Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na


pananaliksik
Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon
ang paksa
Kasanayang Pampagkatuto: Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat
ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng
pananaliksik. F11PU-IVef-91

I. Layunin
A. Natutukoy ang paraan ng pangangalap ng datos
B. Naipaliliwanag at nagagamit ang paraan ng pangangalap ng datos
C. Nabibigyang pagpapahalaga ang mga paraan ng pangangalap ng datos

II. Paksang Aralin: Mga Hakbang ng Pananaliksik para sa Papel Pananaliksik


(Pangangalap ng Datos )
Kagamitan: Laptop, marker, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian:
Bautista, Demetrio B.et. al. 2014. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Grematima Publishing. Lunsod Batangas.

Garcia, Lakandupil, et. al., 2008. Kalatas : Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Gramtima Publishing. Lunsod Batangas

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti
Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa apat. Ang bawat isang grupo ay bibigyan ng
isang enbelop na may lamang gawain:
Magpakita ng isang role play na hindi hihigit sa limang (5) minute :
Pangkat 1. mga mag-aaral ay nangangalap ng datos tungkol sa kahalagahan ng
edukasyon mula sa iba’t-ibang tao.
Pangkat 2. mga mag-aaral sa loob ng silid-aklatan at abalang naghahanap ng
impormasyon tungkol sa kahalagahan ng edukasyon
Pangkat 3. mga mag-aaral na humihingi ng tulong sa isang grupo ng mga
mamamayan upang magpasagot ng kwestyoner
Pangkat 4.grupo ng mag-aaral na nag-oobserba sa isang malayang talakayan
B. Analisis
1. Ano ang iyong estratehiyang ginagamit sa paghanap ng mga impormasyono
pangangalap ng datos? Kung mayroon, tukuyin ang mga ito at bigyan ng kaukulang
paliwanag.
2.Sa palagay mo ba ang iyong estratehiyang ginamit ay nakatulong nang malaki sa
sa paglutas ng mga suliranin sa paghanap ng impormasyon? Ipaliwanag kung paano.
Magkakaroon ng malayang talakayan.
Ayon kay Garcia, et. al. (2008) may mga paraan sa pangangalap ng datos na lubhang
kailangan sa pananaliksik. Ang mga ito ay:
1. Paggamit ng silid-aklatan
2. Pakikipanayam
3. Sarbey
4. Pagsangguni sa Internet
Sa pagsulat ng burador sa proseso ng pagsulat subuking gawing isang sulatin ang
pira-pirasong impormasyong matiyagang tinipon buhat sa pangangalap ng datos mula sa
mga itinalang sanggunian. Mula sa pagiging kalansay o balangkas, lalagyan na ito ng
laman upang makatayo sa isang sulating pananaliksik sa kabila ng pagiging draft lamang
ng kayarian nito.
C. Abstraksyon
1. Anu-ano ang iba’t-ibang paraan ng pangangalap ng datos?

Pagpapakita ng Power Point Presentation:

Pangangalap ng Datos: Mga Sanggunian, Sarbey, at Panayam Malawak ang sakop ng


mga maaaring mapagkunan ng datos kung kaya hindi na rin masasabing napakahirap
magsagawa ng isang pananaliksik. Kabilang sa mga maaaring puntahan ay ang mga
aklatan, sumangguni sa Internet, at maaari ding magsagawa ng panayam.

Aklatan
Dito matatagpuan ang mga aklat at iba pang maaaring sanggunian gaya ng mga tesis,
disertsyon, magasin at iba pang kagaya na mapagkukunan ng kinakailangang datos.
Gamitin ang card catalog, online catalog, o hingin ang tulong ng librarian sa paghahanap
ng mga datos na kailangan. Ang card catalog ay may mga uri – ang subject card, kapag
natitiyak ang paksang hinahanap; author card, kung alam ang awtor ng hinahanap na
aklat; at title card, kung ang hinahanap ay pamagat mismo ng aklat.

Internet
Ang Internet ay isa rin sa mapagkukunan ng datos. Ipasok lang ang keyword sa
search engine ay mahahanap na ang posibleng mapagkukunan ng impormasyong
kailangan. Maaaring hanapin ang website sa tulong ng mga patnubay.

Mga Paalala: 
 Laging maging mapanuri sa pagkuha ng datos mula sa Internet sapagkat hindi
palaging tumpak ang mga impormasyong makukuha mula rito. 
 Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik ay huwag magkasya o masiyahan sa iisang
sanggunian lamang. 
 Sikaping maraming nakalap na mga impormasyon ukol sa paksang pinag-aaralan
upang higit na maunawaan ang paksa ng isinasagawang pananaliksik.

Mahahalagang Kaalaman
 Maraming mapagkukunan ng datos na kailangan sa pananaliksik gaya ng aklat,
Internet, sarbey at panayam. 
Maraming impormasyong hatid ang Internet subalit gaya nang nabanggit ay dapat
maging mapanuri.
 Ang sarbey ay angkop gamitin sa mas maraming respondente. Samantala, sa
pakikipanayam naman, dapat pumili ng taong dalubhasa sa paksang pinag-aaralan.

2. Sa palagay mo, alin ang pinakamabisang paraan ng pangangalap ng datos?

3. Bakit mahalaga ang bawat isang paraan ng pangangalap ng datos?


D. Aplikasyon
Batay sa mga natutuhan sa paksang tinalakay, bumuo ng mga paraan ng
pangangalap ng datos ayon sa pangangailngan ng iyong gagawing pananaliksik. Ang
natapos na gawain ay ipapasa sa guro at ang bawat isa ay magpapaliwanag kung
bakit ang paraang iyon ang gagamitin.
Punan ang papel na ipapamahagi ng guro.
Pangalan:
Pamagat ng Pananaliksik:
Gagamiting paraan sa pangangalap ng datos:

Dahilan kung bakit napiling gamitin ang paraang nabanggit:

Mga kailangang impormasyon:

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 10 puntos
Organisasyon ng Ideya 10 puntos
Alituntuning panggramtika, gamit ng wastong gramatika,
Gamit ng wastong baybay 10 puntos
KABUUAN --------------------------------------------------- 30 PUNTOS

E. Ebalwasyon
Panuto:Punan ng tamang sagot ang mga patlang
1. Matatagpuan ang mga aklat at iba pang maaaring sangguniang mapagkukunan ng
kinakailangang datos sa ___________.
2. Ang card catalog ang ginagamit kapag tiyak na ang pamagat ng aklat ay
_____________.
3. Ang paraan ng pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pamimigay ng questionnaire
sa mga respondent ay _________.
4. Pumipili ang mananaliksik ng taong eksperto sa paksa sa paraang ____________.
5. Ang sunod na dapat gawin matapos ang ginawang pagsasarbey ay ____________.

You might also like