Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Isang kasanasan sa aking kamusmusan

Alejandra M. Tangol

(Taga-Compostela Valley)

Bawat tao ay may karanasang di maiwaglit sa isipan.maaaring ang karanasang ito ay masaya,
malungkut,o nakatatakot.

Nasa ikalawang baitang ako noon sa primarya nang mangyari ang karanasang hanggang ngayon
ay di pa rin naililibing sa limot.

Maraming puno ng bayabas na hitik na hitik sa bunga na nasa tabing daan lamang tumubo sa
aming nayon.Ang mga hinog na bunga ng bayabas ay tila kumakaway sa mga nagdaraan upang
pitasin.

Nakagawian naming pumitas ng mga bunga nag bayabas sa aming pagtung sa paaralan tuwing
umaga at hapon sa aming pag-uwi.

Isang araw ,maaga kaming pinauwi ng aming guro.Kalahati araw lamang daw ang aming klase
sapagkat may mahalaga saying pupuntahan .

Tanghaling tapat nang ako’y nasa puno ng bayabas na hitik sa nagdidilawang sa bungang
hinog.Nagiisa akong umuwi sapagkat nauna sa akin ang aking kapitbahay na babae na kamag
aral ko rin.

Dali-dali kong inakyat ang mataas na puno ng bayabas .Isa-isa kong pinitas at inihulog ang mga
naglalakihang mga bunga nito.Hindi ko namalayang ako’y napaakyat sa dulo ng puno at
naglambitin sa mga dulo ng puno at naglambitin sa mga sanga nito .

Subalit biglang nabali ang mga sanga bigat ko.

Naulinigan ko ang boses ng mga taong nakapaligid sa akin.Dahan-dahan kong iminulat ang
aking mga mata at ang una kong namataan ay ang aking ina . Larawan ng patataka at pagkagulat
ang mga taong nasa aking harapan.
“Di ka nahulog anak, pinagtulungan ka naming ibaba” sabi ng inay.”Salamat sa diyos at ligtas ka
.Di ka nila kayang dalhin .Hindi sila nagtagumpay.”

Nang muli kong pagmasdan ang inakyat kong puno na bayabas…wala itong bunga.Ito’y maliit
na puno lamng.

You might also like