Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SULATING PANANALIKSIK

• Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang
ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primarya at
sekondaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon
ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap. Ang interpretasyong ito ang
pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik. (Spalding, 2005)

Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

• Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahagi ng liksyong ito ay mahahango
na natin ang mga sumusunod na katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng sapat na
pagpapaliwanag sa mga kasunod na talataan:

1. Ang pananaliksik ay sistematik

- May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa


pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

2. Ang pananaliksik ay kontrolado

- Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling


salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura sa pinag-
aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga
eksperimental na pananaliksik.

3. Ang pananaliksik ay empirikal

- Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa


pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong
limang tao sa loob ng silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-
verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid, ang bilang ng tao ay isang datos
na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang multo sa loob ng isang silid, maaaring sang-ayunan iyon
ng isa o dalawa.

4. Ang pananaliksik ay mapanuri

- Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang
hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.
Kadalasan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pang-estadistika
sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.

5. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo

- Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri ang kanilang
datos sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
Halimbawa, ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsyento), isa sa sampung
mag-aaral (ratio) at limang tanong bawat respondente (distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng
kwantiteytib na datos, kumpara sa mga pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang
malinaw na istatistikal na halaga.

6. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda

- Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang
tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay
kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand.

7. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon

- Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang


ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng
konklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktuwal na ebidensya.

8. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali

- Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan


ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay
kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na konklusyon at paglalahat

9. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan

- Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng


panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.

10. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang

- kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards
at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maaari siyang dumanas ng di-
pagsang-ayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
kasamang mananaliksik.

11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat

- Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring
makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pagsulat na paraan sa anyo ng
isang papel-pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tisis at disertasyon) para sa angkop o ang
tinatawag na oral presentation o defense.

You might also like