Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PEDIA KO

Konsultasyon online
Ano nga ba ang

LEPTOSPIROSIS
Ang leptospirosis ay sakit na sanhi ng leptospira bacteria na nakakaapekto sa tao at
hayop. Maaari itong makaapekto nang matindi sa bato, atay, utak, baga, o puso.
SAAN ITO NAKUKUHA?
Kapag may sugat o galos at inilusong ang parteng
ito sa baha o basang lupa na kontaminado ng ihi o
dumi ng daga o iba pang hayop.

ANO ANG MGA SINTOMAS?


Pananakit ng ulo o kalamnan Pananakit ng tiyan Paninilaw/pamumula ng mata

Mataas na lagnat Pananakit ng binti Pagsusuka Pagtatae

Kung may lagnat sa loob ng dalawang


araw kasama ng iba pang sintomas ng
Leptospirosis at kasaysayan ng
paglusong sa baha, agarang
pagkonsulta sa doktor ay
Paninilaw ng balat Rashes Kumplikasyon sa atay, bato, at kinakailangan.
utak sa mga malalang kaso
PAANO ITO GINAGAMOT?
Maaaring pumunta sa pinakamalapit na ospital o gamutan para sa
agarang gamutan upang maiwasan ang mga kumplikasyon.
Maggamot ayon sa payo ng doktor.

PAANO ITO MAIIWASAN?


Ugaliing maghugas ng kamay
Iwasang maglaro at lumusong sa baha o kontaminadong tubig
Magsuot ng bota o gloves kung hindi maiiwasang lumusong sa baha o kontaminadong tubig
Agad na maligo o maghugas ng katawan kapag ikaw ay lumusong sa baha
Kung ang iyong trabaho ay may mataas na pagkakalantad sa baha, maaaring pumunta sa
pinakamalapit na health center o ospital upang mabigyan ng payo at propilaksis.
LEPTOSPIROSIS (N.D.). DEPARTMENT OF HEALTH. RETRIEVED FROM HTTPS://WWW.DOH.GOV.PH/HEALTH-ADVISORY/LEPTOSPIROSIS

You might also like