Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

NATIONAL POLYTECHNIC COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Palm St., Greenfields 1, QUEZON CITY


AY : 2020-2021

PANIMULANG
LINGGWISTIKA
(FIL 102)

Bb. Carmie Tresvalles Infante


GURO
MGA URI AT AYOS NG
PANGUNGUSAP
MGA URI NG PANGUNGUSAP

Masasabi natin na ang pangungusap ay isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong
diwa. Ito ay binubuo ng simuno at panaguri.

 Masasabi natin na ang salitang simuno ang siyang pinag-uusapan sa pangungusap.

 Panaguri naman ang siyang nagsasabi tungkol sa simuno

1. DI-KARANIWANG AYOS
 Kapag ang panandang ‘ay’ ay nasa unahan ng pangungusap na sumunod sa simuno.

 kapag ang pangungusap ay nauuna ang simuno sa panaguri

Halimbawa: Ang nanay ko ay mapagmahal.

simuno panaguri

2. KARANIWANG AYOS
Ang panandang ‘ay’ ay nawawala sa pangungusap.

kapag ang pangungusap ay nauuna ang panaguri

sa simuno

Ang ayos na ito ay kabaligtaran ng karaniwang ayos.


HALIMBAWA:

Mabagal tumakbo ang aso ko.

panaguri simuno

TANDAAN NATIN PALAGI:


 ang pangungusap ay lipon ng isang salita o mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa,binubuo ng
simuno at panaguri. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Pasalaysay/Paturol

Patanong

Pautos

Padamdam

Pakiusap
MGA URI NG PANGUNGUSAP
1. PASALAYSAY
Pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).

HALIMBAWA:

1. Si Ana ay tumatakbo.
2. Ang ibon ay lumilipad.

2. PAUTOS
Nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din ito sa tuldok (.).

HALIMBAWA:

1. Magdilig ka ng halaman.
2. Magsibak ka ng kahoy

3. PAKIUSAP
Pangungusap na maaring nagsasaad ng paghingi ng pabor.

Ginagamitan ng magagalang na Salita upang makiusap. Maaring nagtatapos sa tuldok o tandang


pananong (./?)

HALIMBAWA:

1. Maari ba akong humiram ng lapis?


2. Pakibukas naman po ang pinto.

4. PATANONG
Pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at nagtatapos sa tandang pananong (?).

HALIMBAWA:

1. Nasaan na ba ang aking apo?


2. Kaya mo bang buhatin ‘yan?
5. PADAMDAM
Nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng tuwa, takot o pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang
panamdam (!) . Maaari ring gamitin ang tandang pananong (?)

Karaniwan ding nagbibigay ng babala o kaya’y nagpapahiwatig ng pagkainis.

Halimbawa:

1. Naku! Ang daming insekto!

2. Bilisan mo! Umuulan na!

SUBUKAN NATIN:
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos o Pakiusap, Patanong o
Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.

1. Si Lisa ay matalinong bata_

A. Pasalaysay B. Pautos C. Patanong D. Pakiusap E. Padamdam

2. Hay_ Kayo na ang mag-usap_

A. Pasalaysay B. Pautos C. Patanong D. Pakiusap E. Padamdam

3. Saan ka pupunta_

A. Pasalaysay B. Pautos C. Patanong D. Pakiusap E. Padamdam

4. Dalhin mo sa akin ang lapis na ‘yan_

A. Pasalaysay B. Pautos C. Patanong D. Pakiusap E. Padamdam

5. Paki abot po ng lapis ko_

A. Pasalaysay B. Pautos C. Patanong D. Pakiusap E. Padamdam


I. PAGSASANAY: Subukan Mo Na
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos o Pakiusap, Patanong at
Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.

1. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako__ __

2. Maari po ba akong humiram ng pera_ __

3. O, bakit ka naudlot_

4. Sige, Gina, patuluyin mo_

5. Dito na ba sila patitirahin_

6. Naku_ may sunog_

7. Huwag mong intindihin ‘yon_

8. Kayo na nga ang mag-usap_

9. Napatingin ako sa tatay _

10. Kinapos ng pagkain si Aling Gloria_

II. Sumulat sa iyong kwaderno ng tigdalawangpangungusap na Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong at


Padamdam

Sanggunian:

• http://heathersanimations.com/children1.html

• http://www.slideshare.net

• Hiyas sa Filipino 4 Wika p. 11-14

You might also like