Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Curioso, Lester F.

BS. CRIMINOLOGY-1B

CITIZENSHIP TRAINING

Ayon sa aking pagkakaintindi na base sa aking mga napanuod na video, ang CITIZENSHIP TRAINING ay

isang programang nagbibigay alam o papalawak ng kaalam tungkol sa ating resposibilidad sa kumunidad,

tungkulin, karapatan bilang isang individwal sa ating bansa at sa mga kaalaman sa militar. Ito ay parte

ng ng kurikulum sa pag aaral sa high school o kolehiyo.

Kasama din dito ay ang paglalayom na mas mahubog tayo sa pagganap ng ating mga responsibilidad sa

ating kumunidad. Upang sanayin tayo at disiplinahin sa pagsunod sa mga ipinapatupad na alintuntunin

at batas. Pag aaralan dito ang mga karapatan mo bilang isang mamamayan ng iyong bansa nakapaloob

dito ang karapatan mo sa kalaayaan, pagkakapantay pantay, edukasyon, seguridad at gawain sa buhay.

Dito mo malalaman ang iyong mga gampanin bilang isang pilipino.

Para sa akin ay napakahalaga na malaman ang mga bagay na ito upang maging mulat ang ating

kamalayan sa mga nangyayari sa ating paligid at sarili at kung ano ang mga pwede nating gawin na

nakaayon at tama sa batas. Mahirap na maging mangmang sa ganito lalo na kung malagay tayo sa isang

pangyayari na kung saan ay agrabyado tayo, hindi pala natin nalalalam na naloloko na pala tayo dahil

hindi natin alam ang ating mga karapatan. Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga taong nagsulong at

nagpatupad ng mga panukalang batas at nagbuo ng ganitong programa. Malaki ang tulong at ambag

nito sa ating buhay, sa bawat indibidwal sapagkat dito ay matututo tayo na tumingin sa pagkakapantay

pantay ng bawat isa at madisiplina ang ating sarili sa pagpili ng tama sa mali, sa mga bawal at hindi na

nakalatag sa batas. Dito din ay malalaman natin sa ating puso at isip na tayo mismo ay isang tunay at

tapat na pilipino.

You might also like