Professional Documents
Culture Documents
Kabanata I ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRA
Kabanata I ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRA
1. Panimula
sa binabasa.
Ang pag unawa sa binabasa ay nakikitang pinakamabuting paraan sa
ang mga pamamaraan na ito ay pinili at sinasadya upang mapadali ang pag
unawa sa binabasa.
Lubhang maraming sagabal sa paglinang sa karunungan ng mga bata lalo’t higit sa pagbasa.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga kahinaan o kamalian sa pasalitang pagbasa
sa Wikang Filipino ng mga batang mag-aaral sa IKalawang Baitang ng Mababang Paaralan ng
Banlic.
Ito ang pangunahing kaalaman sa iba’t-ibang larangan sa buhay. Ang kasaysayan ng tao, ang
kanyang paglikha, panlulupig, pananagumpay, mga mithiin, mga pagnanasa, at maging pag-asa
sa hinaharap ay napapaloob sa mga aklat. Kung gayon, ang kakayahan sa pagbasa at wastong
pagsasalita ay nagsisilbing ugat ng karunungan. Ang karunungang ito’y magiging daan tungo sa
pagtuklas ng marami pang kaalaman na magsisilbing gabay at susi sa isang maayos na
komunikasyon.
Ayon kay Terrado, (2000), ang pagbasa ay isang kakayahang kumilala at umunawa ng mga
nakalimbag na simbolo ng talasalitaan ng mga batang mag-aaral sa pagsasalita. Ito ang kasunod
matapos malinang ang kakayahan sa pakikinig at pagsasalita sa paglinang ng wika.
Kasabay din nito, lubos na mauunawaan ng mga mag-aaral kung ano nga ang ipinaaabot ng
kanilang binabasa.
Ayon kay Yonson, (2001) ang karunungan ay lalong mapapalawak sa pamamagitan ng pag-
eehersisyo ng utak, sa sa pagbasa ta pagsulat. Ito ang mabisang paraan din upang higit na
tumalas ang memorya ng isang tao. Ang utak ng mga bata ay maraming “neurons” na halos
walang limitasyon sa pagtuklas ng karunungan. Kung gayon, malaki ang maitutulong ng pag-iisip
sa pagbasa at pagsasalita dahil ito ay nagpapalawak ng kaalam ng isang mag-aaral.
Ayon naman kay Saucer (mula kay Ranco 2002), ang kasanayan sa pagbasa ay isang batayan
upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Ang pagbasa bilang
kasangkapan sa pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya dapat maging layunin na
matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang
magkaroon ng kawi-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng
pagkatuto.
Ang pagbabasa naman ng mga aklat ay kailangang pasiglahin mula sa kamusmusan, lalo’t
higit ang pasalitang pagbasa na makatutulong para mapayabong ang talasalitaan ng mga batang
mag-aaral.
5. SALIGANG KONSEPTWAL
Sang-ayon kay Barsaga (2001), madaling malaman kung ang isang bata ay mahina o may
kapansanan sa pagsasalita sa pamamagitan ng impormal na imbentaryo sa pagbasa. Ang paraan
ng mga mananaliksik ay alamin ang mga kamalian o kahinaan sa pagkilala ng mga salita tulad ng
pag-uulit, pagdaragdag, pagkakaltas, maling pagbigkas, at hindi pagpansin sa bantas sa
pasalitang pagbasa sa Wikang Filipino.
Isa sa kasanayang nararapat bigyan ng pansin o ibayong diin sa pagtuturo ng Filipino ay ang
pagbasa at pagsasalita. Ito ang magiging susi sa kasanayan sa ikauunlad na matuto ang mga
bata. Kailangan din ng mga guro ng sapat na edukasyon na syang magsisilbing gabay sa
pagkatuto ng mga mag-aaral (Yarcia 2000).
Dito nagmumula ang kaalaman ng mga mag-aaral na nararapat lang na may maayos na
edukasyon ang isang guro ng sa gayon malaki ang maibabahagi nito sa kanyang mga mag-aaral.
“The good teacher is one who inspires his or her pupils to learn. He or she is enabler and
involver and not just explainer”.
“Teacher therefore should be competent in their work. They should be committed, and if
they are committed, they show love and concern for their school children”.
Ang kasalukuyang teorya ang pinagbatayan ng pag-aaral (DECS) o (DEPED Order No. 54
Seksyon 1987 – Implementing Guidelines for Policy on Bilingual Education):
1. Filipino ang ginagamit ng mga guro sa asignaturang Sibika at Kultura, Kasaysayang Heograpiya
at Sibika, Musika/Sining at Edukasyong Pampalakasan, Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan at Edukasyon sa Kagandahang Asal at Pag-uugali:
2. Ang panukalang Konstitusyon ng 1986 tungkol sa Wikang Pambansa ay nagsasaad
ng Kaukulang Tadhana. Artikulo XIV Seksyon 7 ukol sa Wikang Layunin ng Komunikasyon at
Pagtuturo. Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang itinatadhana ang
batas, Ingles. Sa kasalukuyang patakaran ng edukasyon, ang mga wikang ito ay binibiguang-diin
sapagkat ito ang ating wikang panlahat na nagbubuklod at nag-ugnay sa mga mamamayan.
Upang maging matagumpay ang paglaganap ng wika, kailangan itong maibatay sa layunin ng
isang malayang bansa. Ang ginawa ng lingguwaheng konstitusyonal ay binibigyan ng bagong
pangalan ang wikang matagal ng nasa dila ng sambayanan. Samakatuwid. Filipino rin sa Pilipino.