Professional Documents
Culture Documents
Mga Layunin NG Pananaliksik
Mga Layunin NG Pananaliksik
Mayroon ding mga layunin ang pananaliksik ayon pa rin kina Constantino at Zafra.
Halimbawa:
Maaaring paksain ang reaksyon ng mga senior citizen sa penomenon ng Internet.
Halimbawa:
Maaaring isiwalat ang interpretasyon sa tula ng mga lumad ng Cagayan de Oro gamit ang teoryang
Feminismo.
Halimbawa:
Maaaring timbangin ang mga inihahaing solusyon ng pamahalaan ukol sa trapik.
Halimbawa:
Maaaring hamunin ang tinataya ng Tsina na sa kanila ang islang Spratly.
Halimbawa:
Maaaring alamin ang katotohanan sa likod ng pangit na epekto ng social media sa pag-aaral ng mga
kabataan.
Halimbawa:
Maaaring bigyan ng makasaysayang lapit ang paglaganap sa bansa ng sakit na AIDS.
Mga Paalala
Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik ay siguraduhing matatamo nito ang mga tunguhin.
Pag-ukulan nang sapat na oras ang pag-aaral sa mga datos na nakalap.
Bumuo ng isang komprehensibong pag-aaral.
Mahahalagang Kaalaman
Ang pananaliksik ay “masusing pagsisiyasat at pagsusuri ng mga konsepto, bagay, tao, isyu at iba
pang ibig bigyang linaw, patunayan, at pasubalian.”
Layunin ng pananaliksik na magbigay linaw sa mga konsepto, bagay, tao, at isyu sa paraang
pagsisiyasat at pagsusuri nito.
Ang pananaliksik ay nakatutulong upang magpaunlad ng kaalaman.