Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

(MASAYANG TONO)

<<Hello mga clubbers!>>

<<Kumusta na kayo? Kumusta ang isang linggong nagdaan?>>


<<Kumusta ang unang araw ng pasukan? Tapos niyo na bang sagutan ang mga modules ninyo?>>
<<Handa na ba kayo sa panibagong pag-aaral natin ngayong sabado at lalong makilala ang isang
katangian ng Diyos?>>
<<Handa na kayo?? Tara..>>

<<Ano ulit ang ating talatang dapat sauluhin?>>


<<Ang talatang ating dapat sauluhin ay makikita sa

Roma 15:7
Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, gayon din ang gawin ninyo sa isat isat upang
maparangalan ninyo ang Diyos.

(MEANING)

<<Ano ba ang ibig sabihin ng MALUGOD?>>


<<Ang ibig sabihin ng MALUGOD ay matuwa.. Tunay naman na nakakalugod o nakakatuwa na tanggapin
tayo ni Cristo.>>
<<Ano naman ang ibig sabihin ng MAPARANGALAN?>>
<<Ang ibig sabihin naman ng MAPARANGALAN ay MAPURI, MASAMBA o MAIGALANG.>>

<<Ano kaya ang ibig sabihin ng talatang iyan? At ano ang kaugnayan niyan sa ating pag-aaralan ngayong
araw>>
<<Malalaman natin yan habang pinapanuod ang video na ito>>

***Play Video***
***Pause Video***
Ano ang pangalan ng pinuno sa hukbong Romano? At saan daw siya nakatira?
Tama! Si Cornelio, at nakatira siya sa Cesarea.
Si Cornelio at ang kanyang pamilya ay ginagalang ang Diyos.
Si Cornelio ba ay Judio?
Hindi? Tama.. Si Cornelio ay hindi Judio kundi isang Hentil.
Judio ang tawag sa mga taong nagmula sa lahi ng mga Israelita. Hentil naman ang tawag sa mula sa
ibang lahi bukod sa mga Israelita. Noon, naniniwala ang mga Judio na sila lamang ang piniling lahi at ang
ililigtas ng Diyos. Ang mga Hentil ay hindi kasama sa mga lahing kinakalinga at ililigtas ng Diyos.

***Play video***
***Pause video***
Ano ang ibig sabihin ng pangitain?
Ang pangitain o vision ay maaari mula sa panaginip o bigla lamang makikita o maiisip.
Ano ang pangitain ni Cornelio? Tama!
Sinabi sa kanya ng isang anghel na naririnig ng Diyos ang kanyang mga panalangin at nakikita ang
kanyang mga ginagawa niya.
Ano ang iniutos ng anghel kay Cornelio?
Magaling! Nagpapapunta ang anghel ng mga tauhan ni Cornelio sa Joppa upang sunduin si Apostol
Pedro. At ganoon nga ang ginawa ni Cornelio.

***Play video***
***Pause video***
Sa sumunod na araw, saan natagpuan si Pedro at ano ang kanyang ginagawa?
Mahusay! Si Pedro ay nasa bubungan at siya ay nananalangin.
Habang tayo ay nanalangin, maaari rin tayong magkaroon ng pangitain.
Ano naman ang nasa pangitain ni Pedro?
Tama! May isang malaking kumot na bumaba sa langit at puno ito ng mga hayop. At may isang tinig na
nagsabi na magkatay si Pedro at kumain.

***Play video***
***Pause video***
Ano ang laman ng kumot na bumaba sa langit? At ano ang naging sagot ni Pedro sa tinig?
Mahusay! Ang laman ng kumot ay mga hayop na hindi maaaring kainin ng mga Hudyo.
Kaya tinggihan ni Pedro ito.
At ano ang isinagot ng tinig sa pagtanggi ni Pedro?
Tama! Sinabi ng tinig na kapag sinabi niya na ang lahat ng hayop na iyon ay maaari ng kainin ni Pedro,
pwede na raw ito gawin ni Pedro. Kung babasahin natin ang ating mga bibliya, sinabi ng tinig na “Huwag
mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos.
Sino kaya ang tinig na kausap ni Pedro? Tama… Ang Diyos, dahil maaaring sa pamamagitan ng mga
pangitain tayo kausapin ng Diyos.

***Play video***
***Pause video***
Habang pinagiisipan ni Pedro ang kahulugan ng kanyang pangitain, ay dumating naman ang mga
mensahero ni Cornelio. Sumama si Pedro sa mga mensahero papunta sa Cesarea .

***Play video***
***Pause video***
Ano ang sinabi ni Pedro sa mga tao na nasa sambahayan ni Cornelio?
Tama! Sinabi niya ang mensahe ng Diyos sa kanyang pangitain na tinatanggap ng Diyos ang lahat ng tao
sa lahat ng bansa at ipinadala ng Diyos si Jesus para sa lahat ng tao. Hindi lamang para sa mga Judio
kundi pati na sa mga Hentil.

***Play video***
***Pause video***
Binanggit din Pedro ang mga kabutihang ginawa ni Jesus. At ang pagkapako ni Jesus at muling
pagkabuhay. At ang lahat ng naniniwala at tumatanggap kay Jesus ay patatawarinsa kanilang mga
kasalanan.
Ano ang ginawa ni Pedro sa mga Hentil na naniwala kay Hesus?
Tama, sila ay binautismuhan ni Pedro at naging mga Kristiyano.

<<Napanuod natin ang kwento ng mga pangitain nina Cornelio at ni Pedro…>>


<<May mga katanungan ako para sa inyo mga clubbers..>>

1. Paano naging iba si Cornelio kay Pedro?


Si Cornelio ay naiiba kay Pedro dahil si Cornelio ay isang Hentil at si Pedro naman ay isang Hudyo. At
naniniwala sila na ang mga Hudyo ay ang mga anak ng Diyos, at wala nang iba.

2. Bakit pinuntahan ni Pedro si Cornelio?


Dahil sa kanilang mga pangitain. Pinasundo ni Cornelio si Pedro sa Joppa dahil sa pangitain ng Anghel na
naguutos na sunduin si Pedro. At si Pedro naman, sa kabila ng kaniyang pagaalangan sa pangitain sa
kanya ng Diyos, dahil naunawaan ni Pedro na ang mga hayop na hindi malinis sa kanyang pagkakaalam
ay nilinis na ng Diyos ay sumisimbolo sa mga Hentil.

3. Ano ang sinabi ni Pedro kay Cornelio?


Isinalaysay ni Pedro ang mga kabutihang ginawa ni Hesus noong andito pa Siya sa daigdig. At sinabi ni
Pedro na kung sino ang sumampalataya at tumanggap kay Hesus ay mapapabilang sa pamilya ng Diyos.

4. Sino sino ang pwedeng tanggapin sa pamilya ng Diyos?


Ang mga taong nagsisi at tumanggap kay Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas.

5. Paano natin dapat tratuhin ang mga taong naiiba sa atin?


Dahil mahal ng Diyos ang lahat ng mga bata, ipakilala natin sa kanila si Hesus upang mapabilang sila sa
pamilya ng Diyos. Ikwento natin si Hesus sa ating mga kaibigan. Tratuhin natin sila na parang pamilya
natin at iparamdam na hindi sila naiiba sa atin sa pamamagitan ng pagtanggap kung ano sila.

<<Yan lamang ang ating pag-aaralan ngayong sabado, sana ay may natutunan kayo sa ating kwento…>>

Para sa ating AWANAssignment…


Kailangan natin ng isang malinis na puting papel o Coupon Bond.
Mga gamit pangguhit at pangkulay.
At sinulid.

Gumuhit ng mga hayop sa puting papel, mas maraming hayop ay mas mainam. Huwag kakalimutang
kulayan ito.

Magpatulong kila Mommy at Daddy o kaya kila Ate at Kuya, lagyan ng sinulid ang bawat kanto ng papel
at isabit ito na parang kumot na ibinaba ng Diyos sa pangitain ni Pedro.

Ipapaalala sa atin nito ang lesson natin sa araw na ito. Na lahat ng nilinis na ng Diyos ay parte na ng
pamilya niya.

<<Tratuhin natin ang sinuman na parang pamilya natin at iparamdam na hindi sila naiiba sa atin sa
pamamagitan ng pagtanggap kung ano sila.>>

Maraming salamat mga clubbers sa pakikinig… Paalam…

You might also like