ashton. Ashton is supposed to be
there. Laughing with them. Talking like there’s no tomorrow. Pinagmasdan
ko sila and for a moment I can hear Ashton’s echoing laugh with theirs. I
can see his fading smile with them—

Bigla akong napatayo. “What’s wrong?” tanong ni Mindy na nagulat ko ata.

Kinuha ko ang bag ko. “Uhm, Minds, hindi ako dito mag la-lunch.” sabi ko.
“Hwag mo na akong hintayin. Babalik ako mamayang one o’clock.”

Nagmadali akong lumabas sa classroom na maging si Micko at mga kasama


nito ay hindi na nakapag react. Linampasan ko Micko at dumaan sa gitna ng
team na na mabilis naman na nagtabihan.

“Delia, saan ka pupunta?” narinig kong sigaw ni Mindy.

“I just need to find something.” sigaw ko mula sa hall.

I think I know where to find the reason of Ashton’s behavior yesterday.

Binigay ko ang bayad bago bumaba sa taxi. Nagmadali akong pumasok sa


building, school uniform and all, at nakipag sabayan sa mga pasyente at
doctor na nasa lobby. I’m in Montoya Medical Center kung saan naka
confine si Ashton. The comatose Ashton.

Huminto ako sa hallway kung saan makikita ang room niya. Naghintay muna
ako kung may iba pang lalabas o papasok sa kwarto. Mukhang wala naman. It
was school hour after all. Siguro naman wala siyang gaanong bisita sa
araw na ito.
Pasimple akong naglakad papunta sa kwarto at pumasok. Nang nasa loob na
ako mabilis koi tong isinara at nakahinga ng maluwag. Walang tao.
Pinagmasdan ko ang kwarto. Gaya parin ito noong huli kong nakita. Yun nga
lang nagsisimula ng matuyo ang mga bulaklak sa vase at umi-impis na ang
mga lobo na kasama ng mga basket ng prutas na mukhang hindi nagagalaw.

Dahan dahan akong naglakad sa gitna ng kwarto. Ang tahimik. Masyadong


tahimik dito. Wala bang pwedeng kuma-usap kay Ashton oras oras? Kailangan
na laging may kasama siya at kumaka usap sa kanya para mas mabilis siyang
gumaling. He must know that people care for him.

Tanging ang tunog ng mga medical apparatuses ang naririnig sa kwarto.


Mula sa nakabukas na manipis na kurtina sa isang sulok, agad kong nakita
ang natutulog na si Ashton. Napalunok ako.

Nakakanibago. Na ang taong nakakausap mo at nahahawakan ka ay ang


parehong taong nakahiga sa hospital bed na ito at walang malay. It’s
surreal. Almost hard to believe. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang
natutulog niyang mukha. Ang payapa niyang tingnan. Parang walang anuman
na problema. Malayong malayo sa Ashton na iniwan ako ng walang pasabi
kagabi.

“Ashton.” bulong ko. Napatingin ako sa buong kwarto. I’m too confused to
feel his presence right now. Bumalik ang tingin ko sa natutulog na si
Ashton sa harap ko. “Where are you?”

Pumunta ako sa pinaka malapit na silya at wala sa sarili na napa upo


doon. The beeping of the machine continues while I almost wanted to
breakdown. Akala ko makikita ko siya dito. Something is telling me that I
shoul be here. He was supposed to be here. Nasaan na ba siya?

Napayuko ako at nai-rest ang ulo sa kama niya. “Please, please, please.”
bulong ko. “Nag aalala na ako.”

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nanatili lang ako sa
ganung position. I don’t even care right now kung hindi na ako makabalik
sa school on time. I don’t even want to go back anyway. I closed my eyes
and let the silence of the room enveloped me. Naririnig mo ba ako Ashton?

Isang ingay ang naging dahilan ng bigla kong pagdilat. Someone is coming.
SHOOT! Narinig ko ang boses nila na naguusap sa tapat ng pinto. Anong
gagawin ko? Hindi dapat nila ako makitang nandito!

Mabilis akong umalis sa pagkakaupo at naghanap ng matataguan. Hindi ko na


gustong maulit ang nangyari sa amin nila Reese noong nakaraan. It would
be too strange to see me in this place for the second time specially kung
ang dahilan ko ay naligaw lang.

Bumukas ang pinto nang eksaktong nakapasok ako sa bathroom. Iniwan ko ito
ng bahagyang nakabukas para makaalis ako agad nang hindi nila napapansin
kung sakaling puntahan nila si Ashton sa kabilang side ng room. Halos
rinig ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Illegal
ba itong ginagawa ko? I wonder kung possible bang makulong ako dahil
dito.

Biglang may nagsalita na ikinatahimik ng lahat ng nasa kwarto. Sinilip ko


kung sino sino sila. There’s the nurse na nakilala namin ni Mindy, two
people who looks like body guard. Isang lalakeng naka business suit at
may hawak na folder, the doctor and the Mayor, Ashton’s father. What is
happening?

Mas lalo akong napa-atras sa loob ng bathroom. Bakit nandito silang


lahat? May nangyari bang masama? Napatingin ako sa walang malay na si
Ashton na nasa hospital bed. May masama akong pakiramdam sa nangyayari.

“Is that so?” narinig kong sabi ng Papa ni Ashton.

Ngayon lang ulit ako nakalapit ng ganito sa Mayor since the party na
naimbitahan si Dad. Our Mayor is a large guy with grayish hair and a
serious look on his face. I rarely saw him smile.

“Mr. Mayor.” the Doctor said in a formal tone. “Maaaring lumalaban pa ang
anak niyo. But his body is in critical condition.”

I was paralyzed by the next thing I heard.

“His body stops responding to treatment. Sumusuko na ang katawan niya.”

***

=================

The Jerk: Fourteen

Fourteen,

Hindi ko namalayan ang mga sumunod na nangyari matapos kong marinig ang
mga salitang yun. Ni hindi ko namalayaan kung paano ako nakalabas ng
kwarto nang hindi nila napapansin o paano ako nakauwi. Hindi ko na din
nagawang bumalik sa school gaya ng pinangako ko kay Mindy. Isa lang ang
nasa isip ko noong mga oras na yun. Ang huling sinabi ng Doctor.

“I don’t think he can make it.”

Pumasok ako sa kwarto ko na tanging yun ang ini-isip. Ang sabi ng Doctor
maaari pa silang maghintay. Pero kapag walang nagbago sa condition niya
wala na silang magagawa. Nanghihina na napaupo ako sa gilid ng kama ko.
Ashton, please. Nasaan ka na ba? We need you to get through this.

Dumating ang gabi at hindi parin nagpapakita si Ashton. Hindi ko alam


kung napansin nila Mama ang namamagang mga mata ko dahil panay ang tingin
nila sa akin habang kumakain ng dinner.

“Honey, is everything okay?” tanong ni Mama na napa-paused sa pagsubo.

Napatingin ako sa kanya at narealize na nakatingin silang lahat sa akin.


“Fine.” pagsisinungaling ko. “Ma?” tanong ko makalipas ang ilang segundo.
“Kung ang isang tao ay nawawalan na ng pag asa para mabuhay, paano mo
siya matutulungan?”

Natigilan si Mama sa tanong ko. Akala ko tatanungin niya ako kung bakit
ko natanong yun. It’s not a normal question. Pero ngumiti lamang siya ng
marahan bago sumagot. “Give him a reason to live.”

Pumasok ako sa kwarto na malalim ang ini-isip. Kung ayaw magpakita ni


Ashton, gagawa ako ng paraan. I will give him a hundred reasons para
lumaban siya. Para makabalik siya. Hindi ko siya susukuan gaya ng pagsuko
niya sa sarili niya. He deserves to live. Hindi man niya nakikita yun
pero ako nakikita ko.

Kinabukasan, bago pumasok sa school, nagiwan ako ng note sa kwarto ko


sakaling pumunta siya doon ng wala ako. 'Ashton, hwag mo sanang kalimutan
na magkakampi tayo dito. You can’t just leave me here to fight alone.
Lumaban ka kasama ko, you jerk!'

Medyo hindi encouraging pero yun lang ang alam kong paraan para mapilit
siya. Kung nasaan man siya ngayon at least makonsensya siya na tulungan
ako. Because a part of me will die with him if he will.

Pagbaba ko sa hagdan, dala ang school bag ko, natigilan ako sa paghakbang
nang mapansin si Mama sa ibaba at nakatingin sa akin. Her arms are
folded, hindi siya galit pero hindi din siya mukhang masaya.

“Delia?” tanong niya. “May lalake sa labas.” medyo hesitate na sabi niya.
“Schoolmate mo daw. Susundin ka yata.”

Kumunot ang noo ko. Schoolmate? Napabilis ang pagbaba ko sa hagdan na


dahilan para muntikan pa akong matisod. Very graceful, Delia. Nagtataka
na sinundan ako ni Mama ng tingin. Pagbukas ko ng pinto natigilan ako
nang makita ang isang lalakeng nakaupo sa hood ng sasakyan niya at
obvious na naghihintay sa akin. Umalis siya sa pagkakaupo at napangiti
nang makita ako. Micko.

Hindi ko alam kung bakit pero ibang tao ang inaasahan ko. Which is quite
a stupid idea in the first place. Pilit akong ngumiti kay Micko bago
binalik ang tingin kay Mama. Nagtataka parin ang tingin niya sa akin na
ngayon ay may halo ng suspicion.

“Err.” I fumbled with the strap of my bag pack. “Kaibigan ko siya, Ma.”

“Oh?” she asked. “Ngayon ko lang siya nakita.” In my Mom’s eyes si Mindy
lang ang tanging kaibigan ko. She knows I don’t associate myself with
people I’m not at ease with.

“Err. Bagong kaibigan?” sagot ko. Napalingon kaming pareho nang may
marahang kumatok sa pinto.

“Good morning, Delia.” bati ni Micko. “Good morning po ulit.” bati niya
kay Mama sabay nagbow ng bahagya.

Ngumiti si Mama. Though I can still see a bit of doubt. “Micko, tama ba?”
tanong niya.

Micko smile his signature team captain smile. Polite with a hint of
pride. “Yes, Ma’am.” sagot nito.

Naramdaman ko naman na naglossen up si Mama. “Nag breakfast ka na ba?”

I nearly face palm. Ini-imbitahan niya bang sumabay sa amin si Micko? “Sa
totoo lang hindi pa po.” Napahawak sa batok si Micko na tila ba nahihiya.
“Alam ko kasing maagang pumapasok si Delia kaya dumerecho na ako dito.”

I can see a ghost of smile in my Mom’s face. She is very proud of her
breakfast creation. Masaya siyang may ibang nakaka appreciate nito
maliban sa amin at kina Mindy. And Micko seems to be her latest victim.

“Hindi pa nagbe-breakfast si Delia, mabuti pa sumabay ka na.”

Nanglaki ang mga mata ko. Hindi sa pinagdadamot ko ang breakfast namin o
ang luto ni Mama pero— Hindi ako basta basta nagpapasok ng kaibigan sa
bahay. It’s a personal thing.

Napatingin sa akin si Micko na para bang hinihingi ang permiso ko. Gusto
ko sanang hilain nalang siya palabas at hwag ng mag breakfast. But that
would be too harsh for him and too suspicious for Mom.

“Err, sure.” sagot ko at dumerecho sa kusina. Nauna sa paglalakad si Mama


at sumunod si Micko sa likod ko.

“Why are you here?” halos bulong ko.


“Para sabay tayong pumasok.” sagot niya na nangangiti parin as if it’s an
everyday thing.

“Sinabihan mo man lang sana ako.” sagot ko. Derecho na kung derecho pero
ayoko talaga ng hindi inaasahan.

“Sasabihan sana kita pero hindi ka na bumalik ng school kahapon. Wala


akong number mo. Hindi gustong ibigay ng kaibigan mo.”

Si Mindy. Medyo napangiti ako. Si Mindy talaga. “Fine. Just don’t— don’t
do this again.” Natahimik siya.

Nakarating kami sa kusina at eksakto naman na pumasok si Dad mula sa


backdoor. Galing siya sa garden kasama si Daniel. Wala siyang pasok
ngayon. Being a lawyer gives him the privilege of having his own
schedule. Kumunot agad ang noo niya nang makita ang bisita namin. Ganun
din ang ginawa ni Daniel. He loves copying Dad’s expression.

“Good morning po, Attorney Salazar.” bati ni Micko. Napataas ang kilay ni
Dad. Mahahalata mo na inaalala niya kung saan niya nakita si Micko.

“Mrs. De Lara’s son?” tanong ni Dad sa formal na boses.

Ngumiti si Micko with the same polite-proud smile. “Yes, Sir.”

Hindi na ako nagtaka na kilala ni Dad si Micko. Kilala ni Dad ang halos
lahat ng importanteng pamilya sa village na ito. Consider naging cliet
niya ang mga ito one way or another.

“At anong ginagawa ng isang De Lara ng ganito kaaga dito.” tanong ni Dad
habang inaalis ang gardening gloves mula sa mga kamay niya.

“He is Delia’s friend.” si Mama ang sumagot. “He’ll join us for


breakfast.”

I can see the slight suspicion in Dad’s face. It’s his nature to doubt
about things not just because he is a lawyer but because it concerns me
and he is my Dad. Tahimik na hinanda ni Mama ang breakfast, pancakes,
waffles, egg, bacon, fruits, coffee, milk, you name it. She always thinks
that breakfast is the most important meal of the day so the feast is
normal.

“So Micko.” tanong ni Dad habang nasa gitna kami ng pagkain. Katabi ko si
Micko sa isang side ng table habang magkatabi naman si Mama at Dad sa
tapat namin. Nasa corner si Daniel with his extra high chair. “May iba ka
bang pinagkaka abalahan?”
OH NO. The interview. Akala ko makakaligtas si Micko dito considering
nagmamadali kami. “Ah—” Napaisip si Micko. “Team captain po ako ng
varisty team ng Jefferson High.”

I can tell Mom is impressed. Napatingin siya sa akin at nabasa ko agad


ang nasa isip niya. Paano mo naging kaibigan ang isang ito? Yes. Ganyan
kami mag usap ni Mama. “Team Captain.” ulit ni Dad. “Kung ganun kilala mo
si Ashton Montecillo, ang pinakamalalang casualty sa drag racing accident
noong nakaraang lingo. I heard he is part of the varisty team of your
school.”

Halos mabilaukan ako sa kinakain ko. Kinuha ko agad ang baso ng orange
juice at inimon ang lahat ng laman nito.

Hindi agad nakasagot si Micko. “Sa totoo lang po, matalik ko siyang
kaibigan.” sagot nito. “Magkasama po kaming sumali sa drag racing.”

Napapause si Mama sa pagkain. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi
niya inaasahan na ang charming na lalake sa harap niya na pinuri ang
masarap niyang luto ay sumasali sa isang iresponsableng gawain gaya ng
drag race. Pero si Dad mukhang hindi na nagulat sa naging sagot ni Micko.

“Maswerte ka at hindi ka kasama sa mga casualties.”

Doon ko yun napansin. Ang paghigpit ng hawak ni Micko sa kanyang tinidor


na para bang may narinig na hindi maganda. Pero sandali lang yun. Agad
din siyang ngumiti at sumagot kay Dad. “Yun po ang pinagpapasalamat ko.”

Natapos ang breakfast at nagpaalam kami ni Micko. Sinabihan kami ni Dad


na magingat sa daan at hwag magpapatakbo ng mabilis. Si Mama naman ay
natuwa nang sabihin ni Micko na mas masarap pa ang luto niya kesa sa
sikat na bed and breakfast sa bayan. Nag offer siya na bumalik si Micko
kung gustuhin niya. But I doubt na hahayaan ko pang maulit ito. Tahimik
lang kami ni Micko habang nasa loob ng sasakyan at papunta na ng school.
Hindi ko parin gusto ang ginawa niya na pagpunta sa bahay namin.

“Galit ka ba?” tanong ni Micko habang derecho parin ang tingin sa daan.
In the back of my mind, there’s still this tiny bit of doubt na hindi
siya seryoso sa lahat ng ito. After all he is the team captain. He is
popular. Pwede niyang makuha ang kahit sinong babae na gusto niya. Why
me?

“Delia, magsalita ka naman, oh.” This time napalingon na siya sa akin.

“Eyes on the road.” paalala ko.

Agad niyang binalik ang tingin sa daan. Napabuntong hininga siya. “Look,
hindi ko na uulitin ang ginawa ko kung yun ang gusto mo—“
“Hindi ako galit.” sagot ko. “Just— Just don’t mind me.” I sighed at
napatingin na lamang sa labas ng bintana. Paano ko ba explain sa kanya
kung ako mismo hindi ko maintindihan ang sarili ko?

“Delia, magkaibigan na tayo, hindi ba?” tanong ni Micko nang malapit na


kami sa school.

Wala sa sarili na tumango ako. He smiled dejectedly habang derecho parin


ang tingin sa daan.

“Sana maramdaman ko din yun mula sayo.”

***

=================

The Jerk: Fifteen

Fifteen,

Pinagmasdan ko ang pagpatak ng ulan sa labas. Napabuntong hininga ako.


Hapon na at nandito ako sa harap ng gate ng school at hinihintay si Dad
para sunduin ako. Kanina nag insist si Micko na siya na ang maghahatid sa
akin. Pero hindi ko gustong maging sagabal lalo na at may practice sila
ngayong hapon.

Si Mindy naman hindi pumasok. Sa tingin ko may problema nanaman siya sa


Mama ngayon. Kaninang tanghali tinawagan niya ako para ipaalam na hindi
siya makakapasok. Kailangan niyang samahan si Mrs. Gonzales sa Hospital
para sa check up nito.

Habang hawak ang payong napatingin ako sa basang sapatos ko. Gusto ko
sanang bumisita sa Hospital ngayon kung nasaan si Ashton. Nagbabakasakali
akong nandoon lang siya sa mga oras na ito. Pero kapag ginawa ko yon baka
mangyari nanaman ang nangyari noong isang araw. Baka this time hindi na
ako makauwi nang walang nakakakita sa akin na ibang bisita niya.

I heard Reese will visit though. Narinig ko kanina sa cafeteria habang


nag uusap sila kasama ang mga kaibigan niya. Sa pagkaka alam ko sasama
din ang drama club. So okay lang kung hindi ako makapunta ngayon. At
least there are still people who’ll pay him a visit. Sana lang makita
niya. Sana malaman niyang madami parin ang naghihintay na bumalik siya.

Nagpatuloy lang ako sa paghihintay habang mukhang mas lumalakas ang ulan.
Nasaan ba si Ashton sa mga oras na ito? Wala na ba talaga siyang balak
magpakita sa akin? Kailangan ko na bang itigil ang pag tulong ko sa
kanya? Paano ko nga ba siya tutulungan kung siya mismo hindi na gustong
lumaban?

Out of nowhere isang idea ang pumasok sa isip ko. Nasabi sa akin ni
Ashton na kapag wala siya sa kwarto ko tumutuloy siya sa mansion nila.
Hindi kaya nandoon lang siya ngayon? Hindi kaya nasa mansion lang siya?

Hindi malayong mangyari yon. Wala na akong ibang alam na pwedeng puntahan
niya. Napatingin ako sa wrist watch ko. Mag five na ng hapon. Kung dadaan
ako sa bahay nila makakauwi parin ako bago mag dinner. Magpapa alam
nalang ako Dad.

Nagtext ako kay Dad na may dadaanan lang ako bago umuwi. Hindi niya na
ako kailangang sunduin. Mas malapit ang mansion nila Ashton mula sa
school kompara sa bahay namin. Kaya naman naisip kong maglakad nalang.
Maybe it will take a ten minute walk before I get there.

Habang naglalakad ay patuloy lang sa paglakas ang ulan. Pakiramdam ko nga


hangang gabi na ito. It would be nice to be inside the house right now
all dry and comfortable. Pero alam kong hindi din ako matatahimik kung
uuwi ako nang hindi man lang nagagawa ang balak ko. I never knew that
helping someone who didn’t wanted help in the first place could be this
hard.

Gaya ng inaasahan nakarating ako sa harap ng gate nila. Naalala ko ang


huling beses na nandoon ako. Kung saan unang beses kong makasama ang
isang Ashton. Heck that jerk almost humiliate the life out of me. Pero
kita mo nga naman nandito nanaman ako. Huminga ako ng malalim bago
pinindot ang doorbell.

Naghintay ako ng ilang segundo. Walang sumagot. Wala bang tao? Sinilip ko
ang loob ng mansion mula sa siwang ng gate. Medyo magdidilim na at dahil
na din siguro sa ulan kaya wala akong maaninang na tao sa loob. Mukhang
wala ang mga guard na nagkalat sa lugar tulad noong unang beses kong
pumunta dito.

Muli kong pinindot ang doorbell. Maya maya pa isang imahe ng tao ang
nakita kong lumapit sa gate mula sa side ng mansion. Mukha siyang isang
babae. Napansin kong nagpupunas ito ng kamay sa apron niya habang ang isa
naman ay hawak din ang isang payong.

“Ano ang maitutulong ko, hija?” bati nito sa akin. Nakadamit ito na para
bang galing siya sa kusina. Medyo chubby siya at mahahalatang pala ngiti
siya. Pero wala akong makitang ngiti sa mukha niya ngayon.

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko naisip kung ano ang idadahilan ko sa
pagpunta ko dito. Wala si Ashton para tulungan akong magsinungaling.
Sigurado akong kapag nagsinungaling ako ngayon mahahalata nila.
Naghintay sa akin ang matandang babae. Napatingin ako sa mga kamay kong
hawak ang handle ng payong. Maling pagkakataon na nandito ako. Sana pala
nag isip muna ako ng dahilan. Maya maya pa biglang nagsalita ang babae na
kinabigla ko.

“Sandali, mukhang familiar ka.” Napatingin ako sa mukha niya. Lumapit ang
babae sa gate para mas lalo akong makita. Nagtataka na napatitig ako sa
kanya. Kilala niya ako?

“Hindi ka ba kaibigan ng alaga ko? Nakita na kita dati.” I blinked a few


times. Kaibigan ng alaga niya? Si Ashton ba ang tinutukoy niya?

Sinubukan kong ngumiti. “Ako nga po.” sabi ko. Hindi ko alam kung
pagsisinungaling nga ba yon dahil maging ako ay hindi alam ang tinutukoy
niya.

“Anong ginagawa mo dito sa labas ng ganito ang panahon, hija? Halika,


pumasok ka dito.”

Binuksan niya ang gate para sa akin. Nagdalawang isip ako bago pumasok.
Pakiramdam ko pinagsasamantalahan ko ang kabaitan ng matandang nasa harap
ko. Pero kung tutuusin wala naman akong binabalak na masama. It’s not
like I’m a criminal or something.

Pumasok ako at dinala niya ako sa loob ng mansion. Iniwan ko ang basang
payong sa labas at pumasok sa mala heganteng front door. Noong kasama ko
si Ashton sa likod ng bahay kami dumerecho kaya hindi ako familiar sa
pwede kong makita sa loob.

Hindi ito ang unang beses na nakatapak ako dito. Noong bata pa ako,
naimbitahan si Dad sa isang party dito. Yon ang unang beses na nakapasok
ako sa mansion ng noon ay vice mayor pa lang na Dad ni Ashton. Naalala ko
pa siya noon. Grade school kami. Nakasuot siya ng formal habang nakaupo
sa isang sulok at nakasimangot buong gabi. He really looks like a spoiled
bratty kid back then.

Ngayon madami ng nagbago sa mansion. Mas mukhang naging maluwang ito. I


didn’t mean physically dahil wala namang dinagdag na extension na kwarto
or something. But what I mean is the atmosphere. Walang katao tao. Isa
lamang itong maluwang na bahay na puno ng mamahaling gamit. Mula sa narra
na staircase hangang sa mga painting sa wall at chandelier sa itaas. Wow
dito nakatira si Ashton Montecillo. It’s bothersome why it doesn’t even
look like a house to me. Mukha lang itong isang mamahaling lugar.

“Umupo ka, hija. May gusto ka bang kainin? Gusto mo ba ng towel para
magpatuyo ka?”

Muli akong napatingin sa matanda. Then it sink-in. Siya ang babaeng yon.
Yong laging kasama ni Ashton dati sa party. Yong laging nagtatanong kung
may kailangan ba ang alaga niya. Siya ang tagapag alaga ni Ashton noong
bata pa ito.

“Okay lang po ako.” sagot ko at umupo sa isang brown na sofa. Muli kong
linibot ang tingin sa paligid bago bumalik ang tingin sa matanda.
“Namimiss ko lang po si Ashton kaya ako nandito.”

Hindi ko alam kung bakit yon ang lumabas sa bibig ko. I didn’t even
intend to tell it outloud. Yon lang ang pumasok sa isip ko. I was about
to take it back or say something to alter the meaning of my words nang
mapangiti ang babae sa akin. Isang malumanay na ngiti.

“Naitindihan ko, hija.” sagot nito.

Lumapit ito sa akin at umupo sa katapat kong sofa. Napansin kong kanina
pa ito hindi tumitigil sa pagpupunas ng kamay niya sa apron niya na para
bang hindi niya napapansin na ginagawa niya ito. Doon ko napansin na
namamaga ang mga mata nito. Umiyak ba ito?

“Ako din. Miss na miss ko na ang alaga ko.” sabi nito sa malayong boses.
Para bang may inaalala siya. “Sana gumising na siya. Gustong gusto ko ng
marinig ang boses ng batang yon.” isang luha ang pumatak mula sa mga mata
niya. Mabilis niya itong pinahid at pilit na ngumiti.

“Ikaw ang unang kaibigan niya na dumerecho dito sa mansion sa halip na sa


hospital. Ako din hindi ko gustong pumupunta sa Hospital dahil ayokong
nakikita na walang malay siya doon. Ini-isip ko nalang na naglakwacha
lang ang alaga ko at hindi agad makakauwi. Pero uuwi din siya. Gaya ng
ginawaga niya noong nandito pa siya.”

Natawa ang babae pero alam kong mababaw lang yon. “Uuwi siya ng madaling
araw at kakatok sa bintana ng kwarto ko para pagbuksan ko. Ang batang
yon. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil lagi siyang may dalang kung
ano ano para lang hindi ako magsumbong. Lagi niya akong dinadalhan ng
halayang ube o kakanin. Nakangisi siya habang nagku-kwento kung saan siya
nangaling o kung ano ang mga ginawa niya noong araw na yon. Habang ako
naman walang magawa kundi ang makinig sa kanya.”

Bumuntong hininga ang matandang babae na para bang nahihirapan ng


ipagpatuloy ang kwento niya. “Yon lang ang magagawa ko, ang makinig sa
kanya. Sa mansion na ito wala siyang pwedeng makausap. Para siyang isang
bata na naghahanap ng makikinig sa mga kwento niya. Hangang ngayon na
ilang taon na siya, para parin siyang bata.”

Isang masakit na pakiramdam ang bumalot sa dibdib ko. Para siyang bata.
Si Ashton, kung paano siya ngumiti, kung paano siya tumawa, kung paano
siya magsalita at magpaalam. Mukha siyang okay pero lagi siyang may ibang
ini-isip.
“Pagpasensyahan mo na ako, hija.” sabi ng matanda sabay punas ng gilid ng
mga mata niya gamit ang isang panyo. “Ngayon lamang ako naglabas ng sama
ng loob mula noong nangyari ang aksidente. Pilit kong hindi inaalala ang
nangyari dahil alam kong magigising ang alaga ko. Pero may mga
pagkakataon talaga na hindi ko mapigilang mawalan ng pag asa.”

“Makakabalik po siya.” sabi ko. Pinagmasdan ko ang babae at huminga ng


malalim. “Hwag po kayong mag alala. Makakabalik siya. Kaya sana hwag
kayong mawalan ng pag asa.”

Tiningnan lang ako ng babae. Saka siya muling ngumiti. She raised her
chubby hand and pat my shoulder gently. “Alam ko, hija. Malakas ang loob
ng alaga ko. Hindi siya basta basta sumusuko.”

Tumayo siya sa napatingin sa kusina. “Kailangan ko ng ituloy ang ginagawa


ko, hija. Okay ka lang ba dito?”

Napatingin ako sa dumidilim ng labas. “Maglalakad lakad lang po ako.”


sagot ko.

Tumango ang babae. “Sige, kung may kailangan ka nasa kusina lang ako.”
sabi nito saka umalis na.

Naiwan ako sa sala na napa buntong hininga. Napatingin ako sa mga palad
kong pinagpapawisan. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko dahil sa mga
narinig. Please Ashton magpakita ka na.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa sofa bago ko naisipang
tumayo at maglakad lakad gaya ng sinabi ko. Wala akong balak magtagal.
Uuwi din ako kapag nalaman ko na wala siya dito. Pero hindi pa man ako
nakakalayo sa sala nang may maramdaman akong mga matang nakatingin sa
akin.

Inalis ko ang tingin sa isang picture frame ni Ashton noong intramurals


namin at napatingin sa itaas ng hagdan kung nasaan ang second floor.
Walang tao. Napakurap ako. Pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin
kanina mula doon.

Mabilis kong iniwan ang mga pictures sa mesa at nagsimulang umakyat sa


itaas. Tama kaya ako? Nandito kaya siya? Maaaring isa lang yon sa mga tao
sa mansion pero hindi ko mapigilang umasa.

Pagkarating ko sa itaas, walang tao. Isang maluwang na hallway ang


bumungad sa akin pero wala na akong ibang nakita. Natigilan ako at
bumuntong hininga. Siguro nga namamalikmata lang ako. Humawak ako sa
railings ng staircase at akmang bababa na ako ulit nang isang boses ang
narinig ko.
“Bakit nandito ka pa?”

I felt my heart froze. Pakiramdam ko tumigil ang oras. Ang boses na yon.
Napalingon agad ako pabalik sa hallway at nakita siyang nakatayo doon at
nakatingin sa akin. May maliit na kunot ang noo niya. Ashton Montecillo.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin. Sa sobrang dami ng


mga balak kong sabihin kapag nakita siya, ni isa walang lumabas sa bibig
ko. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang hindi makapaniwala. He
really knows how to surprise the life out of me.

“Ashton.” I breathed.

Hindi sumagot si Ashton. Nakatingin lang siya sa akin habang nakakunot


ang noo. Mukhang hindi niya gusto ang pag dating ko. Galit ba siya sa
akin?

“Hindi ka na dapat pumunta dito.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Totoo ba ito? Pinagtatabuyan niya ako?


Napatingin ako sa walang taong paligid at pabalik sa kanya. Ano bang ibig
niyang sabihin?

“Delia, itigil na natin ito.”

Doon na tuluyang nag sink in sa akin ang nangyayari. Tama ba ako ng


narinig? “Sandali, anong ibig mong sabihin?”

Bumuntong hininga lang siya. Nakapamulsa siya pero ini-iwasan niya ang
tingin ko. Maya maya pa pinagmasdan niya ako na para bang gustong bawiin
ang sinabi niya. “Kalimutan mo na.”

Hindi yon ang inaasahan kong sagot niya. “Hwag mong ibahin ang usapan,
Ashton.” asik ko. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin.
Hindi ko gusto ang narinig ko mula sa kanya.

Lumapit siya sa akin. “Tingnan mo, basa ka pa ng ulan.” Bumuntong hininga


ulit siya. “Magkakasakit ka niyan.”

Tiningnan ko lang siya. My mind is too confused right now. Ano ba


talagang gusto niyang sabihin. Bakit ba paiba iba siya? Naguguluhan na
ako. Bigla niya akong hinila na kinabigla ko.

“Halika, magpatuyo ka.”


Dinala niya ako sa isang kwarto sa second floor. Mukha itong isang guest
room. Umupo ako sa bed at pinagmasdan lamang siyang gumalaw. Hindi parin
ako makapaniwala na dito ko lang siya makikita. Tumalikod siya sa akin at
may kinuha sa isang cabinet. Pagharap niya may hawak na siyang isang
towel.

“Hindi ka dapat nagpapakabasa.” sabi niya.

Kukunin ko sana ang towel mula sa kanya pero lumapit siya sa akin at
nilagay yon sa ibabaw ng ulo ko. Siya mismo ang nagpunas ng basang buhok
ko. Pinagmasdan ko siya habang nakatayo siya sa harap ko at ako naman ay
nakaupo sa gilid ng bed.

“Hindi ka na dapat pumunta dito.”

Pilit akong tumingala para makita ang mukha niya. Pakiramdam ko habang
tumatagal mas lalong nawawalan ng sigla ang mga mata niya. “Pero tama
ako. Nandito ka.” sabi ko.

Tumigil siya sa ginagawa at kinuha ang basang towel. Pinatong niya yon sa
likod ng isang silya at humarap sa akin.

“Delia, hindi mo na ako kailangang tulungan.”

“Bakit?” mabilis na tanong ko. “May nagawa ba akong masama?”

Napakamot siya sa batok niya. “Hindi sa ganun. Pero mas mabuti kung—“

“Kung ano?”

“Kung sumuko na tayong pareho.”

***

Author's Note:

Let me remind you guys that this story is not long. We're almost in the
middle of the story.

Things are going down. What do you think is the reason behind Ashton's
decision? I love you to hear your opinion about the story.

Til next update!@april_avery


--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Sixteen

Sixteen,

"If we're falling apart, I will fight for your heart. I can be your
shield. I will fight on the field. Baby when our life gets colder I’ll be
your soldier."

Hindi ako nakapagsalita. Pinagmasdan ko lang si Ashton Montecillo habang


nakatayo siya sa harap ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Madami ang
pumasok sa isip ko pero lahat ng yon ay hindi ko kayang sabihin.

“Why?” halos naluluha na tanong ko. “Why are you like this?” It all comes
down to this moment. Ang wala na akong magawa kundi magalit sa kanya.

“Delia, I wouldn’t want to go back anyway. Wala na akong babalikan.”

Gusto kong matawa sa sinabi niya. “Ashton, hindi mo ba nakikita?” Hindi


ko mapigilang magtaas ng boses. “Madami ang naghihintay sayo para
makabalik. Ang mga kaibigan mo, si Micko, si Reese, ang Dad mo, ang nag
alaga sayo. Hindi ka ba naaawa sa kanila? You are being selfish.”

“Delia—“

“Lagi kang ganyan, mula noong mga bata pa tayo. When things gets
complicated you escape. You avoid serious situations specially when there
is emotions attached to it. Hindi mo gustong umaasa. Kaya hindi pa
nagsisimula, sinasabi mo na sumuko na. Kahit pa sa totoo lang ikaw mismo
umaasa.”

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

“Ikaw dapat ang Team Captain ng Basketball Team, hindi ba? But you avoid
the responsibility. Dahil pakiramdam mo kapag ikaw ang naghandle, wala
kayong mapapala. You are afraid to be a failure. Hindi mo gustong may
umaasang ibang tao sayo dahil ayaw mo silang ma-disappoint. So you messed
things up thinking na kapag lagi kang nagkakamali sa mata ng iba, hindi
na nila makikita ang totoong takot mo.”
“It’s not that.”

Napatayo ako. Pakiramdam ko ayoko muna siyang makausap sa ngayon. Siguro


bukas kapag okay na siya. Kapag hindi na ganyan ang mga sasabihin niya.
Hindi siya ang kilala kong Ashton. Ang kilala ko, hindi man niya
sineseryo ang mga bagay bagay, alam kong hindi siya basta susuko dahil
lang sa hindi niya gustong umasa sa wala.

“Delia, my Dad is deciding to cut my life support.”

Tumigil ako sa tangkang paglabas sa kwarto. Muli akong humarap kay


Ashton. Para bang pagod na pagod na siya. “Alam ko, Ashton.” I can’t help
but noticed how my voice cracked. “Kaya nga mas kailangan mong ipakita na
kaya mo pa. Don’t let them decide for you, please.”

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Funny, of all people,
I’m crying in front of Ashton Montecillo. Para akong bata. Mabilis kong
pinahid ang mga luha ko. “Naisip mo ba kung anong mararamdaman ko kapag
sumuko ka? Ayokong ako ang maging huling taong makakakita sayo. I want
you to go back to your life so I can go back to my own. Kapag natapos ang
lahat ng ito, doon lang ako makakabalik sa dati. I don’t want to fail on
this. I don’t want to fail on you.”

Napangiti nang tuluyan si Ashton. It was a strange smile, it was gently,


but sad at the same time. Lumapit siya sa akin and niyakap niya ako.
Mahigpit ang yakap niya, ramdam ko yon sa mga braso niyang nakabalot sa
akin. I feel so small next to him. But what broke me is— I don’t hear any
heartbeat. There is nothing in his chest that reminds me of a normal hug,
the normal beating of the heart.

“Why are you like this?” tila natatawang tanong niya habang nakayakap
parin sa akin. “Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo. Why do you
exert effort for people like me, Delia?”

Hindi ako sumagot.

“You’re too naïve, too kind for your own good.” he almost whisper on top
of my head. “Para kang laging may purpose sa buhay. Laging may kailangang
tulungan. You are also a cry baby, a scare cat. Sa dinami dami ng tao,
bakit ikaw pa?”

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. “Nagrereklamo ka


ba?” tanong ko sabay punas ng luha.

Natatawa siyang umalis mula sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako,


there is still this gently smile in his face. “It’s the other way
around.”
Hindi ko nalang masyadong pinansin ang sinabi. How can he tease me in
this kind of situation? I straighten up at pinakalma ang sarili. Mukha
akong tanga kapag umi-iyak ako.

“Ashton, just promise me one thing.”

“Delia, I don’t want to keep a promise.”

Nagpatuloy ako na para bang hindi siya narinig. “Promised me na makikita


kita isang araw sa cafeteria, kasama ang mga kaibigan mo, habang masaya
kayong nagku-kwentuhan.”

Natigilan siya at tiningnan ako na para bang na-amused sa sinabi ko.


“That’s too specific. Isa pa gusto kong ikaw ang—”

“Promised me.” pagpupumilit ko. “Yon ang sign na bumalik na sa dati ang
lahat. Na balanse na ulit ang school. Na nandoon ka na and things will go
back to normal.”

“I don’t think things will go back to normal, Delia.” he insisted.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan kami. Pareho kaming
nagulat dahil doon. Humarap si Ashton dito na nakakunot ang noo.
Samantalang ako halos mapasigaw sa gulat.

“Hija, nandito ka lang pala.”

Humarap ako sa matandang tagapag alaga ni Ashton. Nagtataka itong


napatingin sa towel na nakalagay sa upuan saka bumalik ang tingin sa
akin. Hindi niya alam na nandito lang si Ashton sa kwarto kasama namin.

“Nagpatuyo ka pala.” nakangiting sabi nito.

Halos manlaki ang mga mata ko sa narealized. I look like a nosy visitor
na kumukuha ng mga gamit nang hindi nagpapaalam. Napatingin ako kay
Ashton na nakalean sa pader at ngingiti ngiti na para bang alam ang ini-
isip ko. Wow thank you sa support.

Nagsorry ako ng ilang beses sa ginawa ko pero mukhang hindi naman yon
alintana ng matandang babae. Niyaya niya akong mag dinner pero alam kong
kailangan ko ng umuwi dahil baka hinahanap na ako.

Nang nasa harap na ako ng main door ng mansion, humarap ako kay Ashton na
nakatayo sa tabi ko. “Keep your promise.”
Tiningnan niya lang ako. Hindi siya sumagot. Alam kong mahirap ang
hinihingi ko sa kanya. Hindi namin alam kung anong pwedeng mangyari sa
mga susunod na araw. Pero kailangan ko ng mapanghahawakan. We both need a
little assurance. Dahil alam naming hindi magiging madali ang lahat.

A S H T O N

Pinagmasdan ko si Delia na paalis ng mansion. Hindi ko maiwasan na


bumuntong hininga. Gusto kong lumaban. Para lang mapasaya siya. Pero
hindi ko alam kung gugustuhin ko pang bumalik matapos ang mga nalaman ko.
Kung ganun lang sana kadali.

D E L I A

“Ashton made a response yesterday.”

Tumigil ako sa pagsubo at napatingin kay Micko. Ganun din si Mindy na


kumakain sa tabi ko. “Really?” hindi maiwasan na tanong ko.

He shrugged and smiled. “Noong nandoon sila Reese kahapon, sinabi niya na
nagrespond si Ashton. Naingayan siguro sa kanila. It’s not much though.
Just a tweak of a finger.”

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. “That good.” Ginagawa ni


Ashton ang pangako niya. “Kaya pala masaya sila ngayon.” Napatingin ako
sa table sa gitna kung saan nagku-kwentuhan ang mga kaibigan ni Micko.

“Nakakatawa nga eh. Sa sobrang gulat nila halos magpanic sila kahapon sa
Hospital at paalisin sa kwarto ni Ashton.” natatawang sabi niya.

See that, Ashton. Madaming naghihintay sayo. “Natutuwa ako para sa inyo.”
I said sincerely. Ngayon ko lang narealized na may puso naman pala kahit
paano ang mga kaibigan niya.

“Buong akala talaga namin hindi na kami makakakuha ng kahit anong sign na
babalik siya.”

Tumigil ako sa pagkain at humarap kay Micko. “What do you mean?” si Mindy
ang nagtanong.

Tila naman natauhan si Micko sa nasabi niya. “Ah, wala yon.” sagot niya
na para bang hindi siya comfortable na pag usapan ito.

Mindy pouted. “Sinabi mo na eh. Para naman kaming others.” Ginamit niya
ang best friendly smile niya kahit pa alam kong hangang ngayon ayaw niya
paring sumasabay sa amin si Micko.
Napakamot lang ng ulo si Micko. “Lagi kasi kaming natatakot sa pwedeng
mangyari sa kanya.” Bumuntong hininga ito. “Every now and then he will
get into serious trouble. And we will be there trying to fix things up
bago pa makarating sa Papa niya.”

Micko let a sad smile. “I don’t exactly know why. But it seems like
Ashton is trying to prove something. Sa buong pagkakataon na nakasama ko
siya lagi nalang siyang may gustong gawin na kung hindi makakasama ay
papatay sa kanya.”

Tuluyan na akong nawalan ng gana sa pagkain. Trying to prove something.

“At nangyari nga ang aksidente.” Natawa si Micko ng mababaw. “That


asshole. Ini-isip tuloy namin kung ginusto niya ito.”

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. No. It’s impossible. Ashton


wouldn’t want such thing to happen. He is more than that. Right?

***

Song for the chapter: Soldier by Before You Exit

=================

The Jerk: Seventeen

Seventeen,

"Delia, are you okay?"

Pinagmasdan ko si Mindy na nagtatakang nakatingin sa akin. Naglalakad


kami sa hallway kasabay ang iba pang student ng Jeferson High na pauwi
na.

"I'm fine." Napaubo ako. Oh God.

Nag frown siya sabay hawak sa noo ko. "Kanina ko pa napapansin na paubo
ubo ka. Nagpakabasa ka ba ng ulan kahapon?"

Natigilan ako. "Of course not." sagot ko. Hindi niya dapat malaman na
pumunta ako sa bahay nila Ashton.

"Alam mo mabuti pa umuwi nalang tayo agad. Bukas na tayo pumunta sa


sinasabi kong bagong coffee shop."
Kanina kasi napag usapan namin na dumaan sa bagong branch coffee shop na
paborito ni Mindy. Gusto ko sanang bumisita kay Ashton matapos ang uwian
pero nagyaya siya kaya pumayag nalang ako.

"That's fine with me." sagot ko thinking na maaari na akong dumaan sa


Hospital.

"Ihahatid ka nalang namin sa bahay niyo."

"Hindi na kailangan." followed by a sneeze.

"I insist. Ipahinga mo na yan kung ako sayo."

I frowned. "Okay lang naman ako. Isa pa- Achoo!"

Tumaas ang kilay ni Mindy. "See? Tara na."

Hinila niya ako sa labas at naghintay kami ng ilang minuto para sa sundo
niya na si Mrs. Gonzales. Napansin din ng Mama niya na panay ang ubo at
sneeze ko habang nasa sasakyan. She told me to take some medicine at
magpahinga. Funny, she never told me that in the past years na nakasama
ko siya. Kadalasan masyado siyang madaming ini-isip para mapansin ang
konting ubo o sipon ng mga taong nakapaligid sa kanya even with her own
daughter.

Noong pumasok ako sa bahay kumunot agad ang noo ni Mama nang marinig ang
mga pag ubo ko. I even excused myself early during dinner dahil wala
akong ganang kumain. Mama later showed up in my room with some medicines.

"Do you have a fever?" Lumapit siya at hinawakan ang mukha ko.

"I'm fine, Ma." sagot ko habang nakahiga sa kama.

She frowned. "If you need something katukin mo lang kami."

"Hmm." I mumbled.

"Saan ka ba kasi nangaling kahapon at basang basa ka?" Mom asked in


suspicion.

"May binisita lang akong kaibigan, Ma. It's just a cold. You are worrying
too much." Ngumiti ako for her to know that I'm okay.
"Hindi mo ako masisisi." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa edge ng bed at
bumuntong hininga. "Don't stay up late reading a book or something.
Matulog ka na."

Tumango ako. "Yes, Ma." She bid me a good night bago siya lumabas at
isinara ang pinto. Pinalipas ko ang ilang segundo bago nagsalita.

"God, Ashton. You nearly made me shrieked in front of my Mom."

Sinamaan ko ng tingin si Ashton na nakaupo sa baby piano ko. Ngingiti


ngiti pa siya. Hindi ba siya marunong magpaalam man lang na nandyan na
siya para hindi ako nagugulat na may nakatingin na pala sa akin?

"Namiss kita." biro nito.

I rolled my eyes. "Nagkita lang tayo kahapon."

Nawala ang ngiti niya nang marinig ang ubo ko. I groaned at mas hinila
ang kumot palapit sa akin. Nakakunot ang noo na lumapit siya sa akin.
Hinawakan niya bigla ang noo ko gaya ng ginawa ni Mama. Wala akong nagawa
kundi titigan siya habang seryosong nakatayo sa harap ko.

"May sakit ka." he muttered. Mukhang hindi siya masaya.

"Ubo lang ito." I swatted his hand away.

"Dahil ba ito sa pagpunta mo sa mansion kahapon?"

Nag shift ako nang pwesto sa kama para iwasan ang tingin niya. "No."

Bumuntong hininga siya at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. "Hindi
ka na dapat pumunta. I told you this would happened. I don't want you to
get sick because of me."

"I'm not sick. Kailangan ko lang itong itulog." Guilt is evident in his
voice. Ayokong maramdaman niya na kasalanan niya ito. Masyado na siyang
madaming iniisip para mag alala pa siya tungkol dito.

"I'm sorry."

Napalingon ako pabalik sa kanya. Pilit siyang ngumiti pero alam kong
sinisisi niya na ang sarili niya. He is blaming himself and apologizing
for a mistake na hindi niya naman ginawa.

"It's not your fault but fine. Apology accepted."


I sincerely smiled at him. Ramdam ko na ang antok dahil sa epekto ng
gamot ng binigay ni Mama kanina. I closed my eyes and yawned. "Kung hindi
kita pinuntahan, you will not be here tonight."

"I will be here, Delia." Ashton voiced echoed. Funny he sounds so far
away. "Kapag nabalitaan kong may sakit ka pupuntahan kita dito."

"Hmm." I mumbled as sleep slowly creeps into my system. I don't even know
kung sinabi niya ba talaga yon o nanaginip na ako. "I will see you
tomorrow." sinubukan kong sabihin.

I felt a hand on the side of my face. Hinawi nito ang ilang hibla ng
buhok ko mula sa mukha ko at inipit yon sa likod ng tenga ko.

"Good night, Delia." and that is the last thing I heard from him before I
fell into a deep daunting sleep.

Napanaginipan ko si Ashton. It was a strange dream, almost a nightmare.


He was standing on the middle of the street, waving at me. Nakangiti
siya. He was calling out my name. Mabilis akong lumapit ako sa kanya. I
was in a school uniform then. I realized I was in front of Jefferson
High.

Nang makalapit ako sa kanya bigla niyang hiniwakan ang kamay ko. "May
gusto akong ipakita sayo." excited na sabi ni Ashton. Para talaga siyang
bata.

"What? Saan ba tayo pupunta?"

Hinila niya ako. I don't even know where we are heading. Basta naglalakad
kami sa gitna ng kalye. And then something happened. Isang sasakyan ang
biglang lumitaw kung saan. Mabilis ito at para bang walang control ang
nagmamaneho. The car hit Ashton who's just a few inches from me. Nawala
ang pagkakahawak niya sa akin. I shrieked in horror.

Umalingawngaw ang sigaw ko sa paligid. It was a combination of yelling


and crying. Biglang dumilim ang paligid. Makalipas ang ilang minuto
naramdaman ko ang isang kamay sa palad ko. Nakahawak ako sa isang kamay.
Unti unti kong nakita kung nasaan ako. I was in a Hospital.

Napatingin ako sa may ari ng kamay na hinahawakan ko. The guy lying on
the hospital bed in front of me is unconscious. May benda siya sa ulo
niya. Unti unti kong narinig ang mga medical machine na nasa loob ng
kwarto. I saw the peaceful face of the guy. It was Ashton.
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "Wake up." bulong ko. My voice
sounds strange. Parang hindi sa akin. Paos ito na para bang maghapon na
sumisigaw o umiiyak.

"Wake up, Ashton."

Pero instead gumising, nagsimulang mag beeb ng mabilis ang machine na


nasa tabi ko. Napatingin ako dito at nakita ang isang green na wave sa
screen na unti unting nagiging isang pantay na linya. Biglang nanghina
ang mga kamay kong nakahawak sa kanya.

"Ashton, wake up!" halos sigaw ko. The machine keeps beeping, pabilis ito
ng pabilis. The sound was filling my ear. It was overwhelming.

"ASHTON!" I almost yelled. I grabbed his hands with both of mine. "WAKE
UP ASHTON! STOP THIS. THIS IS NOT FUNNY!"

The sound suddenly stop. Then is become a continuous beep. My eyes widen
as I stared at the monitor. I saw a green line. A horizontal green line--

Napabalikwas ako ng bangon. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa biglaang


pag galaw. Napansin ko na may nalaglag mula sa noo ko. Tiningnan ko yon.
Isang basang bimpo.

"Binabangungot ka."

Halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa boses ni Ashton. Napatingin ako sa


harap ng computer table ko. Sa gitna ng dilim, naaninag kong nakaupo si
Ashton sa harap nito at nakatingin sa akin. Halos mawalan ako ng hininga
dahil sa ginawa niya.

"Ashton, bakit nandito ka parin?"

Napatingin ako sa orasan sa pader. Alas dose ng gabi. Napabuntong hininga


ako. "I thought umuwi ka na kanina."

"Nilalagnat ka." sagot niya na para bang yon na ang pinaka obvious na
bagay sa mundo. Nagawi ang tingin ko sa basin na nasa mesa at pabalik sa
bimpo sa lap ko.

"Hindi ka umuwi?"

"Gusto kitang bantayan."


Napabuntong hininga ako. I can't even believe that this Ashton in front
of me is the same Ashton that I used to see everyday at school. The
Ashton that almost everyone are intimated and are afraid of.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga dahil sa hilong nararamdaman ko. I can


feel the heat radiating from my body. Pinagpapawisan ako at nilalamig at
the same time.

"Go back to sleep." utos niya. Kinuha niya ang bimpo at muli yong inayos
para ilagay sa noo ko.

"You don't have to do this. Do you even know how to treat a fever?"

"I used to do this on my own all the time." Mula sa liwanag na


nangagaling sa labas, nakita ko ang expressionless niyang mukha. The
image of Ashton alone in his room having a fever and treating it on his
own nearly crushed me.

"Ashton..."

"I have no idea where your life might take you, how far it'll take you,
or whether I have a part in it at the end. But Delia, I want you to
remember that one time in your life, an Ashton Montecillo cared."

Hindi ko gusto ang sinabi niya. No matter how sincere in may sound, it
was as if he is bidding me a goodbye. Naalala ko ang panaginip ko. His
hands on mine, the beeping sound, the horizontal green line. Bigla kong
hinawakan ang kamay niya. Mahigpit. Gusto kong mawala ang pakiramdam na
yon. Gusto kong isiksik sa isip ko na nandito parin si Ashton sa harap
ko.

"Dahil ba sa panaginip mo?" tanong niya na tinutukoy ang mga kamay kong
parang batang nakahawak sa kanya. "Are you scared?"

I shake my head. "Ashton, I don't want to lose you."

***

Author's Note:

Hi guys! I made a video of The Jerk is a Ghost. It's my first time to


make such thing so don't expect too much haha! You can check the
multimedia above kung gusto niyong mapanood.

I hope this chapter satisfies your craving for #DelTon moments. Thank you
for reading! I look forward to see your comments below!
@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Eighteen

Eighteen,

Nagising ako kinabukasan na medyo nahihilo. Pakiramdam ko may hang over


ako. Though hindi ko alam ang eksaktong pakiramdam ng meron nito dahil
hindi ko pa nararanasan.

Linibot ko ang tingin sa kwarto. Halos masilaw ako sa liwanag mula sa


nakabukas na bintana. Anong oras na ba? Napatingin ako sa wallclock at
halos manlaki ang mga mata ko. Ten o’clock?!

Mabilis akong umalis mula sa kama. Dahil doon halos mahilo ako. Inabot ko
ang malapit na table para sa suportahan ang pagtayo ko. Damn. May sakit
nga pala ako. Isang yellow note ang nakita ko sa table na nakaipit sa
isang baso ng orange juice. Binasa ko ito:

“Hindi ka na namin ginising. Hwag ka munang pumasok ngayong araw.


Sinamahan ko si Danny sa school program nila. Nasa kusina ang pagkain.
Uminom ka ng gamot at magpahinga. Love, Mama.”

I groaned. Paano nalang kapag may importanteng gagawin sa school ngayon?


Kinuha ko ang baso ng orange juice at lumabas ng kwarto. Maaliwalas sa
loob ng bahay at napakatahimik. Bumaba ako sa staircase habang iniinom
ang orange juice. Nang makarating ako sa sala halos mabuga ko ang iniinom
ko.

“What the hell, Ashton?”

Napalingon siya sa akin habang nakaupo sa sofa na para bang kanina pa


naghihintay. “Mabuti naman nagising ka na.”

Napangiti siya matapos akong pagmasdan mula ulo hangang paa. I’m fully
aware I’m wearing a pizza printed pajama and a SpongeBob Squarepants
oversize t-shirt. At hindi ko nagawang suklayin ang buhok ko.

“Kanina ka pa ba dyan? Sandali, umuwi ka ba?”


Napakamot siya sa ulo niya. “Dumaan ako sa Hospital sandali para
makibalita sa lagay ko.”

“How was it?”

Napangiti si Ashton. “I’m doing fine. Better than the last few days.”

Naging maaliwalas ang mukha ko. “That’s great. It’s only a matter of days
at makakabalik ka na. Your body just needs to be ready. Magpalakas ka.”

“Sabi ng may sakit.” sarcastic na sabi nito na hindi parin naaalis ang
ngiti. Bakit ba ganyan siya makatingin? Sa hindi ko nagawang mag ayos.
Isa pa nasa bahay lang naman ako ah.

“Delia?” he asked.

“What?” nakakunot ang noong tanong ko.

“Kung sakaling makabalik ako—” Bigla niyang pinutol ang sasabihin niya.
Para bang nagdadalawang isip siya. “Kung sakaling makabalik ako... kung
sakaling magising na ako... will you still stay by my side?”

Natigilan ako sa tanong niya. Para siyang bata na nagtatanong kung


maiiwan ba siyang mag isa sa kwarto niya kapag tuluyan na siyang
nakatulog. There is hope in his question. Hope that he will not be alone.

But he will never be alone. Kapag bumalik na sa dati ang lahat, he will
have his old life back, his friends, his family, his own crowd of popular
people. And I can’t stay by his side because I don’t belong in any of
those.

“I can’t.” I answered honestly. Tiningnan ko siya ng derecho sa mga mata


at pilit na ngumiti. “Ashton, I don’t belong in your future. But right
now I’m here with you. It’s all that matters, right?”

I need to be realistic. Babalik sa dati ang lahat. He will go back to his


old life and I will go back to my own. Hindi kami magkakilala. Sikat siya
at hindi niya ako kilala. That’s how it goes. Even if I badly wanted us
to stay like this, I know I’m aiming for the impossible.

Hangang ngayon nga parang impossible parin na nandito siya sa harap ko,
na nakakausap ko o may pakialam siya sa akin. I remember watching Ashton
from a distance. Kapag nakakasalubong ko sila sa hallway, kapag
nagtatawanan sila sa cafeteria, kapag naforce ako ni Mindy na manood ng
mga basketball game nila.
I have always been curious about him. I wanted to know the story behind
his behavior. Kung bakit ganoon ang ugali niya o bakit ganoon ang gusto
niyang ipakita. I guess I have a fixation with things that are broken. I
wanted to fix them. Even though I know they will leave me eventually.
Ganyan ang nangyari noong una kong nakilala si Micko De Lara.

Napansin ko na nagbago ang expression ng mukha ni Ashton. Para bang


natigilan ito at naging confused. “But I want you.” wala sa sarili na
sabi nito. “Gusto kong isa ka sa mga babalikan ko.”

He sounds so normal while saying those words. He doesn’t even have an


idea how his words affect me.

“You will have everything you could ask for the moment you wake up. You
don’t need me.” Natatawang sabi ko though deep inside I’m caving in.
“Ashton, let’s not talk about this.”

Tumalikod ako sa kanya at dumerecho sa loob ng kusina. Nang masigurado


kong hindi na niya ako makikita, napasandal ako sa pader. Gusto kong
matawa but at the same time alam kong nangingilid na ang luha sa mga mata
ko. Dapat pinigilan ko na ito noong una palang. I shouldn’t let myself
get emotionally attached, especially with Ashton.

Hindi ko na narinig ang boses ni Ashton mula sa sala. Baka umalis na


siya. Pilit kong kinain ang breakfast na nasa mesa. May note nanaman doon
na nagsasabing ubusin ko ito. Wala akong gana. Pero ginawa kong dahilan
ang pagkain para magtagal ako sa loob ng kusina.

Nang matapos na ako, niligpit ko ang pinagkainan ko at lumabas ng kusina.


Nasa gitna ako ng pagde-decide kung matutulog nalang ba ako ulit o
magbabasa ng libro nang bumungad ulit sa akin si Ashton. This time
nakaupo siya sa pinaka mababang step ng staircase na para bang
naghihintay.

“Ang tagal mong kumain.”

“Are you planning to stay here all day?”

Napangiti siya. “Yup.” he said emphasizing the p.

“Matutulog ako, Ashton.”

“Samahan kita?”

Sinamaan ko agad siya ng tingin. Natawa siya sa reaction ko at nagtaas


ng kamay na para bang nasa harap ng isang pulis. “Biro lang.”
I rolled my eyes. Hindi parin pala naaalis ang ugali niyang yon. “You
can’t stay here all day, Ashton. Mabo-bore ka lang kasama ako.”

I’m not fun to be with aminado ako doon. I’m not the type of people
Ashton associates himself with. I’m not on the hang out and party side.
I’m more on the books and movie side. And I’m not planning to change
that.

“You are never boring, Delia.” Natigilan ako sa sinabi niya. “You are one
of the most interesting people I know.”

I can’t help but scoffed. “Yeah right.”

Tumayo si Ashton mula sa steps at tila ba nag inat. I noticed how the
rays of the morning sun from the nearby window passed through him. He is
as if a faded picture or a picture with too much lighting.

“You are clumsy, lagi kang natatapilok o nababanga kung saan saan. Did
you know how entertaining it is to watch you?”

I snapped back in attention. Wait what? Unti unti kong tiningnan ng


masama si Ashton. Halos matawa siya bago nagpatuloy.

“You sing your heart out with random songs. You have a funny obsession
with fictional characters. Halos matakpan ka na sa dami ng libro sa
kwarto mo. Pati commercial iniiyakan mo. You have a childish taste on
cloths and—” ginulo niya ang buhok ko. “You don’t even know how to comb
your hair.”

Inis na inalis ko ang kamay niya mula sa ulo ko. So mang aasar lang pala
siya?

“You are very different from the people I used to hang out with.”
Bumuntong hininga siya.

“You do things for the sake of doing it. No other motives or reason.
Tumatawa ka ng malakas dahil masaya ka, hindi dahil may gusto kang
patunayan. You hang out with your friends because you like to be with
them, not just because you have to be with them. You are so simple and
pure that I wanted to be on your side a lot. Maybe that way my life will
be much better.”

Pinagmasdan ko si Ashton. And in that exact moment I wanted to cursed


myself. I wanted to tell myself to stop. This is going to be painful. You
will be hurt. A lot. Pero alam kong huli na ang lahat.

I’m falling for Ashton.


***

=================

The Jerk: Nineteen

Nineteen,

Ilang lingo na ang lumipas mula noong narealize ko ang bagay na yon. That
I’m falling for Ashton. Sa mga sumunod na lingo, wala akong ginusto kundi
matapos na ang bagay na ito at para makabalik na siya sa katawan niya. I
never intend on any of this to happen. I need him to get back to his life
before I fall for him any harder.

Naging mas maayos ang kalagayan ni Ashton sa Hospital nitong mga


nakaraang lingo. Naging regular na balita yon sa school. Everyone is
quite hopeful na ano mang araw mula ngayon ay magigising na siya. His
body is recovering from the head injury. Malaking pagbabago ito kompara
sa unang sinabi ng Doctor na bumibigay na ang katawan niya.

I can also sense it. Hindi ko alam kung paano pero napapansin ko mas
nagiging transparent si Ashton sa paningin ko. Para bang habang tumatagal
unti unti siyang nawawala sa paningin ko habang unti unti namang bumubuti
ang kalagayan ng katawan niya sa Hospital. It’s heartbreaking but at the
same time masaya ako sa nangyayari. Makakabalik na siya. Darating ang
araw na pag gising ko wala na siya sa tabi ko. Pero kung ang ibig sabihin
nito ay babalik na sa dati ang lahat, wala akong karapatan para
malungkot.

Pero may nararamdaman pa akong isang bagay. Para bang may hindi parin
siya sinasabi sa akin. Kapag nag uusap kami tungkol sa pagbabalik niya o
sa pamilya niya, may mga pagkakataon parin na natitigilan siya at para
bang pinipili niya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Bandang hapon noong araw na yon at palabas na ako ng Jefferson High para
sana umuwi. Pero nagulat nalang ako nang pagtapak ko sa pathway papuntang
gate ay nakita ko si Ashton. Nakatayo siya sa gilid ng parking lot at
tila ba may pinagmamasdan. Noong una akala ko ako ang hinihintay niya.
Pero noong sinundan ko ang tingin niya nakita ko kung sino ang
pinagmamasan niya. Si Reese kasama ang ilang member ng Drama Club.

Tumigil ako sa paghakbang papunta kay Ashton. Tahimik na pinagmasdan ko


siya habang nakatingin siya kay Reese. For the past few days halos hindi
ko naramdaman ang presence ni Reese sa school. Naging tahimik siya. Sa
cafeteria, sa classrooms, sa corridors. Hindi na siya yong dating Reese
na kilala ko. Para bang matapos ang accident hindi na rin siya bumalik sa
dati.

Humigpit ang hawak ko sa straps ng bag pack ko habang nakatingin sa


kanila. Me, while watching Ashton, and Ashton while watching Reese. Hindi
ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nanghina ako. I was guilty and sad
at the same time. Pakiramdam ko may kasalanan ako kay Reese, for falling
for her boyfriend. Hindi kasanalan ni Ashton na hindi niya makasama o
makausap man lang si Reese. And here I am, being selfish for wishing that
I own Ashton.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nasa ganoon kaming
position. I began to play with the tip of my shoes in the cemented
pathway. I didn’t even consider what Reese might feel, what Ashton might
feel, or what Micko might feel. Puro ang nasa isip ko ay ang nararamdaman
ko. How selfish.

Never would I imagine na magiging ganito kakomplekado ang lahat. Na


masasali ako sa mundo ng tatlong ito. A month ago they can’t even noticed
my mere presence. Pero ngayon para bang lagi nalang kaming nagbabangaan.
Kailangan na talaga itong matapos.

“Hey.”
Halos mabigla ako nang marinig ang boses ni Ashton. This time alam kong
ako ang tinatawag niya. Tumingala ako at nakita siyang naglakad sa gitna
ng isang grupo ng mga freshmen students. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
Kung alam lang siguro nila na si Ashton Montecillo ang nasa harap nila
baka nagtabihan ang mga yon.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko ng mahina. Tumabi ako sa pathway at


lumayo sa ilang estudyante na kasabay kong naglalakad.

“Hindi na ba ako pwedeng pumunta sa school ko?” tanong niya sa akin.

I shrugged. “May kailangan ka bang puntahan dito?” I asked casually.


“Pwede kitang samahan.”

“You’re already here.” sagot niya habang nakapamulsa sa tabi ko. “Ikaw
lang naman ang pinunta ko dito.”

Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa sinabi niya. Of course. Ako


lang naman ang nakakakita sa kanya. Does he have any choice?

Natigilan kami nang marinig ang isang ingay. Napalingon kami sa grupo ng
mga lalake na kalalabas lang ng building at mukhang papunta sa gym.
Nakasuot sila ng jersey uniforms na red at ang isa sa kanila ay may hawak
na bola. Pinagmasdan ko sila na tila ba may hinahanap. Wala si Micko.

Bumalik ang tingin ko kay Ashton at nakitang nakatingin din siya sa


kanila. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. I even heard
him let a small chuckle nang magtawanan ang grupo. Hindi ko maiwasan na
titigan siya. It’s clear that he miss his group of friends.
“Gusto mong manood ng practice nila?” tanong ko.

Bigla siyang napatingin sa akin. “Nah.” ang tanging sagot niya. Pero alam
kong iba ang gustong isagot ng mga mata niya.

“Tara na. Wala naman akong sundo ngayon eh. May kaso si Dad na
hinahawakan ngayon kaya medyo busy siya.”

I heard him mumbled something. Pero hindi ko ito narinig.

“Come on!”

Hinila ko siya papunta sa direction ng school gym. Nang halos nasa tapat
na kami, napansin ko na napabuntong hininga si Ashton at napakamot sa
batok niya. I tried to smile at him bago kami tuluyang pumasok.
Nakasalubong ko agad ang isa sa mga member nila pagpasok ko, I think ang
pangalan niya ay Paul or something. Pinakilala na siya ni Micko sa akin
minsan.

“Uy, Delia. Wala si Captain ngayon.” sabi niya matapos tumingala mula sa
paghahalungkat sa bag pack niya.

“Uhm, okay lang. Gusto ko lang manood ng practice niyo.”

Bigla siyang natigilan sa naging sagot ko. “Uh, hindi nga?”


Napatingin siya sa mga kasama niyang nasa court. Saka siya lumapit na
para bang may gustong ibulong. “Nawala si Vice Captain, wala din si
Captain ngayon. Sayang lang ang oras mo, Delia. Walang kwenta ang
practice namin.”

I pursed my lips to prevent myself from smiling. Hindi din siya honest
ano? Pasimple kong nilingon ang katabi ko. Doon na nawala ang pagpipigil
ko na mapangiti. Nakafrown si Ashton na tila ba gustong sapakin si Paul.

“Aist! Anong walang kwenta?” asik ni Ashton sa tabi ko. “Hindi niyo na ba
inaayos ngayon ang mga practice niyo?”

Ngumiti lamang ako kay Paul na walang kaide-idea sa nangyayari. “That’s


fine with me.”

Kumunot ang noo ni Paul na tila ba nagtataka sa kinikilos ko. Maya maya
pa nag shrugged siya na tila ba wala nang magagawa.

“Kung ganoon, umupo ka nalang dyan.” turo niya sa malapit na parte ng


bleacher. “Sayang wala si Captain ngayong nandito ka.”

Bumalik siya sa mga kasama niya na nasa gitna na ng court at nag wa-warm
up. Lumingon ulit ako kay Ashton. Natigilan ako nang makita siyang
nakatingin sa akin. What?

“Uhm, let’s go?”


Umupo kami sa mas mataas na parte ng bleachers na malayo sa team na nasa
court sa baba. Maliban sa akin, meron ding mangilan ngilang tao sa gym.
Ang iba mukhang nagpapalipas lang ng oras, ang iba mukhang naghihintay ng
sundo, ang iba naman ay gusto lang manood gaya ko.

Nang makaupo kami, lumingon ako kay Ashton at nakitang nakatitig siya sa
mga team mates niyang nasa court. “You miss your friends, don’t you?”
tanong ko. Bigla siyang natigilan at napatingin sa akin.

Ngumiti lang ako bago pinagmasdan ang mga kaibigan niya. “Alam mo bang
natatakot ako sa inyo noon?” tanong ko. “You guys are intimidating. You
usually own the place and everyone’s attention. You know how scary is
that?”

Hindi sumagot si Ashton pero mukha namang nakikinig siya.

“There are people who are in fear of being in your scene and I’m one of
them. Ayaw namin na napapansin niyo. You had the habit of pointing out
the flaws in a person and I have a lot.”

Ashton flinched beside me. Gusto niyang magsalita pero nagpatuloy ako.
Gusto kong masabi ito sa kanya.

“Pero noong nakita ko ang mga kaibigan mo sa police station noong araw na
naaksidente ka, noong nakita ko ang mga mukha nila, doon ko narealize na
hindi naman pala tayo nagkakalayo. Pare pareho parin pala tayong may mga
takot at nasasaktan.”
Bumuntong hininga ako.

“Siguro nga may kanya kanyang dahilan sa likod ng ugali ng mga tao. No
person is born to hate or to be naturally evil. Eventually we will turn
back to who we used to be kapag nahaharap tayo sa mga pagkakataon na wala
tayong ibang makakapitan kundi ang mga sarili natin. And those instances
are sometimes the one’s when we stop fearing what other people might
think.”

Humarap ako kay Ashton. A small smile crossed my lips.

“At nakita ko kung sino talaga ang mga kaibigan mo noong araw na yon sa
police station. Nakita ko ang mga taong matagal na nagtago sa likod ng
kanilang masasamang ugali.”

Nabigla ako nang maramdaman ang kamay ni Ashton sa ulo ko. Ginulo niya
ang buhok ko. Bakit ba lagi niyang ginagawa yon?

“Do you have any idea how awesome you are?” he asked with an odd smile.

I frowned. Akala ko naman seryoso siyang nakikinig sa akin kanina. Anong


connect ng sinabi niya?

“I’m serious, Ashton.” I said. “If you only saw their faces that time.
Alalang alala sila sayo. Especially Reese and Micko.”

Napansin ko ang unti unting pagkawala ng ngiti sa labi niya.


“You miss them.” I stated as if reading his mind. Umiwas ako ng tingin
bago nagpatuloy. “Especially Reese. Nakita kita kaninang pinagmamasdan
siya.”

Ashton sighed as if what I said is something complicated for him. “Of


course, I miss her.” sabi niya habang derecho ang tingin sa team na
nagsisimula nang mag laro sa court.

“I often wonder how she feels about everything that is happening. Mukha
lang mataray yon pero iyakin yon.” natawa siya nang mababaw. “Siguradong
lagi siyang umiiyak dahil sa akin.”

Hindi ko alam kung bakit, alam kong wala din akong karapatan na
maramdaman ito, pero sa sinabi ni Ashton, hindi ko maiwasan na makaramdam
ng konting selos. Funny, he has all the right to feel that way. To care
about his girlfriend. So why am I even hurting?

“Reese could be a bitch. Pero ganoon lang talaga siya dito sa school. Sa
bahay nila halos hindi napapansin yan. Saka lang niya makukuha ang
attention ng mga magulang niya kapag may nakuha siyang achievement, yong
tipong pwedeng ipagmayabang ni Mrs. Del Valle sa mga kaibigan niya.”

A flashed of worry crossed Ashton’s face.

“Reese is like a trophy of some sort when it comes to her family. Sobrang
mag pressure ang Mama niya. Kaya siguro naging ganyan siya. Possessive
and attention seeker. Hindi niya kasi gusto na maging dito ay nahahati
ang attention na binibigay sa kanya.”
Natahimik ako. For a moment I feel like the selfish one. Ngayon ko lang
nalaman ang mga bagay na ito tungkol kay Reese. Whenever I see her she is
this mean and confident girl that I always avoided. I almost believe she
can make my life a living hell. I have no idea that she is already living
in one.

“I hope she’s doing fine right now.” I said.

It was a sincere wish. Sana okay lang si Reese ngayon. Specially sa


pagkawala ni Ashton sa tabi niya. I wonder how she is handling it now.
Sana hindi siya pinapabayaan ng mga kaibigan niya.

“I badly hope so.” Ashton sighed. “Madami na siyang naitulong sa akin.


Ilang beses ko na din siyang nasaktan. I’m afraid I can never repay
her...” natigilan ito. “or her feelings.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean?”

Ashton sighed once again as if this conversation drains him. He rested


his elbows on his knees and leaned forward, staring at nothing in
particular.

“Matagal ng magkaibigan ang mga pamilya namin and so does the two of us.
Sila ni Micko, lagi nila akong tinutulungan kapag nasasangkot ako sa
gulo. She even came to the point that she volunteered to be my girlfriend
para lang matigil ang mga walang kwentang balitang nakakarating kay Dad.”

I blinked a few times. Hindi ko maiwasan na magtanong. “Volunteered?”


Ashton shrugged. “You can call it that way. But it’s more like helping
me. Mula noong naging girlfriend ko siya, hindi na ako nadadamay sa kung
ano anong gulo na madalas sangkot ang babae. It also means a little
concord with me and my Dad.”

“I never knew that.” nasabi ko. I was only supposed to be thinking about
it kaya nanlaki ang mga mata ako at mabilis na nagpaliwanag. “I mean— you
and Reese— everyone thought— you’re like perfect for each other—“

Medyo natawa si Ashton sa naging reaction ko.

“Yes. That’s what everyone thought. Kaya nga pakiramdam ko hindi na ako
makakabawi kay Reese. I know she likes me, more than a friend. Hindi siya
magsasayang ng mahigit isang taon para lang tulungan ako. Pero hangang
doon nalang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Ang pagiging kaibigan.
And that made me extremely guilty whenever I think about it. Reese is a
great girl, a strong one. She deserves so much better.”

***

=================

The Jerk: Twenty

Twenty,

Patapos na ang practice ng basketball team sa gym nang naisipan namin na


umuwi. Matapos magpaalam naglakad ako palabas ng school building kasabay
si Ashton na nasa tabi ko. Maliwanag parin sa labas at may ilan parin
kaming nakakasalubong habang palabas ng gate.

Naging tahimik ako habang naglalakad kami. Hindi lang dahil sa ayaw kong
isipin ng ibang tao na kinakausap ko ang sarili ko. Pero dahil hangang
ngayon ay nasa isip ko parin ang sinabi ni Ashton tungkol kay Reese.
I feel sorry for her. I really do. But if Ashton is not in love with
Reese, would it be possible that he is in love with another girl? Pero sa
tagal namin na magkasama wala naman siyang nababangit sa akin na ibang
babae.

“What are you thinking?”

Napa-paused ako sa paglalakad at lumingon sa katabi ko. Nakapamulsa siya


at derecho ang tingin sa daan.

“Nothing.” sagot ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Unti unting kumu-konti ang mga taong


nakakasabay namin. Kung tutuusin dapat makikisabay ako ngayon kay Mindy
sa pag-uwi. Pero nagkataon na kailangan niyang maagang umuwi dahil
dadaanan niya pa ang medication ng Mama niya sa Hospital.

Okay lang naman sa akin ang maglakad. Matagal ko na din na hindi nagagawa
ito. Kung tutuusin malapit lang naman talaga ang bahay sa school.
Nagkataon lang na same way kami ni Dad kapag papasok siya sa office kaya
sumasabay ako.

Habang naglalakad napadaan kami sa isang familiar na building. Nasa


kabilang kalye ito pero tanaw na tanaw ko ang makulay na gate nito, ang
familiar na pader, ang maluwang na lawn sa loob, ang flagpole at ang
faded pedestrian lane na papunta sa harap nito.

Sandali akong natigilan. Ang tagal na din pala mula noong huli akong
bumisita sa lugar na ito. Ngayon lamang ulit ako tumayo sa harap nito at
natitigan ito ng ganito katagal. Ang paaralan kung saan kami nag Grade
School.

Napansin ni Ashton ang pag tigil ko sa paglalakad. “May problema ba?”


tanong niya.

Iniwas ko ang tingin sa building. “Ah, wala.” sagot ko.

“Nagmamadali ka bang umuwi?” tanong niya ulit.

Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya. “Hindi naman.”

Ngumiti siya. A smile brighter than the fading sunset in the distance.
“Tara?”

Mas lalo akong naguluhan. “Saan—”


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang
palad ko at hinila. Nanlaki ang mga mata ko nang magsimula kaming tumawid
sa kalye hangang sa narating namin ang harap ng building.

“Ashton, ano bang—”

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang isang familiar na boses ang bumati
sa akin. Napalingon ako sa guard lumapit sa amin.

“Magandang hapon. Ano ang—” Tumigil ito at pinagmasdan ako. “Aba, ikaw
pala yan Delia.”

Medyo nabigla ako nang makilala parin ako ng school guard. Ilang taon na
din ang lumipas mula noong huli akong bumisita dito. Sa totoo lang ito pa
lamang ang pangalawang beses kong pumunta dito matapos ang graduation
five years ago.

“Hi, manong.” nakangiting bati ko.

Ilang taon na din siyang nagtatrabaho bilang guard sa school na ito. Bata
pa ako nandito na siya. I remember sa kanya ako pinagbibilin ni Dad kapag
nalalate siya sa pagsundo sa akin. Hindi niya ako pinapalabas ng basta
basta sa school at hindi pasasamahin sa ibang sasakyan hangang hindi si
Dad ang susundo sa akin. Naalala ko din na mahilig siyang magkwento.
Kapag naghihintay ako lagi niya akong kine-kwentuhan tungkol sa mga anak
niya.

“Aba, matagal tagal na mula noong huli kang bumisita dito. Tingnan mo,
ang laki na talaga ng pinagbago mo.”

Mas lalo akong napangiti. Napansin kong madami na din ang nagbago sa
kanya. Ilang taon na ba ang lumipas? Madami na ang puti nitong buhok. His
youthful and carefree aura I used to remember from him is gone.

“Parang kailan lang noong dito pa kayo nag aaral.” Natawa ito. “Ang bilis
talaga ng panahon. Hindi mo mamamalayan ang mga batang nandito ngayon
magiging katulad mo na din.”

Napansin ko ang bahid ng lungkot sa boses niya. Ganito ba talaga? Ang


nararamdaman ng ibang tao kapag nakikita nilang unti unting nagbabago at
nawawala ang mga bagay na minsan ay pinahalagahan nila? Nasasaktan din ba
sila kapag hindi man lang sila maalala ng mga bagay na yon?

“Sorry ngayon lang po ulit ako bumisita.”

“Naku okay lang yon.” he said. “May kailangan ka bang puntahan sa loob?”
Napatingin ako kay Ashton na tahimik lamang sa tabi ko. Bakit nga ba niya
ako pinunta dito?

“Uhm, opo. May gusto lang akong bisitahin.” sagot ko. “Syempre isa na
kayo doon.” nakangiting dagdag ko.

“Ikaw talagang bata ka. Masaya akong makita na bumabalik ka parin dito sa
kabila ng mga nangyari. Sige pumasok ka na.”

Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Ngumiti ako bago
pumasok sa loob.

Walang masyadong nagbago sa lugar. Nadagdagan lamang ng mga facilities


gaya ng classrooms at gardens. Pero ganoon parin ang environment—
maaliwalas at payapa. Nandoon parin ang mini-park, ang playground, ang
science garden. I wonder kung may teachers pa kaming madadatnan.

Pumunta kami sa side ng school. “Bakit mo gustong pumunta dito?” tanong


ko kay Ashton na nasa tabi ko.

He shrugged. “Dito ka rin pumasok.” he stated.

Kumunot ang noo ko. “Uhm, obviously.”

Nakarating kami sa playground. Dumerecho ako sa swing out of reflex.


Natawa si Ashton sa naging gesture ko. Umupo ako sa isa sa mga swing.
Nanatili lamang si Ashton na nakatayo sa gilid nito.

“Wala akong masyadong maalala tungkol sayo.”

Natawa ako. “We are not that close.” I softly kicked my shoes on the dirt
to move my swing slightly. “We are not close period.”

“Pero kilala mo ako.” Sumandal ang isang balikat niya sa pole ng swing
habang nakatingin parin sa akin.

“Of course. You are the Mayor’s son. Sino ba ang hindi makakakilala
sayo?” I let the late afternoon breeze fanned my face.

“Noong unang beses mong tumapak dito sa school, I think it was in third
grade, may dala ka pang yaya. Tapos yong sundo mo mukhang body guards.
Lagi kang naka-crossed arms at nakafrown. You are a spoiled bratty kid na
laging nasusunod ang gusto.”
He chuckled lightly. “I remember that.”

“Naiingit ang mga bata sayo kasi ang sasarap ng mga baon mo.” Natawa ulit
ako. “Ang daming lumalapit sayo kapag lunch. Kasi pinamimigay mo ang mga
baon mo. Ayaw mong kumain.”

“Whoa. Ang bait ko noon.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Halos maiyak ang yaya mo noon sa


pagpupumilit na kumain ka. Ilang beses kang nagpapalit palit ng yaya
hangang sa sinabi mo sa isang teacher na kaya mo ginagawa yon ay dahil
ayaw mo ng yaya.”

Tumango tango ito.

“A lot of teachers dreaded you to be in their class. Pero isang teacher


lang ang nakakatagal sa ugali mo and that is Mrs. Legazpi. You remember
her? Siya ang adviser natin noong Grade 5.”

A flash of recognition crossed Ashton’s face. Maya maya pa kumunot ang


noo niya. “And where are you in the scenario?”

Nahinto ako sa pagsi-swing. Hindi ko alam ang sasabihin. “I was—” The


image of me as a child flashed in my head. “I—”

Napansin ni Ashton ang pag aalangan ko. “Did I ever talk to you? Did we
ever meet personally?”

Bakit ba gusto niya itong malaman ngayon? “Naging magkaklase tayo sa loob
ng 4 years until we graduated.” sagot ko. “But I don’t remember any
interaction.”

Ashton frowned. “Kahit konti?”

Napatingin ako sa sapatos ko na nabalutan na ng alikabok. “Ini-iwasan ako


ng mga classmate natin noon and that includes you.”

There. I said it.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung nabunutan ba ako ng tinik o


mas lalo lamang akong nahirapan sa paghinga dahil sa bumarang masamang
pakiramdam sa dibdib ko.

Lumipas ang ilang segundo bago nagsalita si Ashton. “Why would we do


that?” he asked.
Napangiti ako ng mapait habang nakatingin parin sa lupa. “Noong grade
school tayo, I was overweight. Ang taba taba ko noon. We are kids back
then. We don’t know anything. Wala akong pakialam sa mga naririnig ko. I
don’t even care if I eat too much.”

Pinagmasdan ko ang sapatos ko na para bang yon na ang pinaka interesting


na bagay sa mundo. “Pero habang tumatagal, habang lumalaki tayo,
napapansin ko na hindi nalang bulong o panunukso ang naririnig ko,
sometimes it became physical.”

Narinig ko ang mahinang mura mula sa bibig ni Ashton. “Y-You we’re


bullied?” nag alangan na tanong niya.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong sabihin. May ilan
akong schoolmates sa Jefferson High na nakaka alam ng background ko. Alam
nila kung sino talaga ako. Kaya kahit alam kong madami na ang nagbago— na
hindi na ako yong dating Delia— nanatili sa akin yong trauma na mapansin
nila ako at i-point out ulit ang mga bagay na gusto ko ng makalimutan.

“Hindi ko alam. I have no definition about it.” tahimik kong sagot.

Gusto kong matawa. Nabibilang lang ang mga taong napagsabihan ko ng


tungkol sa bagay na ito. Hindi nila ito binabangit hangang hindi ako ang
mismong nag oopen ng topic at kasama na si Manong Guard doon. Alam nila
na hindi ako comfortableng pag usapan nito.

And funny because of all people in this entire village, ni hindi ko


naisip na isa si Ashton Montecillo sa mga taong mapagsasabihan ko nito.
The guy who made a lot of people suffered the same things I had.

“Noong una hindi ko alam kung bakit ayaw sa akin ng mga bata. My Mom
always told me I’m beautiful because I’m kind. I grew up believing that
kindness is synonymous to beauty. I tried my best to be kind. They shoved
me in the hallways, tripped me in the classrooms, laughed at me in the
cafeteria, make fun of me during P.E, and I’m will stand with a straight
face and tried to smile still.”

Nagsimulang mag init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko na kayang
tumingala pa. Ayokong makita ang mukha ni Ashton.

“One time, noong Grade 5 tayo, kinonfront ko yong isang bata na laging
tinatawanan ako kapag nagrerecite ako sa harap ng classroom. Tinanong ko
siya kung bakit ayaw niya sa akin. Ang sabi niya hindi niya ako ayaw.
Masaya lang talaga na pagtawanan ako.”

A tear slowly rolled down my cheeks. “Kasi masaya.” Halos natatawa na


sabi ko. “Kasi masaya na saktan ang ibang tao.”
Pinahid ko ang luha ko.

“Walang alam sila Mama. Minsan tinatanong ako ng mga teacher pero
sasabihin ko na okay lang ako. I would smile as if nothing happened. I
would greet my Dad happily when he picked me up. I would tell my parents
exciting things about school. That way hindi nila malalaman.”

“Delia—” Ashton’s voiced was parched. I raised my head slightly at


nakitang naka kuyom ang mga palad niya. “A-Am I one of them?”

Humigpit ang hawak ko sa metal chain ng swing. “No.” I answered.

“Are you being honest?”

Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan siya. “Do you remember that time na
gumamit tayo ng laboratory in our science subject? Grade 6 na tayo noon.
Kinailangan nating humanap ng partner. Expected ko na mag-isa lang akong
gagawa kaya hindi na ako nag atubili na maghanap. Wala din naman akong
mahahanap.”

Ashton was taken aback nang bigla akong ngumiti.

“Kapapasok mo lang sa lab noon. Late ka nanaman as usual. Nasa gitna sila
ng pagpili ng partners nang tumabi ka sa akin.” My smile became a grin.
“Natahimik ang kwarto at napatingin sa direction ng table natin.
Nagtataka sila na sa dami ng bakanteng upuan, doon mo napili sa tabi ko
umupo.”

“Alam kong random gesture lang yon, na hindi mo naman intention na


makatulong o ano. Siguro nga tinamad ka lang na maghanap kaya yong
pinakamalapit na bakanteng upuan ang pinuntahan mo. O talagang wala ka
lang pakialam sa nangyayari sa paligid mo. But for me it made a whole lot
of difference.”

Muli kong ibinaba ang tingin ko. Pero nagulat ako nang lumapit si Ashton
sa akin, umupo siya sa harap ko, he held my chin in his hands and gently
wiped the remaining tears off my cheeks.

“Kahit hindi ko maalala ang eksaktong nangyari,” he said while his


thumb’s still caressing my cheeks. “I’m so glad I made that decision. Sa
unang pagkakataon nakagawa ako ng magandang decision.”

Natawa ako.

“I have always believed you are not one of them, Ashton. Kaya noong nag
high school tayo at nagbago ang lahat, noong naging katulad ka nila,
hindi agad ako naniwala. Pilit kong hinanap ang rason kung bakit. Bakit
naging ganoon ka. And now... now I understand.”
Ashton tried to smile. Marahan niya akong binitawan but he is still
staring at me intently. “And you’ve also decided to change in high
school.”

Umiwas ako ng tingin. “I was forced to.”

A hint of worry crossed his face. “Why?”

“It’s not what you think.” Bumuntong hininga ako. “Remember the stock
room incident a week bago ang graduation natin?”

Kumunot ang noo niya. Malamang hindi niya naaalala. Kailan ba siya
nagkaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.

“There was once a girl trapped in the stock room. Ni-locked ito ng ilang
bata habang nasa loob siya. It was supposed to be just for fun. We were
kids, we love to fool around and do stupid things. But that girl happens
to be claustrophobic. Hindi siya nakahinga sa loob ng stock room.”

I heard Ashton cursed beside me. “And that girl happens to be you?” he
almost exclaimed.

Pilit akong ngumiti at nagpatuloy. “Nasa labas kayo noon para sa


graduation practice. Nearly no one noticed about the incident except for
the school guard who happens to be searching for something in the stock
room. Nalaman ng parents ko ang nangyari. Doon din nila nalaman ang
sitwasyon ko sa school. I was hospitalized for two weeks. Hindi ako naka
attend ng graduation.” I smiled. “I was the girl missing in the
graduation march.”

“Were you— I mean how did you— shit.” Naihilamos ni Ashton ang mga kamay
sa mukha niya. “I’m sorry— hindi na dapat kita tinanong.”

I shake my head. “It’s okay. Kasi kung hindi nangyari yon hindi ko mare-
realize ang madaming bagay. I was so sick from the trauma I got from the
incident. My health dropped in a dangerously low level. I thought hindi
na ako babalik sa dati. But after a month nakarecover ako. It was a very
painful process. Doon ko narealize kung gaano kalaki ang nagbago sa akin—
I was not the overweight kid anymore.”

Napangiti ako habang nakatingin sa palubog na araw sa hindi kalayuan.

“Noong pumasok ako the next school year as a high school freshmen madami
na ang nagbago. Some people in Jefferson High still avoided me— not
because of the old reason but because they are guilty. I knew they didn’t
mean to get me on that serious situation.”
“Nagbago ang environment na ginagalawan natin. Madami ang nadagdag at
madami din ang umalis. Everyone almost forgot the grade school days.
Naging tahimik ang buhay ko. Lumipat ang pamilya ni Mindy dito at
nagkaroon ako ng kaibigan. Everything went well at akala ko hangang
makagraduate na tayo nito.” napapaused ako. “Pero dumating ka—”

Napansin ko kung gaano natigilan si Ashton sa sinabi ko. Pain crossed his
eyes for a millisecond. “W-What do you mean?”

I pat his shoulders with a slight laugh.

“Don’t worry. What I mean is— you made me realized a lot of things. I
grew up being suspicious of everyone else’s motives when it comes to me.
Nahihirapan akong magtiwala and I excluded myself from anything that
might cause me the same harm again. But you—” tinuro ko siya with a
smile.

“You made me face my fear of being noticed. Kung ano anong kapahamakan
ang dinulot mo sa akin. You don’t even have an idea how scared I am. But
guess what?”

Nagtaka si Ashton nang mag lean ako sa direction niya. Ako habang nakaupo
sa swing at siya habang nakaupo sa harap ko. I smiled at him brightly.

“Being with you made me realized I’m finally healed. I’m okay, and not
just the shallow okay but the really deep okay. At yong takot ko sa mga
taong gaya mo? Nawala na dahil sa pagsama ko sayo. I think this is not
bad after all— to be with the jerk— the jerk who also happens to be a
ghost.”

***

Author's Note:

Can you feel it? We are so close to the end!

Thank you so much sa lahat ng readers ng TJIAG. Medyo iba siya sa mga
stories na kadalasan ay sinusulat ko but you still supported it. I
appreciate every comments and messages about the story.

See you on the next update!@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost


=================

The Jerk: Twenty One

Twenty One,

Sabado ng hapon noong naisipan ko na mag ayos ng mga gamit ko sa kwarto.


Hindi ko alam kung bakit pero ganito talaga ako kapag marami akong ini-
isip. Instead na i-organize ang mga problema sa isip ko, sa iba ko
tinutuon ang attention ko. It’s kind of an escaping mechanism actually.
Pero pagkatapos ng lahat, kapag kumalma na ako, hopefully doon ko
hinaharap ang mga problemang kailangan kong ayusin.

Halos balutan ako ng alikabok nang subukan kong punasan ang ibabaw ng
dresser ko. Tinakpan ko ang ilong ko at napaubo habang pilit na inaabot
ang mga kahon na nakapatong sa itaas nito. Hindi ko na matandaan ang
huling araw na nag general cleaning ako ng ganito sa kwarto ko. Pero alam
kong isa yon sa mga araw na kailangan kong i-divert ang attention ko sa
iba.

Sinubukan kong abutin ang isa sa mga kahon na nasa itaas. I stood on my
tip toe at bahagyang tumalon para man lang masagi ito. Nang magawa ko
itong magalaw ay halos manlaki ang mga mata ko. Oh ow.

Hinarang ko agad ang mga kamay ko sa ulo ko nang makita ang pagbagsak ng
kahon at mga laman nito. Napasigaw ako ng bahagya nang maramdaman ang
impact nito sa ulo ko. Halos bumalot sa akin ang ulap ng alikabok na dala
nito at maging ang mga laman nito na tumapon sa akin. I groaned.

Lumayo ako at tiningnan ang kalat na nasa harap ko. Nagkalat sa sahig ang
ilang papel, pictures, maliliit na bagay tulad ng keychain at ball pen,
beads at kung ano ano pa. Bumuntong hininga ako at lumuhod para ayusin
ang mga ito. Saan ba nangaling ang mga ito?

Kinuha ko ang ilang papel na mukhang test papers. Pinagmasdan ko ang mga
nakasulat dito. Delia Salazar, First Year, Section A. Wow noong first
year high school pa ako neto ah. Bakit nandito parin ang mga ito? Si Mama
talaga.

Inisa isa ko ang mga laman ng papel. May mga quizzes, homework, essays, o
kahit simpleng resibo lang na hindi ko na maalala kung saan ko nakuha.
There are also movie receipts for two. Sa tingin ko ito ang unang movie
na pinanood ko kasama si Mindy. It was a special day for me. Noong wala
kasi siya madalas ako lang ang pumupunta at nanonood mag isa.

Napangiti ako nang mapansin na ang mga test papers na nakatago ay hindi
yong mga perfect score kundi yong mga pinakamababa ako. There are even
notes and doodles beside it. You are better than this, Delia. Delia what
happened to you? Get yourself together.
Nagpatuloy ako sa pag aayos hangang sa mapansin ko ang ilan sa mga
pictures. Natigilan ako sa tangkang pag abot ng isa sa mga ito. Bakit
nandito ang mukha ni Ashton Montecillo?

Kinuha ko ang picture at tiningnan ng mabuti. Nakatayo kami at magkatabi.


Pero hindi kami mukhang magkasama. Nakangiti ako sa camera at mukhang
nagkataon na nasa tabi ko siya. Napangiti ako nang maalala kung saan ito
kinunan, it was the Junior Prom last year. Kaya pala pareho kaming
nakabihis ng formal.

Kita mo nga naman. Halos hindi kami magkakilala noon. We didn’t even
recognize the presence of each other. Naalala ko na siya at si Reese ang
Best Dress noong gabing yon— parang King and Queen pero mas subtle lang.
He looks really happy in this picture. Mukhang nakikipag usap siya sa mga
kaibigan niya.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Lala noong isang gabi matapos
kong bumisita sa kanila. Hindi ko maiwasan na humigpit ang hawak ko sa
picture dahil sa naramdaman ko. Ashton.

Isang ingay ang halos gumulat sa akin. Mabilis kong tinago ang picture sa
likod ko at tarantang humarap sa pinangalingan ng ingay.

“Ashton, for heaven’s sake, bumati ka naman ng maayos.” I almost


exclaimed. Pumasok si Ashton matapos buksan ang sliding door sa terrace
na para bang isang malakas na hangin.

Nag shrugged lamang siya na para bang natural lang ang ginagawa niya.
Bumuntong hininga ako.

“Mabuti naman naabutan kita ngayon.”

Umupo siya sa silya sa harap ng baby piano ko. Mabilis ko naman na


inilagay sa kahon ang mga gamit na nasa harap ko. Pero hindi pa man ako
na natatapos nang marinig ko ang tawa niya.

“Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?”

Natigilan ako. Ano bang sinasabi niya? Sinamaan ko siya ng tingin at


tumayo para makita ang reflection ko sa salamin. Napakurap ako nang
makita ang sinasabi ni Ashton. Oh God.

Napahawak ako sa buhok ko. Halos magkulay puti ang mga ito dahil sa bagay
na nahulog kasama ng kahon. Ano ba ang mga ito? Styrofoam bits? Feathers?
At ano itong nasa mukha ko? Parang may nahawakan ata akong itim na
charcoal at napahid sa mukha ko.
“Balak mo bang sumali sa street dance?” natatawa paring komento ni
Ashton. Pasalamat talaga siya at ako lang ang nakakakita sa kanya dahil
kung hindi kanina pa ako sumigaw at pinalayas siya sa kwarto ko.

I rolled my eyes at him bago inalis ang mga nakalagay sa mukha at ulo ko.
He is being his usual self again. Hindi ko din siya maintindihan minsan.
Sometimes he’s thoughtful and sweet yet a lot of times he’s annoying and
a jerk.

“Hey.”

Hindi ako sumagot. I can still hear the slight laugh in his voice.
Nagpatuloy ako sa pag alis ng mga nakadikit sa buhok ko.

“Hey, Delia.”

Ano ba talaga ang mga ito? Feathers? Hindi kaya isa ito sa project namin
sa art class na tinago ni Mama?

“Hey, I was only joking.”

Pinunasan ko ang kulay itim na nasa pisngi ko. Napangiwi ako nang makita
na mas dumami pa ito. I stared at my palms. Great.

“Delia, are you mad? I’m sorry.”

I froze nang maramdaman na nasa likod ko na si Ashton. Hindi ko siya


nakitang papalapit sa akin dahil nakaharap ako sa salamin at wala siyang
reflection dito. Pero alam ko agad kapag nasa touching distance siya.
Mabilis akong lumayo at halos mabungo ang dresser sa likod ko.

Napansin naman ni Ashton ang pag iwas ko kaya nagtaka siya. “Are... you
okay?” tila alanganin na tanong niya.

“Oo naman.” Mabilis kong inalis ang mga natitirang bagay sa ulo ko.
Kinuha ko ang isang panyo na nasa mesa at pinunasan ang mukha ko.

Pinagmasdan lamang ako ni Ashton. Para bang hindi siya convince sa sinabi
ko. Maya maya pa bumuntong hininga siya at kinuha ang panyo mula sa mga
kamay ko. Napatingala ako sa kanya at hindi nakapagsalita.

“You look like a mess.” he muttered while wiping my cheeks. Napangiti


ito. “A really pretty mess.”
May ilan siyang puting bagay na inalis sa ulo ko. Saka siya nagpatuloy sa
pagpupunas ng pisngi ko. This is bad. I can feel my heartbeat going
haywire. Napaatras ako. Kumunot ang noo niya habang nagco-concentrate
parin sa mukha ko.

“Hwag kang magulo.”

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ilang araw ko din siyang hindi nakita.
Matapos ang nangyari noong hapon na yon sa dati naming school, matapos
mapansin ni Lala ang mga ngiti ko pag uwi ko ng bahay, binalaan na niya
ako— para bang alam na niya ang mangyayari. Kailangan kong umiwas.

Gusto kong hawakan ang mukha ni Ashton para maramdaman ko na nandito


talaga siya sa harap ko. Sa ngayon kasi nawalan na ako ng isang kakayahan
pagdating sa kanya. Nalaman ko yon kinabukasan matapos akong balaan ni
Lala.

Hindi ko na siya kayang hawakan. Hindi ko na mahihila si Ashton, o


matatapik, o mahahawakan ang mga kamay niya. I can’t touch him anymore.
Ang tanging nagko-konekta nalang sa akin pagdating sa kanya ay ang
presence niya at ang itsura niya sa mga mata ko.

“Why are you full of this stuff anyway?”

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Kaya naman nanatili lamang siya sa
paglilinis ng mukha ko hangang sa matapos siya. Nang makuha niya ang
huling piraso ng puting bagay sa buhok ko, lumayo siya at ngumiti.

“Don’t I get a thank you?”

Umiwas ako ng tingin. “Thank you.”

Umupo ulit ako sa sahig para iligpit ang mga natirang gamit at nilagay sa
kahon. Hindi umimik si Ashton. Maya maya pa umupo na din siya sa harap
ko.

“What’s wrong, Delia?”

“Nothing.”

“Ilang araw ka ng ganyan. Bakit mo ako iniiwasan?”

Tila ba alalang alala na siya. I nearly tell him the truth. “Hindi ako
umiiwas. Madami lang akong ginagawa.”
Natigilan siya sa naging sagot ko. “Madaming ginagawa.” wala sa sarili na
ulit niya. “Okay.”

Tumayo siya matapos sabihin yon. Ngumiti siya sa akin. Pero hindi yong
ngiting nakasanayan ko sa kanya. Saka siya naglakad papunta sa terrace at
bigla nalang nawala.

Gusto ko siyang pigilan. Halos hilain ko ang kamay niya kanina. Pero
naalala ko na hindi ko na nga pala pwedeng gawin yon. Kaya nanahimik
nalang ako.

Late afternoon noong araw na yon nang dumating si Micko sa bahay. Sinabi
na niya sa akin kahapon sa school na kung pwede samahan ko siya sa bagong
bukas na restaurant ng Tito niya sa bayan. Hindi ako tumangi. Isa pa
kailangan ko ng distraction ngayon. Ng madaming madaming distraction.

Naghihintay si Micko sa tapat ng pintuan noong dumating ako. Nandoon din


si Mama at mukhang nag uusap sila. From the looks of it, I think my Mom
likes Micko. And it counts for something. Madalas kasi masyado siyang
protective lalo na pagdating sa mga bagong kaibigan ko.

Naalala ko ang pagdududa nila noong unang beses na pumunta si Micko sa


bahay. Lalo na noong nalaman nila ang background niya. They know he is
one of the people I don’t usually associate myself with. Pero ngayon
mukhang nakagaanan na nila ito ng loob.

Who wouldn’t? I mean kahit lagi ko siyang nakakalimutan, o naiiwanan, o


laging pinaghihintay, nandyan parin siya. Ilang beses ko siyang tinake
for granted pero hindi siya napapagod.

Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit sa dami ng nakapaligid sa


kanya, ako pa. Mahirap akong magtiwala sa ibang tao kaya naman hindi
maiiwasan na mag doubt ako sa motive niya.

Pero nandito parin siya. Sinusundo parin niya ako. Niyaya parin ako.
Gusto paring sumabay ng lunch sa akin o gusto parin akong ihatid pauwi
kapag available siya. I may have doubted him for a while pero aminin ko
man sa sarili ko o hindi, his effort means a lot to me. He is doing
everything to be with me. And maybe it’s time for me to take the risk and
give him a chance.

Niyakap ako ni Mama nang magpaalam ako sa kanya. Nabigla ako dahil doon.
Mahilig si Mama sa mga bagay na tulad ng hugs at endearment pero may
something sa yapak niya ngayon na para bang sinasabi na alam niya na
nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon.

“Be home before ten. And honey,” Hinaplos nito ang buhok ko. “Enjoy
yourself.”
Ngumiti ako at nag paalam. Ganoon din si Micko. Nagbow pa ito nang
bahagya at pinauna ako sa paglabas sa pintuan.

Paglabas ko agad na bumati sa akin ang palubog na sikat ng araw. Bahagya


kong tinakpan ang mga mata ko habang naglalakad papunta sa sasakyan ni
Micko. Maya maya pa napansin ko na naka-titig siya sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “What?” tanong ko. Ngayon


siya naman ang nasisinagan ng araw at ako ang nakatalikod mula dito.

“Hindi lang ako makapaniwala na pumayag ka this time.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tama siya. Sa ilang beses niya akong
niyaya sa iba’t ibang occasion ngayon lang talaga ako pumayag.

Binuksan ni Micko ang pintuan ng sasakyan na nasa tapat ko. Wala akong
nagawa kundi ang magpasalamat. Papunta na siya sa driver’s side ng
sasakyan nang mapahinto siya. Bahagya siyang humarap sa akin.

“I really like you, Delia. At ngayon ko ito talagang napatunayan.”


Napahawak siya sa batok niya at napansin ko na medyo nanginginig ang mga
palad niya.

“Halos hindi ako mapakali kanina sa paghahanda bago ako pumunta dito.
I’ve never been this damn grateful na pumayag ang isang tao na makasama
ko.”

Natawa siya. “I guess I fell hard huh?” saka siya pumunta sa driver’s
side at binuksan ang pinto nito.

I stood there almost unable to move. Micko. Why can’t I just fall for you
instead?

Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili ko. Akmang papasok
na ako sa loob ng sasakyan nang may mapansin akong nakatayo sa terrace ng
kwarto ko sa itaas. Nakapamulsa ito at pinagmamasdan ako. Ashton.

***

Author's Note:

Thank you sa mga comments na nabasa ko sa previous chapter. And also for
the messages. A lot of it is really inspiring. Thank you for making the
time to express your opinions about the story.

We only have a few chapters to go.


PS. Can you recommend a song you have in mind or reminds you of The Jerk
is a Ghost? Thank you in advance.

@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Twenty Two

Twenty Two,

Isang garden restaurant ang pinagdalhan sa akin ni Micko. Familiar sa


akin ang lugar since katabi nito ang isang tindahan ng mga organic na
gulay at prutas kung saan madalas bumibili si Mama. Maganda ang lugar.
Para ka lamang nasa likod ng isang bahay na puno ng halaman at herb
plants. You wouldn’t think you are in a restaurant actually especially
kung ang ilaw nila ay mga puting Christmas lights at yellow paper
lanterns.

“Nagustuhan mo?” tanong ni Micko nang maupo kami. Maging ang mga silya at
mesa nila dito ay gawa sa recycled wood.

“I like it.” I answered honestly. Linibot ko ang tingin sa paligid. “I


like it a lot. Gustong gusto ko ng concept nito.”

Ngumiti ito. “I’m glad to hear that. Ikaw talaga yong una kong naalala
noong unang beses akong bumisita dito.”

Pinagmasdan ko si Micko. Biglang bumalik sa akin yung first week niya sa


Jefferson High at ako ang naging tanging kaibigan niya. Until now I can
still remember that awkward laugh of his lalo na kapag nagku-kwento siya
ng experience niya sa mga klase at bagong classmates niya. Hindi siya
nahihiya na magmukhang nakakatawa kapag kasama ko siya noon.

Akala ko noon magiging isa siya sa matalik na kaibigan ko. Pero katulad
ng ibang bagay, kinailangan niyang magbago. Now I wonder kung bumabalik
ba talaga siya sa Micko na naging malapit sa akin noon o pilit ko lang
inaalala ang Micko na matagal ng wala kahit anong gawin ko.
“Micko, why?”

Natigilan siya sa naging tanong ko. Huminto siya sa pagtingin sa menu at


hinarap ako. Kumunot siya na tila ba naguluhan.

“Why did you stop talking to me after you met Ashton and his group? Why
did you isolate me all of a sudden after making me feel that I’m one of
the closest person you had?”

Tiningnan niya ako na para bang hindi makapaniwala na maririnig niya ito
sa akin matapos ang madaming taon ng pananahimik ko. Tila ba nasaktan
siya sa sinabi ko. Binaba niya ang menu at hindi ako magawang tingnan ng
derecho.

“Noong nag transfer ka sa Jefferson High, alam mo bang isa ka sa mga


pinaka unang kaibigan na meron ako? Gustong gusto ko ang ugali mo noon.
You love dorky sci-fi movies and rock bands and photography at mahilig
kang tumawa kahit sa simpleng bagay. Nalaman ko ang lahat ng yon sayo sa
loob lang ng isang lingo dahil hindi ka nahihiya na mag open up.”

Napahawak ako ng mahigpit sa linen cloth na nasa lap ko.

“Kaya akala ko noon magiging magkaibigan parin tayo kahit matapos yong
pagiging transferee buddy ko sayo. Pero nakilala mo si Ashton Montecillo
at mga kaibigan niya sa second week ng klase at hindi mo na ako pinansin
kahit kailan.”

“Delia—”

“And then here you are again. Getting close to me again as if nothing
happened. Madami na ang nagbago sayo. Hindi ka na katulad ng dati noong
unang beses kitang nakilala. Yet you keep proving to me that you are
sincere with your motives. But Micko...” natigilan ako.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. “What is your motive really?


Bakit mo ginagawa ito? Do you really like me or... are you just guilty?”

Hindi agad nasagot ni Micko ang tanong ko nang isang babaeng nasa middle
forties ang dumating sa table namin para kunin ang order. Medyo hindi ko
inaasahan na mismong asawa ng may ari ang gumagawa nito. Actually all of
the staff here seems related to each other.

“Good evening, Tita.” bati ni Micko dito.

Ngumiti ang babae. I like her smile. It reminds me of my mother’s smile


kapag may bisita sa bahay.
“Hello, dear. Mabuti naman at nakapunta kayo.” Napatingin ang babae sa
akin. Mas lalong lumapad ang ngiti niya. I tried to smile back. “Siya na
ba ang sinasabi mo sakin, hijo? The one who would love a place like
Giardino?” Giardino is the name of the restaurant.

“Yes, Tita.” straight forward na sagot ni Micko.

The lady gave him a meaningful smile saka kinuha ang order namin. Sa
totoo lang hindi ko pa nasisilip man lang ang menu kaya naman hinayaan ko
na si Micko na ang mag order.

“I will serve your order after a few minutes. As for now enjoy the
company of each other.”

Umalis ang Tita ni Micko matapos mag paalam. Pinagmasdan ko siya hangang
sa makapasok ito sa tila ba backdoor ng isang greenhouse na alternative
para sa kusina. This is a really nice place. Halos tatlo lang ang table
na okopado sa mga oras na ito at nakapa private ng lugar.

“Sabado matapos ang unang lingo ko sa school niyo noong nalaman ko yon.”

Napalingon ako pabalik kay Micko dahil sa sinabi niya. Huminga siya ng
malalim na para bang nahihirapan sa pagsasalita. Is he opening up?

“Nalaman ko at ni Mama na may ibang pamilya na ang Papa ko sa London.”

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Wait what? Pero ang akala ko ba


rumor lang yon? Na hindi yon totoo?

“Galit na galit si Mama noon. Halos magpakamatay siya noong nalaman niya
yon.” Napangiti ito ng mapait. “Ako naman, hindi na nagulat. Parang
ramdam ko na din na yon ang nangyayari sa kanya doon kaya hindi na siya
umuuwi. Pero si Mama talaga ang inalala ko kasi noong gabing yon
nagtangka siyang magpakamatay.”

Nagsimulang paglaruan ni Micko ang tinidor na nasa harap niya para lamang
maiwasan ang tingin ko.

“Hindi yon alam ng dalawang babaeng kapatid ko. Doon ko kasi sila pina-
tulog sa bahay nila Tita para hindi makita kung paano mag breakdown si
Mama. Nalaman ko ang balak ni Mama noong pumasok ako sa kwarto niya at
nakita ang halos ilang dosenang piraso ng painkillers na natutunaw sa
isang baso ng red wine.”

Napalunok siya at humigpit ang hawak niya sa tinidor.


“Alam mo ba kung ano ang ginawa kong dahilan para ma-distract siya? Para
hindi siya pumasok sa kwarto niya at malaman na tinapon ko ang ginawa
niyang lason para sarili niya?” Natawa siya. “Sinabi ko na nakapasok ako
sa varsity team ng bago kong school.”

Sa wakas ay nagawa niyang tingnan ang mukha ko.

“Wala akong achievements sa school. Hindi ako mahilig mag aral. Sa totoo
lang yon nga ata ang unang achievement na sinabi ko sa kanya. At isa pang
kasinungalingan. Pero noong sinabi ko yon, na sa unang week palang ay
nakapasok na ako, hindi niya maiwasan na matuwa.”

Kinusot niya ang mga mata niya na para bang nangangati ito. Pero nakita
ko ang pangingilid ng luha dito.

“Wala talaga akong balak sumali sa varsity team. Hindi ba sinabi ko sa


iyo noon na gusto kong subukan ang photography? Pero wala akong nagawa
noon kundi pangatawanan ang kasinungalingan na ginawa ko. At ang swerte
ko dahil nagka-taon na ang isa sa naging kaibigan ko sa sports camp ay
nag aaral din sa Jefferson High at parte ng basketball team. Si Ashton.”

Napahawak siya sa batok niya at napasandal sa usupan.

“Tinulungan niya ako na mabilis na makapasok sa team. Naging totoo ang


kasinungalingan na sinabi ko kay Mama. Kaya kahit hindi sabihin ni
Ashton, nagkaroon ako ng utang na loob sa kanya. Kaya hindi ko sila
maiwan ng grupo niya. Lalo pa at nakapasok lang naman ako sa team dahil
sa kanya.”

Hindi ako nakasagot. I didn’t know that. I never knew that. Hindi ko siya
tinanong. Bakit hindi ko man lang siya tinanong noong una palang?

“Hangang sa naging Team Captain ako ngayong taon na ito. Alam ko na si


Ashton dapat ang nasa lugar ko pero kahit paano ay ginawa ko ang lahat
para mapunta sa pwestong ito. At si Ashton— hindi niya ginusto ang
position na ito.”

Pinagmasdan ako ni Micko at ngumiti.

“Noong naging Captain ako, doon lamang ako nagka-lakas ng loob ulit,
Delia. Dahil alam ko na kahit paano pinaghirapan ko na ito at hindi na
ako basta umasa lang sa utang na loob. Pwede na akong lumapit sa kahit
sino o sumama sa kahit sino na gusto ko. At ikaw, ikaw ang una kong
gustong lapitan na malayo sa mga taong laging nakapaligid sa akin.”

I can’t help but to lower my gaze. Noong hindi na muling lumapit sa akin
si Micko, ganoon din ang ginawa ko. Hindi ko nalaman ang totoo kasi
pinili kong paniwalaan ang mga assumptions ko. Nakakatawa kasi ang dami
kong maling akala sa kanya.
Now I didn’t know what to do. Halos gusto ko ng maiyak sa harap ni Micko.
Bakit ang hirap? Gusto ko lang na maging masaya. Gusto kong maging masaya
din si Micko. Ganoon din si Ashton at maging si Reese. Pero bakit ang
gulo? Didn’t we all deserve to be happy?

“Delia, hindi ako tumigil na maging kaibigan mo. Hindi ko lang


napaparamdam sayo pero hindi ako tumigil. Hangang sa namalayan ko
nalang... na sa bawat simpleng bagay na ginagawa mo nang hindi mo
napapansin, kapag nagco-concentrate ka sa pagbabasa, o malalim ang ini-
isip mo, kapag naghihintay ka, o nagkikipag usap sa ibang kaibigan mo,
kahit na tumatawa ka at hindi ako ang dahilan, namalayan ko nalang na
habang nakikita ko na ginagawa mo ang mga yon araw araw, at hindi kita
kayang lapitan, doon ako unti unting nahuhulog sayo.”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Micko, I want to want you.
I really do. Kung sana— kung sana ganoon lang kadali ang lahat.

***

Author's Note:

It's #TeamMicko for this chapter.

Btw thank you sa mga song suggestions sa previous chapter. You will see
some of the songs suggested in the next chapters. Song for this chapter
is Out of My League by Stephen Speaks. It’s a song for Micko and Delia.

Hindi ko pa alam kung ilang chapters nalang ang story. But this will have
at least 25 chapters. And hopefully the next chapters will be longer.

See you sa next update!@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Twenty Three

Twenty Three,

Tahimik kaming kumain nang dumating ang mga in-order namin. It wasn’t an
awkward silence but it wasn’t that comfortable either. Wala na akong
sinabi mula noong nagkwento si Micko tungkol sa sarili niya. Matapos ng
ilang taon ngayon lang ulit siya nag open up sa akin ng ganito.

I wanted to say sorry for being so selfish. Hindi ko nagawang intindihin


siya. Noong lumayo siya sa akin wala akong nagawa kundi ang gawin din
yon. Pero hindi ko alam na may dahilan ang ginawa niya at hindi niya ako
basta iniwan dahil lang sa hindi ako katulad ng grupo nila Ashton.

Masarap ang pagkain na inihanda ng Tita niya. Pero kahit anong pilit ko
ay hindi ko ito ma-enjoy. It was all fresh, fresh vegetable salad, pasta
with fresh herbs, even their lemonade are freshly squeezed. Sigurado na
matutuwa si Mama kapag dinala ko siya sa lugar na ito.

Matapos naming kumain, nagpa-alam si Micko sa Tita niya. Alam kong gusto
niya pang manatili sa lugar pero napansin niya ang pagiging tahimik ko.
Eight o’clock palang ng gabi pero nag-offer na siya na iuwi ako. Nang
nasa sasakyan na kami sa labas ng restaurant, humarap ako sa kanya.

“Where do you want to go?” tanong ko.

Napahinto siya sa pagpihit ng keys ng sasakyan. Nagtataka na napalingon


siya sa side ko.

“Ikaw naman ang sasamahan ko. Saan mo gustong pumunta?” tanong ko.
Sinubukan kong ngumiti at sabihin na this time siya naman. Hindi yong
laging ako ang kailangan niyang intindihin.

Bumuntong hininga siya at pilit na ngumiti. “It’s okay, Delia. Having a


dinner with you is enough.”

Pero ni hindi na kita kinausap kanina habang kumakain tayo. I thought.


Dahil hindi ko alam ang sasabihin. I wanted to tell you that maybe this
thing will work out for both of us. But I’m too confused right now and I
don’t want to make an impulsive decision out of a temporary mixed emotion
at idamay ka. I don’t want to hurt you. You became too important for me
to be hurt.

“But—”

“Delia, I don’t want you to force yourself to like me or anything. I will


like you no matter what. You don’t have to do this.”

“But I want to.” pilit ko. “I know I may be a real mess right now, Micko,
but I do want to spend time with you.” Lalo na ngayon na pakiramdam ko
kababalik mo lang mula sa isang malayong lugar. Tahimik kong dugtong.

Pinagmasdan niya akong mabuti. Nang tila ba narealized niya na wala na


siyang magagawa bumuntong hininga siya. “Okay then.”
Napangiti ako.

“Gusto kong makilala mo ang isa sa mga importanteng kaibigan ko. Isa sa
mga taong halos naging kapatid ko na.”

Unti unting nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

“Let’s visit him in the Hospital. I want you to meet Ashton Montecillo.”

Panay ang tingin ko sa labas ng bintana habang papunta kami sa Montoya


Medical Center. Alam kong hindi dapat ako nag aalala. Pero hindi ko
kayang makita si Ashton lalo na ngayon.

But this is what Micko wants. At nangako ako na hindi ako tatangi. Para
na niyang kapatid si Ashton. At hindi dapat ako gumawa ng dahilan para
iwasan ang sitwasyong ito. Even if the last thing I needed is to see
Ashton Montecillo.

Makalipas lamang ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan ni Micko sa


parking lot ng Hospital. Bumaba ako bago niya pa man buksan ang pintuan
para sa akin. Pilit kong pinakalma ang sarili ko nang maramdaman ang
malamig na hangin na tumama sa balat ko paglabas ko ng sasakyan.

Calm down, Delia. Ashton is Micko’s friend. You are here because this is
what Micko wants. Hwag kang mag isip ng ibang bagay na walang kinalaman
sa pagbisitang ito. You are being unfair to Micko.

“Let’s go?” nakangiting offer ni Micko.

Tumango ako at sumunod sa kanya sa pagpasok sa Hospital. Mas payapa ang


environment ng Hospital kapag ganitong oras. Hindi ko alam kung tapos na
ba ang visitang hours sa mga ward kaya medyo tahimik na— pero dahil sa
isang private room si Ashton naka-admit, maaari parin kaming bumisita.

The nurse and staffs in the Hospital are now talking in low and hush
voices. I wonder how they often did it. Noong naconfine ako, I remember
my nurse having a soft voice like an angel lalo na kapag kailangan niya
akong gisingin sa gabi para i-monitor o bigyan ng gamot.

Nang marating namin ang tapat ng pintuan ng kwarto ni Ashton, biglang


nawala ang lahat ng conviction ko na para kay Micko lang ang pagbisitang
ito.

I know nasasaktan ko si Ashton dahil sa ginagawa kong pag iwas sa kanya.


And I know I’m being unfair to him lalo na at ako lang ang taong
nakakakita sa kanya. Pero kung hindi ko gagawin ito, ako naman ang
masasaktan. Lalo na kapag bumalik na sa dati ang lahat.

Pumasok kami ni Micko sa kwarto. Gaya ng ibang private rooms na katabi


nito, tahimik ang loob ng kwarto ni Ashton. Nandoon parin ang ilang gamit
tulad ng bola ng basketball at RC cars sa sahig, ganoon din ang mga cards
at napakaraming basket ng prutas sa mesa.

Pero napansin ko na kahit paano, fresh ang mga bulaklak na nasa vase,
ilang unan mula sa sofa ang nasa sahig, nakusot din ang bahagi ng kurtina
kung saan natutulog si Ashton— ibig sabihin kagagaling lang dito ng mga
taong bumisita sa kanya.

“He’s getting better and better.” sabi ni Micko na inilagay sa upuan ang
mga throw pillows na nasa sahig. Napansin ko agad ang saya sa boses niya.

“Ang sabi ng Doctor ano mang araw mula ngayon maaari na siyang magising.
We all hope he will wake up soon. Masyado ng mahaba ang pahinga niya.”
Nakangiting sabi nito.

Umupo ako sa sofa samantalang pumunta naman siya sa kinaroroonan ni


Ashton para hawiin ang mga kurtinang tumatakip sa kanya. Halos matigilan
ako nang muling magkita ang mukha ni Ashton.

Kahit na mula sa kina-uupuan ko napansin ko ang pagbabago sa kanya. Hindi


na siya pale gaya ng dati. Mas maayos na din ang paghinga nito. At ilan
sa mga nakakabit na medical apparatus sa katawan niya ay inalis na. Hindi
ko mapigilan na matuwa. You are going to be okay Ashton.

“Alam mo bang minsan na kitang nakwento sa kanya?”

Natigilan ako dahil sa narinig. “H-Hah?”

“Madalas niya kasi akong nahu-huli na nakatingin sayo noon kaya nagtaka
siya.” Napakamot si Micko sa ulo niya. “Sinabi ko ang totoo, na ikaw ang
unang nakilala ko sa Jefferson High.”

I bit my lips. Did Ashton even recognize me that time?

“Hindi ko alam kung magkakilala kayo ng personal. Pero nalaman ko na


nangaling kayo sa i-isang grade school hindi ba?”

“H-Hindi kami close.” sagot ko. “Hindi ko siya gaanong kilala.”

It was a lie. Hindi ko halos mailabas yon sa bibig ko. Dahil alam ko sa
sarili ko na ngayon, kilala ko na si Ashton, hindi lang ang Ashton na
nakikita at hinahangaan ng lahat. Kundi ang totoong Ashton, magulo,
nakakairita, pero madalas maalalahanin, at parang bata na naghahanap ng
attention. Pero hindi kailangan na malaman ni Micko ang lahat ng ito.

“Naintindihan kita.” sagot niya. “Kahit sa grupo namin ilan lang talaga
ang mga taong malapit sa kanya. Madami sa kanila ay may takot sa kanya.
Ang iba naman lihim na kinai-inisan siya. Kapag napapansin namin yon
pinagtatawanan nalang namin. Masyadong mababaw ang dahilan na yon para
isipin pa.”

Umupo si Micko sa upuan sa side ko para pareho kaming nakaharap kay


Ashton Montecillo.

“Pero akala ko ba magkakaibigan kayo? Ibig kong sabihin lagi kayong


magkakasama. Kapag nakikita namin kayo sa cafeteria lagi kayong
nagtatawanan at mukhang masaya.”

Medyo natawa si Micko sa sinabi ko.

“Pero hindi lahat ng lagi mong kasama o kausap ay kaibigan mo. Pwede mo
silang ituring na kaibigan pero mahirap na umasang yon din ang makukuha
mo mula sa kanila. I know most of us are on the neutral side. We laugh
when there is something funny. We talk and mess around— Magkakasama kami
pero hindi kami magkakaibigan.”

“H-Hindi ba mahirap yon?”

Micko shrugged.

“It’s the consequences of being on top. Sometimes people crave for what
you have because they think they deserve it more than you do. Sometimes
there are people who will stick by your side just to share the same
spotlight. Mahirap makita kung sino ang mga taong nandyan dahil gusto
kang makasama o gusto lang ang lugar kung nasaan ka. It’s two different
things.”

Pinagmasdan ni Micko ang mga pictures na nakadikit sa board malapit sa


amin. Pictures ito ng mga taong naging kasama nila.

“Kapag umalis ka sa lugar na yon, may mga taong mananatili parin sa tabi
mo at sasamahan ka. Pero may mga tao din na gugustuhing magpaiwan sa
itaas dahil yon naman ang habol nila una palang.”

Napangiti si Micko. “Kung alam lang nila, hindi ganoon kaganda ang mga
bagay na nasa itaas.”

Biglang pumasok ang nurse na kwarto na siyang kinagulat naming dalawa ni


Micko. Napatingin ito sa amin na para bang nagtataka. Maya maya pa
narecognize nito si Micko kaya naman tila nakahinga siya ng maluwag.
Halos manlamig ang mga kamay ko nang makita ang nurse. Akala ko kasi siya
ang nurse na nakilala namin ni Mindy. Kung yon ang nangyari siguradong
magiging malaking gulo yon para sa akin. She would recognize me as the
girl who introduced herself as Ashton’s ex-girlfriend. Mabuti nalang at
mukhang tapos na ang shift nito sa Hospital.

Pumunta ang nurse sa higaan ni Ashton at tiningnan ang ilang bagay doon
tulad ng oxygen at heart monitor. Maya maya pa tahimik na umalis din ito
at nagpaalala na hangang ten o’clock lang kami. Tumango kaming dalawa ni
Micko.

Pumunta si Micko kay Ashton matapos lumabas ng nurse. Wala na akong


nagawa kundi sumunod din. Mukha kasing napapansin na ni Micko ang pag
iwas ko na matingnan si Ashton. Pinagmasdan ko ang mukha ni Ashton. Para
talaga siyang natutulog. Mas maayos na din ang paghinga nito.

Ashton.

Naalala ko ang mukha nito kanina noong pinagmamasdan niya ako mula sa
terrace. Ganoon din noong may nasabi akong hindi maganda at iniwan niya
ako sa kwarto ko.

I’m sorry.

“Akala talaga namin hindi na siya babalik sa dati.” sabi ni Micko nang
mapansin na nakatitig ako kay Ashton.

Iniwas ko agad ang tingin ko dito. “What do you mean?”

Bumuntong hininga lamang si Micko at napasandal ang isang balikat sa


pader habang nakafold ang braso sa dibdib.

“Hindi ko din alam. Noong nakilala ko si Ashton akala ko isa lang siyang
normal na basag ulo at laging nasasangkot sa gulo.” He scoffed na para
bang inaalala ang mga bagay na hindi siya makapaniwala na ginawa niya.

“Lagi kaming nasu-suspend dahil sa kanya. Paborito niya atang ipahamak


ang sarili niya. At kapag nalaman ito ng Ama niya, yon na.” Micko forced
a smile.

“Nakakatakot magalit ang Ama niya. Naaalala ko pa nga, nagkataon na


nandoon kami ni Reese sa mansion nila noong nagka-sagutan silang mag Ama.
Halos takpan ni Reese ang mga tenga niya dahil sa mga sigawan nila na
nakukulong sa malaking mansion.”

“R-Really?” A bad feeling started to build inside of me.


“Sa tingin ko yon lang ang oras na nakakausap niya ang Ama niya. Pero
madalas hindi nagiging maganda ang takbo ng usapan nila kaya kapag may
ginagawa siyang kalokohan, sinusubukan namin itong maayos bago pa
makarating sa Ama niya. Hangang sa ito nga. Nangyari itong aksidente.”

Bumuntong hininga si Micko.

“Akala talaga namin ni Reese ito na ang huling kalokohan niya. Akala
namin hindi na siya makakabalik.”

“A-Anong ibig niyong sabihin?”

Natigilan si Micko sa naging tanong ko. Medyo nabigla siya. Umalis siya
mula sa pagkakasandal sa pader at nakapamulsa na iniwasan ang tingin ko.
Mukhang hindi niya sinasadya na mahuli ko ang ibig sabihin ng sinabi
niya.

“W-Wala,” sagot niya sa hindi komportableng boses. “Ang akin lang—”

“Micko, please stop lying. May— May alam ka ba sa nangyari? I mean


paanong naaksidente si Ashton?”

Nagsimulang manlamig ang mga kamay ko kaya pilit ko itong tinago sa likod
ko. Pakiramdam ko mabibingi ako. Something is ringing inside my ear sa
kagustuhan kong tumahimik ang paligid at marinig ang sagot ni Micko.
Hindi totoo ang nasa isip ko hindi ba? Please, let my assumptions be
wrong.

“Delia,” Humarap nang tuluyan si Micko sa akin. Napansin ko na napalunok


siya. Lumipas ang ilang segundo bago siya muling nakapagsalita.

“Delia, it wasn’t an accident. It was... a suicide.”

***

=================

The Jerk: Twenty Four

Twenty Four,

Fifteen minutes bago mag ten ng gabi ay nasa harap na ako ng bahay at
pinagmamasdan ang paalis na sasakyan ni Micko. Hindi ko namalayan kung
paano kami lumabas ng Hospital o kung ano ang sinabi niya sa sasakyan
habang pauwi na kami. My mind feels like a blank paper. Naririnig ko ang
mga sinasabi ni Micko pero hindi ko magawang intindihin.

Nanatili ako sa balcony hangang sa mawala ang sasakyan niya sa paningin


ko. He even insisted for me to go inside first bago siya umalis pero
sinabi ko na magpapahangin muna ako.

Bumuntong hininga ako habang nasa balcony. Naririnig ko ang tunog ng TV


mula sa loob ng bahay at ang boses ni Dad at ng kapatid kong si Danny na
masayang nag uusap. Narinig ko ang boses ni Mama na papunta sa pintuan
para pagbuksan ako.

“Hey, sweetie. Bakit nandyan ka pa?” bati niya nang buksan ang pintuan at
nakita na nasa labas parin ako.

“Gusto ko lang magpahangin, Ma.” sagot ko.

Nagtaka si Mama. “Did something happen?” she asked with concern. “May
ginagawa bang hindi maganda si Micko?”

“No.” mabilis kong sagot. “The dinner was great. It’s just that—”
Natigilan ako. “May gumugulo lang sa akin, Ma.”

“Like what?” she asked.

Hindi agad ako nakasagot. I wanted to tell her what I discovered. I


wanted to ask her why— of all people why Ashton? I wanted to tell her
everything because I know my Mom could make me feel better.

“Ma, is it possible for a person not to fear death?"

Natigilan si Mama sa naging tanong ko.

“I mean how come they find it all so easy to leave everything behind?”

Tumabi si Mama sa akin at pareho naming pinagmasdan ang madilim at


deserted na kalye.

“Honey,” she started. “Every person you see has their own personal
struggles. You wouldn’t know how broken a person is until you look
closely.”

Bumuntong hininga siya.


“Some people think that to die is a courageous act. But honestly it takes
a lot more courage to live, to face the struggle, to keep moving
forward.”

“So they are not afraid of death, they are afraid of living?” I
concluded.

She smiled lightly at me.

“But— But they seem to have everything. Anything they wanted, anyone,
anytime. Isn’t it unfair?”

“Honey, when you look at a person you are either looking at a projected
image or a window.” My Mom said. “Often times we are looking at the
person as a projected image.”

“We know the person, we see him every day, we know what he is like, so
there is an image in our head of what we perceived him to be. Beautiful,
broken, perfect, talented, average, those kinds of things— and whenever
you see that person, you are reflecting the image in your head like a
projector. What you think he is, you think he is.”

There is a silence afterwards, as if Mom is letting the words sink in.

“But then, what’s in your head is not always the real thing. Sometimes it
is just part of that thing, a surface, a cover or a window. You are
looking at a closed window. And when you learn that a person is not a
projected image but a window— you can take a peek inside, or you can open
the shutters or cover if the person lets you, and you will see that there
is more to that person than the glass or shutters that covers the entire
room— his entire identity.”

Humarap sa akin si Mama.

“Honey, what I’m telling you is— selfishness or not, fair or unfair, we
can never judge a person’s motive until we look closely as if we are
looking through a window, not a wall of a projected image.”

“I’m trying, Mom. I’m really am.”

Mom hugs me out of nowhere. “Hindi ko alam kung anong nangyayari, honey.
But I know you are trying your best.”

I smiled beneath her lilac scented night robe. “Honey, death is easy,” My
Mom whispered. “Leaving everything behind is not.”
Noong gabing yon, habang nakatingin sa ceiling at hindi makatulog,
binalikan ko ang mga nangyari sa Hospital. Sinabi ni Micko na base lang
ito sa alam nila. Maaaring hindi ito ang totoong nangyari. Pero yon ang
alam nila ni Reese.

Alam ito ni Reese. Mahilig magbiro si Ashton tungkol sa mga bagay na


maaari niyang ikapahamak. Kaya noong sinabi niya ang balak niya noong
gabing yon, ang buong akala nila ay nagbibiro lang ito. Hangang sa
nangyari na nga ang aksidente. Labis silang nabigla sa nangyari.

Micko told me na halos hindi siya makatulog matapos ang aksidente. Sila
ang huling mga taong nakausap ni Ashton. At pakiramdam nila may kasalanan
sila. Kung sana tinutoo nalang nila ang sinabi niya. Kung sana naramdaman
nila na hindi siya nagbibiro noong mga oras na yon.

Kaya laking pasalamat nila noong nalaman nila na gumagaling na si Ashton.


Ibig sabihin gusto nitong bumalik. Hindi na importante kung biro o hindi
ang nalaman nila. Gusto niyang bumalik and whatever the reason is, they
should be thankful for that.

Pero hindi parin maalis sa isip ko kung bakit niya nagawa ang bagay na
yon. May hindi pa ba ako alam tungkol sa kanya? May hindi pa ba siya
sinasabi sa akin? Naalala ko bigla ang sinabi ni Mama.

Death is easy. Leaving everything behind is not.

Anong nangyari at naisip niya na iwan ang lahat ng ganoon kadali? May
maiiwan ba talaga siya kapag umalis siya?

Naalala ko ang mga naging ngiti ni Ashton sa buong panahon na nakilala ko


siya— sa school, sa cafeteria, kapag nakakasalubong ko siya sa hallway.
Was it all a show? Fake? Cover up?

Nagising ako kinabukasan na namumugto ang mga mata. Hindi ko naalala na


umiyak ako or something. Pero naalala ko na hindi ako nakatulog hangang
madaling araw. Hindi ko alam kung bakit, pero naghintay ako. Hinihintay
ko si Ashton Montecillo. Nagbabakasakali ako na bigla nalang siyang
darating at gugulatin ako tulad ng lagi niyang ginagawa. And this time
hindi ko na siya itataboy.

Pero hindi siya dumating. Naramdaman ko yon habang naghihintay ako sa


kanya. Hindi na siya darating.

Tahimik akong bumaba sa kusina. Nakita ko na nakaupo na doon si Dad


habang nagbabasa ng newspaper at si Mama naman ay nagtitimpla ng kape.
Umupo ako sa isa sa mga silya— hangang sa natigilan ako nang marinig ang
pinag uusapan nila.
“I didn’t know the Mayor hired a legal service for his son’s case.” sabi
ni Mama habang nakaharap sa counter.

Sumagot si Dad nang hindi inaalis ang tingin sa newspaper na hawak niya.
“He wanted to make sure na walang foul play na nangyari.” he answered.

“But if you will ask me, I presumed it was purely negligence resulting to
accident.” said Dad. “You know how kids these days.”

Marahan lamang na tumango si Mama. “I hope magising na ang anak ni Mr.


Montecillo. He’s too young to be comatose like that.”

Nagpatuloy sila sa pag uusap ng iba pang mga bagay. I tried to act as if
the topic doesn’t concern me. Nang matapos kaming kumain, nag paalam ako
na may pupuntahan ako sa araw na yon. I told them I would go to a
friend’s house.

Bandang hapon noong nakatayo ako sa tapat ng gate ng mga Montecillo at


pinagmamasdan ang mansion sa loob nito. Hindi ko alam kung nandito si
Ashton o kung magpapakita siya sa akin kung nandito nga siya. But still—
I wanted to talk to someone.

Pinatuloy ako sa mansion ni Manang Beth, ang matanda na nag alaga kay
Ashton. Masaya siya na makita ulit ako. Nasa sala si Manang Beth at
kasalukuyang may ginagawa noong dumating ako kaya medyo nag alangan ako
dahil doon. Pero sinabi niya na manatili lamang ako dahil halos wala din
naman siyang kasama sa loob ng mansion.

Nagsimulang mag kwento si Manang Beth habang nagtutupi ng mga bagong


labang kumot at punda ng unan. Umupo ako sa tapat ng sofa kung saan
pareho naming kaharap ang mga tinutupi niya.

“Alam mo bang nag general cleaning kami kahapon dito sa mansion?”


masayang sabi niya. “Gusto ng kanyang Ama na maayos at malinis ang lahat
kapag nakabalik na ang alaga ko.”

I tried to smile to match her energy.

“Ang sabi ng Doctor halos natutulog nalang siya ngayon. Wala na siya sa
critical na condition ng comatose.” Nagpatuloy siya sa pagtutupi habang
nagku-kwento. “Siguradong ano mang araw mula ngayon magigising na siya.
Ano sa tingin mo?”

“Ganoon din po ang tingin ko.” sagot ko.

“Siguradong hahanapin niya kayo pag gising niya. Nandoon ka sa araw na


yon hindi ba?”
I smiled again. “Syempre naman po.”

It’s hard to lie. Specially sa taong gaya ni Manang Beth. Pero ayoko ding
sirain ang saya na nararamdaman niya. Wala ako sa tabi ni Ashton sa araw
na yon. At maaaring ito na ang huling beses kong bibisita sa mansion na
ito. Pag gising niya babalik na sa dati ang lahat.

Pinagmasdan ko si Manang Beth habang nagsasalita siya. Alam niya kaya ang
ginawa ni Ashton? Alam niya kaya na ganoon kalungkot si Ashton noong mga
oras na yon? O pare-pareho lang kami na naniwala sa mga ngiti na
pinapakita niya?

Bahagya akong nabigla nang marinig ang tunog ng sasakyan mula sa labas.
Natigilan ako at napatingin kay Manang Beth. May bisita ba sila?

“Aah, napa aga ata ang uwi ng Ama niya.” walang pangamba na sabi nito.
Samantalang ako halos hindi makapagsalita.

Ang Ama ni Ashton. Ang Mayor. Makikita niya ako. And what would he think?
Siguradong alam niya na hindi ako isa sa mga kaibigan ng anak niya. Halos
hindi na ako gumalaw nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng mansion.
Nakatalikod ako mula dito kaya naman hindi ko alam kung anong magiging
reaction ko— kung babati ba ako o ano.

Tumayo si Manang Beth para salubungin ang mga bagong dating. Mukhang
hindi nag iisa ang Ama ni Ashton. Narinig ko silang nag uusap. Binati ng
Ama ni Ashton si Manang Beth. Sinabi niya na may dadaanan lang sila sa
study room kaya sila nandito. I bit my lips with worry habang nag uusap
sila. Maya maya pa biglang tumigil sa pagsasalita ang Ama ni Ashton.
Napapikit ako nang maramdaman ang mga mata nila na nakatingin sa akin.

“May bisita pala tayo.”

Napatayo ako bigla at humarap sa kanila. I tried to smile my widest smile


today at bahagyang nag bow pa.

“Good afternoon po.” bati ko. Though deep inside ang gusto ko lang talaga
ay hwag nalang nila akong mapansin.

“Sandali—“ sabi ng Ama ni Ashton.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaka intimidate ang boses niya. It was
deep and commanding. Kasama niya ang ilang nagta-trabaho para sa kanya. I
think personal bodyguard ang isa at ang dalawa ay secretary.

“Hindi ba ikaw ang anak ni Attorney Salazar?” tanong niya. “Anong


ginagawa ng isang anak ng abogado dito?”
Napansin ko na maging ang mga kasama ng Mayor ay tila ba kilala din ako.
Siguro nakita na nila ako kung saang okasyon na kasama si Dad pero hindi
sila familiar sa akin.

“Yes ako nga po. Uhm,” natigilan ako. “Kaibigan po ako ni Ashton.”

At hwag niyo sanang mapansin na nagsisinungaling ako, tahimik kong dasal.

Napansin ko na bahagyang natigilan ang Ama ni Ashton nang mabangit ko ang


pangalan ng anak niya. Maya maya pa napataas ito ng kilay.

“Kaibigan?” tila hindi makapaniwala na tanong niya. “Kailan pa nagkaroon


ng kaibigan si Ashton na anak ng isang abogado?” he said more to himself
than to me.

“Matagal na po kaming mag kakilala.” sagot ko naman. It’s true. We are


classmates since grade school days.

“At hindi ka isa sa mga babae niya?”

Halos masamid ako sa sinabi ng Ama niya. “H-Hindi po. Mag kaibigan lang
po talaga kami.”

Tila naman nagtaka doon ang Ama ni Ashton. Para bang ngayon lang siya
nakakita ng babaeng kaibigang ng anak niya na hindi related dito in an
intimate relationship kind of way.

“Kung ganoon, anong ginagawa mo dito?”

I was almost out of energy to answer his Dad’s question nang magsalita si
Manang Beth.

“Nandito siya para bisitahin ako.” sagot ni Manang Beth. “Matagal na din
kasi kaming hindi nagku-kwentuhan.”

Naging maaliwalas ang mukha ng Ama ni Ashton nang marinig yon. Tumango
lamang ito at sinabi na maging comfortable ako habang nasa mansion at nag
paalam na para pumunta sa study room sa itaas. Sumunod ang mga kasama
niya at nang tuluyan na silang nawala sa paningin namin, doon lamang ako
nakahinga ng maluwag. Halos pabagsak akong muling umupo sa sofa.

“Close.” wala sa sarili na bulong ko. That was so damn close.

Marahang tumawa si Manang Beth nang makita ang naging reaction ko.
“Kayo talagang mga bata,” she said. “Halos pare-pareho kayo ng reaction
kapag nakikita ang Ama ni Ashton. Yong iba nga bigla nalang umaalis sa
mansion kapag nalaman na pauwi na ang Ama niya.”

Pero kalaunan ay unti unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.

“Alam niyo kasi, hindi naman ganoon kasama ang Ama ni Ashton. Oo istrikto
ito at halos wala ng oras sa anak niya— pero kung ito ang masusunod gusto
nito na manatili nalang sa bahay kasama si Ashton.”

“Okay po ba silang mag Ama?” tanong ko. “I mean nagkakasundo po ba sila?”

Natigilan si Manang Beth sa naging tanong ko.

“Sa totoo lang, hindi sila masyadong nagkakasundo.” sagot ni Manang Beth.
“Laging wala ang Ama niya at laging napapasama naman sa gulo si Ashton.
Kapag nagkikita sila laging tungkol doon ang nagiging usapan nila. Kaya
wala silang panahon para mag usap ng kalmado at matino.”

I lower down my gaze. Oh.

“Pero wala namang may gusto talaga nito. Itong aksidenteng nangyari.
Nitong unang lingo matapos ang aksidente halos hindi makausap ang Ama ni
Ashton. Nag leave din ito sa kanyang trabaho. Pumayat din ito dahil hindi
gaanong nakakakain ng maayos.”

Napatango ako. Napansin ko din yon noong nabangit ko ang pangalan ni


Ashton sa harap niya. Alam kong apektado ito kahit paano. At nakita ko
ang pride sa mga mata nito nang sabihin ko na kaibigan ako ni Ashton.
Para bang sa unang pagkakataon ay humanga siya sa anak niya sa pagpili ng
kaibigan nito.

“Sigurado akong sa ating lahat, siya ang pinaka may gustong magising na
ang anak niya.”

I couldn’t agree more with that. Kahit saang angulo kasi tingnan, anak
niya parin ito at siya parin ang Ama ni Ashton.

“Aah, siya nga pala, hija, maaari mo ba itong dalhin sa itaas? May
pinapakulo nga pala ako sa kusina.”

Inabot sa akin ni Manang Beth ang isang kumot at punda ng unan na maayos
na nakatupi.

“Sure po.” nakangiting sagot ko.


“Sa kwarto nga pala ni Ashton yan.”

Natigilan ako. “Uhm, saan po ba ang kwarto niya?”

Nagtataka na napaharap sa akin si Manang Beth. “Oo nga pala, hindi niyo
alam.” she muttered. “Ewan ko ba sa batang yon— hindi siya nagpapapasok
ng ibang tao sa kwarto niya.”

“Ganoon po ba?” bakas ang pagtataka sa tanong ko. Ini-expect ko kasi na


kung sino sinong tao na ang nakapasok sa kwarto niya. Considering na
madami siyang kaibigan at mga babaeng nakapaligid sa kanya.

“Kahit mga kaibigan niya hindi niya pinapapunta doon.” she said. “Pero
hwag kang mag alala— hindi niya ito malalaman.” nakangiting biro ni
Manang Beth bago tinapik ako at dumerecho sa kusina.

Habang paakyat sa hagdan hindi ko maiwasan na hanapin si Ashton sa loob


ng mansion. Pero hindi ko siya maramdaman. Nag aalala ako na baka pati
ang bagay na yon— ang maramdaman siya— ay hindi ko na kayang gawin.

Bumuntong hininga ako at dumerecho sa kwarto na tinutukoy ni Manang Beth.


Halos nasa dulo ito ng hallway. Papasok na sana ako nang biglang bumukas
ang isa sa mga pintuan na nadaanan ko kanina malapit sa staircase.
Lumabas ang Ama ni Ashton at ang kanyang secretary.

“Naayos niyo na ba ang lahat ng papeles?” tanong ng Mayor.

Nakatalikod sila sa akin at papunta na sa staircase kaya hindi na nila


ako napansin.

Tumango ang secretary. “Yes, Mayor. Naipasa na din ang kopya kay
Attorney.”

“Salamat.” he said. “Gusto kong maging maayos ang lahat kapag nagising na
siya.”

“Paano po kapag tumangi ulit siya?” asked the secretary with worry.

“Wala siyang magagawa, Bernard. Doon ko itatama ang pagkakamali ko.” the
Mayor answered.

Bumaba na sila sa staircase kaya hindi ko na narinig pa ang ibang pinag


usapan nila. Bigla akong natigilan sa paghawak ng knob ng pinto sa harap
ko.
Ano bang ibig sabihin ng Ama niya?

Si Ashton ba ang pinag uusapan nila?

***

=================

The Jerk: Twenty Five

Twenty Five,

Iniisip ko parin ang tungkol sa narinig ko noong pumasok ako sa kwarto ni


Ashton Montecillo. Pero noong tuluyan kong mabuksan ang pinto at makita
ang kabuuan ng kwarto niya, doon ako natigilan.

Maaliwalas sa loob ng kwarto. Ang una kong napansin ay ang bahagyang


nakabukas na bintana kung saan hina-hangin ang puti at manipis na
kurtina. Maluwang sa loob at malayang pumapasok ang liwanag mula sa
labas.

Halos dahan dahan ang pagtapak ko sa sahig na para bang natatakot na


gambalain ang lugar. Pakiramdam ko hindi ito isang kwarto ng teenager na
gaya ni Ashton Montecillo. Masyadong tahimik. Maaliwalas. Maayos ang mga
gamit.

Pinagmasdan ko ang malaking kama na nasa kaliwang dulo ng kwarto. The


blue hue of the bed was so pale it was almost gray. Marahan kong ibinaba
ang dala ko sa ibabaw ng kama. Linibot ko ang tingin sa paligid.

Ashton’s room is filled with books.

Nakapalibot sa pader ang mga bookshelves sa itaas nito. Punong puno ito
ng mga lumang libro. T.S Eliot, Robert Frost, Walt Whitman. Halos lahat
ay related sa English Literature at poetry.

Yon lamang ang mukhang madalas magalaw sa loob ng kwarto. May libro na
hindi maayos na nailagay. Meron namang nakasiksik lang sa ibabaw ng iba
pang mga libro. Mukhang binabasa niya ang mga ito. Hindi ko alam na
mahilig siyang magbasa.

Napakatahimik sa loob ng kwarto. Walang trace ng ano mang bagay ng Ashton


na kilala ng lahat. No trophies from basketball games, no action figures,
no pictures of friends or team mates.
Sa halip puno ito ng mga lumang libro at—

Natigilan ako nang marealized kung ano ang mga itim at parisukat na bagay
na nakadikit sa pader. Akala ko desenyo lamang ang mga ito kaya hindi ko
kaagad napansin. Lumapit ako dito.

Pictures.

Black and white pictures pasted on the white wall by duct tape or thumb
tax. Isa isa kong pinagmasdan ang mga ito. I run my fingers delicately on
the surface of every picture.

A dark high way, an empty basketball court, a dead tree, graffiti on an


abandoned building— all in black and white. Binasa ko ang nakasulat na
isa sa mga graffiti sa picture— NO ONE CAN SAVE YOU.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Iniwas ko
agad ang tingin sa mga pictures at pinahid ang mga luha ko. Kahapon—
ginawa ko ang lahat para hindi umiyak. Pero ngayon pakiramdam ko mas
lalong nag sink in sa akin ang totoong nangyayari kay Ashton.

“You’re crying again.”

Natigilan ako noong marinig ang isang familiar na boses sa loob ng


kwarto. Mabilis akong napalingon sa kabilang sulok. Halos mapaatras ako
nang makita si Ashton Montecillo— nakasandal sa pader at pinagmamasdan
ako.

Sa pagkabigla ko na makita siya, halos hindi ako nakapag salita. Umalis


siya sa pagkaka lean sa pader at naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung anong ini-isip niya. Ang dami kong gustong sabihin sa
kanya at itanong pero hindi ko magawa. Kung alam niya lang na halos hindi
ako makagalaw dahil gustong gusto ko na talaga siyang makita.

Huminto siya sa harap ko. “What are you doing here?”

Hindi ko alam kung bakit, pero instead sumagot bigla ko siyang niyakap—
isang pagkakamali na ginawa ko. Pinagmasdan ko ang mga kamay kong tumagos
sa katawan niya. Nasa harap ko siya at pinagmamasdan ako pero hindi ko
siya magawang hawakan.

Napa-atras ako. “Ashton.”

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Halos isa nalang siyang malabong
litrato sa paningin ko ngayon. Ni hindi ko alam kung totoo nga bang nasa
harap ko siya o talagang masyado ko lang siyang ini-isip kaya ko siya
nakikita.

“Delia.” But I can hear him. Naririnig ko ang boses niya— pero bakit?

Muli kong itinapat ang mga kamay ko sa kanya na para bang nasa harap ng
isang salamin. Para kaming pinag gigitnaan ng isang invisible na salamin.
Ashton smiled lightly at tinapat at palad niya sa palad ko— pero maging
siya hindi na niya ako mahawakan.

Inalis ko ang mga kamay ko mula sa palad niya at pinahid ang luha na
pumatak sa mga pisngi ko.

“You are the first girl who entered my room.” sabi niya.

Alam kong nasa harap ko siya pero pakiramdam ko ang layo layo na niya
mula sa akin.

“Why are you her?” he asked.

Wala akong nagawa kundi ang mapaupo sa kanyang kama habang pinagmamasdan
niya ako.

“Ashton, I wanted to ask you something.” nagawa kong sabihin. “Ashton, is


it— is it true—“

Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko. Halos gusto ko ng bawiin ang
sinabi ko nang magsalita si Ashton.

“Yes. It’s all true.”

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Bahagya akong tumingala at


nakita ang mukha niya na banayad parin at walang ano mang pagbabago sa
expression.

“Why?” I asked.

“Delia—”

“You could have told someone.” I said as realization creeped into my


system. “Sinabi mo sana kina Micko, kay Reese, kay Manang Beth, sigurado
akong makikinig sila. Ashton, you are more than this right?”

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago siya sumagot.


“No, Delia.” he said calmly. “Mali ka ng pagkaka kilala sa akin.”

“I’m not as tough, and as carefree and untroubled as I wanted you all to
think. Delia— this is me. My thoughts often destroy me, and to compensate
for that, pilit kong ini-intindi ang sarili ko with these—”

Natigilan siya na tila ba linibot ang tingin sa loob ng kwarto.

“With all these stuff. Para lang maintindihan ko ang sarili ko at malaman
na hindi lang ako ang nakakaramdam nito.”

“But you could have told—”

“I tried.” he said.

“Sinabi ko kay Manang Beth noong gabing yon na maaaring hindi na ako
babalik. Sinabi ko kay Micko at Reese na matatapos ang lahat sa gabing
yon at yon na ang huling kagaguhan na gagawin ko.”

Marahan siyang ngumiti.

“Pero dahil ako si Ashton Montecillo— hindi sila naniwala. Si Ashton na


tarantado, mayabang at walang sineseryoso— ang akala nila isa lang ito sa
walang kwenta kong biro.”

He took a step towards my direction at bahagyang nag lean sa harap ko.


His smile became a halfhearted grin.

“But you did.” he said as his voice soften. “Hindi ko alam kung paano mo
nagawa yon pero naitindihan mo agad ako.”

His smile slowly became a genuine one.

“You taught me a lot of things. You showed me those stupid shits that I
did while I was hurting.”

“Sinabi mo na mali na ibaling ko sa iba ang galit ko sa sarili ko.


Pinakita mo na may mga taong mananatili sa tabi ko kahit ako yong walang
kwenta at mahinang Ashton Montecillo. Hindi mo ako sinukuan kahit na ako
mismo simuko na sa sarili ko. You showed me how stupid and selfish I am
for having that kind of decision.”

“Kaya gusto kong bumalik. Gusto kong itama ang lahat. Alam kong naging
tanga ako, makasarili, hindi nag isip. Delia, babalik ako— sa Ama ko, sa
mga decision na kailangan kong harapin— aayusin ko ang buhay ko.”
Hinawakan niya ang mukha ko at umupo sa harap ko. And it feels like a
warm summer breeze’s touching my face.

“I wanted you to be there when I wake up.” he said.

He smiled lightly na para bang ini-isip lamang ang bagay na yon ay


sumasaya na siya.

“Gusto kong nasa tabi kita. Gusto ko ikaw ang una kong makikita. Delia,
please stay.”

A S H T O N

She is more than a girl— more than a random stranger na makaka salubong
ko sa hallway at hindi ko man lang alam ang pangalan. She’s not just a
girl fading on the background na para bang anino o hangin na dadaan lang.
For me she was a storm, a storm that had washed away all those bullshits
na siniksik ko sa utak ko. She was my storm.

Hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti at binigyan ako ng second
chance at nakilala ko siya. I don’t even have an idea that a girl as
perfect as her existed before. No— she isn’t perfect on account of her
looks— she’s perfect despite her flaws, her fears, and her doubts.

Siya yong babae na alam mong kayang mabuhay nang wala ka pero ikaw—
hinding hindi mo siya makakalimutan. She’s the girl who makes you want to
be better, to deserve her.

Noong nalaman ko ang totoong nangyari sa akin, inaamin ko na ginusto kong


itigil na ang lahat ng ito. Kasalanan ko ang nangyari at ginusto ko ito
kaya walang silbi ang pakikipag laban namin para makabalik ako.

Pero hindi ko gusto na iwan nalang siya bigla. Hindi ko gusto na isipin
niya na wala siyang nagawa para sa akin. Kaya namalayan ko nalang ang
sarili ko na nananatili parin sa tabi niya.

She was determined— determined to the point na maging siya ay nahihirapan


na dahil sa akin. Ni hindi ko alam kung bakit niya ako pinagtya-tyagaan.
Sa dami ng katarantaduhang ginawa ko, mabilis siyang nagpapatawad.
Sigurado ako noon na magsasawa din siya dahil ganoon talaga— lahat ng tao
napapagod sa akin. Pero nandito parin siya sa mga oras na ito, sa harap
ko, at pilit akong iniintindi.

“I wanted you to be there when I wake up.” sinabi ko sa kanya. Dahil isa
siya sa pinaka importanteng dahilan kaya gusto kong bumalik.
“Gusto kong nasa tabi kita. Gusto ko ikaw ang una kong makikita. Delia,
please stay.”

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang bahagya siyang nakayuko. Pero malayo
ang naging sagot niya sa inaasahan ko.

“Ashton, can I asked you something?” tanong niya sa akin.

Nagtataka man ay tumango ako. “Anything.”

For a second hindi siya nagsalita. Pero maya maya pa ay tumingala siya sa
akin. She smiled even though tears are falling from her brown eyes.

“Can I dance with you?”

Natigilan ako sa nanging tanong niya. She smiled at me as if her request


doesn’t surprise me.

“I wanted to dance with you.”

D E L I A

It was my dream— a childhood dream— to dance with Ashton Montecillo. Dati


kapag nakikita ko siya sa mga school dance, naka-suot ng formal,
nakangiti at nakikipag sayaw sa magagandang babae, hindi ko maiwasan na
maalala yong araw na umupo siya sa tabi ko sa Laboratory class, kung saan
sa unang pagkakataon ay naging abot kamay ko siya.

Ini-isip ko kung naaalala niya pa ba yon. Saka ko mare-realize ko na bata


pa kami noon— ni hindi niya ako kilala. Ini-isip ko kung gaano kaswerte
ang mga taong malapit sa kanya, na kilala siya at lagi siyang nakakasama,
na alam ang mga bagong gusto at ayaw niya.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Ashton. At ang pag aalala dahil sa


mga luha sa mga mata ko. Pero pilit akong ngumiti at tumayo mula sa kama.
Dahil ito nalang ang pagkakataon na meron ako.

Nagtataka parin siya pero nilahad niya ang kamay niya para sa akin at
marahang ngumiti. Pinatong ko ang palad ko dito though alam ko na
kailanman hindi na magdidikit ang mga palad namin.

It was like dancing with someone inside a mirror. You can feel his
presence pero may harang sa pagitan niyong dalawa. Our bodies close but
not touching— our feet moving on the same rhythm.
He started humming a song I never heard of. He smiled and gestured for me
to twirl around. Once I did I heard him whispered the lyrics of the song.

Do you know you’re my miracle?

Nang humarap na ako sa kanya, he then rest his forehead against mine.
Nakikita ko ang mga mata niyang pinagmamasdan ako. Nakangiti. Masaya. At
parang isang malabong imahe na unti unti nang nabubura sa paningin ko.

He raised his both hands in front of me to hold. Pero wala akong nagawa
kundi ang itapat lamang ang mga palad ko sa palad niya dahil hangang doon
na lamang ang pwede naming ilapit sa isa’t isa. Pinagmasdan namin ang
isa’t isa— mga magkatapat na palad sa pagitan namin.

Napapikit ako.

He kissed my forehead lightly, then down to the tip of my nose, and as


gentle at as a lone breeze, he kissed my lips.

Someone once told me that for every person you know, there is some last
moment that you will never see them again. And as you try to remember
that specific moment—most of the time it’s a blurry memory. Because at
that time you have no idea it would be the last.

In my case hindi ito ang huling pagkakataon. Alam kong darating ang araw
na makikita ko ulit siya, sa hallway, sa classroom, sa labas ng school—
lagi ko siyang makikita at maririnig ang boses niya.

Pero noong hapong yon, sa kwarto ni Ashton Montecillo, habang papalubog


ang araw sa labas at magka sayaw kami, yon ang naging huling pagkakataon
na nakita ko siya bilang si Ashton Montecillo— isang taong napalapit sa
akin. The jerk who happens to be just a person na walang nakakaintindi—
my jerk.

At noong hapong ding yon, inilapit ko ang mukha ko sa kanya at mahinang


bumulong.

“I can’t stay, Ashton.” I whispered. I tried to smile beneath my tears as


I recall what Lala told me.

“You will never remember anything the moment you wake up. Hindi mo na ako
maaalala.”

***

Author's Note:
Two chapters to go! Wow we are so close to the ending.

Btw yong song po na hina-hum ni Ashton ay Statue by Lil Eddie.

So this is it. I really hope you'll stick with the story until the last
few chapters. And yeah, please don't be silent readers.

Nevertheless thank you for taking your time to read this story. I never
intended for TJIAG to be long but I hope na kahit paano this story
inspired you in any kind way.

Until the last two updates,

@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Twenty Six

Twenty Six,

Tatlong araw matapos ng huling pag uusap namin ni Ashton, it was


Wednesday morning, noong kumalat sa school ang balitang gising na si
Ashton Montecillo. Nabalitaan ko ito pag pasok ko sa main gate ng school.
Halos mababakas sa mukha ng lahat ang excitement tungkol sa balita.

“Oh, my God, Delia. Did you hear the news?”

Umupo si Mindy sa silya na nasa harap ko pagkapasok na pagkapasok niya sa


classroom. Humarap siya sa akin na para bang hindi makapaniwala.
“Gising na si Ashton Montecillo. He is so damn back!”

I tried to smile at bahagyang tumango. “Narinig ko nga.” sagot ko.

Hindi ko maiwasan na maramdaman ang bahid ng lungkot sa boses ko. Pero


mabuti nalang at hindi ito napansin ni Mindy. Nagpalinga linga siya sa
classroom at interesadong nakinig sa mga usapan ng iba sa mga classsmates
namin.

“Wow. Ngayon ko lang narealize na nakakamiss din siya.” Natawa ito.

Muli siyang humarap sa akin. “Alam mo ba na pupunta ang halos buong klase
sa Hospital mamaya. Gusto ko sanang sumama kaya lang—“ Natigilan ito at
nawala ang saya sa boses niya. “Hindi nga pala tayo close sa kanila.”

Sa totoo lang gusto kong makita si Ashton. Gusto kong mahawakan ang mga
kamay niya, marinig ang totoong tawa niya, ang makausap siya nang hindi
lang ako ang nakakakita— pero alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko
kung aasa pa ako.

Buong umagang naging usapan ang pag gising ni Ashton Montecillo. Kahit
ang mga teachers ay hindi maiwasan na mabangit ang tungkol sa balitang
ito. Ang sabi nila kahapon ng umaga pa siya nagising. Nasa Hospital ang
Ama niya noong nagising siya. Hindi ito napa alam agad sa mga kaibigan
niya dahil kinailangan pang imonitor ang kalagayan niya. Pero ngayon
maaari na siyang bisitahin.
Bandang lunch noong pumasok kami ni Mindy sa Cafeteria. Pagdating namin
doon, ganoon parin ang topic ng halos lahat ng usapan ng mga estudyante.
Napansin ko ang grupo ng mga kaibigan ni Ashton at Micko. I’ve never seen
them this happy mula noong nangyari ang aksidente.

“Pumasok ba si Micko?” tanong ni Mindy habang naglalakad kami papunta sa


table namin. Kadalasan kasi nasanay na si Mindy na sumasabay sa amin si
Micko kapag wala silang practice or team meeting.

“Nakita ko siya kanina sa classroom nila.” sagot ko. “Bakit mo natanong?”

Mindy shrugged. “Wala lang. Si Reese kasi nag half day, hindi ba? Tingin
ko dederecho yon sa Hospital.”

Sandali akong napapaused sa paglalakad. “Siguro nga.” tahimik kong sagot.

Halos patapos na kaming kumain nang dumating si Micko sa Cafeteria.


Binati niya ang ilan sa mga kaibigan niya na nakaupo sa usual table nila
bago siya pumunta kung nasaan kami ni Mindy. Nakangiti siya nang umupo sa
harap ko.

“Hey,” masayang bati niya.

I smiled back. “Hey to you too.”

“Guess what?”
Mas nag lean siya sa direction ko na parang isang bata may sasabihin na
mahalagang sekreto.

Mindy rolled her eyes. “Come on, Micko. Alam na yan ng lahat.” sagot nito
bago kumagat sa club sandwich na hawak niya.

Unti unti namang nawala ang ngiti ni Micko. Hindi ko mapigilang matawa.
Para siyang bata kapag ginagawa niya yon. Hindi parin ako sanay na
nakikita siyang ganito— the old Micko that I used to know. Nasanay kasi
ako sa cool Team Captain aura niya.

“Pero gusto kong sa akin mangaling.” sagot nito.

Mindy rolled her eyes once again. “Fine.”

Muling ngumiti si Micko at tumingin sa akin. “Delia, gising na siya.”


masayang sabi niya. “Sa wakas, gising na si Ashton.”

Hindi ko maiwasang mapansin ang saya at relief sa boses niya. Wala akong
masyadong alam sa pagkakaibigan ng dalawa. Kung gaano na kadami ang mga
gulo na pinag daanan nila at kung gaano kalalim ang naging samahan nila.
Pero nakikita ko kay Micko na higit pa sa pagbabalik ng isang kaibigan
ang saya sa mga mata niya— para siyang binalikan ng isang kapatid.

“Nabalitaan ko nga.” sagot ko. “Natutuwa ako para sa inyo.”


Isusuli ko na siya sa inyo. Salamat sa pagpapahiram kay Ashton sa akin.

I was never selfish. Madalas ibibigay ko parin ang isang bagay kahit wala
ng matira para sa akin. Pero si Ashton Montecillo ang isa sa mga dahilan,
na sa unang pagkakataon, ginusto kong maging maka sarili. Sana nasa tabi
ko nalang siya lagi. Sana hindi ko nalang siya kailangang ibalik.

“Delia, are you okay?” asked Micko.

I snapped back in attention at nakita na nakatingin na silang dalawa ni


Mindy sa akin. I tried to smile. “Yes. May naalala lang.”

Kumunot ang noo ni Mindy pero hindi na nagsalita pa. Maya maya pa,
nagtanong si Micko na siyang kinabigla ko.

“Sumama ka mamaya sa amin, kayo ni Mindy.”

Natigilan si Mindy gaya ko. “You mean para bisitahin si Ashton?” unsure
na tanong niya.

Tumango si Micko. “Oo. Mamaya pupunta ang buong Team.”

Wala sa sarili na pinagmasdan ko ang pagkain na nasa harap ko. “Hindi ako
pwede.” sagot ko. Tumingala ako at pilit ngumiti kay Micko. “Kailangan
kong umuwi ng maaga. Pasensya na.”
Tiningnan ako ni Mindy with a weird look. Para bang tinatanong niya kung
anong problema ko at ayaw kong sumama.

“Deels, sige na. Ayaw mo bang makita na okay na si Ashton?” halos


nagmamakaawa na sabi niya. “Please?” bulong niya sa akin with a slight
nudge.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung kaya kong makita si Ashton
Montecillo pagkatapos ng mga nangyari. Hindi pa sa ngayon. Hindi sa harap
nilang lahat. Hindi ko pa kaya.

“Okay lang.” sagot ni Micko. “Bukas nalang.”

Pinagmasdan ko silang dalawa ni Mindy. Mindy with her pleading eyes and
Micko’s quite disappointed look.

“Please?” bulong ulit ni Mindy.

Muli akong natahimik. Naalala ko ang huling pag uusap namin ni Ashton.

I wanted you to be there when I wake up. Gusto kong nasa tabi kita.

Umiwas ako ng tingin bago sumagot. “Okay.”


Bandang uwian nang magsama sama ang Basketball Team sa harap ng school
para pumunta sa Hospital kung saan naka-confine si Ashton. Pinagpaliban
nila ang after school practice nila para dito. Sa sasakyan ako ni Micko
sumakay samantalang si Mindy naman ay sa isang member na medyo kilala
niya.

Nauna na sa pagbyahe ang iba samantalang kami ni Micko ang huling umalis
sa Jefferson High. Hindi ako mapakali habang nasa sasakyan. Hindi ko
matingnan si Micko ng derecho dahil alam kong mapapansin niya ay pagka
ilang ko sa nangyayari. Kaya naman nanatili akong nakatingin sa labas ng
bintana.

Ayon sa kanya, kanina pa nandoon si Reese— tama ang hinala ni Mindy.


Maghapon din doon kahapon ang Ama ni Ashton at ang tagapag alaga niya na
si Manang Beth. Sana hindi ko sila makita doon ngayon. Kasi siguradong
makikilala nila ako.

Pwede ng maka usap si Ashton, nagsimula na din siyang kumain. Natawa si


Micko nang tumawag si Reese abang nasa sasakyan kami at sinabi na
hinahanap daw ni Ashton ang tarantado niyang kaibigan.

Maingay sa kabilang linya, naririnig ko ang sabay sabay na usapan nila.


Pero bigla akong napatingin sa direction ni Micko nang marinig mula sa
speaker phone sa dashboard ang boses niya— si Ashton.

“Hey, Micko.”

Dalawang salita lang yon pero pakiramdam ko nanghina ako. Ni hindi ako
ang kinakausap. Pero doon nag sink in sa akin na gising na talaga siya—
si Ashton Montecillo nakabalik na.
Makalipas ang ilang minuto, nag park si Micko at bumaba kami sa sasakyan.
Sabay kaming naglakad sa lobby ng Hospital. Habang nagla-lakad napa-
tingin si Micko sa akin.

“Delia, kanina ka pa walang imik.”

Umiwas agad ako ng tingin. “Uhm, hwag mo akong pansinin.”

“Naiilang ka ba?” tanong niya. “Napansin ko kasi halos ganito din ang
reaction mo noong una kitang dalhin para bisitahin si Ashton.”

“No.” mabilis kong sagot. Huminga ako ng malalim. “I’m fine, promise.”

I have to accept the fact that sooner or later, kailangan kong harapin si
Ashton Montecillo. Siguro mas mabuti na ito, kasama si Mindy, si Micko,
at ang iba sa mga kaibigan niya. That way hindi ako masyadong masasaktan.

Nakarating kami sa pintuan ng kwarto ni Ashton. Mula sa labas, narinig ko


ang boses ng mga bisita na nasa kwarto. Masaya, nagku-kwentuhan,
nagtatawanan. Lumingon si Micko sa direction ko na para bang nag paalam
bago buksan ang pintuan. Bahagya akong tumango. Nang tuluyang bumukas
ito, halos hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Madaming taong nakapalibot sa bed kung saan siya naka-upo, wala na ang
kulay pale blue na kurtina na kadalasan ay naghihiwalay sa bed at sa rest
ng kwarto. Wala na din ang malalaking medical apparatus na nakakabit
malapit sa bed, tanging dextrose na lamang at heartbeat monitor. Kahit
madaming tao, kapansin pansin na mas naging maaliwalas ang kwarto,
masigla, maingay.
Pumasok si Micko sa kwarto habang hawak ang kamay ko. Wala akong nagawa
kundi sumunod sa kanya. Pero sa totoo lang nanlalamig na ako at hindi
magawang makagalaw ng maayos. Pinagmasdan ko ang lalakeng nasa gitna ng
mga taong nagtatawanan, nakasuot parin ito ng Hospital clothes, naka-upo
sa kama, may magulong buhok, at higit sa lahat nakangiti at masayang
nakikipag usap sa mga kaibigan niya.

Ashton.

Halos gusto ko ng umatras at umalis sa kwarto. Gusto ko ng umuwi. Hindi


dapat ako nandito. Hindi ko siya kayang tingnan. He looks so happy, even
with his pale face and weary eyes, he looks so damn happy.

My Ashton.

Napansin ko ang bahagyang pagtahimik ng kwarto nang lumapit si Micko.


Ashton’s smile widens and became a grin. Nag offer ng fist bump si Micko
pero natawa siya nang pinakita ni Ashton ang mga kamay na may naka-kabit
na heart monitor at sa kabila naman ay dextrose

“Tagal mo.” reklamo ni Ashton.

Nanatili akong nakatayo sa likod ni Micko na para bang hindi alam ang
gagawin. Napansin ko si Reese na nakatingin sa akin mula sa sofa sa gilid
kung saan siya nakaupo. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

Napatingin ako sa isa pang sulok at nakita si Mindy na kausap ang


lalakeng kasama niya sa sasakyan. Bahagya akong bumitaw kay Micko at
plano sanang puntahan si Mindy nang mahagip ng mata ko si Ashton— na
nakatingin sa akin.

Natigilan ako at wala sa sarili na pinagmasdan siya. Pakiramdam ko


huminto ang oras at tumahimik ang paligid. In the back of my mind hindi
ko mapigilan na umasa— na sana nagkamali lang si Lala, na sana kahit
konti naaalala parin ako ni Ashton Montecillo. But I know, just on the
way he stares at me, na impossible na ang hinihingi ko.

Ashton was staring at me with a blank expression on his face as if my


existence doesn’t concern him or anyone in this room. Linampasan niya ako
ng tingin na para bang wala siyang naging pakialam. And that act itself
became a reality slap for me. He doesn’t recognize me. At all.

Nagpatuloy sila sa masaya nilang pag uusap— while I tried hard to keep
myself together. He was so damn close, smiling like that, hearing his
familiar voice. Nakakatawa dahil halos abot kamay ko siya pero hindi na
siya yong Ashton na nakasama ko.

Look, Ashton, I’m here after all. Gaya ng hiniling mo sa akin, nandito
ako sa tabi mo. Can you see me?

Humarap si Micko sa akin nang mapansin na hindi ako nagsasalita. He tried


to smile to assure me that it’s fine to be here. Muli niyang hinawakan
ang kamay ko and for a moment bigla akong kumalma. Pero mabilis na nawala
yon nang marinig ko ang boses ni Ashton.

“Kasama mo?”

Humarap si Micko sa kanya. “Liniligawan ko.” derecho nitong sagot. Walang


bahid ng kahit anong pag aalangan. “Si Delia Salazar, isa sa pinaka
special na babae para sa akin.”
Muling bumaling ang tingin ni Ashton sa akin. I tried to stare back with
a force smile. Bahagya naman siyang tumango, a polite gesture for a
stranger like me. Saka siya ngumiti.

“Congrats, Miss. Minsan lang mag seryoso ang gagong Captain namin.”
pabirong sabi nito.

Miss.

Bahagya umakbay sa akin si Micko. He said something else pero hindi ko na


masyadong naintindihan.

Pinagmasdan ko si Ashton Montecillo at noong mga oras na yon isang bagay


ang pumasok sa isip ko— ang Ashton na nakilala ko, wala na siya, at
kailanman hindi na siya babalik.

***

A/N:

Hey guys! Gusto ko lang sabihin na mukhang madadagdagan ng chapters ang


TJIAG. Hindi naman madami— mga dalawa lang. So the next update is not yet
the last. So kalma lang tayo okay? XD

Anyways, thank you sa mga feedbacks sa previous update, Chapter 25. Na-
appreciate ko talaga yon, especially those inspiring once. I hope you’ll
keep the support until the end of the story. Thank you!
PS. We Can’t Be by Krissy Villongco is my song for this chapter.

Until the next update,

@april_avery

=================

The Jerk: Twenty Seven

Twenty Seven,

Isang lingo matapos magising ni Ashton Montecillo ay nakalabas na siya ng


Hospital. Nandoon si Micko, Reese, at iba pang mga kaibigan niya noong
araw na yon. Isang lingo pa at maaari na siyang bumalik sa school.

Wala ako noong araw na bumalik siya. Kinailangan ko kasing samahan si


Mama na bisitahin ang kamag anak namin sa probinsya. Pero mabuti na din
yon. Nag decide na kasi ako na as much as possible ay kailangan ko siyang
iwasan.

Hindi ko na gustong maulit ang nangyari sa Hospital. Yon ang naging una
at huli naming pagkikita matapos niyang magising. Hindi na ako muling
dumalaw pa kahit pa panay ang anyaya sa akin ni Micko. Hindi ko gustong
paulit ulit na saktan ang sarili ko sa tuwing hindi niya ako naaalala.

Pero alam kong hindi magtatagal at kailangan ko siyang harapin. I would


soon see him inside the classroom, or in the hallways or cafeteria. Pero
at least kahit paano, hindi na ako matatakot o aasa na maalala niya pa
ako tulad ng una kong ginawa. Alam ko na ang limitasyon ko at tangap ko
na yon.

Pumasok ako Monday ng umaga. Ang sabi ni Mindy noong pumasok si Ashton
Montecillo ay kulang nalang magpa welcome back party sila. Pero sa totoo
lang para lamang siyang nagbakasyon ng mahabang panahon at pagdating niya
ganoon parin ang dadatnan niya— the attention, the stares, his friends
laughter echoing in the halls and cafeteria.

Dati, kapag papasok si Ashton matapos gumawa ng isang malaking kalokohan,


automatically siya agad ang nagiging centro ng usapan at attention sa
paaralan. Sa tingin ko halos wala itong pinagbago sa sitwasyon ngayon
matapos ng aksidente.
Para bang isang malaking kalokohan lamang ang ginawa niya at pagbalik
niya, everything is as it is, everyone's reaction is what he expected.
The wonder, the awe, and the thrill that everyone envies him for. The
only difference is that— unfortunately naging parte ako ng bagay na yon.

Pagpasok ko sa school at sinalubong ni Mindy sa gate. Sabay kaming


pumasok sa classroom tulad ng dati. Habang naghihintay ng teacher,
nagkwento siya tungkol sa naging weekend niya. Nagkwento din ako sa
pagbisita ko sa kapatid ni Mama. I laughed at some part of her story,
sumisimangot siya kapag ginagawa ko yon. According to her the story is
not intended to be funny.

Ganito ang naging simula ng araw ko nitong mga nakalipas na araw— it was
pretty normal routine, almost comforting. Pakiramdam ko para bang hindi
nangyari ang nakaraang dalawang buwan na nakasama ko si Ashton.

Mabilis na natapos ang dalawa sa morning subjects namin. Habang


naghihintay ng susunod na klase, humarap si Mindy sa akin.

"Sa tingin ko talaga may hidden na galit si Ms. Montez sa akin." naka
frown na sabi niya. "Ako nalang lagi ang nakikita niya."

Hindi ko maiwasan na mapangiti sa naging reaction niya. Siya kasi ang


madalas tawagin ng teacher namin lalo na kapag nahahalata nito na hindi
na kami nakikinig sa klase.

"Ohh, nandito na siya." bulong ni Mindy sa harap ko.

Napalingon ako sa direction ng pintuan kung saan nakatingin si Mindy.


Unti unting nawala ang ngiti ko dahil doon.

Isang familiar na lalake ang pumasok sa classroom. Hawak ang halos walang
lamang bagpack na nakasabit sa kanyang balikat, at ang isang kamay na
nakasiksik sa bulsa ng pantalon niya, pumasok siya sa loob na halos
walang pakialam sa attention na nakukuha niya.

Umupo siya sa dati niyang upuan, malapit sa harap, kung saan siya nilagay
ng homeroom teacher namin noon para madali siyang mamonitor ng mga
teachers. Nilapag niya ang kanyang pulang bag pack sa mesa at marahas na
sumandal sa kanyang upuan.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Reese na nakaupo sa tapat nito.

Napakamot ng batok si Ashton. "Nakuhanan ng driver's lincense."

Halos matawa si Reese. "Wala ka pang ilang lingong nakakabalik may atraso
ka nanaman?"
Ashton shrugged. "Mala-late nga kasi ako kay Samonte pag di ako
nagmadali."

Kumunot ang noo ni Reese. "Wala ka namang pakialam dati kay Mr. Samonte
ah. Bakit ngayon, palagi ka atang maaga sa klase niya."

Ashton shrugged unconcern. "Ewan. Gusto ko lang."

Pinagmasdan ko ang likod ni Ashton habang nag uusap sila ni Reese. The
way he shrugged at kung paano siya sumandal sa upuan na para bang wala
siyang pakialam kung nasaan siya.

Hindi ko maiwasan na maalala ang isa sa mga naging usapan namin. Naalala
ko na sinabi kong halos hindi siya umaabot sa third subject namin at
madalas sa mismong lunch hour siya papasok.

A small smile crossed my face. Pero maaga na pala siya ngayon.

Pumasok si Mr. Samonte matapos ang ilang minuto. Napataas ito ng kilay
nang makitang hindi bakante ang upuan ni Ashton Montecillo. I saw Ashton
gave Reese a mischievous smile bago niya binalik ang tingin sa harap.

Noong oras na yon hindi ko maiwasang hilingin na sana kahit pangalan ko


lang alam niya. Na sana kahit konti lang lumingon siya at tingnan ako.
Pero nanatili siyang nakatingin sa harap, o hindi naman kaya ay kay
Reese. At nanatili akong nakatingin sa kanya nang wala siyang alam.

Pinanood ko kung paano siya maantok at mabore sa klase, paano siya


sumandal at maghikab kapag hindi nakatingin ang teacher, how he snap back
in attention kapag humarap na si Mr. Samonte sa klase, paano siya
nagkukunwaring nagsusulat ng lecture pero halos wala sa board ang
attention niya.

And I promised I would avoid him. As much as possible ayoko na siyang


nakakaharap. Pero noong oras na yon, habang nasa klase at nakatingin sa
kanya, hindi ko maiwasang muling masaktan. This is unfair. How I was the
one left to remember everything.

Dumating ang lunch break at hinayaan ko sila na maunang lumabas sa


classroom. Pero hindi pa man sila tuluyang nakaka alis nang marinig ko
ang pangalan ko mula sa pintuan.

"Delia."
Napalingon ako bigla dito habang nasa gitna ng pag aayos ng gamit. Nakita
ko si Micko na nakangiti at tulad ng dati ay hinihintay ako. Pero hindi
ito ang dahilan kaya ako natigilan.

Sandali akong napatingin kay Ashton Montecillo— he was staring at me.


Hindi ko alam kung bakit pero para bang nagtataka na nakatingin siya sa
akin.

Sinalubong ni Ashton si Micko sa pintuan, they made a weird hand greeting


or something, bago muling napatingin sa akin si Micko.

"Si Delia, naalala mo?" tanong ni Micko kay Ashton. "Siya ang kasama ko
sa Hospital noong nagising ka."

Tila naman umaliwalas ang mukha ni Ashton sa sinabi ng kaibigan niya.


"Ah, oo." sabi nito na halos walang pakialam. "Sige bro, mauna na kami sa
cafeteria."

Lumabas si Ashton kasama si Reese. Napatingin si Reese sa akin bago sila


tuluyang nakalabas. Alam ko ang ibig sabihin ng naging tingin niya. She's
right. Mali na pinag aksayahan niya ako ng oras noon thinking that I'm
related to Ashton in any way.

Ashton's didn't even know me.

Pilit akong ngumiti na para bang walang nangyari bago humarap kay Micko.
He's smiling at me and for a second, I'm glad na nandito siya sa tabi ko
at hindi niya ako iniwan matapos ang lahat.

Narinig ko ang tawanan nila, ang usapan, ang asaran, habang nasa
cafeteria kami. Naka-upo si Micko kasama namin kanina pero kinailangan
niyang bumalik sa grupo niya dahil may informal Team meeting sila. At ang
meeting na yon ay napunta sa masayang kwentuhan.

"Ang saya nila ah." Mindy commented beside me.

"Hmm." tipid na sagot ko.

"Ngayon ko lang ulit nakitang ganyan sila kaingay matapos ng ilang


buwan."

Tumango lamang ako.

"Pero alam mo yong napansin ko? May positive side naman pala ang nangyari
kay Ashton."
Doon ako napatigil. "Hah?'

Mindy shrugged. "Alam kong seryoso ang nangyari pero pansin mo? May
nagbago."

Sumipsip siya ng iced tea bago muling nagsalita. Para bang pati siya
hindi makapaniwala sa susunod na sasabihin niya.

"They seem more mature. I mean dati kapag tumatawa sila it's either may
pinagtatawanan silang tao o kaya naman pinapakita lang nila na sila ang
superior sa lugar na ito."

"Pero ngayon, look at them, para bang ang saya lang talaga nila. If not
for their extremely good looks and radiating presence, they almost look
like one of us." she smiled.

"Almost." nakangiting ulit ko.

"Yes. Almost." she nodded with the same smile. "Dahil hindi naman
madaling maging ordinaryo ang mga taong tulad ni Reese Del Valle, Micko
De Lara, at Ashton Montecillo."

Pinagmasdan ko ang grupo nila.

"Kaya nga nagtataka parin ako kung bakit niya nagawa at nasabi ang lahat
ng yon." wala sa sarili na sabi ko.

Natigilan si Mindy. "Si Micko ba tinutukoy mo?"

Napalingon ako bigla sa kanya. "H-Hah?"

"Ang sabi ko kung si Micko ba yong tinutukoy mo?"

Napalingon ako kung saan nakaupo si Micko. Halos magkatabi lang sila ni
Ashton. I wish. But no.

Bandang uwian nang pumunta kami ni Mindy sa aming locker para ilagay ang
mga gamit namin. Halos puno ang hallway ng mga estudyanteng gaya namin na
nagmamadaling makalabas ng school.

"Sasabay ka sa akin ngayon?" tanong ni Mindy habang binubuksan ang


kanyang locker.

"Yes. Ang sabi ni Micko may practice sila ngayon kaya hindi niya ako
mahahatid." sagot ko.
"Naglalaro na ba si Ashton?" she asked.

Bahagya akong natigilan. "Tingin ko hindi pa." I said casually as if his


name means nothing.

Mas dumami pa ang taong kasama namin sa hallway nang matapos kami.
Maingat kaming nakipagsiksikan para makaalis. I heard Mindy complaint
something about her shoes being steeped on by someone.

Bahagya akong napangiti at marahan siyang hinila bago pa tuluyang uminit


ang ulo niya. Pero nabitawan ko siya nang hindi sinasadya, nang makita ko
kung sino ang kasalubong namin.

Ashton.

Papunta siya sa direction kung saan kami galing. Mukhang nagmamadali


siya. Nakasabit ang kanyang bag pack sa balikat at tila ba may hinahanap
sa dulo ng hallway.

Hindi niya alintana ang mga matang nakatingin sa kanya. Pilit niyang
siniksik ang kanyang sarili habang derecho parin ang tingin sa dulo ng
hallway. Iniwasan kong mapatingin sa kanya nang magkasalubong kami. Nag
kabangaan ang mga balikat namin pero wala ni isa man sa amin ang nag
react. Dumerecho siya sa paglalakad na parang walang nangyari at ganoon
din ako.

Noong mga oras na yon, habang nasa gitna ng mga taong nasa hallway,
habang naglalakad si Ashton palayo sa akin at ganoon din ako sa kanya—
doon ko narealize ang isang bagay.

I need to let go.

Oo, sinusubukan kong umiwas pero alam ko sa sarili ko na sa tuwing


magkakaharap kami umaasa parin ako na sana bigla niya nalang masasabi ang
pangalan ko. Dapat ko ng tigilan yon. Pinapahirapan ko lang ang sarili
ko.

Nagtatakang tiningnan ako ni Mindy nang makalabas kami sa school building


at malayo na sa siksikan ng mga tao.

"What happened?" tanong niya na para bang nag aalala. "Bigla ka nalang
tumigil sa paglalakad kanina."

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. "It's nothing. May naisip
lang ako."
"Care to share?"

Bahagya akong napatingin sa langit. "It's weird, right?" bigla kong


tanong sa kanya.

"Weird what?"

I tried to smile bago muling nagsalita. "How sometimes, the hardest thing
to let go is the one we never really had."

Noong gabing yon, habang nakaupo sa harap ng computer table at gumagawa


ng assignment, bigla akong may naalala.

Paper.

May sinabi sa akin si Ashton noon tungkol sa isang papel na pinakita sa


kanya. Yon ang huling naaalala niya bago ang aksidente. I remember how we
made plans para malaman kung anong laman nito.

Tuluyan na yong nawala sa isip ko. Hindi ko na nalaman kung ano yon. I
wonder if Ashton already knew what's on those papers. Pero ngayon na
nakabalik na siya, importante pa kaya yon?

Lumayo ako ng bahagya sa mesa para kalkalin ang notebook na ginamit namin
ni Ashton noon. Binuksan ko ang isa sa mga drawers at hinanap ito sa
gitna ng mga files at iba pang notebook.

Wala. Saan ko ba yon nilagay?

Tumayo ako at hinanap ito sa buong table, maging sa maliit na bookshelves


na itaas nito. Pero hindi ko ito makita.

Halos itigil ko na ang paghahanap at babalik na lamang sa pag gawa ng


assignment nang mapatingin ako sa isang mesa na malapit sa terrace door.
Nakahinga ako ng maluwag.

Nandyan ka lang pala.

Lumapit ako dito at kinuha ito mula sa ilalim ng isa pang libro. Nang
gawin ko yon, isang piraso ng papel ang nalaglag mula sa pagitan ng
dalawang libro. Natigilan ako at nagtataka na napatingin sa papel na nasa
sahig.
Nahalata ko agad na hindi sa akin ang penmanship na ginamit doon. Kinuha
ko ang papel at binasa— at doon ko tuluyang nalaglag ang hawak kong
notebook.

Delia,

Alam ko na kung ano ang laman ng papel.

It was a plane ticket to London.

Ayokong umalis pero wala akong magawa.

And that fuels everything.

Makita mo sana ito pagdating mo.

Ashton.

Halos nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang note. My mind started
to panic. Kailan pa ito? Bakit ngayon ko lang nakita?

Pilit kong inalala ang huling pagkakataon na nandito si Ashton sa kwarto


ko. Makita mo sana ito pagdating mo.

It was the day Micko and I had a date, the day na halos ipagtabuyan ko si
Ashton, the day na nalaman ko na hindi aksidente ang nangyari.

Ito ba ang dahilan kaya gusto niya akong kausapin noong araw na yon?

Isa pang bagay ang pumasok sa isip ko. Naalala ko bigla ang usapan na
hindi ko sinasadyang marinig sa mansion ng mga Montecillo— usapan ng Ama
ni Ashton at ng secretary niya.

Gusto kong maging maayos ang lahat kapag nagising na siya.

Paano po kapag tumangi ulit siya?

Wala siyang magagawa. Doon ko itatama ang mga pagkakamali ko.

Isang bagay ang biglang nagsink in sa akin. This can't be happening.


***

=================

The Jerk: Twenty Eight

Twenty Eight,

Pinagmasdan ko ang hawak kong papel habang nakatayo sa labas ng gym at


naghihintay ng paglabas ng basketball team. Hindi ako mapakali sa
kinatatayuan ko. Kanina ko pa gustong kausapin si Micko tungkol dito pero
lagi niyang kasama ang mga kaibigan niya.

And that also means Ashton Montecillo.

Gusto kong itanong sa kanya kung may alam ba siya dito. Kung may idea ba
siya na aalis si Ashton. I was waiting for the news to spread. Pero
mukhang wala pang may alam ng pwedeng mangyari.

Pinagmasdan ko ang sapatos ko na nakatapak sa basang damuhan sa labas ng


gym. Huminga ako ng malalim at pilit nilaro ang dulo ng sapatos ko sa
damuhan. Kung pwede ko lang sanang makausap si Ashton tungkol dito.

But he'll freak out. Of course he will. Hindi niya ako maalala pero meron
akong hawak na sulat na galing sa kanya. Hindi ko alam kung paano ito
ipapaliwanag kung sakali. Kaya mas mabuti na kausapin ko muna si Micko at
umasa na hindi totoo ang nabasa ko. May chance pa na may magbago.

Humigpit ang hawak ko sa papel habang naririnig ang tunog ng bola na


tumatama sa sahig at mga sigawan ng mga naglalaro sa loob ng gym. Ano
mang oras mula ngayon ay matatapos na sila. I just needed to wait.

Habang naghihintay, hindi ko mapigilan na isipin kung bakit ko ba ito


ginagawa in the first place. I wanted to move on from this mess. Sinabi
ko sa sarili ko na mas mabuting kalimutan nalang ang lahat ng ito.

Pero ang hindi na muling makita si Ashton— that is too much for me.
Ngayon ko lang narealize na kaya ko na hindi niya ako maalala. Pero ang
chance na hindi na siya muling makita— hindi ko kaya.

Naramdaman ko ang paghina ng tunog ng bola mula sa gym. Hanggang sa


nawala na ito at tanging narinig ko ay mga boses mula sa loob. Mukhang
tapos na sila sa kanilang practice game.
Ilang minuto pa akong naghintay dahil dumerecho pa sila sa mga lockers
nila para magbihis. Ngayon alam ko na kung bakit wala ng balak na bumalik
sa paglalaro si Ashton. Dahil aalis na siya.

Isa isang naglabasan ang mga players mula sa gym. Yong iba basa pa ang
buhok na para bang naligo. Yong iba binati ako nang makita ako. Sinabi
nila na nasa loob pa si Micko. Tumango lamang ako at ngumiti. Alam kaya
nila?

Narinig ko mula sa huling player na lumabas na chini-check pa ni Micko


ang mga facilities kaya matatagalan pa siya. Napangiti ako at sinabi na
dito nalang ako maghihintay sa labas.

Sumandal ako sa pader ng gym at absentmindedly na napatingin sa palubog


na araw sa hindi kalayuan. Micko is the perfect captain. Kahit na sa
random na usapan ng mga kaibigan niya, napapansin ko yon.

He is strict pero alam mong may reasons ang mga rules niya. Ina-alagaan
niya ang mga members niya. And I don't still understand why he likes me
but he proved to me that he's sincere about this and I believed him.

Naramdaman ko ang mga footsteps papalapit sa akin so I snapped back in


attention. Tumayo ako ng maayos at napalingon sa direction ng pathway.
Nakita ko si Reese na papunta sa direction kung nasaan ako.

Napakurap ako at iniwas ang tingin sa kanya nang tingnan niya ako. Wala
siyang naging ano mang reaction kaya nakahinga ako ng maluwag. Patuloy
lang siya sa paglalakad.

Napansin ko na para bang may malalim siyang ini-isip. Sa isang tao na


kagaya ni Reese na naging usual expression na pag irap o ang pagtingin
sayo mula ulo hangang paa, madali mong mapapansin na may mali kapag hindi
niya ginawa yon.

Umiwas ako sa tapat ng pintuan ng gym dahil mukhang doon siya papunta.
Nang makalapit siya ko napansin na bahagyang namamaga ang mga mata niya.
Umiyak ba siya?

"Is Micko here?" tanong niya.

"Uhm, oo. Nasa loob siya." sagot ko.

Ang buong akala ko magkasama sila ni Ashton ngayon. Kaninang uwian


magkasabay silang umalis sa classroom. Dahil nakatingin ako sa ibaba,
napansin ko ang mga paa niya na papasok na sana sa loob pero biglang
natigilan.
"Delia," I heard her say. Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan ko na
nagmula sa kanya. I meet her gaze at tama nga ako, kagagaling niya lang
sa pag iyak.

"Yes?" I asked.

"Bumisita ka na ba sa mansion ng mga Montecillo?"

Natigilan ako sa naging tanong niya. Her question is out of pure


curiosity. Nahalata ko yon sa boses niya. At alam kong halos wala siya sa
mood na tanungin ito. Pero saan niya nakuha ang information na yon?

"I did." sagot ko. "I— My Dad is a lawyer so medyo familiar sa kanya ang
Dad ni Ashton." Yon ang naisip kong pinakamadaling paliwanag. "Pumupunta
kami noon sa mga formal events."

Napatango siya. "That's why." she said more to herself than to me.

"Bakit mo naitanong?"

Nag shrugged siya na para bang hindi importante ang rason. "Nabangit ng
Dad niya ang surname mo kahapon noong nasa mansion ako nila Ashton. Bakit
wala ka daw noong nagkaroon ng welcome back party si Ashton."

"You are Delia Salazar right?" Bahagya siyang natawa. "Maybe he thinks na
magkaibigan kayo or something."

Pilit lamang akong ngumiti dahil sa sinabi niya. "Siguro nga." pag sang
ayon ko.

"But that's pretty impossible. I even thought of it at first specially


noong nakita kita sa Hospital noon. But he doesn't even know you so
nagkamali ako."

Kung hindi lang sa pagiging blangko ng titig niya, she almost sound
apologetic. "Okay lang." sagot ko.

Dalawang beses ko lang nakitang naging completely vulnerable ang isang


Reese Del Valle. Ang una noong nakita ko sila sa police station matapos
ang aksidente. Ang pangalawa ay ngayong araw. Sa harap ko.

Para bang gusto niyang maiyak sa harap ko. Gusto ko sana na tanungin kung
may nangyari ba nang bigla siyang magsalita.

"But who cares really? Kung sino ang mga kaibigan ng anak niya. Kung
ilalayo niya naman ito?" saka siya pumasok sa loob ng gym.
Naiwan ako doon na sinundan siya ng tingin. Narinig kong tinawag nito si
Micko. Sumagot si Micko na sinasabing alisin niya ang sapatos na suot
dahil masisira ng heels ang sahig.

Mukha namang hindi ito pinansin ni Reese. Narinig ko siyang nagsalita.


Naging malinaw yon dahil sa echo ng boses niya sa buong gym.

"Micko, bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" she demanded.

"Umiyak ka ba?" narinig kong tanong ni Micko.

"It's not the point!" asik ni Reese. "Bakit, Micko— why didn't you tell
me earlier na aalis si Ashton?" napansin ko ang pag crack ng boses nito
na tila ba malapit na siyang maiyak.

"Alam mo na pala." kalmadong sabi ni Micko.

"Of course I knew! Sinabi sa akin ni Ashton kanina lang. Pero ikaw, last
week mo pa alam. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi ka gumawa ng
paraan para mapigilan siya?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Micko.

"Look, Reese. This is the exact reason kaya ayaw niyang ipaalam sayo.
Alam niyang mamomroblema ka lang hangang sa dumating ang araw na yon. We
can never do anything. Magsasayang ka lang ng oras."

Narinig ko ang pag hikbi ni Reese. "Reese, come on, get yourself
together." sabi ni Micko na para bang nagsisi sa mga salitang binitawan
niya.

"But Micko— Si Ashton—"

Isang buntong hininga ang muling pinakawalan niya. "I know, okay? Pero
Reese, narinig mo naman mula sa kanya. He wants this. His Dad is planning
a new start in London at pumayag siya."

"Pero kababalik niya lang sa atin hindi ba?" tuluyan ko ng narinig ang
pag iyak ni Reese. "Paano tayo?"

Tila naman naitindihan ni Micko ang gusto niyang iparating.

"Reese, matagal na nila itong plano. We can't do anything about this.


Just accept the fact that some people might leave sooner or later."
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa loob ng gym.

"Hindi niya gusto na makita kang ganyan, Reese. Kilala mo siya." I heard
Micko said after a while. "Just show him you support his decision.
Kaibigan tayo. It's the best we can do."

Tila naman bahagyang gumaan ang loob ni Reese sa sinabi ni Micko.

"You're right. I mean— God." she groaned. "Umiyak pa naman ako sa harap
niya kanina."

Micko let a short laugh to lighten the mood.

"Get yourself together and talk to him. Hindi lang tayo ang nahihirapan
dito."

"Right. Thanks, Micko."

Naramdaman ko ang tunog ng heels ni Reese sa sahig na para bang handa na


ulit itong lumabas.

"I will talk to him." Reese said. "Pero hindi pa sa ngayon. Maybe
tomorrow."

Tila naman tumango si Micko. "Just make sure you will bago siya umalis."

"Alam ko." Narinig kong nag paalam si Reese hangang sa muli ko siyang
makita sa harap ko.

"Nga pala, someone is waiting for you outside." sabi nito kay Micko.
Napatingin si Reese sa akin at nag paalam.

I tried to smile at her. And for the first time naramdaman ko ang sakit
na pilit niyang tinatago.

Lumabas si Micko sa gym makalipas ng ilang minuto. Bahagya siyang nagulat


nang makitang ako ang naghihintay sa kanya.

"Delia,"

Ni-locked niya ang pintuan ng gym bago siya tuluyang humarap sa akin.
Napatingin siya sa wrist watch na suot niya.
"It's late. Bakit nandito ka pa?" nag aalalang tanong niya.

"I waited for you." sagot ko.

Ngayong kaharap ko na si Micko at matapos ng lahat ng narinig ko— hindi


ko na alam kung paano sisimulan ang lahat.

"I—" Mabilis kong tinago sa bulsa ko ang note na hawak. "I heard you and
Reese talking. I mean hindi ko sinasadya but—"

Marahan lang na napangiti si Micko. He stared at me as if telling me that


we should start walking kaya naman naglakad ako at sumunod siya sa tabi
ko.

"That," he started. "That's about Ashton leaving." sagot niya.

Pilit kong ginawang casual ang boses ko. "Yeah I heard."

"Funny isn't it? Kababalik niya lang tapos aalis ulit." naramdaman ko ang
disappointment sa boses ni Micko. Sabay kaming naglakad hangang sa
makarating kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya.

"Why do you think kailangan niyang umalis?" tanong ko.

Micko shrugged. "Ang alam ko matagal na itong plano ng Dad niya. Even
before the accident. Sinabi sa akin ni Ashton na ito ang nag trigger sa
kanya. It all sounded na gusto siyang ipatapon that time."

Bumuntong hininga si Micko. "Pero ngayon planong sumunod ng Dad niya next
year kapag natapos na ang termino nito. They wanted to start over."

I tried to smile pero alam kong hindi ko na kaya. Nagsimulang balutan ng


masakit na pakiramdam ang dibdib ko.

"Nakita mo siguro ang reaction ni Reese kanina." pagpa-patuloy ni Micko.


"Sigurado ako na umi-iyak parin siya sa mga oras na ito kahit pa sabihin
niyang tatangapin niya ang gusto ni Ashton."

"She's the girlfriend. It's natural." sagot ko. Pero pakiramdam ko, mas
matindi pa ang sakit na nararamdaman ko. I'm not even worth anything for
Ashton. Pero nasasaktan ako ng ganito.

"I know it's unfair na ngayon niya lang ito nalaman. Pero mas mabuti na
ito na ilang araw lang siyang iiyak."
Nakarating kami sa sasakyan niya. I already texted Dad na late ako
makakauwi dahil sasabay ako kay Micko. Binuksan niya ang pintuan para sa
akin. Pumasok ako sa loob at umupo.

Sinubukan kong huminga ng malalim para pigilan ang luha ko habang hindi
pa nakakapasok si Micko sa loob ng sasakyan. Nang pumasok siya sa
driver's seat at pina-andar ito, kinailangan kong umiwas ng tingin sa
kanya para hindi niya mahalata ang mukha ko.

I'm fine. It's fine. Maybe that's how things are meant to be. Siguro ito
ang dapat na mangyari.

Hindi ba ito na ang tamang pagkakataon para kalimutan siya? I can move on
and so does he. It is a clean break. Maybe that's how it's supposed to
be. He came, he changed me, he left, and will forever be gone.

Isang luha ang pumatak sa pisngi ko. Mabilis ko itong pinahid. Tiningnan
ko si Micko pero derecho lamang ang tingin nito sa daan.

Gusto kong lumaban. Gusto ko na kahit paano manatili siya sa tabi ko.
Umaasa parin ako na darating ang araw na makikilala niya ulit ako. Pero
aalis na siya. Wala akong magawa. At kahit yata ang mag paalam sa kanya
hindi ko maaaring gawin.

Tell me, how can I fight against destiny?

Nakarating kami sa tapat ng bahay nang hindi ko namamalayan. Halos mag


gagabi na. Lumabas ako sa sasakyan at nag paalam sa kanya.

"Good night, Micko. Thank you sa ride. Magpahinga ka na."

Ngumiti ito sa akin. "Pupunta pa ako kina Ashton. Nandoon ang buong team
ngayon."

Tumango ako. Biglang namang nawala ang ngiti niya na para bang may
naalala.

"He's leaving for London in two days. Hindi sigurado kung babalik pa
siya." he said. "We're making the most out of his stay."

Nanatili ako sa tapat ng balcony namin habang pinagmamasdan ang paalis na


sasakyan ni Micko. Ngayon nag sink in sa akin ang lahat. Naramdaman ko
ang pagbagsak ng luha ko.

Two days. At maaaring hindi na siya babalik.


***

Author's Note:

Next chapter is the last chapter. (GASP!) Yes, last chapter na. No
extensions or whatsoever. Then epilogue. So two parts pa at least. May
mga predictions na ba kayo about the ending? I would love to hear it!

Btw thank you so much sa lahat ng nagbabasa ng story na ito. This story
is quite personal to me since medyo nasa lifelike side siya (for me) kesa
sa fantasy genre na talagang sinusulat ko.

Thank you din sa mga readers na open magcomment at magmessage sa akin


about sa TJIAG. Some of you even shared your personal experiences. Nakaka
flatter na kahit paano nakatulong ang story na ito sa inyo.

For silent readers, sayang naman kung hindi ko kayo makikilala bago mag
end ang story. Okay lang magparamdam. I don't bite hahaha! So hangang
dito nalang muna. See you sa last chapter!

@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Twenty Nine

Twenty Nine,

"So I guess it ends here. We'll go our separate ways and hope that we'll
see each other somewhere in the future."

It was Friday. Ang huling araw ni Ashton Montecillo sa Jefferson High.


Huling araw na makakasama siya ng mga kaibigan niya. Huling araw na
makikita ko siya na nag-lalakad sa hallways ng school o kasama ang mga
kaibigan niya na nagtatawanan sa cafeteria.

Maganda ang panahon noong araw na yon. Maaliwalas ang paligid. Matingkad
ang kulay ng bughaw na langit. Masyadong payapa. Para bang sinasabi nito
na dapat ganoon din ang maramdaman ko— na dapat hindi ako mag alala sa
maaaring mangyari.

Madami na ang nakaka alam ng tungkol sa pag alis ni Ashton Montecillo.


Kaya napapatingin nalang ang iba sa kanya kapag nasasalubong siya at
walang magawa kundi tahimik na mag paalam.

Naririnig namin sila ng mga kaibigan niya. Nagtatawanan tulad ng dati.


Pero mararamdaman mo doon ang longing— ang pakiramdam na sinusulit nila
ang oras dahil alam nilang hindi na mauulit yon.

After all, we are seniors. llang buwan nalang at graduation na namin.


Parang nauna lang sa pag alis si Ashton Montecillo sa Jefferson High.
Pero darating ang araw na kailangan na din naming maghiwa-hiwalay.

The laughter echoing in the cafeteria would soon die down, the noise in
the hallways would soon turn into silence, and the teasing and playing in
the classroom would soon just be memories.

Narinig ko kanina sa breakfast na hindi na muling tatakbo ang Ama ni


Ashton sa susunod na election. Ang sabi ni Dad ay susunod daw ito sa anak
niya na pupunta ng London— si Ashton. Natuwa ako sa pagbabagong yon ng
Dad niya. But a part of me still wants Ashton to stay.

Buong umaga ko siyang naki-kita. Si Ashton. Halos abot kamay ko siya pero
wala akong magawa kundi ang pagmasdan siya. Nakiki pag biruan siya sa mga
kaibigan niya. Pero alam namin na bukas— hindi na namin siya makikita.

Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Reese habang nakikipag usap siya
kay Ashton buong umaga. She's smiling and laughing with him pero para
bang ayaw niya talagang umalis si Ashton. She seems clinging to him with
the last few hours they are together.

And I hope I can do the same— not the clinging. But I hope, for the last
time, na makausap ko siya. Not as a random girl na kaibigan ng kaibigan
niya. But as me— Delia Salazar.

I wanted to say goodbye. Kada oras na lumilipas hindi ko maiwasan na


bilangin ito. Naka katawa kasi gusto ko lang mag paalam. Just a freaking
goodbye at hindi ko magawa.

Bandang lunch break noong lumabas ako sa classroom kasama si Mindy.


Nakihalo kami sa mga estudyanteng papunta sa cafeteria. Nahahalata ni
Mindy ang pagiging tahimik ko. Sinabi ko na masyado lang akong sleep
deprived nitong mga nakaraang araw.

Halos nasa gitna na kami ng pagkain noong may naalala ako. Bigla akong
napatayo. Napa-paused sa pagkain si Mindy. Napa-tingin siya sa akin na
tila ba nagtataka. "Anong problema?" tanong niya.
"May nakalimutan ako." sagot ko. Sa sobrang pagka absent minded ko may
naiwan ako sa classroom. "Kukunin ko lang."

Paalis na ako nang magsalita siya. "Babalik din naman tayo mamaya ah.
Importante ba yon?"

Natigilan ako. "Oo eh. Mabilis lang ako."

Napatakbo ako paalis sa cafeteria. Hindi nila pwedeng makita yon. Baka
biglang malaglag ang papel na nakaipit doon. Halos hingalin ako nang
marating ko ang harap ng classroom namin. Tutuloy na sana ako sa loob
nang bigla akong tumigil sa paghakbang.

Si Ashton.

Napakurap ako. Siya lang ang nasa loob ng classroom. Mukhang may
binalikan din siya. Nakita kong may kinakalkal siya sa bag niya habang
naglalakad papunta sa kabilang pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko nang masagi ng bag niya ang notebook sa mesa ko.
Nalaglag ito. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at ganoon din ang
paghinga ko. Napatingin siya sa sahig kung saan nalaglag ang notebook—
ang notebook kung nasaan ang note niya.

No.

Pumasok ako sa classroom at dumerecho sa kinatatayuan niya. Kinuha ko ang


notebook mula sa sahig bago niya pa man ito mahawakan. Bahagya akong
lumayo bago humarap sa kanya.

"I-It's mine." sabi ko.

Napakurap siya. Tiningnan niya lang ako. Halos ilang pulgada lamang ang
layo namin sa isa't isa. Siya— na halos aabutin nalang ang notebook sa
sahig at ako na nakatayo sa harap niya at walang magawa kundi mapasandal
sa pinakamalapit na upuan para lang makalayo sa kanya.

"Aah." maikling sagot niya.

Pinagmasdan ko siya. I can't even see any slight recognition in his eyes.
Walang kahit ano na magsasabi na kilala niya ako maliban sa pagiging
magkaklase namin. My Ashton.
Noong mga oras na yon, halos gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat.
Gusto kong sabihin kung gaano siya kaimportante sa akin. Gusto kong
magpasalamat sa kanya, gusto kong magpaalam.

"Hey, Ashton! Ang tagal naman niyan!"

Halos pareho kaming natigilan dahil sa nagsalita. Napalingon kami sa


direction ng pintuan at nakita ang isa sa mga kaibigan ni Ashton at
Micko. Nagtatakang pinagmasdan niya kami nang marealize na tila ba
seryoso kaming nag uusap.

"Uhm, sige, mauna na ako." Mabilis akong nagpaalam kasabay ang isang
pilit na ngiti. Tumalikod ako mula sa kanya at palabas na sana sa
classroom nang muli akong matigilan.

"Delia."

I froze. This time ako ang tila nagulat. Humigpit ang hawak ko sa
notebook na para bang hindi alam kung lilingon ako o hindi.

"It's your name, right?" tanong niya. "Micko's special girl?"

Doon biglang kumalas ang mahigpit na pagkakahawak ko sa notebook. Oh.

"I just wanted to say thank you for taking good care of Micko."

I tried to smile politely bago lumabas ng classroom. Nang makalayo na ako


sa kanila, kay Ashton at sa kaibigan niya. Doon tuluyang bumagsak ang mga
luha ko. Pinagmasdan ko ang notebook na hawak ko. Bahagya ko yong
binuksan at tiningnan ang note na naka-ipit dito. I smiled bitterly nang
makita ang penmanship ni Ashton Montecillo.

Now I understand how it feels— how the saddest goodbyes are the ones
never said.

Natapos ang araw nang hindi ko na muling nakausap pa si Ashton


Montecillo. Huli ko siyang nakita sa hallway matapos ang klase, kung saan
nasa locker kami ni Mindy, at sila naman ay magkakasama ng mga kaibigan
niya.

I heard their various jokes about him leaving. Tinanong nila kung anong
course ang balak niyang kunin doon kapag nakatapos na sila. Kung ano ang
balak nila sa mga buhay nila. They talked about how they would see each
other in the future.
At pakiramdam ko, habang nasa harap ng locker kasabay ang iba pang
estudyante sa hallway, habang naririnig ang mga boses nila, pakiramdam ko
nanginginig ang mga kamay ko dahil sa panghihinang nararamdaman.

"Let's go?" tanong ni Mindy matapos isara ang locker niya.

Tumango lamang ako dahil ayaw kong mahalata niya ang boses ko. Lumabas
kami sa school building. Napansin ko na napalingon si Mindy sa direction
nila Ashton na para bang siya mismo ay tahimik na nagpapa-alam.

"Who could have guess na aalis na pala siya?" sabi niya habang palabas na
kami. "Kita mo nga naman, siya pa pala ang unang makakaalis sa lugar na
ito." natawa siya. Pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Mami-miss
ko din yong tarantadong yon. Ang sad na hindi tayo kompleto sa
graduation."

Nakarating kami sa main gate ng school. Naghihintay ang sasakyan ng Mama


ni Mindy sa tapat nito.

"Ayan na sundo natin." sabi nito. Bumilis ang paglalakad niya. Maya maya
pa bigla ko siyang hinila.

Tila nagulat siya sa ginawa ko. Napalingon siya sa akin na nagtataka.


"Ah, Mindy. Pwedeng favor?"

Kumunot ang noo niya. "Ano yon?"

"Pahatid naman ako sa elementary school— yong dati kong school."


Natigilan ako. "M-May gusto lang akong makita."

Tumango siya kahit pa mababakas ang pagtataka sa mukha niya. Sinabi niya
ito kay Mrs. Gonzales. Pumayag siya at hindi na nagtanong pa. Tila ba
ramdam nila na kailangan ko ito. Dumaan muna kami sa isang bakeshop kung
saan may binili ang Mama ni Mindy bago kami bumalik sa daan pauwi— sa
daan papunta sa school.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate nito. Tulad ng dati ay halos wala
ng mga estudyante dito sa ganitong oras. Mas maaga kasi ang uwian nila
dito at halos magdadapit hapon na din.

"Sigurado kang hindi ka na namin hihintayin?" tanong ni Mindy mula sa


nakabukas na bintana ng sasakyan.

"Hindi na. Maglalakad nalang ako niyan o magpapasundo kay Dad." paalam
ko.
Tumango ito. "Okay, mag ingat ka." Kumaway ito bago muling sumara ang
bintana at umalis ang sasakyan.

Pinagmasdan ko ang pag alis nila hangang sa tuluyang nawala sa paningin


ko ang sasakyan. Naglakad ako papunta sa makulay na gate at binati ako ng
guard na nandoon.

"Napapadalas ata ang pagbisita mo dito, Delia." sabi nito nang makita
ako.

"May—" napalunok ako. "May gusto lang po sana akong balikan." sagot ko.

Hindi ko alam kung napansin niya ang pag crack ng boses ko. Pero hindi
niya lang pinahalata.

Tumango ito. "Sige, pasok lang." nakangiting sabi niya.

Pumasok ako sa school habang mahigpit ang hawak sa straps ng bag pack ko.
Dumerecho ako sa gilid ng school building kung saan makikita ang
playground. Kung saan ako dinala ni Ashton noong magkasama kaming pumunta
dito.

Halos wala ng tao sa loob ng school maliban sa ilang maintenance na


nadaanan ko kanina. Tahimik akong umupo sa swing. Sa totoo lang hindi ko
alam kung bakit ako nandito.

Sa lahat ng lugar ito ang huling lugar na gusto kong puntahan. Pero
pagkaupo na pagkaupo ko sa swing, doon sunod sunod na pumatak ang mga
luha ko. Wala akong nagawa kundi tahimik na umiyak.

Lahat ng pagtitimpi na ginawa ko nitong mga nakaraang araw ay tila ba


bumuhos noong hapon na yon. Habang nakaupo sa swing sa gitna ng
playground, para akong isang bata na umiyak at humagolgol ng tahimik.

I guess this is the end.

Alam ko sa sarili ko na ito ang huling beses na iiyakan ko siya ng


ganito. Nandito ako sa lugar kung saan ko siya unang nakita— at dito ko
bibitawan ang lahat ng bagay at emosyon ko na konektado sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang lumipas na nakaupo lang ako sa
swing. Hindi ko namalayan ang paglubog ng araw o pag sindi ng mga ilaw sa
paligid ko. Saka lang ako bahagyang natigilan nang naramdaman ko ang mga
footsteps na papalapit sa akin.

Noong una akala ko isa lamang yon sa mga maintenance na napadaan. Kaya
nanatili akong nakayuko para hindi nito mapansin na umiiyak ako. Pero
palapit ng palapit ang tunog nito hangang sa huminto ito. Isang taong
nakasuot ng faded jeans at itim na converse ang nakatayo sa harap ko.

"What are you doing here?"

Natigilan ako nang marinig ang pamilya na boses. Pakiramdam ko bigla


akong nanghina. Anong ginagawa niya dito? Pinahid ko ang mga luha ko at
huminga ng malalim bago humarap sa kanya.

Ashton.

Pinagmamasdan niya ako na para bang nagtataka. Napansin niya ang mga
namumugtong mga mata ko kaya bigla siyang natigilan.

"Are... Are you okay?" nag aalalang tanong niya. Umupo siya sa harap ko.
Halos magkapantay na ang mga mukha namin. Tila ba gusto niyang pahirin
ang mga luha ko.

"I-I'm fine." halos nauutal na sagot ko. Agad akong umiwas ng tingin.
This scene... is very familiar to me. Isang luha ang dumaosdos pababa ng
pisngi ko. Please, tama na. Hindi ko na kaya.

"Did I disturbed you?" tanong ni Ashton. "Shit. I'm sorry."

Sa mga salitang yon palang, alam ko na. Sa mga tingin niya palang wala na
talaga. Hindi na dapat ako umaasa.

"Why are you here?" Hindi ko mapigilan na itanong. Please sabihin mo may
naaalala ka, kahit konti.

Muli siyang napatayo. "This is my former school." sagot niya sa formal na


boses. The usual tone he used to people who don't matter.

"I know." tahimik kong sagot. "May kailangan ka din ba dito?"

Napansin ko na natigilan si Ashton. "Kinuha ko ang huling records ko sa


Principal's Office."

Napalunok ako para pigilan ang masamang pakiramdam na bumabara sa


lalamunan ko. "Oh, right." sagot ko.

"I didn't know you're here. Did Micko know you're here?"

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong matawa sa sinabi niya. Damn you,
Ashton Montecillo.
"No. Pero aalis na ako so don't bother."

Tumayo ako kaya bahagya siyang lumayo. Kinuha ko ang bag ko mula sa upuan
ng kabilang swing.

"Aalis ka na bukas, hindi ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Uh, yeah." sagot niya habang nakatitig sa akin.

Humakbang palapit sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hangang sa


bigla ko nalang siyang niyakap. Hindi siya nakagalaw dahil sa ginawa ko.
Para bang nagulat ko siya.

Mas humigpit ang yakap ko sa kanya dahil alam kong ito ang magiging una
at huli. "Ashton," halos bulong ko. Naramdaman ko ang pag blur ng
paningin ko dahil sa nagbabadya nanamang mga luha.

Tila ba lahat ng mga pagkakataon na nagkasama kami— mula grade school


hangang sa mga oras na ito. Sa mga pangako at pang aasar na binitawan
niya. Sa mga takot namin na pareho naming binahagi sa isa't isa. Sa
pagpapakita niya sa mga bagay na dati ay hindi ko maintinhan.

Naalala ko ang mga palad namin na nakatapat sa isa't isa habang


nagsasayaw noong hapon na yon. Tulad din ito ngayon. Tahimik. Payapa. At
kahit ako nalang ang nakakaalala. Gusto ko paring magpasalamat.

"Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin." naramdaman ko ang pag crack


ng boses ko. "Ashton Montecillo," huminga ako ng malalim. "Alagaan mo ang
sarili mo. Mag iingat ka lagi."

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.
Ngumiti ako bago nag-lakad palayo sa kanya. Hindi ko alam kung nanatili
ba siyang nakatayo doon o kung ano ang ini-isip niya.

Pero habang naglalakad palabas ng elementary school na yon, habang


naaalala ko lahat ng panahon na naging parte siya ng buhay ko, habang
palayo ako sa kanya, pakiramdam ko unti unti ding napuputol ang lahat ng
parte ng pagkatao ko na naka-konekta sa kanya.

A smile crossed my lips. Isang payapang pakiramdam ang bumalot sa akin.


Para bang isang tali ng lobo ang binitawan ko at nang lumutang ito sa
langit, ganoon din ang naging pakiramdam ko. Malaya. At noong oras na yon
alam ko. Yon na ang huling pagkikita namin ni Ashton Montecillo.

***
Author's Note:

Next part is the epilogue. It is the LAST part of the story. Wala pong
Book 2 whatsoever.

Last chance to voice out your thoughts about the story. Is there a chance
of happy ending or nah?

Lahat ng hinanaing at saloobin niyo sa story pwede niyo ng ilabas lol.


Binabasa ko ang comment box from top to bottom.

Thank you for being part of Delia and Ashton's story.

@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Epilogue

E P I L O G U E

Six years later

"And then Peter Pan said: Come with me, Wendy. Come with me to a place
where you'll never have to worry about grown-up things."

Naririnig ko ang sarili kong boses na nage-echo sa buong classroom.


Ganoon din ang ingay ng mga estudyanteng nasa harap ko. Some of them are
sitting on the colorful matted floor, some sitting on miniature chairs.

Pumapasok mula sa nakabukas na mga bintana ang hangin at liwanag mula sa


labas. Nasa gitna ako ng classroom. Pinaliligiran ng mga bata from ages
four to five. Their wide eyes stared in interest, their small finger
holding something from crayons to Lego blocks and colored papers.
"And then Wendy said: I don't know how to fly. Can you teach me?"

Nakita ko ang excitement sa mata ng mga estudyante ko. Isa sa kanila ang
nagtaas ng kamay. "Oh! Oh! Teacher I know!"

Napangiti ako. "Yes, Delton?"

Napalingon ang mga classmates niya sa kanya. "Just think happy thoughts!"
masiglang sagot nito.

Muli akong napangiti. "Very good." Humarap ako sa buong klase. "Just
think happy thoughts, and they lift you into the air!"

Anim na taon. Anim na taon na din ang lumipas. Madami na ang nagbago.
Nakapagtapos na kami ng college at ang iba sa amin ay may kanya kanyang
trabaho na. May umalis. May dumating. May mga hindi na muling bumalik.

"Class, magkikita tayo ulit tayo sa Monday, okay ba?" nakangiting paalam
ko sa mga estudyante matapos ang klase.

"Yes teacher!" masiglang sagot nila.

Nagsimula akong magligpit ng gamit. Nagpaalam ang mga estudyante ko bago


masayang nagtakbuhan palabas ng classroom. Sinalubong sila ng mga
magulang na nakaupo sa benches sa labas ng classroom at naghihintay.

Pinatong ko ang librong hawak ko sa mesa. Napatingin ako sa maliit na


calendar na nandoon. January 22, 2015. Isang ngiti ang sumilay sa labi
ko. Happy 24th Birthday Ashton Montecillo.

Six long years had passed. Isa na akong pre-school teacher ngayon. Nag
tuturo ako sa elementary school kung saan ako dati ng aaral. Kung saan ko
siya unang nakilala. Kung saan kami huling nagkita.

Lumabas ako sa classroom at ni-locked ang pinto. Narinig ko ang


masasayang pag uusap ng mga estudyante ang magulang habang pauwi na ang
mga ito. Nang makalabas na ako ng building— bumungad sa akin ang preskong
hangin sa labas.Maaliwalas noong hapon na yon. Payapa ang buong paligid.

Kamusta ka na, Ashton?

Nagsimula akong maglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang
sasakyan ko. Nasalubong ko ang ilan sa mga estudyante ko na muling nagpa
alam. Ang iba sa kanila nanatili para makipaglaro sa mga kaibigan bago
umuwi. May ilang masayang nakikipag habulan. Habang nagbabantay naman sa
gilid ang kanilang mga magulang.
Ilang mga bata ang napansin ko na tila ba may pinagkakaguluhan. Napa-
paused ako sa paglalakad at napatingin sa playground. Bahagyang kumunot
ang noo ko. Isang lalakeng naka navy blue polo shirt at dark jeans ang
nakatalikod mula sa akin at nakikipaglaro sa mga bata.

Tila ba manghang mangha ang mga bata sa ginagawa niyang trick sa bola.
Pinaikot niya ang bola sa daliri niya— a common basketball trick. The
kids are staring with wide eyes and slightly agape mouth. Isa sa mga
estudyante ko ang nakakita sa akin. "Teacher Delia!" excited na sabi
nito.

Humarap ang lalake sa akin nang marinig ang pangalan ko. Isang familiar
na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Napangiti na din ako. Pinat niya
ang ulo ng isa sa mga estudyate bago iniwan ang bola sa kamay nito.

"Performing tricks again, Engineer De Lara?" nakangiting tanong ko.

Natawa siya. "Mga bata lang ata ang nakaka appreciate ng trick na yon."

Nagsimula kaming maglakad papunta sa parking lot. Napansin ko ang kotse


niyang nasa tapat ng gate. Naglalakad siya sa tabi ko habang nakapamulsa.
May ilang magulang ang napagpaalam sa amin. Maya maya pa napansin kong
napalingon si Micko sa akin.

"Derecho na tayo doon?" tanong niya.

"Ano pa nga ba?" nakangiting sagot ko.

"Let's use my car." he volunteered.

Binuksan niya para sa akin ang pintuan ng sasakyan nang makarating kami
doon. Pumasok ako sa loob habang inaayos ang gamit ko.

"I wonder what's the occasion bakit nagyaya bigla si Reese." I said.

Micko chuckled nang makaupo siya sa driver's seat. "Binasa mo ba ang e-


mail niya? Opening ng second branch ng coffee shop niya."

"Oh." sagot ko. "Akala ko doon lang ang venue." Pinaandar niya ang
sasakyan at nagsimula kaming magbyahe.

Totoo ngang malayo na kami mula sa mga carefree teenagers anim na taon na
ang nakararaan. Ang iba sa amin may kanya kanyang professions na.
Samantalang may ilan na wala na kaming balita.
Isa ng Engineer si Micko sa isang malaking construction firm. Si Mindy
isa ng event organizer. May nag-start ng business tulad ni Reese. Owner
na siya ng dalawang coffee shop. May naging nurse na din, teacher tulad
ko, ang iba nagta-trabaho sa malalaking kompanya at bangko.

"Hindi man lang ako nakapag palit. Baka masyadong formal ang event na
yon." komento ko habang nasa sasakyan.

"Ang sabi niya close friends lang ang inimbita niya. And it's a coffee
shop. You don't need to be formal."

"Pero importante yon para kay Reese. I should have at least dress my part
as a friend. Not a pre-school teacher." sagot ko.

Natawa si Micko. "Typical, Delia. Very typical of you." sabi niya habang
derecho parin ang tingin sa daan.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm serious, Micko." I muttered.

Pero kalaunan ay napangiti na din ako. Nasanay na ako sa pang aasar ni


Micko. Lalo na nitong mga nakaraang taon. Minsan tinatanong ko ang sarili
ko kung bakit hindi nalang siya. Pero alam naman naming pareho kung
hangang saan lang talaga kami.

Six years ago, dalawang lingo matapos umalis ni Ashton Montecillo. Sinabi
ko kay Micko ang totoo. May gusto ako sa best friend niya. May gusto ako
kay Ashton mula pa noong mga bata kami. Sinabi ko yon para pare-pareho
kaming maka move on sa nangyari. Noong una hindi siya makapaniwala. Hindi
niya ina-asahan na magkakilala kami.

Pero nagulat ako nang bigla niya nalang akong pagalitan dahil ngayon ko
lang ito sinabi— ngayong nasa London na si Ashton. Akala ko talaga doon
na masisira ang pagkakaibigan namin. Pero nagkamali ako. Dahil mas naging
concern pa siya para sa akin.

Hindi lahat ng binibigay ay kailangang may eksaktong kapalit. Yon ang


sinabi niya. Kaya kahit galit siya at nasaktan, hindi niya gusto na dahil
doon ay masira ang pagkakaibigan namin.

Ngayon may girlfriend na niya at dalawang taon na sila. Pero kahit


lumipas ang madaming taon at nagkaroon na kami ng kanya kanyang mga
buhay, hindi parin siya nawala sa tabi ko.

"Hindi mo sinama si Janine?" tanong ko nang huminto kami sa tapat ng


isang traffic light.
Napangisi siya nang maalala ang girlfriend. "May field project. Isa pa,
hindi yata pwedeng magsama ng date."

"Oh." sagot ko. "Hindi ko nabasang mabuti ang e-mail ni Reese. Hindi
bale, wala din naman akong isasama." biro ko.

Napalingon si Micko sa akin. "Find a boyfriend, Delia." natatawang sagot


niya. "Reese and Mindy already had one."

Marahan niyang tinuro ang tapat ng puso ko. "Siya parin ba ang nandyan
after all these years?"

Ngumiti lamang ako. Umandar muli ang sasakyan. Napatingin ako sa labas ng
bintana. "I don't know."

I waited for time to heal me and help me to let go. Pero nanatili siya
bilang parte ng buhay ko. What we had is not a typical high school love
gone wrong. He was my childhood dream. He taught me the other side of
things. Niligtas niya ako.

Hindi madaling makalimutan ang mga taong hinayaan kang makita ang mga
kahinaan nila. I realized I'm attracted to people with flaws and
imperfections. People who are full of wounds and still standing on their
feet. Gusto ko silang makitang bumangon, maging maayos, at mahigitan ang
dating sila.

Ashton was not perfect. Actually he is far from it. But he saved me the
same time he was hurting. And that means the world to me. Saving someone
else when you are the one who really needs saving. Inuna niya ako kesa sa
sarili niya. And I don't know how many versions of love there is in this
world, but his version is what I admire the most.

I hope to find that kind of love one day.

Nakarating kami sa tapat ng isang exclusive building. Halos kalahati ng


first floor ay para sa coffee shop ni Reese. Dumerecho ang sasakyan ni
Micko sa katapat nitong parking lot.

Bago bumaba sa sasakyan, hinawakan niya ang kamay ko. "Don't worry," he
said. "Time didn't let you to forget for no reason."

Natigilan ako sa sinabing yon ni Micko. Pero hindi na siya muling


nagsalita pa. Lumabas siya sa sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya.
Pinagmasdan ko ang maganda at maaliwalas na coffee shop sa harap namin.

Mukhang kaninang umaga pa natapos ang opening nito. But Reese wants us to
be here on the first day. May ilang customer ang pumasok. Meron ding
kalalabas lang. Pinalilibutan ang coffee shop ng mga green na halaman.
Nakaopen ang maroon umbrella ng mga tables na nasa labas.

"Nandyan na kaya sila? Sino ba ang mga invited?"

Pumasok kami sa coffee shop. Pagkapasok namin, nalanghap ko agad ang amoy
ng kape at freshly baked na tinapay. Pinaliligiran ng glass wall ang
coffee shop kaya maaliwalas at maluwang tingnan. Light and pastel colored
ang motif ng interior at mga gamit.

"Nandoon sila." Tinuro ni Micko ang bandang likod ng coffee shop. May
ilang grupo doon na nakaupo malapit sa glass wall at nakaharap sa garden
sa bandang likod ng shop. Marahan niya akong hinila papunta doon.

"Si Mindy!" sabi ko nang mapansin ang babaeng may maikling buhok at
nakaupo sa high chair. Nakaharap ito sa counter sa sulok at may hawak na
tall glass ng Frappuccino. Ilang buwan ko din siyang hindi nakikita.
Napansin niya ang pagdating namin kaya excited na kumaway ito.

Nandoon din ang ilan sa mga high school batch mates namin. Karamihan sa
kanila ay mga kaibigan nila Reese at Micko. I even saw some members of
the former varsity team. Nakaupo sila sa kanya kanyang mga tables at
highchairs at masayang nag uusap.

Marahan kong hinila ang sleeves ni Micko habang naglalakad papunta sa


kanila. "What's up? May reunion ba tayo?" tanong ko.

Nakita namin si Reese na kaharap ang isang empleyado malapit sa staff


room. Natigilan ito at bahagyang ngumiti sa amin. She motioned for us to
join the group at susunod siya.

Ngumiti si Micko sa tanong ko. A strange smile. "Aren't you forgetting


about something?" he asked. Napansin ko ang bahid ng amusement sa boses
niya.

"What?"

Nakarating kami sa harap ng mga batch mates namin. Nakakatuwa lang na ang
iba ay halos kagagaling lang sa trabaho tulad ko. Some of them are still
in their corporate uniforms.

"Someone has a birthday."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pabulong lang ito pero pakiramdam ko


tumahimik ang paligid nang sabihin niya yon. I stood there frozen on my
spot na tila ba hindi makapaniwala.
"Hey what—"

Napalingon ako kay Micko pero wala na siya sa tabi ko. Pinuntahan niya
ang dati niyang mga kasamahan at masayang binati ang mga ito. Napakurap
ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Just then I heard someone called. "Nandyan na pala siya eh."

Napakurap ako. Sino? Napatingin sa direction ko ang mga kasamahan ko.


Pero hindi sila sa akin nakatingin. Kung hindi sa likod ko. Napangisi ang
iba. Someone even whistled.

"Aba, may amoy balik bayan.

"Pasalubong naman dyan."

"Mukhang manlilibre ang birthday celebrant."

"Maligayang pagbabalik, Ashton Montecillo!"

Bigla akong nanghina. Pakiramdam ko hindi na ako makatayo ng maayos.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na noong marinig ko ang
familiar na tawa na yon. Tawa na anim na taon ko ding hindi narinig.

"Mukhang walang nagbago dito, ah."

Tila ba bumalot sa buong paligid ang boses niya. I noticed how his voice
became deeper. Mababakas din doon ang accent na nakuha niya sa ibang
bansa. Napatingin ako kay Micko na nakatayo malapit sa mga kasamahan
nilang nag aasaran. What is happening?

Ngumiti lamang si Micko. Nagtayuan ang mga kasamahan niya para batiin ang
bagong dating. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko. Nagkamustahan sila.
I even heard some shoving and high five. Hinila ko si Micko na papunta
sana kay Ashton.

"Micko..." wala sa sarili na sabi ko. Hindi ko alam ang sasabihin.

"What?" nakangiting sabi niya. Nang aasar. "Hindi mo ba babatiin ang may
birthday?"

Maging si Mindy ay marahan akong hinila papunta kay Ashton. Nakangiti


ito. "Deels, come on. Ang tagal din kaya natin siyang hindi nakita."
Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa kanila. Kinakabahan ako. Ramdam
na ramdam ko ang tibok ng puso ko. After all these years, am I ready to
face you? Ashton Montecillo.

Mula sa gitna ng mga kumpol ng mga batch mates namin, nakita ko ang mukha
ni Ashton Montecillo. Nandito na nga talaga siya. Nakangiti ito. Natatawa
habang nakikipag usap sa mga kaibigan niya.

Napansin ko na mas tumangkad ito. Pumuti din. May kulay ang buhok, copper
brown. Mas naging lean din ito. Pero nandoon parin ang familiar nitong
ngiti. Half grin, half amused smile. Mukhang masayang masaya siya.

"Ano na? Wala ka bang dala? Pasalubong?" narinig kong tanong ng isa sa
kaibigan niya.

"Baka naman girlfriend ang dala." natatawang komento ng isa.

Isang masakit na pakiramdam ang bumalot sa dibdib ko. Meron na nga kaya?
Sino kaya ang maswerteng babae? Out of nowhere biglang nagtama ang
paningin namin ni Ashton. Biglang huminto ang paghinga ko. Tama ba ang
nakita ko? Recognition. He recognized me.

Agad na nawala ang tingin na yon nang may sinabi siya kay Micko.
Napangiti naman si Micko dahil doon. Maya maya muli siyang nagsalita sa
harap ng mga kaibigan. Napatikhim ito.

"May gusto kasi akong balikan kaya ako nandito." sabi niya habang
nakangiti. Napa-taas ang kilay ng mga kaibigan niya.

"Hindi nga?" tanong ng isa sa kanila. "May sineryoso ka dito?" biro nito.
Marahan naman siyang sinapak ng kasamahan nila.

"Ang sabi ko, magse-seryoso muna ako. Aayusin ko ang buhay ko. Haharapin
ko ang mga responsibilidad ko."

Pakiramdam ko naestatwa ako nang mapatingin si Ashton sa akin. Nakatingin


siya sa akin habang sinasabi ang mga salitang yon.

"Six years ago my life was a mess. Kaya nangako ako na hindi ako babalik
hangang hindi ako nagiging deserving para sa babaeng yon."

Hindi ko alam kung bakit pero gusto ng tumulo ng mga luha ko. Nanginginig
na ang mga kamay ko.

"Since I saw her crying on the swing, I realized why she is so familiar
to me." Mas lalong naguluhan ang mga kasamahan niya pero walang ni isa sa
kanila ang nagsalita. Nakatingin na sila ngayon sa akin at kay Ashton.
Tila ba nagtataka sila kung bakit sa akin ito nakatitig.

"May gusto lang akong ibalik."

Lumapit sa akin si Ashton. Mas lalo akong hindi nakagalaw. Pinaliligiran


na kami ngayon ng mga batch mates namin. Wala silang idea sa pinag
uusapan namin. Pero nakangiti sila. Mindy smiled at me. As well as Micko.
Kahit si Reese na kararating lang, nakangiting pinagmamasdan kami.

Nang nasa harap ko na si Ashton, tinitigan ko ang familiar niyang mukha.


Gusto ko itong hawakan. Natatakot ako na isa nanaman ito sa mga panaginip
ko. May kinuha siya sa bulsa niya. Isang papel.

Nilagay niya ang papel na yon sa mga kamay ko. I flinched when his hands
made contact with mine. Pinagmasdan ko ang palad ko at nakita ang
familiar na papel na nandoon. Papel na ang tagal ko ding hinanap.
Natigilan ako.

"Noong umalis ka at kinuha ang bag mo mula sa swing six years ago,
nahulog ang notebook kasama niyan." Napakurap ako. "Iningatan ko yan para
magkaroon ako ng dahilan para muli kang makita."

Bigla akong niyakap ni Ashton. Bumalot sa akin ang familiar niyang amoy.
Hindi ko akalain na mayayakap ko siya. Na makaka-usap ko siya ng ganito
nang hindi lang ako ang nakakakita.

"I miss you."

Pinagmasdan niya ako at wala akong nagawa kundi ang titigan siya.
Napapikit ako nang maramdaman ang halik niya sa noo ko, down to the tip
of my nose, hangang sa napunta sa labi ko. Tulad noong hapon na yon.

"I miss you so damn much."

Pinagmasdan namin ang isa't isa. Hinawakan ko ang kanyang mukha. He's
here. He's really here in front of me. Hinawakan niya ang kamay kong may
hawak ng papel. Binuksan niya ito at pareho naming binasa ang nakasulat.

It was a note. A note from six years ago. Ang note na mula mismo kay
Ashton. Binaliktad niya ang papel at nabasa ko ang nakasulat sa likod
nito. Pinagmasdan ko ang nakangiting si Ashton.

My miracle.

T H E E N D
***

Author's Note:

For the last time, thank you for being part of Delia and Ashton's story.
Thank you for shipping #DelTon and showing your love with comments,
messages, FB posts, and tweets.

I will miss this story as much as you guys will miss it. Maybe even more.
Pero dito na natatapos ang story nila. And I hope you understand why.
Thank you so much for reading The Jerk is a Ghost and sharing your
emotions and tears for this story.

You can always tweet or message me your thoughts. @avery_WP. BYE, GUYS.
And oh, see you on my other stories. Stay awesome as always.

@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

=================

The Jerk: Special Chapter

THE JERK IS A GHOSTSPECIAL CHAPTER

Kasalukuyan akong nanonood ng movie sa sala ng aking apartment, habang


nakaupo sa sofa, at may hawak na bowl ng popcorn. Subalit hindi ko
magawang ituloy ang pagsubo ko sa dakot ng popcorn sa palad ko dahil
pakiramdam ko maiiyak na ako sa eksenang pinapanood ko. Binaba ko ang
bowl ng popcorn sa mesa at kinuha ang kumot sa tabi ko at bahagyang
pinunasan ang mga mata ko.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang phone ko sa tabi ng bowl. Inabot ko


ang remote para i-paused ang pinapanood ko at sinilip ang screen ng phone
ko. Tumatawag si Ashton Montecillo. I cleared my throat before tapping
the answer button.
"Hey," halos paos na bati ko.

Napapaused sa tangkang pagsasalita si Ashton nang marinig ang boses ko. I


can already imagine him frowning.

"May sakit ka ba?" tanong niya mula sa kabilang linya.

Bahagya akong natawa. "Wala. Wala ah. May pinapanood lang ako." Muling
pause. Nakarinig ako ng pagsara ng pintuan at ingay na tila ba naglalakad
siya. Maya maya pa, bigla siyang nagtanong.

"Gusto mo ng ice cream at pizza?"

Biglang kumunot ang noo ko. Eh? "Syempre, sino ba ang tatangi sa
pagkain?" sagot ko habang nakangiti.

"Labas ka."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Tuluyan kong inalis ang kumot sa
lap ko, sinuot ang house slipper ko, at umalis mula sa pagkakaupo sa
sofa. Naglakad ako papunta sa pintuan ng apartment ko. Bahagya ko itong
binuksan. Nang sumilip ako sa labas, walang tao. Tuluyan akong naguluhan.
Binuksan kong mabuti ang pintuan at linibot ang tingin sa madilim na
paligid. Tahimik.

"Nasaan ka?" tanong ko kay Ashton mula sa phone ko. Bigla akong nakarinig
ng ingay sa kabilang linya, tila papel o plastic na nalulukot.

"Lumabas ka." sinabi niya.

"Nasa labas na ako, Ashton." I pointed out. "Ano bang nangyayari?"

Naglakad ako papunta sa veranda ng bahay na inuupahan ko. Sinilip ko ang


labas ng gate, isang itim na kotse ang nandoon. Kay Ashton.

"Where are you?" patuloy na tanong ko. Maya maya pa tuluyan kong naaninag
ang paglabas ng isang lalake mula sa sasakyan. Napabuntong hininga ako
nang makita si Ashton.

"Tinakot mo ako." asik ko habang natatawa.

Hawak ko parin ang phone ko sa tenga, pinagmasdan ko si Ashton na


naglalakad papunta sa akin, hawak ang phone sa isang kamay, at sa isa
naman ay hawak ang box ng pizza at nakapatong doon ang dalawang tub ng
ice cream na may magkaibang flavor.
"Anong meron?" tanong ko sa phone kahit halos nasa hearing distance na
kami.

"Gusto lang kitang makasama, masama ba?" tanong niya habang nakangiti.
"Alam ko namang hindi ka tatangi kapag may dala akong pagkain."

"Baliw ka." natatawang sagot ko.

Tuluyan ko ng binaba ang phone ko mula sa aking tenga at pinagmasdan siya


na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko. Gray and black sweater na
nakalislis hangang siko, faded denim jeans, black sneakers.

"Pinaka gwapong pizza delivery guy, ano?" nakangising tanong niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti. "Oo na." sagot ko. "Hindi ka parin


nagbabago."

Dalawang buwan na ang lumipas mula noong bumalik si Ashton Montecillo


mula sa London. At sa dalawang buwan na yon, pakiramdam ko hindi kami
nagkahiwalay ng anim na taon.

Pumasok ako sa loob ng apartment at sumunod siya. "Hindi ba dapat nasa


business trip kayo ngayon ni Micko?" tanong ko. "Yong resort sa Batangas,
tama ba?" Mula kasi noong dumating siya, naging mag business partner na
sila ni Micko. Ang alam ko matagal na din nilang napagusapan ito, nasa
London palang siya. An architect and an engineer.

"Umuwi na ako. Namimiss na kita eh." sagot niya.

Pinagmasdan ko siya habang binababa niya ang dalang pagkain sa mesa sa


tabi ng bowl ng popcorn ko. I know we are more than a couple with a two
months relationship. Matagal naming hinintay ang isa't isa. Pero hangang
ngayon, kapag seryoso siyang ganyan, hindi ko parin maiwasang matigilan.

We often talk about what we have during nights like this, kapag nandito
siya sa apartment. Sometimes he talks about a few plans, plans for the
future, plans with me. Minsan pabiro, madalas seryoso. It's like Ashton
has been waiting for this all along, the same way I waited for him.

Pumunta siya sa kusina, sanay na sanay na siya sa apartment na ito. Lagi


siyang nandito at halos alam na niya ang bawat sulok at kung saan
makikita ang mga gamit. Kumuha siya ng dalawang kutsara saka muling
lumabas.

Binuksan niya ang dalawang tub ng ice cream at maging ang box ng pizza.
Saka siya pabagsak na umupo sa sofa tulad ng lagi niyang nakasanayan.
"Anong pinapanood mo?" tanong niya habang kumukuha ng isang slice ng
pizza. Tumabi na din ako sa kanya sa sofa.

"The Notebook."

"Kaya pala ganyan ang boses mo. Umiyak ka nanaman siguro, ano?" Humarap
siya sa akin habang nakangisi at ginulo ang ibabaw ng buhok ko gamit ang
free hand niya. "Ikaw talaga."

Muli kong ni-play ang movie at umupo ng komportable sa tabi ni Ashton.


Kinuha ko ang avocado ice cream at nagsimulang mag scoop doon. Ilang
minuto din ng katahimikan ang lumipas bago ako muling nagsalita.

"Anong oras ka dumating mula Batangas?" tanong ko bago sumubo. Derecho


ang tingin ko sa screen habang kumakain at ganoon din si Ashton. Pero
tila ba may iba pa siyang ini-isip maliban sa pinapanood at kinakain
niya.

"Kanina lang." sagot niya habang kumakain. "Dumaan lang ako sandali sa
Pizza Hut at convenient store bago ako dumerecho dito."

Napapaused ako sa tangkang pagsubo ng ice cream. "Nagpahinga ka sana


muna." nakasimangot na sinabi ko.

Bahagya siyang humalakhak bago napalingon sa akin. "This is the only kind
of rest I want." sagot niya. "Ikaw, napagod ka ba ngayong araw?"

Umiling ako. "Maghapon akong gumawa ng lesson plan at mga activities para
sa mga bata. Dumaan din si Mindy kanina."

"Hwag kang masyadong magpapagod, Delia." sagot niya. Naubos niya ang
kinakain at pinunasan ng tissue ang kanyang kamay. Saka siya sumandal sa
sofa at bumuntong hininga.

Pinagmasdan ko siya, bahagyang nagtataka. Anong meron? Bakit mukhang wala


siya sa sarili? Bigla siyang humarap sa akin, ngumiti, at sumandal sa
balikat ko na parang bata. His right hand found its way through my waist,
pulling me closer. Maya maya pa, nagsalita siya, tanong na hindi ko
inasahan.

"Delia, noong nawala ako ng anim na taon, namiss mo ba ako?" tanong niya.
"Naisip mo ba na baka hindi na ako bumalik? Na maghanap ka nalang iba?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Pinatong ko sa mesa ang hawak kong
ice cream at bahagyang napalingon sa kanya, pinagmamasdan siya, habang
derecho ang tingin niya sa TV screen.
"Kasi ako hindi." sagot niya. "Hindi ko kailanman naisip na maghanap ng
iba." Tila wala na siyang pakialam kung naririnig ko pa ba ang sinasabi
niya o hindi. Tila nagsasalita siya para sa sarili niya.

"Titingnan ko palang ang picture mo na pinadala ni Micko, sapat na."


Inabot niya ang kamay ko at tila pinaglalaruan niya ang mga daliri ko.
"Pasko, bagong taon, birthday mo, graduation. Lahat ng mga yon, ilang
beses kong pinigilan ang sarili ko na umuwi dito."

Bahagya siyang napa-paused na tila ba inaalala ang mga panahon na yon.

"Minsan magpapa reserved na ako ng ticket kasi hindi ko na matiis. Pero


maaalala ko ang pangako ko sa sarili ko at ang tahimik na pangako ko
sayo. Babalik lang ako kapag maayos na ang buhay ko, kapag may pwede na
akong ipagmalaki, kapag karapat dapat na ako sayo."

Naging tahimik ako. Maging ang pinapanood ko ay nawala na sa isip ko.

"Kahit umuwi ang Ama ko dito, hindi ako sumasama. Winter vacation doon
pero nagrereview ako para sa exams. Kapag napapagod na ako, tititigan ko
ang picture mo at magiging okay na ako ulit."

"Ashton..."

"Humihingi ako ng pictures mo kay Micko. Gusto gusto kong tingnan ang
picture mo noong high school at college graduation niyo. Ang saya mong
tingnan sa mga yon. Pinakita ko nga sa mga kasamahan ko. Gusto kitang
batiin at sabihin na sobrang proud ako sayo."

Tila may kung anong masakit na pakiramdam ang bumalot sa akin. Ashton.

"Alam mo ba, noong nakita kita sa Hospital six years ago, noong nagising
ako, hindi ko alam kung bakit familiar ka sa akin."

Doon ako tuluyang natigilan. Sa loob ng dalawang buwan, isa ito sa topic
na tila iniwasan naming mapag usapan. Ang importante, naalala niya ako sa
bandang huli. Pero kung kailan? Kung paano? Hindi ko alam.

Ang sabi ni Lala, magiging isang malabong panaginip nalang ito para sa
kanila. Tulad ng mga panaginip na hindi mo maalala pag gising mo, pero
alam mong meron. Pero naalala ako ni Ashton.

"Kasama mo noon si Micko, bagay na bagay kayo. Kaya hindi ko alam kung
bakit nasasaktan ako."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin.


"Pupunta na akong London pero ikaw parin ang nasa isip ko. Wala na akong
balak bumalik noon pero nagbago ang lahat ng decision ko noong makita
kitang umiiyak sa swing."

Natense ako at naramdama yon ni Ashton kaya napatigil siya sa paglalaro


sa mga daliri ko. Bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito ngayon?
Naramdaman kong bumuntong hininga si Ashton at nagpatuloy.

"Tinitigan kita habang umiiyak ka. Hindi ko alam kung paano, pero doon ko
naalala ang lahat. Gusto kitang lapitan at kausapin. Pero hindi ko
magawa. Ako yong taong ilang beses nagkapaiyak sayo, ako yong ginustong
tapusin ang sarili kong buhay. Pakiramdam ko madudumihan ka lang sa
akin."

Bahagyang ngumiti si Ashton.

"Kaya gumawa ako ng decision. Babalik ako. Babalikan kita. Aayusin ko ang
sarili ko ang babalikan kita. Noong iniwan mo ako sa playground, mas
matindi ang sakit na nararamdaman ko, dahil alam kong kailangan kong
magtiis ng ilang taon bago ka muling makita."

Tuluyan akong humarap sa kanya. "Ashton, w-why are you telling me these
things now?" tanong ko. Kinakabahan na ako. "A-Ano bang nangyayari?"

Humarap siya sa akin at pinagmasdan ang mukha ko. "Delia?" Napakurap ako
sa seryosong titig niya.

"Magiging makasarili ba ako kapag sinabi kong gusto ko sa akin ka lang?


Akin ka lang, hah? Hindi ko na yata kayang mawala ka."

Wala akong nagawa kundi ang titigan siya. Ashton, hindi mo kailangang
makiusap dahil hindi ako kailanman mawawala sa tabi mo.

"Delia?" muling tanong niya.

"Y-Yes?" I almost breathe.

"Pakasalan na kaya kita?"

***

Author's Note:

Bitin pero namiss ko lang talaga sila hahaha. Affected kasi ako sa mga
comments na nabasa ko these past few days. Kailangan maglabas ng feels
lol. So ayan, okay na ulit ako so this ends here. Thank you for reading!
#DelTon

You can also check my new story Something Spectacular. It's my first teen
fiction story so sana mabasa niyo. If you love TJIAG, I'm sure you'll
also enjoy this one. See you there!

@april_avery

--

Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #TheJerkIsAGhost

You might also like