Landscape NG Pamayanang Kultural - Docx MAPEH 4 and 6 Fused

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Landscape ng Pamayanang

Kultural
IVATAN
Ang mga Ivatan ay matatagpuan sa lalawigan ng Batanes. Ang
kanilang mga tahanan ay maituturing na lumang estraktura sa Batanes. Ito
ay yari sa limestone at coral habang ang bubungan ay mula sa mga dahon
ng cogon sadyang binuo sa pangunahing layunin na magbigay ng
proteksiyon laban sa kalamidad tulad ng bagyo.
Ang mga babaeng Ivatan ay nagsusuot naman ng headgear na
tinatawag na vakul. Ito ay yari sa abaka na inilalagay sa ulo bilang
kanilang proteksiyon sa araw at ulan.

Kumunidad sa Ivatan sa Batanes

IFUGAO
Ang mga Ifugao naman ay makikita sa bulubundukin ng Cordillera
kung saan ang mga hagdang-hagdang palayan ay pangunahing atraksiyon
sa lugar.Ang salitang Ifugao ay nagmula sa katagang “i-pugo” na
nangangahulugang “mga tao sa burol” o “people of the hill”.

10
Ang kanilang tahanan na may kwadradong sukat na natutukuran ng
apat na matitibay na posting kahoy at ito ay nakakaangat mula sa lupa na
may humigit kumulang apat na talampakan walang bintana ang tahanan at
ang dingding ay yari sa matibay na mga kahoy. Mayroon itong hagdanan
na inaalis sa gabi upang di makapasok ang kaaway o mabangis na hayop.

MARANAO

Ang mga Maranao ay pangkat-etniko na makikita sa Lanao,


Mindanao. Ang katawagang Maranao ay nangangahulugang “People of the
Lake” dahil ang pangkat –etniko na ito ay nabubuhay sa lawa ng Lanao.
Ang Kanilang pangunahing paraan ng pamumuhay ay pangingisda at
nakasentro ang kanilang mga gawain sa lawa.
Ang mga Maranao ay nakikilala sa kanilang pambihirang disenyo na
tinatawag na “Okir”.May mga tahanan ang mga Maranao na tinatawag na
torogan.Ito ay para sa mga datu o may mataas na katayuan sa lipunan. Sa
kanilang tahanan ay makikita ang disenyong “Okir” sa harapan ng torogan.
Ang mga inukit na disenyong okir ay makikita sa mga nilililok sa panolong.

1. Ano ang vakul at ang gamit nito?


2. Ang bubungan ng bahay ng mga Ivatan ay yari sa anong dahon?
3. Ilarawan ang tahanan ng mga Ifugao.
4. Ang Maranao ay kilala sa kanilang pambihirang disenyong tinatawag
na ______.
5. Ang katawagang Maranao ay nangangahulugang ________

11

You might also like