Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: Arianne U. Jenotan SEKSYON: K12.1

PAMAGAT NG GAWAIN: Pangganyak PETSA: 11-11-20

Masasabi nating maganda ang pagkakabuo ng liham katulad ng isang magandang larawan na
nasa itaas, sapagkat, ito ay organisado at malinis tingnan. Makikita sa larawan ang pantay na
sukat ng kuwadro na nagsisilbing palugit sa paggawa ng liham at nagbibigay ng agwat sa pagitan
ng mga salita at sa border ng isang maayos na liham. Habang ang larawan sa loob ng kuwadro ay
ang katawan o nilalaman ng liham at ito ay malinaw at may iisang paksa na tinatalakay. Pawang
kaakit-akit ang isang liham dahil sa pagkagawa nito, lalo na kung ito ay kapansin-pansin dahil sa
pormat na sinusunod at maikli lamang ang nilalaman na hindi masalita sa isang liham. Katulad na
lamang sa larawan na mayroong itinampok na isang halaman na kaakit-akit dahil sa paraan ng
pagkuha ng larawang ito na maihahalintulad sa paggawa ng liham, kung ano ang paraan o mga
alituntunin ay ang siyang naging gabay ng manunulat ng liham sa pagsulat nito.

Magiging maganda lamang ang isang liham kung ito ay may kumpletong impormasyon ngunit,
maliwanag, malinaw, at maayos ang pagkakasunod ng ideya o ang nais ipabatid. Isa pa, ang
pagpili sa mga salitang nakaangkop sa liham na gagawin o damdamin ng isang manunulat ng
liham ay nararapat na isaalang - alang kung susulat ng liham. Bagaman, kinakailangan din na
diretsahan ang mensaheng ipinababatid ng liham sa kaniyang patutunguhan. Samakatuwid,
kasingganda at organisado ng larawan ang liham kung palaging tatandaan ng manunulat ang mga
mahahalagang detalye at mga tuntunin sa pagsulat ng mahusay na liham.

You might also like