$R1RL7P0

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lacuesta, Ina Isha M

ABM-11 D

Ang wika ay mabisang instrumento sa pakikipag- ugnayan at ito ang daan sa pagkakaintindihan
at pagkakaunawaan. Ang wika ay buhay naglalarawan ng kultura ng bansa naglalantad ng saloobin ng
tao. Ang wika rin ay bukod-tanging pagtanaw at pagsasaayos ng realidad upang ang isang kultura ay
umiiral at magkaroon ng kakayahang gumawa at lumikha. Ang Pilipinas ay may isang daan at walumput
tatlong buhay na wika at ang pilipinas ay isang multikultural.  Nagkaiba-iba ang mga wika sa dahil sa
pagkakaiba-iba ng mga kultura ng bansa at mga pangkat. Ang mga Pilipino ay nagkakaiba sa paggamit ng
wika sa iba't-ibang grupong sosyal at kultural sa bansa, dahil sa pagkakaiba ng kultura at paniniwala nila.
Sa paggamit nila ng wika, naiisaad nila kung anong mga tradisyon at mga bagay na kanilang
pinaniniwalaan, at nagiging buhay ito upang maipasa sa susunod pang henerasyon.

Isang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas ay ang
pagpapahayag nila ng damdamin. Sa pag papahayag nila ng damdamin, nakikita o napapalutang ang
kanilang karakter, umiibabaw rin ang kultura at tradisyon ng nagsasalita. Pangalawang paraan ng
paggamit ng wika ay ang paghihikayat na kung saan, ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o
magpakilos. Pangatlong paraan ay ang pagsisimula ng pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pangkat upang
mabahagi ang iba’t ibang opinion o saloobin. Isang paraan din ng paggamit ng wika ang paggamit ng
wika bilang sanggunian na nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong nagtatrabaho nang
sama-sama. Isang paraan rin ng paggamit ng wika bilang pagbibigay ng kuro-kuro na kung saan,
ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas. Ginagamit
din ang wika sa paraang -- matalinghaga o masining na paraan ng pagpapahayag.

You might also like