Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Panuluyan 2019

Lights on. Papasok ang mga anghel na magsisipagsayaw.

K: O Come All Ye Faithful / O Come, O Come Emmanuel

Lights off.

T: Sa ika-anim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, isang lungsod ng Galilea.
Isinugo siya sa isang dalagang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking nagngangalang Jose.
Si Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng dalagang birhen ay Maria.

Lights on sa susunod na paragraph. Pagbukas ng ilaw nasa stage na sina Maria at Anghel Gabriel

A: Binabati kita, ikaw na kinalugdan. Ang Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga kababaihan.

A: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nasumpungan ka ng Biyaya ng Diyos. Ikaw ay magdadalang-tao at
manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kanya ay Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging
Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kanyang ninuno. Siya ay
maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman at ang kanyang paghahari ay hindi magwawakas.

M: Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi nakakakilala ng isang lalaki?

A: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito,
ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos.

Lights off. Mabilis na papasok si Elisabet

Lights on:

A: Narito, ang pinsan mong si Elisabet ay nagdadalang-tao rin ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan.
Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng kanyang pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. Ito ay sapagkat sa
Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari.

A: (Pakanta:) Magalak! Isisilang ang Poon!

Lights off.

Lights on.

Papasok ang mga tagapagsayaw habang nasa stage pa rin ang Anghel at si Maria at si Elisabet

K: Emmanuel

Lights off. Lalabas ang mga tagapagsayaw.

Lights on:

M: “Awit ng Paghahangad”

M: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita.
1
Panuluyan 2019
T: At iniwan siya ng anghel.

Lights off. Lalabas ang anghel

Lights on. Nasa stage si Elisabet at Maria. Si Elisabet ay nag-wawalis

IKALAWANG TAGPO

T: Sa mga araw na iyon, si Maria ay tumindig at nagmamadaling pumunta sa lupaing maburol sa

lungsod ng Judea. Pumasok siya sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.

M: Elisabet! Elisabet!

E: (Sa isang malakas na tinig, siya ay sumigaw na sinasabi) Kapuri-puri ka sa mga kababaihan. Kapuri-puri
ang bunga ng iyong sinapupunan. Papaano nangyari ito sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay pumunta sa
akin? Narito, sa pagdinig ko ng iyong tinig ng pagbati, ang sanggol sa aking sinapupunan ay napalundag sa
kagalakan. Ikaw na sumampalataya ay lubos na pinagpala sapagkat magkakaroon ng kaganapan ang mga bagay
na sinabi sa iyo ng Panginoon.

M: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon. Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking
Tagapagligtas. Ginawa Niya ito ayon sa sinabi Niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi
magpakailanman.

M: “Ang Puso Ko’y Nagpupuri” (Kakanta si Maria habang nakatingin at nakahawak ang isang kamay kay
Elisabet)

Spotlight kay Maria at Elisabet habang binabasa ng tagapagsalita ang susunod:

T: Si Maria ay nanatiling kasama ni Elisabet ng halos tatlong buwan at pagkatapos nito, umuwi siya sa sarili
niyang bahay.

Lights off

IKATLONG TAGPO

Lights on. Nasa stage si Jose at may bangko sa stage. Naglalakadlakad habang binasa ng tagapasalita ang
susunod:

T: Si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang
nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Si Jose na kanyang asawa ay lalaking matuwid at
hindi niya ginusto na mapahiya sa madla si Maria, kaya nagpasiya siyang hiwalayan nang lihim si Maria.

Lights off. Hihiga si Jose sa bangko at makakatulog)

T: Samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kanya sa isang
panaginip.

Lights on. Papasok ang Angel.

2
Panuluyan 2019
A: Jose, ikaw na nagmula sa angkan ni David, huwag kang mangambang tanggapin si Maria na iyong asawa.
Ito ay dahil ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu. Siya ay manganganak ng isang
lalaki. Ang ipangangalan mo sa kanya ay "Hesus" sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao sa kanilang
kasalanan.

Lights off.

T: Ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta.
Sinabi nila: Narito, isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila
siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin.

Lights on.

J: “Huwag Kang Mangamba”

Lights off. (5 seconds)

Lights on. Spotlight kay Jose.

T: Sa pagbangon ni Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang ayon sa ipinag-utos sa kanya ng anghel ng
Panginoon. Tinanggap niya si Maria upang maging asawa. Hindi niya sinipingan ang kanyang asawa hanggang
sa maipanganak niya ang kanyang panganay na anak na lalaki. Pinangalanan siya ni Jose na Hesus.

Lights off.

IKAAPAT NA TAGPO

Spotlight kay Jose at Maria

T: Nang mga araw na iyon, na lumabas ang isang batas mula kay Augusto Cesar na nag-uutos na dapat
magpatala ang buong sanlibutan. Ang pagpapatalang ito ay unang nangyari nang si Cirenio ay gobernador ng
Siria. Ang lahat ay pumunta upang makapagpatala, bawat isa sa kanyang sariling lungsod. Si Jose ay umahon
din mula sa Galilea, mula sa lungsod ng Nazaret patungo sa Judea. Sa dahilang siya ay kabilang sa sambahayan
at angkan ni David, siya ay umahon sa lungsod ni David na tinatawag na Bethlehem. Siya ay umahon upang
magpatalang kasama si Maria, na ipinagkasundong mapangasawa niya. At kabuwanan na noon ni Maria.

T: Habang sila’y naglalakbay, may naramdaman si Maria:

IKAAPAT NA TAGPO – UNANG MAYBAHAY

M: Jose, manganganak na yata ako! Sumasakit na ang tiyan ko.

J: Konting tiis nalang mahal ko, hahanap tayo ng matutuluyan upang doon ka magsilang. (Lakad) Hayun ang
isang bahay! Halika’t subukan nating tumawag. (Lapit sa bahay)Tao po! (4x) (SFX 3 knocks)

Jose: Mahal na ginoong may bahay kami ay nagbibigay galang saka tuloy manunuluyan kami inyong
pahintulutan.

B1: (LALAKE) Sandali’t nais kong magtanong kung saan sila buhat ngayon at saan naman magtutuloy
‘tong gabing itim inyong layon.
3
Panuluyan 2019
Jose: Malayo po kami nagbuhat sa Nasaret na aming bayan, nagtungo rito’t nagpatala ayon sa kay Cesar
na atas.

Maria: Ginoo ang pagod naming ito, tatlong gabi’t araw na siyang husto sa sanggol sa sinapupunan ko
iyong tahana’t puso’y buksan mo.

B1: Sana kung dito ay may lugar, gaano nang kayo ay pagbigyan. Ngunit halos pumutok nalang aking
bahay sa kapunuan.

Jose: Paalam po aming maginoo. Sintang Maria pa’no tayo?

Maria: Jose kong irog wag matakot, ang Diyos hindi nakalilimot.

Choir: Isipin niyo at wag matakot, Diyos di nakakalimot.

Koro: “Instrumental” (Maglalakbay si Maria at Jose)

IKAAPAT NA TAGPO – Ikalawang Maybahay

J: Aba tila bukas pang ilaw doon sa kabilang tahanan. Halika’t tayo’y don tumawag. Tao po, kami’y
mawalang galang.

B2: (BABAE) Paumanhin sino man kayo, libong bagay nasa isip ko. Darating ngayon kilala ko, buo
kong bahay dapat iwasto.

Maria: Butihin pong Ginang kayo’y ina, alang sa buhay kong dinadala.

Jose: Kahit na po saan mang sulok sa ami’y inyong pagkaloob

B2: Sabi kanina’y uulitin, may tanyag akong panauhing kailangan kong istimahin. Paalam sainyo
ngayon din.

Jose: Ganitong buhay dukha talaga. Walang lakas larong tadhana. Halika aking tanging sinta. At may
iba tayong makita.

Maria: Tayo ma’y pagod at naghihirap. Dapat patuloy s’yang paghahanap. Panginoon sadyang lilingap,
sa mga taong nagsusumikap.

Koro: Panginoon sadyang lilingap sa taong nagsusumikap.

Koro: “INSTRUMENTAL” (Maglalakbay si Maria at Jose)

4
Panuluyan 2019
IKAAPAT NA TAGPO – Ikatlong Maybahay

J: Kay gandang bahay o iyong tingnan. Mabuting puso sana’y nandiyan. O maawain pong may bahay,
kami sana’y manunuluyan.

B3 (LALAKE): Tao o hayop baga kayo at gabing gabi nanggugulo.

Jose: Aming pakiusap po lamang, sintang asawa ko’y gagampan.

Maria: Ang hirap nami’y wag indahin, sanggol ang s’yang alalahanin.

B3: Buong bahay ko ngayo’y tulog at kayo’y nambubulabog. Wala akong labis na panahon sa tulad
ninyong patay-gutom.

Jose: Kung ayaw po ninyo’y di bale. Kami po’y wag lamang laitin. Kami ma’y dukha at pulubi. May
hawak ding puso’t damdamin.

Maria: Jose halika’t maglakbay muli. Sa kanya’y ang dapat na sukli. Pag-asa natin ‘di taong saksi kung
and Diyos sangguning tangi.

Jose at Maria (Dueto): Panginoon Haring kalangitan, maraming hindi maunawaan. Tiwala’y sa Iyo
nakalagak gawin ang ibig sa iyong anak.

Koro: Tiwala sa Iyo nakalagak handa kaming Iyong anak.

Koro: “Panunuluyan Koro” (Maglalakbay si Maria at Jose)

IKAAPAT NA TAGPO – Ikaapat na Maybahay

J: Maria natatanaw mo ba iyon? Isang bata! Sandali at magtatanong ako. (Lalapit sa bata)

J: Bata, ika’y isang pastol, maaari bang magtanong kung saan may matutuluyan dito ngayong gabi?

BP: Halika po at sumunod kayo sa akin.

J: Maraming salamat! (Lalakad ang lahat at maglalaho ang bata)

M: Jose, nasaan na ang batang ating sinusundan? Ngunit hayun na ang bahay.

J: Sugo siya ng Maykapal. Halika, sana ‘yan na ang magpatuloy sa atin. (Lakad) Tao po! (3 knocks) (4x)

B4: O gabing-gabi na, bakit nasa lansangan pa kayo? Ano bang kailangan ninyo?

J: Mahal na, ginang, ang asawa ko po ay malapit ng manganak, baka maaari po kaming

makituloy sa inyong tahanan.

M: Siya nga po mahal na ginang. Nararamdaman ko po na malapit na akong manganak. (mamimilipit sa sakit)

5
Panuluyan 2019
B4: Naku! Pa’no ba ‘yan! Maliit at masikip ang aking tahanan. Hindi tayo kasya rito, pero kung gusto niyo,
mayroon akong kulungan ng hayop na pwede ninyong matuluyan. Doon ay maaari kang manganak.

M: Maraming salamat po mahal na ginang/ ginoo. Napakabuti ng inyong kalooban. Diyos na po ang bahalang
gumanti sa inyong kabutihan.

J: Siya nga po mahal na ginang, maraming, maraming salamat po. Kahit na sa kulungan ng hayop ay
ikagagalak namin.

B4: O siya, halina kayo at sasamahan ko kayo.

Lights off pagdating ni Maria at Jose sa Stage.

*SIGAW NG PANGANGANAK*

Lights on.

K: PAPURI

*Papasok ng simbahan sina Jose, Maria at ang sanggol habang ang mga tauhan ay nagsisipagsayaw.

You might also like