Professional Documents
Culture Documents
Every Child Is Special
Every Child Is Special
Kilala si Ishaan sa kanyang paaralan bilang mahina, tamad at makitid ang utak.
Hindi niya matulungan ang kanyang sarili na kayanin ang mga gawaing pang-akademya
sapagkat may dinadalang siyang sakit na Dyslexia, ito ang sanhi kung bakit iba ang kanyang
pagtanaw sa mga araw-araw na sitwasyon katulad ng pagbasa dahil ang mga letra ay
gumagalaw o sumasayaw at ang mga numero ay pabaligtad. Ang sakit niya ay parang krus
sa kanyang balikat dahil pabigat lamang ito sa buhay niya at ang dahilan kung bakit hindi
siya makapag halubilu si ibang bata nang maayos.
Dumating ang araw na hindi na alam ng mga magulang ni Ishaan kung ano
ang gawin sa kanya kaya ipinadala siya sa paaralan pangasarehan sa pag-asang baka
matulungan siya at mapabuti ang kanyang kakayahan sa aspetong pang-akademya doon.
Pero sa ating inaasahan, pareho lang naman ito sa dati niyang paaralan, wala itong
mabuting ginawa pero mas lalong palungkutin at palituhin si Ishaan.