Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Bilang ng Banghay-Aralin sa Filipino 9

Lawak ng Pampagkatuto: 60 minuto


Markahan: Unang Markahan
Bilang ng Linggo: Ikatlo
Baitang: 9
Itinakdang Panahon: Isang araw

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang


Pamantayang Pangnilalaman
pampanitikan ng Pilipinas
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o
Pamantayang Pagganap storyboard tungkol sa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang
mga katangian (dekonstruksiyon)
Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan
Kasanayang Pampagkatuto
ng bawat isa sa nobela (F9PB-IVc-57)

Pangunahing Konsepto Noli Me Tangere - Katangian ng mga tauhan

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakatutukoy sa mga katangian ng tauhan ng Noli Me Tangere.
2. Nakahihinuha sa kahalagahan ng mga tauhan ng nobela sa
I. LAYUNING PAMPAGKATUTO
kasalukuyang panahon.
3. Nakasusulat ng isang tula na tungkol sa pagmamahal batay sa
pagkakakilanlan at katangian ng tauhan.
Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro mula sa Gabay na Kurikulum.
II. NILALAMAN
Maaaring tumagal ito ng isang araw.

• Buenaventura, Ernesto M. at Ramos, Bernardo F. Noli Me


Tangere ni Dr. Jose P. Rizal. Lungsod Quezon: Smartbooks
Publishing, 2007.
• Most Essential Learning Curriculum (MELCs)
Sanggunian
• https://www.google.com/search?q=gusion&tbm
• https://www.google.com/search?q=miya+mobile+legend&tbm
• https://www.google.com/search?q=daniela+mondragon&tbm
• https://www.google.com/search?q=robert+mondragon&tbm

Mapagkukunan Aklat, Internet-google

III. PAMAMARAAN NG
PAMPAGKATUTO

A. Panimulang Gawain

Basahin at unawain ang mga pangungusap, lagyan ng tsek (/)ang hugis


bilog bago ang bilang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katangian
ng tao o ekis(x) naman kung hindi. Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto.

1. Pagsasanay 1. Ang tunay na kaibigan na laging tapat.


2. Malakas ang tunog ng kamapanaryo.
3. Ang inang mapagmahal ay itinatangi.
4. Pahamak ang dala ng bugso ng damdamin.
5. Siya ang mayuming dalaga sa kanilang bayan.
Isa-isahin ang mahahalagang tauhan ng nobelang Noli Me Tangere.
Dalawang minuto
• Juan Crisostomo Ibarra
2. Balik-aral
• Maria Clara
• Sisa
• Elias
• Padre Damaso

Kilalanin Mo Kung Sino Ako?

Mobile Legend at Kadenang Ginto – Limang minuto

Gusion – Sa Land of Dawn ipinanganak si Gusion, kilala ang


pamilya nila na magaling sa paggamit ng mahika. Naniniwala sila na ang
paggamit ng espada ay isang isang kahinaan. Bata pa lamang si Gusion ay
mahilig ng magbasa ng libro kaya para sa kaniya, ang paggamit ng espada
ay hindi isang kahinaan. Si Gusion ay isa sa pinakamalakas na bayani ng
mobile legend.

Miya – Si Miya ay hinahangaan sapagkat sinasabi na


napakaperpekto niyang nilalang at may angking kagandahan din ang
kaniyang kalooban. Nais niyang maging Moon God kaya ang
3. Pangganyak determinasiyon niya sa pag-aaral at palakasin ang sarili ang daan upang
magtagumpay.

Daniela – Si Daniela Mondragon ang larawan ng kasakiman,


ayaw niyang magkaroon ng kahati sa mana kung kaya niyang manakit
para lamang sa pera.

Robert – Si Robert Mondragon ay isang mapagmahal na ama,


dahil din sa tinatawag na pagmamahal kaya nakapagsinungaling siya sa
kaniyang asawa na si Romina.

Mga tanong:
1. Sa inyong palagay, ano ang halaga ng paglalahad ng katangian
ng mga tauhan?
2. Ano ang kaugnayan nito sa ating bagong aralin?

B. Mga Gawaing Pampaunlad

Pagbasa

Ikinagagalak kong makilala mo!

Panuto: Basahin at kilalanin ang katangian ng mahahalagang tauhan ng


1. Aktibiti/Pagkilos
Noli Me Tangere. Sampung minutong pagbabasa.
TAUHAN KATANGIAN

Juan Crisostomo Binatang nag-aral sa Europa na nangarap na


Ibarra makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng kabataan ng San
Diego. Siya ay kasintahan ni Maria Clara.
Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-
aral na maituturing na may maunlad at
makabagong kaisipan.

Maria Clara Siya ang kasintahan ni Juan Crisostomo


Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng
Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon
ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng
relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa,
masunurin, matapat, mapagmalasakit ngunit
may matatag na kalooban.

Sisa Ang mapagmahal na ina nina Basilio at


Crispin na may asawang pabaya at malupit.
Isang inang walang nalalaman kundi ang
umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya
ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa
mga minamahal na anak.

Elias Siya ay isang piloto/bangkero at


magsasakang tumutulong kay Crisostomo
Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at
gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay
isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti,
ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami,
at may pambihirang tibay ng loob.

Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na dating kura ng


San Diego at siya ring nagpahukay at
nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra
sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya
ng isang taong madaling mauto at marupok
ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang
nagmumula sa puso ng nagpaparangal.

Gawain 1 : Suriin ang limang tauhan ng nobelang Noli Me Tangere at


kulayan ang bawat bilog batay sa kanilang katangian. Gawing gabay ang
kulay sa ibaba. Tatlong minutong pagsagawa ng gawain.

1 2 3 4 5

1. Sisa
2. Analisis/Pagsusuri
2. Elias
3. Maria Clara
4. Padre Damaso
5. Juan Crisostomo Ibarra

Malupit
Mabuti

Gawain 2: Tukuyin kung sino ang nagwika ng mga pahayag batay sa


katangian ng bawat tauhan. Limang minutong pagsagot.

1. “Ihahain ko na ang pagkain dahil ang aking mga anak ay darating


na, paniguradong gutom na gutom na sila.” – Sisa

2. “Lagi mo kaya akong naiisip? Hindi mo kaya ako nagawang


ipagpalit sa mga dalagang iyong nakilala sa iyong paglalakbay?”
– Maria Clara

3. “Wala ka bang ibang nakikita maliban diyan, Ibarra? Ikaw ay


nag-aaksaya lamang ng salapi” – Padre Damaso

4. “Ang edukasyon ang tanging kayamanan ng bawat kabataang


Pilipino kaya ito ay marapat na pahalagahan.” – Juan Crisostomo
Ibarra

5. “Hindi mabuting maghigante sa kaibigan na ang tanging iniaalay


ay pagmamahal.” - Elias

Tanong-Sagot
Panuto: Ibahagi ang hinuha at damdamin sa bawat katangian ng
mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere. Pitong minuto

1. Gaano kahalaga na kilalanin ang mga tauhan ng nobela, ito ba ay may


bahagi sa ating nararamdaman at pagiging isang mamamayan?
3. Abstraksiyon/Paglalahat
2. Sa makabagong panahon, mahalaga ba na malaman natin ang
pagkakakilanlan ng mga tao na nakasasalamuha natin?Bakit?
3. Bilang kabataan na nasa ika-21 siglo, paano mo maisasabuhay o
magagamit sa kasalukuyang panahon ang mga aral at prinsipyo na
isinatitik ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere?

Panuto: Sagutin at hanapin sa palaisipan (crossword puzzle) at bilugan


ang pangalan ng tauhan batay sa paglalarawan sa kanilang katangian at
kahalagahan. Pitong minutong pagsagot.

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T
T I Y A G O P A B L O I H J L K S N O P
A B M C D E S F G H I J R I Z A L K L M
J U A N C R I S O S T O M O I B A R R A
L A R A R N S I J K E F G L U S T S R Q
I L I P I A A L B A D P E P V Y A Z A C
N P A Z S T I Y A G O C B B W X F B B D
A E C Y P O H P A D R E D A M A S O E E
R R L X I P H E L S T U A S I H G J K L
4. Aplikasyon/Paglalapat E E A W N Q G D M R Q V Z I D A Y M L N
S S R V D R F R N O P W X L I N A R E S
B C A U T S E O K U R A Y O T S R Q P O

KATANGIAN

1. Larawan ng tunay na pagkakaibigan, kayang ibuwis ang buhay


para at kayang kalimutan ang paghihiganti para lamang sa
kaibigan.
2. Larawan ng kahinaan ng kalooban, pagkalango sa pag-ibig at
dakila ang turing sa kanila. Ang nagpatatag sa kasabihan na
“hindi natitiis ng magulang ang kaniyang mga anak”.

3. Siya ang larawan ng kasakiman, nag-aapi ng walang kalaban-


laban.Lumalabag sa batas sa paniniwalang sila ang tama at dapat
sundin. Ang pagmamahal ay inilaan lamang sa kaniyang sarili.
4. Siya ang larawan ng katapangan at may pagpapahalaga sa
edukasyon. Kahit anong mangyari ipagtatanggol ang naaapi at
hindi kakalimutan ang tunay na minamahal.
5. Siya ang nagsisilbing larawan ng pagkamayumi at mapagmahal.
Ninanais na paglingkuran ang Panginoon kaysa patali sa tao na
ang posibleng ibigay ay pighati.

Walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanilang mga


anak. Kaya ngayon, sa pamamagitan ng pagsulat ng dalawang saknong ng
malayang tula ay ipakita inyong pagmamahal sa inyong ina o magulang
batay sa kanilang katangian. Labinlimang minuto

IV. EBALWASYON

Kategorya 5 4 3 1
Ang tula ay Ang tula ay Hindi Hindi
Nilalaman may may malinaw malinaw ang angkop ang
malinaw na na tunguhin tunguhin at tunguhin at
tunguhin at ngunit hindi tema ng tula tema ng tula
tema angkop ang
tema
Kinakailangan: Walang mali Mayroong Mayroong Hindi
•Wastong sa kulang na kulang na nasunod ang
baybay ng pagbabaybay isang dalawang lahat na
salita , wasto ang pangangailan pangangailan pangangailan
•Wastong gamit gamit ng gan sa tula gan sa tula gan ng tula
ng bantas bantas at
• Wastong mayroong
Sukat wastong
sukat

Panuto: Gumawa ng storyboard tungkol kay Juan Crisostomo Ibarra


V. KASUNDUAN/TAKDANG- na binago ang katangian.
ARALIN

1 2 3 4 5

Kung ano ang nakikita ng mata ay siya ring pinaniniwalaan. Oo, minsan
nabubulag tayo sa kung anoman ang ating nakikita sa panlabas na
kaayuan ng isang tao. Ngunit laging tandaan na maraming kailangang
VI. PAGNINILAY-NILAY isaalang-alang upang malaman ang tunay na katangian ng bawat
indibidwal kapara na lamang sa kung paano natin bibitawan ang ating
mga pahayag, bibigyan ng wika ang ating mga kilos, at higit sa lahat ay
bigyang deskripsiyon ang mahabang paglalakbay ng ating buhay.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa ebalwasyon.
_______________________________________________________________________
B. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng iskor na mababa sa 80% at binigyan ng karagdagang gawaing pang-remedial.
_______________________________________________________________________
C. Mabisa ba ang mga araling pang-remedial? Bilang ng mag-aaral na umunlad sa mga ibinigay na araling pang-remedial.
_______________________________________________________________________
D. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan pa ng patuloy na araling pang-remedial?
_______________________________________________________________________
E. Alin sa mga istratehiyang pampagtuturo ang mabisa? Bakit ito mabisa?
_______________________________________________________________________

Writer: Delsie L. Porras


School: Asuncion National High School
Division: Davao del Norte
Illustrator: Insert Name Here
School:
Division:

You might also like