Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Imperyalismo - ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o

makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang


kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na
pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
Jallianwala Bagh Massacre - ay naganap noong ika-13 ng Abril 1919 nang ang mga tropa
ng British Indian Army sa ilalim ng utos ni Heneral Dyer ay nagpaputok ng mga riple sa
isang karamihan ng mga Indian, na nagtipon sa Jallianwala Bagh, Amritsar, Punjab .
British East India Company - ay isang kumpanya na nabuo para sa pagsasamantala ng
kalakalan sa East at Timog Silangang Asya at India.
Pag-aalsang Sepoy - isang rebelyon sa India laban sa pamahalaan ng British East India
Company, na tumakbo mula Mayo 1857 hanggang Hulyo 1859.
British Raj” Jewel in the Crown” - Dahil sa Rebolusyong Industriyal, nagsilbing
pangunahing tagatustos ang India ng hilaw na sangkap at pamilihan naman ng gawang
British na produkto ang malaki nitong populasyon. Masasabing tunay na kayamanan ng
British ang India o ang "Jewel of the Crown" sa lahat ng naging kolonya nito.
Mughal – ay isang imperyo ng India, itinatag noong 1526.
Dandi March – nilahukan ng libo-libong mamamayang Indian, maituturing na isang
makasaysayang pangyayari ang Dandi March sa pakikibaka ng India para matamo ang
kalayaan.
Indian National Congress – taong 1885 nang itatag ito, pinangunahan ni Womesh Chandra
Banerjee ang unang pulong ng Congress ay siya rin ang nahalal na unang pangulo nito,
tinatayang may 70 delegadong nabibilang sa mga iginagalang na abogado, mamamahayag,
guro at iba pa ang dumalo sa unang pulong nang Congress nang ito ay itatag.
Ahimsa – ang ibig sabihin ay nonviolence
Satyagraha – ang ibig sabihin ay passive resistance o civil disobedience.

You might also like