Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ULAT TUNGKOL SA GINAWANG PAG-INTERBYU.

Ni: Renz Dustin S. Beton

Sa aking ginawang pag-interbyu sa mga taong may sakit, marami akong nakalap na
impormasyon at mga bagay na natutunan na may kinalaman sa aralin na ating tinalakay
sa modyul na ito. Sa kabuuan, mayroon akong tatlong tao na ininterbyu at isa-isang
tatalakayin natin ang mga nagging sagot nila.
Unahin natin ang una kong ininterbyu. Hindi ko na sasabihin ang pangalan niya dahil
hiningi niya na huwag nalang itong sabihin. Siya ay may sakit na diabetes, ito ay ang
Type 2 Dabetes. Isang taon na umano ang lumipas nang sinabihan siya ng doctor na
may sakit siyang ganito. Sinabi niya na ayon daw sa doctor, ang dahilan ng kaniyang
sakit ay ang hindi na umano paggawa ng insulin ng kaniyang mga pancreas o lapay.
Dagdag pa umano ng doktor, isa rin sa mga salik na nagpalala sa kaniyang sakit ay ang
pagiging overweight niya at ang hindi niya pag-eehersisyo. Ayon sa kaniya,
pinagbawalan daw siya ng doctor na kumain ng maraming matatamis na pagkain at
inumin, kumain ng labis na white bread, rice, at pasta, at kumain ng mga pagkain na
may Trans Fats. Pinagbawalan din umano siya na umupo lang buong araw at walang
gawin. Dapat daw umano na siya ay mag ehersisyo. Ngayon na sinunod na niya ang
lahat ng payo ng doctor ay umaaayos na diumano ang ang kaniyang pakiramdam at
hindi na niya nararanasan ang mga simptomas na nararanasan niya noon.
Ang pangalawa kong ininterbyu ay may sakit na High Blood Pressure. Kagaya ng
nauna , hindi ko na rin sasabihin ang kaniyang pangalan. Noong isang buwan pa
lamang niya nalaman kung ano talaga ang kaniyang sakit dahil noong isang buwan din
lamang siya nagpa-check-up sa doctor. Ayon sa kaniya, sinabihan siya ng doctor na
mayroon siyang Essential Hypertension. Dagdag pa niya, ayon umano sa doctor,
nagkaroon siya ng sakit na ito dahil sa stress, hindi niya pageehersisyo, pagiging
overweight niya, at ang pagkain niya ng mga pagkain na walang sustansiya. Sa
nangyaring pagcheck-up sa kaniya, pinagbawalan umano siya ng doctor na kumain ng
mga pagkain na hindi masustansiya, sa halip ay dapat siyang kumain ng mga pagkain
na low-sodium, heart-healthy, at iyong mga matataas sa potassium. Sinabi din umano
ng doctor na dapat siyang magehersisyo araw-araw at dapat niyang limitahan ang dami
ng kaniyang kinakain. Ngayon na sinusunod na niya ang payo ng doctor, gumagaan na
umano ang kaniyang pakiramdam at nararamdaman na niya na malusog at malakas
ang kaniyang katawan.
Ang pangatlo at panghuli kong ininterbyu ay may sakit sa kidney. Gaya ng mga
nauna, hiningi niya na huwag nang sabihin ang kaniyang pangalan. Mayroon umano
siyang Acute Kidney Failure. Nang magpa-check-up day siya, sinabi umano ng doctor
na nangyayari daw ito dahil mahina ang daloy ng dugo sa kaniyang mga kidney na
dulot din umano ng hindi niya pag-inom ng maraming tubig. Pinayuhan umano siya ng
doctor na magkaroon ng tinatawag na healthy lifestyle kung saan kailangan niyang
mag-ehersisyo araw-araw at kumain ng mga masustansiyang pagkain. Ngayon na
sinusunod na niya ang payo ng doctor, hindi na niya umano nararanasan ang mga
simptomas na nararanasan niya noon, at nagiging maganda na ang kaniyang
pakiramdam.

 MGA NATUTUHAN SA GINAWA NA MAY KINALAMAN SA PAKSANG


PINAGAARALAN

- Sa aking ginawang pag-interbyu sa mga tong may sakit na diabetes, high


blood pressure, at sakit sa kidney, marami akong natutuhan na may
kinalaman sa paksang tinalakay. Una, natutuhan ko na ang dahilan kung
bakit nagkaroon sila ng mga sakit ay dahil sa uri ng pagkonsumo na
ginagawa nila, ito ay ang mapanganib na pagkonsumo, kung saan labis
silang kumakain ng mga pagkain na hindi makakabuti sa katawan nila.
Napagtanto ko na hindi nila pinag-iisipan ng mabuti ang mga hakbang na
ginagawa nila, kaya naman ay umabot sila sa punto na nagdudusa na sila.
Pangalawa, natutuhan ko na ang mga pagbabagong nangyari sa kanilang
buhay nang malaman nila na mayroon silang sakit na
ganito ay direktang nakakaapekto sa pagkonsumo nila. Halimbawa, kung noon, ang
una kong ininterbyu ay palaging kumakain ng mga pagkain na hindi masustasiya at
sinasayang ang pero niya dito, ngayon, inilalaan na niya ng kaniyang pera sa mga
bagay na makakatulong sa kaniya, kagaya ng pagbili ng mga pagkain na
makakatulong sa pagsugpo niya sa kaniyang sakit. Pangatlo, natutuhan ko na ang
pagsisisi ay nasa huli. Napagtanto ko na upang hindi tayo magsisi sa mga
kinahahantungan ng ating mga ginagawa, kailangan nating pagisipan ito ng mabuti.
 ISAGAWA
Alin sa mga uri ng pagkonsumo mo ang dapat ipagpatuloy at isaalang-alang? At alin
naman ang hindi? Isagawa ito sa pamamagitan ng pagpuno/pagbuo ng isang listahan
ng mga pagkonsumo na dapat ipagpatuloy at hindi ipagpatuloy. Para sa hindi
ipagpatuloy, maaaring maglagay ng mga pamalit.

Dapat
Mga Maaaring Pamalit sa
Nakasanayang Ipagpatuloy Hindi Dapat
mga Hindi Dapat
Pagkonsumo / Isaalang- Ipagpatloy
Ipagpatuloy
alang

Ang pagbili ng mga face


mask at face shield upang
 NA
maiwasan na mahawaan ng
kumakalat na sakt

Ang pagbili at paggamit ng


mga alcohol at sanitizer
 NA
upang hindi mahawaan ng
anuman sakit
Maaaring bumili at gumamit
nalang ng pamaypay kung
Ang pagpapandar ng
talagang gusto mong
bentilador kahit napakalamig 
magkaroon ng karagdagang
ng panahon
hangin, nang sa ganun,
makakatipid ka sa kuryente.
Patayin nalang ang ilaw dahil
maliwanag naman at hindi ito
Ang pagbukas ng ilaw kahit kinakailangan, o di kaya ay
na maliwanag at hindi ito  maaari kng bumili ng table
kinakailangan. lamp na hindi gaano kalaki
ang kakailanganin na
kuryente

Ang pagbili ng mga


kagamitan na gagamitin sa  NA
pagsagot sa mga modyul.

Ang pagbili ng load upang


gamitin sa pagsaliksik ng mga
bagay na maaaring  NA
makatulong sa pagsagot sa
mga modyul.

You might also like