Fil7-Modyul 3 Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

7

Filipino
Unang Markahan – Modyul 3
Nahihinuha ang kalalabasan ng mga
pangyayari batay sa akdang
napakinggan
Filipino- Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Module 3: EPIKO: Indarapatra at Sulayman
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Grace A. Matsumoto


Tagasuri : Myrna J. Mendaros
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Carteza M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug,, EPSVR, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas 2020


Department of Education- Region VII
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628
Filipino 7
Unang Markahan – Modyul 3
Nahihinuha ang kalalabasan ng mga
pangyayari batay sa akdang
napakinggan

https://fil21armada.wordpress.com/2016/05/20/indapatra-at-sulayman-epikong-mindanao/
Paunang Mensahe

Para sa mga Guro o Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.ii

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, maihahanda ang mga mag-aaral para sa isang


matagumpay na pagtatalakay sa paksa na dapat mong matutuhan sa
modyul.
Ang mga pagtataya sa bahaging ito ay higit na mapanghamon kaysa sa
Madali lang Iyan. Ang mga ito ay inaasahang higit na susubok sa
kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip at pagtuunan nang higit na
pansin ang paksa.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula
sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto


sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


SANGGUNIAN modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Panimula

Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang pangkat-


etniko,rehiyon o lalawigan ng bansa. Ito ay isang uri ng panitikang pasalindila.
Nangangahulugang ito ay nailipat o naibahagi sa pamamagitan ng pasaling pagkukuwento o
pasasalaysay lamang. Isa sa pinakalitaw na katangian ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng
mga pangyayaring di kapani-paniwala o puno ng kababalaghan. Karaniwan itong may
tauhang lubos na malakas at makapangyarihang kinikilalang bayani ng rehiyong pinagmulan
nito.

Ang epiko ay ginamit ng ating mg ninuno upang maipakita ang kanilang mga
pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala, mithiin at layunin sa buhay. Mahirap masabi kung alin
sa mga epiko ang pinakamatanda, sapagkat ang pagkakasalin sa Espanyol o Ingles ng mga
ito ay hindi pa nalalaman. Ang panahon kung kailan nalikha ang isang epiko ay
masasalamin lamang sa mga pangyayaring isinasalaysay ng epiko.

Maraming epiko ang nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno sa bawat pangkat o
rehiyong kanilang kinabibilangan bagama’t ilan lamang sa mga epikong ito ang nakilala at
lumaganap sa bansa dahil sa kakulangan ng sapat ng tala. Narito ang ilan sa mga epikong
nakilala sa bawat rehiyon o pangkat.

• Epiko ng mga Ilokano: Lam-ang


• Epiko ng mga Bikol: Handiong (Ibalon at Aslon)
• Epiko ng mga Ifugao: Hudhud
• Epiko ng mga Maranao: Bantugan
• Epiko ng mga Magindanao: Indarapatra at Sulayman

1
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Kasanayang Pampagkatuto:
• Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.
(F7PN-Ic-d-2)
Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:
1. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa.

2. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay.

3. Napapahalagahan ang pamilya at kulturang Pilipino.

Ikinagagalak kong ikaw ay talagang


nasasabik na matutong pagyamanin ang sarili.
Kaya naman narito ang mga tanong upang
subukan ang iyong kakayahan sa talasalitaan.

PAYABUNGIN NATIN

I. Panuto: Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong ng mga pahiwatig
na titik sa bawat kahon.

K __ w __ __ a 1. Iba pang tawag sa yungib.

B __ y __ n 2. Lantad na lugar; binubuo ng mga barangay.

U __ __ l a 3. Namatayan o nawalan ng mahal sa buhay.

K __ b __ __ __ g 4. Pahabang kahon na pinaglalagyan ng patay.

B __ __ g __ __ y 5. Tawag sa patay na tao o hayop.


2
II. Panuto: Piliin ang salitang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang
kahulugan nito.

1. agad dagli mabilis mabagal


2. nag-aalab nag-iinit nagpupuyos namatayan
3. matalas matalim mapurol nahasa
4. kinain inumin nilapa sinibasib
5. kahindik-hindik malagim masalimuot nakatatakot

BALIKAN
Hindi na maipagkakaila pa na may
natutunan ka sa nakaraang modyul. Kaya
naman naritong muli ang isang hamon para
subukin ang iyong kaalaman.

KILALANIN MO!

Mayroon ka bang kilalang superhero? Sino siya? Subukin mo nga siyang iguhit
o ipakilala sa loob ng kahon. Isulat mo rin ang mga katangiang taglay niya kung
bakit mo siya hinahangaan.

Ang aking paboritong superhero:

Katangian niyang kakaiba o katangi-tangi:

Mga dahilan kung bakit ko siya iniidolo o


hinahangaan:

3
Mga Tala para sa Guro
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at
gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat
ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga
proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na
marka.

TUKLASIN

Tuklasin at basahin natin ang pakikipagsapalaran ng buhay ng mga tauhan sa Epiko


ng Mindanao.
Indarapatra at Sulayman
Salin ni Bartolome del Valle
(Synopsis )

4
I
Nang unang panahon ayon sa alamat, ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit munting
kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay.
Maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

II
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y
nanalot. Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop pagka’t sa pagkain kahit limang
tao’y kayang nauubos.
III
Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang tao na
nakakatakot kung ito’y mamasdan, ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang
at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.
IV
Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad ang bundok ng Bita ay napadilim
niyong kanyang pakpak. Ang lahat ng tao’y sa kuweba tumatahan upang makaligtas. Sa
salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.
V
Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapaglagim ng isa pang ibong
may pito ang ulo; walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaaring
kanyang natatanaw ang lahat ng tao.
VI
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot-lungkot sa maraming
baya’t mga kaharian; si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal ay agad na nag-utos
sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.
VII
“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo ng inyong iligtas ang maraming taong
nangangailangan ng tulong mo’t habag”
“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon din lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang
talim ng tabak.”

5
VIII
Binigyan ng isang singsing at isang ispada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa
pakikibaka. Kanyang isinasabit sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit: “Ang
halamang ito’s siyang magsasabi ng iyong nasapit.”
IX
Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong si Kurita, siya ay
nagmasid at kanyang natunghan ang maraming nayong walang kahit isang taong tumatahan.
“Ikaw magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang wika.
X
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas itong si
Kuritang sa puso’y may poot. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hanggang sa malagot ang
tangang hiningi niyong si Kuritang sa lupa ay salot.
XI
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang Tagumpay kaya’t sa Matutum, ang
hinanap naman ay si Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ang kanyang namalas ang
nakahahambal na mga tanawin:
“Ngayon di’y lumabas nag ika”y mamatay.”
XII
Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok at ilang saglit pa’y nagkaharap
silang puso’y nagpupuyos. Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinag-uulos. Ang
kay Tarabusaw na sadata nama-sangang panghambalos.
XIII
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang, ang ganid na hayop sa malaking
pagod ay napahandusay. “Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman at
saka sinaksak ng kanyang sandata ang pusong halimaw.

XIV
Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita. Siya’y nanlumo pagkat ang
tahanan sa tao ay ulila; ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayon maaga pa at kanyang
natantong ang kalabang ibon ay dumarating na.

6
XV
Siya ay lumundag at kanyang tainga ang pakpak ng ibon datapwa’t siya ring ang sinamang-
palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan niya’y sa lupa bumaon kaya’t si
Sulayman noon ay nalibing na walang kabaong.

XVI
Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagkat ang halaman noon di’y nalanta’t
sanga ay nangabali:
“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”
XVII
Nang siya’y dumating sa bundok ng Bita ay kanyang binuhat ang pakpak ng ibon. Ang
katawang pipi ay kanyang namalas. Nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang
nagliwanag at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.

XVIII
Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at laking himala. Ang kanyang
kapatid ay dagling nabuhay. Sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka
pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.
XIX
Sa bundok ng Kurayan ang kanyang sinapit ay agad hinanap ang ibong sa tao’y nagbibigay
lagim a nagpapahirap. Dumating ang ibong kay laki ng ulo at ang kuko-matalas. Subalit ang
kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas.
XX
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang:
“Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang, kaming mga labi ng ibong gahaman
ngayo’y mabubuhay. “At kanyang namalas ng maraming taong noo’y nagdiriwang.

7
XXI
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling
na lakip ng sumpa na ila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng adhika ang kanilang puso,

“Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.

XXII
Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman at muling lumitaw ang lawak ng lupang
pawang kapatagan; si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan at dito naghari sa
mayamang lupa ng pulong Mindanaw.
*https://rizhau.wordpress.com/2009/10/22/indarapatra-at-sulayman/

SURIIN

Mga Hamon sa Pag- unawa:

Panuto: Isulat ang inyong mga naging tugon sa iyong kwaderno o sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akdang binasa? Ilarawan ang katangian
ng bawat isa.

2. Ano-anong problema o suliranin ang makikita sa unang bahagi ng akda?


Isa-isahin ang mga ito.

3. Paano nabigyang-solusyon ang mga nasabing problema? Ipaliwanag ang sagot.

4. Sa iyong palagay, madali bang gawin ang naging pasya ng magkapatid na


Indarapatra at Sulayman? Bakit?

8
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila,gagawin mo rin ba ang ganoong pasya?

6. Ano ang ibinunga sa buhay ng magkapatid ng ginawa nilang pagtulong sa Mindanao?

7. Ano naman ang naging bunga nito sa mga taong kanilang tinulungan?

8. Paano ipinakita sa akda ang mabuting dulot ng pagtutulungan?

PAGYAMANIN

Simbolo! Suriin Natin!

Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akdang nakatala sa


bawat bilang. Ang unang bilang ay sinagutan na upang maging gabay mo
sa pagsagot.

1. simbolo (Saknong II): apat na halimaw

Ang apat na halimaw na maaring pumatay o lumapa sa mamamayan ay sumisimbolo sa


malaking problema dumating sa buhay ng mga mamamayan sa Mindanao. Dahil marami at
malaki ang problema , nangangahulugan din ito na kailangan ng Mindanao ng mahusay ,
2. simbolo ( Saknong VIII): halaman
matapang, at makapangyarihang pinuno o taong makatutulong sa kanila.

2. simbolo (Saknong VIII): halaman

9
3. simbolo (Mga Saknong XVII at XVIII): tubig

4.simbolo (Mga Saknong XII at XXI): puso

BIGKAS KO, ISIPIN MO!

Panuto: Alamin kung anong katangian mayroon ang tauhang nakatala ayon sa
kanilang sinabi. Piliin ang tamang sagot at ipaliwanag sa patlang kung
bakit ito ang iyong sagot.

1. Indarapatra: “Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo, na iyong iligtas ang maraming


taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”

Likas na maawain

Mahina ang loob

May malasakit sa kapwa

Paliwanag:
_______________________________________________________________

10
2. Sulayman: “Ika’y magbabayad mabangis na hayop.”

Mabangis sa hayop

Mapaghiganti sa kapwa

Matapang na mandirigma

Paliwanag:
_______________________________________________________________

3. Diwata: “Salamat sa iyo, butihing bayani, na ubod ng tapang, kaming mga labi ng
ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”

Mapagpasalamat

Marunong tumanaw ng utang na loob.

Magalang sa maykapangyarihan

Paliwanag:
_____________________________________________________________

ISAGAWA

PAGKURO- KURO

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano mo ipinakikita ang iyong pagdamay sa mga taong nangangailangan?

2. Sa iyong palagay, tungkulin ba nga bawat isa ang tumulong sa sinumang


nangangailangan? Pangatwiranan.

11
TAYAHIN

HANAYIN NATIN!!

Panuto: Ihanay sa angkop na kahon ang mga sagot na nasa loob ng hugis puso batay sa
tanong.

A. Katangian ng halimaw na B. Katangian ng halimaw na C. Katangian ng halimaw na


si Kurita. si Tarabusaw. si Pah.
1. 1. 1.
2. 2. 2.
D. Katangian ng halimaw na E. Bakit namatay si F. Paano nalaman ng kapatid
nakatira sa Bundok Gurayu Sulayman? na si Indarapatra na may
1. 1. nangyaring masama kay
2. Sulayman?
1.

• Malaking ibon
• May matang malinaw at kukong matalas
• Maraming paa
• Ganid o matakaw
• Ibong may pitong ulo
• May matalas na kuko
• Mukhang tao na nakakatakot pagmasdan
• Kumakain ng tao
• Nadaganan ng pakpak ng ibong si Pah
• Nalanta at nabali ang sanga ng halaman

12
Gamitin ang puso upang hindi magkamali.
Kung ano ang tinitibok ng puso ay siyang
piliin upang hindi ka manghihinayang
sa huli.

SUSI SA PAGWAWASTO

13
14
SANGGUNIAN

Indarapatra at Sulayman l i- storya. [ Retrieved Online]

https://rizhau.wordpress.com/2009/10/22/indarapatra-at-sulayman/

Alma M. Dayag et.al. Pinagyamang Pluma 7. Alamin Natin:

Epiko. Pahina 63-64

Philippines’ SARIMANOK [ Retrieved Online]

https://www.pinterest.ph/pin/336151559667444319/

Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao). [ Retrieved Online]

https://fil21armada.wordpress.com/2016/05/20/indapatra-at-sulayman-epikong-
mindanao/

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education- Region VII- Division of Cebu Province


Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

You might also like