Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Panimulang Lingguwistika

Panimulang Lingguwistika

Ako ang inyong guro, Bb. Capuli,

Ako ay nagagalak sapagkat ako ang naatasang maging tagapatnubay o guro sa asignaturang ito. Ang
ating klase ay magsisimula sa Agosto 24, 2020 hanggang Disyembre, 2020. Maaaring gamitin ang
anumang uri ng makabagong materyales sa pagpapadala ng mga ideya, paksang-aralin gayundi ang
mga nagawang pagsasanay gaya ng Facebook, Messenger, Group Chat. Ang mga nagawang
pagsasanay ay mamarkahan sa pamamagitan din ng mga rubrik sa pagtatasa.

Magsisimula kayo sa pagtukoy sa mga inaasahang pagkatuto sa kursong ito:

 IRP 1. Matutuhan ang proseso o interaksyong umiiral sa mga salik na kailangan upang
makapagsalita ang tao
 IRP 2. Matutuhan ang pangkalahatang paraan sa pagbubuo ng salita.
 IRP 3. Mapahalagahan ang mga tuntunin sa tamang pagbubuo ng mga salita at
pangungusap.
 IRP 4. Mapahalagahan ang mga bahagi ng katawan na kasangkot sa pananalita
 IRP 5..Makapagsalita nang mabisa sa lahat ng pagkakataon.
 IRP 6. Makapagpahayag ng damdamin sa maayos na pamamaraan.

Ano ang inyong inaasahan sa kursong ito?

Ang mga paksang-aralin sa modyul na ito:

Aralin I: Ang Linggwistika at Guro ng Wika


a. Kahulugan
b. Ang Linggwistika sa Paglinang ng Filipino

Aralin II: Ang Wika


a. Simula ng Wika
b. Ang Angkang Malayo-Polinesyo at ang mga Wika sa Pilipinas
c. Ang Wika at Dalubwika
d. Ang Wika at Kultura

Aralin III: Kasaysayan ng Linggwistika


Panimulang Lingguwistika

a. Kasaysayan ng Linggwistika sa Daigdig


b. Pilipinas
c. Kastila
d. Amerikano

Aralin IV: Ang Pagsasalita

a. Pagbigkas ng mga Tunog


b. Pagkontrol sa Tono ng Tinig
c. Ang Patunugan

Aralin V: Ponolohiya

a. Punto at Paraan ng Artikulasyon


b. Klaster at Diptonggo
c. Pares Minimal
d. Ponemiko
e. Alopono
f. Ponema
g. Morpema
h. Kernel/Pangungusap

Aralin VI: Paghahambing ng Dalawang Modelo ni Chomsky

a. Aspects 1965
b. Structures 1957

ARALIN I: Ang Lingguwistika at Guro ng Wika

Layunin:
 Matukoy ang kahulugan ng lingguwistika at ang kaligiran nito.
 Maipaliwanag ang kahalagahan ng lingguwistika sa edukasyon at lipunan.

Kahulugan

Ito ang makaagham na paraan ng pag-aaral ng wika. Ang isang taong nagsasagawa ng maagham
na paraan ng pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwista.
Panimulang Lingguwistika

Dr. Cecillio Lopez - “ Ama ng Linggwistikang Pilipino” sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ang
kauna-unahang nagturo ng mga kurso sa linggwistika sa nasabing unibersidad.
Ang isang linggwista ay hindi laging nangangahulugang maraming alam na wika. Maaaring
matawag na linggwista ang isang tao kahit isa, dalawa, o tatlong wika lamang ang kanyang alam. Iba
ang linggwista sa tinatawaga na polygot .
Ang polygot ay isang taong maalam o nakakapagsalita ng iba't ibang wika, nguni't iyon ay hindi
nangangahulugang siya'y isa nang linggwista.

Ano ang pagkakaiba ng linggwistika sa anawnser?

Ang isang anawnser ay mahusay magsalita o gumamit ng wika ngunit


nangangahukugang siya'y isa nang linggwista. Gayundin naman , ang isang linggwista ay ay
mahusay magsagawa ng maagham na pagsusuri sa mga wika, ngunit hindi dapat laging asahang
katukad siya ng isang ananwser na mahusay magsalita.

Kahalagahan ng Lingguwistika

Ang isang linggwistika ay karaniwang natutulad sa doktor. Nagpapakadalubhasa siya sa larangan


ng wika. Maagham ang kanyang paraan ng pag-aaral at pagsusuri sa wika.
Ano ba ang nagagawa ng isang linggwista na hindi nagagawa ng isang karaniwang guro?

Kung ang pag-uusapan ay ang iba't ibang paraan ng pagtuturo sa wika, ang linggwista
naman ang siyang magiging arbularyo at ang guro ang siyang magiging doktor.

Ang linggwistika sa paglinang ng wikang filipino

a. Sa pagbubuo at paggawa ng mga patakarang pangwika.

Ano ang mga sulirang pangwika?


Kung paanong mapapaunlad ang wikang Filipino bilang isa sa mga tatak at kasangkapan natin sa
pakikipag-ugnayan bilang malayang lahi.
Kung paaanong mapapanatili ang Ingles bilang wikang tulay natin sa pagdukal ng karunungan at
pakikipag-ugnayan sa daigdig.

Dept. Order NO. 25. Series of 1974


Ang pagpapairal ng bilingguwalismo sa ating sistema ng edukasyon.

b. Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo.


Nang pairalin ang patakarang bilingguwalismo ay lumitaw ang mga suliranin, ang kakulangan sa
kagamitang panturo sa mga asignaturang ituturo sa Pilipino.
( Educational Development Projects Implementing Task Force ) EDPITAF
Sila ang naghanda ng mga kailangang aklat at iba pang kagamitang panturo.

Araling Panlipunan - Dibisyong Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura


Edukasyong Panggawain - Philippine College of Arts and Trades
Agham at Matematika - Science Education Center ng Unibersidad ng Pilipinas
Panimulang Lingguwistika

Wika - Language Study Center ng Dalubhasaang Normal ng Pilipinas.

c. Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na pananaw sa kalikasan ng wika.

Kapag malawak ang pananaw ng isang guro sa wika, kung ang lahat ng salik ay patas, magiging
higit siyang mabuting guro kaysa iba na walang gayong uri ng pananaw. Nagiging malalim ang
pagtuturo ng isang guro kapag may malalim siyang pagkakaunawa sa kalikasan at kakanyahan ng
wika.

PAGLALAGOM
Magkaiba ang mga layunin ng guro ng wika at ng linguist. Subalt sila'y may
gantihang pakinabang.. ang mga teknika at pamamaraan ng linguistics ay makatutulong sa
pagpapaunlad sa gawain ng guro ng wika...hindi siya maaaring magkibit-balikat sa hitik na bunga
ng linguistics - ang maagham na pag-aaral ng wika
Direktor Pineda
“ Agham Wika sa Filipino”
Surian ng Wikang Pambansa

ARALIN II: ANG WIKA

SIMULA-SIMULA NG WIKA

Layunin:
 Matukoy ang naging kasaysayan at simula ng pagkakaroon ng iba’t ibang pangkat ng wika sa
Pilipinas.
 Maisa-isa ang iba’t ibang pangkat ng wika sa Pilipinas.
 Mapahalagan ang mga wika sa kasalukuyang panahon.

Naniniwala ang mga antropologo na ang wika ng mga kauna-unahang tao sa daigdig, kung mayroon
mang wikang masasabi noon ay isang uri ng wikang halos katuald ng sa mga hayop.
Dahil nga sa likas na talino ng tao ay napaunald niya nang napaunlad ang kanyang sarili sa pamamagitan
ng kanyang pagkontrol ng maraming bahagi ng kalikasan hanggang sa tuluyan na niyang naibukod ang
kanyang sarili sa mga hayop. Lahat halos ng wika sa kasalukuyan ay mayroon ng kasalimuotan at lahat ay
maituturing na may kasapatan upang magamit ng may wika sa pagpapahayag ng anumang diwang
nakapaloob sa kanyang kultura. Gaya ng pagkakaalam natin, walang taong walang wika at wala ring
hayop na may wikang tulad ng sa tao.

Kung ang pagbabatayan ay ang mga nahukay na mga labi o artifacts na gawa ng mga unang tao sa
daigdig, masasabing ang pagkakaroon ng wika ng tao, sa tunay na kahulugan ng wika ay mayroong
humigit-kumulang sa isang milyong taon. Iba-iba ang paniniwala ng mga palaaral tungkol sa kung
marami o iisa ang pinagmulan ng wika sa daigdig.

Ano ang Teorya ng Wika ayon sa Bibliya?

Genesis 11: 1-9


Panimulang Lingguwistika

Sa umpisa’y iisa ang wika ng lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat, nagawi sila sa
silangan, sa isang kapitagan sa Sinar. Dito sila huminto at namayan. Nagkaisa silang gumawa ng
maraming tisa at lutuing mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang
semento. Ang sabi nila’y “ Ngayo’y magtayo tayo ng isang Lungsod na may toreng abot langit upang
matanyag tayo huwag magkawatak-watak”. Bumaba si Yahweh upang tingnan ang lungsod at ang toreng
itinatayo ng mga tao. Sinabi niya “ Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika.
Pasimula pa lamang ito ng kanilang mga binabalangkas;hindi magluluwat at gagawa sila ng anumang
kanilang maiibigan. Ang mabuti’y puntahan natin at guluhin ang kanilang wika upang huwag silang
magkaunawaan” At pinangalat ni Yahweh ang mga tao sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng
lungsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga
tao. At mula roon, pinapangalat nga niya ang mga tao sa buong daigdig.

Teorya ng Wika

Lunsod ng Babel at Tore ng Babel na ang ibig sabihin ay “City of Confusion” o “Tower of
Confusion” Anupa’t sa mga aklat ay marami pang mababasa tungkol sa iba’t ibang teorya kung paano
nagsimula at lumaganap ang wika.

Ang Eksperimento ni Haring Pssammitichus

Bekos isang salita sa wikang Phrygian ( isa na ngayong patay na matandang wikang Indo-
Europeo) na ang ibig sabihin ay bread.

Mga Prinsipal na Angkan ng Wika

Ang pagkilala at pagpapangkat –pangkat ng halos 5,000 na wika sa daigdig ayon sa kani-kanilang
pinagmulan ay hindi biru-birong gawain. Sa payak na paglalarawan ang ganitong gawain ay naisasagawa
ng mga antropologo at dalubwika sa pamamagitan ng pagtutuald-tulad sa iba’t ibang wika. Upang
alamin
kung ang mga ito’y may pagkakahawig, kundi man pagkakatulad, sa palatunugan, sa palabuuan, sa
palaugnayan, at sa talasalitaan at leksikon.

1. Indo-European- ito ang napakalaking angkan. Nakapaloob dito ang:


A. Germanic-Trutonic
1. English- Frisian
- sinasalita sa baybayin ng Netherlands at Alemanya
Engliah
- pinakamalaganap sa kasalukuyan
2. Ducth – German
-Dutch ng Netherlands
-German ng Alemanya
-Flemish ng Belgium
- Ang Afprikana , isa sa dalawang wikang opisyal ng Unyon sa Hilagang Africa buhat
sa Dutch;
Ang Yidiah na gumagamit ng Alpabetong Ebreo ay buhat sa Aleman

3. Scandinarian
-Daniah ng Denmark
Panimulang Lingguwistika

-Swedish ng Sweden at Finland


-Icelandic ng Iceland
-Anglo- Saxon ng Britanya
B. Celtric
1. Breton ng Timog- Kanlurang Prasya
2. Weish ng Waleo
3. Irsih ng Ireland
4. Scots Gaelic ng Scotland
C. Romance
1. Portuges ng Portugal at Brazil
2. Espanyol ng Espanya, Latin Amerika at Brazil
3. Pranses ng Pransya at mga bansang sakop; isa sa opisyal na wika ng Belhika ,
Belgian Congo Switzerland at Canada
4. Italyano ng Italya
5. Rumanian ng Romanya
6. Sardinian
7. Rhato- Romantic
a. Romanich- isa sa apat na opisyal na wika ng Switzerland ( ang iba Aleman, Pranses
at Italyano)
8. Haitian Creole
9. Catalan at Galician ng Espanya
10. Latin – ito ang sinasabing kauri ng mga pinakaugat na wika ng mga wikang
Romance
D. Slaric ng Silangang Europa
1. Ruso- ito ay buhat sa rehiyon ng Moncow, kumalat sa katimugan ng Asya;
pangalawang wika ng U.S.S.R. ; pangalawa sa Ingles sa dami ng nagsasalita.
2. Byitloniurian at Ukruinian - ito ay wika sa hilagang Pransya.
3. Poluh ng Poland
4. Czech ng Czechoslovakia
5. Slovar ng Sboakia
6. Serbo – croatian ng Yogotlavia
7. Bulgarian ng Bulgaria
E. Baltic
1. Lithuanian ng Lithuania
2. Latvian ng Latvia
F. Albanian
G. Griyego ng Greece
H. Iranian
I. Indic- mga wika sa gawing timog ng India at Pakistan
1. Hindi ng Republika ng India
2. Urdu ng Pakistan
3. Bengali ng Bengai
4. Nepali ng Nepal
5.Sinhalese ng Ceylon
6. Sanskrito- ginagamit pa ring wikang pampanitikan at panrelihiyon sa Indya
II. Finno-Ungrian

A. Finnish ng Finland
B. Estonian ng Estonia
C. Hungerian ng Hungary
Panimulang Lingguwistika

D. Lappish, Mordvin, Cheremiss- mga wikang kaangkan ng kumalat sa gawing timog ng Europa
at Asya.
III. Altase
A. Turkie
B. Mongol ng Mongolia
C. Manchu- Tungua ng Silangang Mongolia
IV. Caucatian sa Rehiyon ng Caucama sa U.S.S.R.
A. South Caucatian
b. North Caucatian
V. Afro-Asiatic – timog ng Africa at hilagang kanluran ng Asya
A. Semetic- Ebreo ng Israel – wikang ginagamit sa Lumang Tipan.
1. Arabiko ng Arabia
2. Maltese ng Malta
3. Aseyrian ng Asyrian
4. Aramaic- sa wikang ito nasulat ang unang Bibliya, wikang ginamit ni Hesukisto at kanyang
mga disipulo.
5. Phoenician- kahawig na kahawig ng matandang Ebreo, wika noon ng komensya sa
Meditarranean at pinagmulan ng ating matandang alpabeto.
B. Hamitic
1. Egyptian
2. Berber ng Timog Africa at ng Sahara
3.Cushitic ng Silangang Africa
4. Chad ng Nigeria
C. Mande ng Kanlurang Afrcia
D. Kwa ng Gitnang Africa
E. Sudanic ng Sudan
F. Bantu
VI. Korean
VII. Japanese
A. Niponggo-
B. Ryuku ng Ryukyu Islands sa Kanlurang Pasipiko
VIII. Sinso-Tibertan ng Silangang Asya
IX. Malayo-Polonisean
X. Papuan ( New Guinta at mga Kalapit na Pulo)
XI. Dienvidian ( Hilagang India)
XII.Australian
XIII. Austro- Asiatic ( Hilagang Kanlurang India)

C. Ang Angkang Malayo-Polinesyo at ang mga Wika


Hindi nagkakaisa ang mga palaaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika sa
kapuluan. Ngunit waring marami ang naniniwala sa teoryang ang mga rehiyong nasa baybaying-
ilog ng Kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng kulturang
Indonesyo. Sa paglakad ng panahon, ang paglikas ng mga tao(cf. Lopez 1967) at nahati, ang
isang pangkat na lumikas pakanluran patungong Indiya, Indo-Tsina at Indonesya.
Sinasabing ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay buhat sa Alifbata ng Arabia.
Ito ay mapapanaligan sapagkat ang Bahasa Melayu na pinaniniwalaan ang nagmula rin sa
Alifbata ay naging lingua franca sa Timog Silangang Asya sa pagitan ng A.D. 700 at A.D.
1500. Sina David at Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay nagsasagawa ng
pananaliksik tungkol sa kung paaanong lumaganap sa Pilipinas ang iba’t ibang wikang nakilala
sa ngayon.Sila’y naniniwala na mahahati sa tatlong panahon ang malakihang paglaganap sa
kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
Panimulang Lingguwistika

Noong 700 B.C. ang Philippine Stock ay nahati sa tatlo;


Northern Philippine Family, Southern Philippine Family at Pangasinan. Noong 200 B.C. ang
Northern Philippine Family ay nahati sa hindi kukulangin sa tatlo; (1) ang mga wika sa
lalawigang bulubundukin ( Ifugao, Kankanai, Bontoc), (2) Ilokano at ang mga wikang lumaganap
sa kahabaan ng Ilog Cagayan ( Kalingan,Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, Agta) at
Inibaloi.
Ang Southern Philippine Family noong 100 B.C. ay nahati sa mga sumusunod na pangkat ng
wika; Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol, Cebuano, Butuanon, Surigao, Kalagan,
Mansaka,Batak,Cuyunon, Maranao, Maguindanao, Binukid, Dibabao, Western Bukidnon,
Manobo, Southern Bukidnon Manobo, Subanun at Iba pa. May palagay din ang nasabing mga
mananaliksik na ang wika sa Borneo, Celebes, Kanlurang Micronesia o Formusa ay kaangkan ng
Philippine Stock. Pitong Pangalan ang ginamit nina David at Healey sa pagpapangkat ng mga
wika sa Pilipinas; Southern Philippine Family, Northern Philippine Family, Southern Mindanao
Family, Chamic Family, Philippine Stock, Malay Stock, at Philippine Superstock. Bagama’t
hindi matatawaran ang kakayahan ng mga mananaliksik na nabanggit, sa kabuuan ay
makapagbibigay tayo ng kahinaan ng kanilang isinagawang pag-aaral, gaya ng mga sumusunod;

1. Hindi ibinigay ang tiyak na petsa ng pinagmulan ng inang wika ( parent languange);
2. Ang mga talasalitaang ginamit ay lubhang kakaunti upang magbigay ng mapapanaligang
resulta;
3.Limitado lamang sa mga talasalitaan ang isinagawang pagsusuri ; wala sa morpolohiya at
sntaksis;
4. Hindi isinaalang-alang ang maaaring naganap na paghihiraman ng mga wika sa kapuluan
( interdialectial borrowing);
5. Walang sanligang matematikal ang teknik o pamaraang ginamit.

Sa klasipikasyon ni Conklin (1952) ay pinangkat niya ang ilang wika sa Pilipinas sa dalawa:
Iloko-Type at Tagalog-Type, batay sa korespondensya ng mga tunog at iba pang katangiang
panlingguwistika. Ang Ilokano at Pangsinan ay isinama niya sa pangkat sa Iloko-Type ,
samantalang ang Tagalos, Bicol, Hiligaynon at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat
ng Tagalog Type, Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito. Ang isa pang
pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na ginamitan din lexicostatistics ay ang
kina Fox , Sebley at Eggan ( 1953). Gumawa sila ng panimulang glottochronology para sa
Katimugang Luzon. Ang glottochronology ay isang paraan ng pagtataya na kung anong petsa o
panahon nahiwalay ang mga anak ng wika sa kanilang inang wika at gayundin, kung anong
petsa nagkahiwa-hiwalay o nagkawatak-watak ang nasabing mga anak na wika pagkatapos
mahiwalay sa ina. Sang-ayon sa kanila , ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon ,
matangi sa Ilongot ay mapapangkat lamang sa isa. Ang Northern Luzon Type, anila pa ay
mahahati pa rin sa mga ; Northern Division, Central Division, Southern Division,

D. Ang Wika at ang Dalubwika

Iba’t iba ang wika sa daigdig,


may pagkakatulad o
pagkakaiba ang mga
ito?
Panimulang Lingguwistika

Ang mundo ay binubuo ng humigit kumulang na 5, 000 wikang sinasalita ng iba’t ibang pangkat
ng mga tao sa mundo. Bagaman ang mga wikang ito ay magkakaiba , maituturing pa rin itong
magkakatulad sa paraang lahat ito ay binibigkas at kinapapalooban ng mga tunog. Subalit
sinasabi na wala ring maituturing na unibersal na tunog.

Kalipunan ng tunog, maaari bang mabigkas ito ng isang tao sa paggamit ng wika?

Ang tao ay may kakayahang lumikha at umisip ng napakaraming tunog at halos walang
katapusang uri ng tunog. Subalit hindi lahat ng tunog na binibigkas ng isang tao ay ginagamit
sa isang wika.

You might also like