Talumpati AP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat.

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat ang kasalukuyang pandemya na ating kinakaharap dulot ng
Covid 19. Isang mapamuksang sakit na bigla na lamang bumalot sa sangkatauhan. Bagamat sari-saring
ispekulasyon ang nagsilabasan sa tunay na dahilan ng paglaganap nito, isang katotohanan ang inilibas ng
mga eksperto sa kalusugan na ang Covid 19 ay isang air-borne disease. Ibig sabihin, maaaring mahawa
ang sinuman sa pamamagitan ng hangin sa kapaligiran. Dahil dito, nagiging mapanganib ang paligid sa
bawat sandal ng buhay ng isang tao.

Kaysarap sanang pagmasdan ang luntiang kapaligiran kasabay ng pag agos ng malinis na tubig sa
mga ilog at dagat gayundin ang paglanghap ng sariwang hangin habang nakasilong sa ilalim ng
makakapal na puno na waring nakikiisa sa pagdiriwang ng isang masayang kapahingaan, Ngunit lantaran
ang isyung pangkapaligiran ngayon. Hindi na nga bago sa atin ang kaliwa’t kanang polusyon dulot ng
iba’t ibang pabrika at kumpanyang sangkot sa ganitong gawain. Dagdag pa sa nagpapalubha nitong ang
samu’t saring sakit na maaring makuha rito gaya na lamang ng nakababahalang Covid 19.

Bilang kabataan, marami tayong pwedeng magagawa upang makatulong sa pamahalaan sa


pangangalaga ng ating kapaligiran. Hindi kinakailangang magastos ang pagtulong. Sa isang simpleng
paraan na pagpapaalala na mahalin ang kapaligiran gamit ang ibat’ibang social media ay maaari nating
maimulat ang kaisipan ng bawat kabataan tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kaayusan at
kaligtasan sa kapaligiran. Gawin nating kapaki-pakinabang ang bawat pag click at pagpost sa Facebook at
iba pang social media sites.

Dahil mahigpit ang paglabas dahil sa banta ng Covid 19, maaaring maging makabuluhan ang
pananatili sa bahay sa pamamagitan ng paglikha ng mga makabukuhang Gawain katulad ng pagtatanim
sa bakuran o kaya naman pagsasagawa ng urban gardening sa mga paso at recycled containers.
Makatitipid pa sa mga binibiling pagkain sa labas at makatitiyak na mas sariwa at mas masustansya ang
kinakain ng pamilya.

Maaari rin namang maging mabuting ehemplo sa tamang paghihiwalay at pagtatapon ng basura
sa kanya-kanyang tahanan. Huwag ipagsama ang mga nabubulok at hindi nabubulok na mga basura at
kung maaari ay matutong mag recycle sa mga gamit na maaari pang mapakinabangan.

Higit sa lahat, sa panahon ngayon, higit na makatutulong ang pagsunod sa mga alituntutunin na
ipinatutupad ng pamahalaan lalung lalo na sa bawat barangay alinsunod sa payo ng IATF o Inter Agency
Task Force.

Mga kapwa ko kabataan, tayo ay magkaisa tungo sa isang maayos at ligtas na kapaligiran. Kay
sarap mabuhay sa isang kapaligiran na malayo sa sakit at kapahamakan. Higit tayong kailangan ng ating
bayan sa gantiong adhikain. Kumilos tayo habang may panahon pa. Kung hindi tayo, sino? Kung hindi
ngayon, kalian?

Muli ako po si Trijan Emuelle M. Castro, isang kabataang nais makisangkot sa mabuting hakbang
ng pagbabago para sa kapaligiran. Magandang araw at mabuhay tayong lahat!

You might also like