Ang mga taong ito ay lumaban upang ipagtanggol ang Pilipinas.
Tayo ay dapat magpasalamat sa mga ginawa nilang kabaitan. Lahat ng katalinuhan at kalakasan nila ay ginagamit nila sa mabubuting gawa. Sila ay nagapi pero lumaban hanggang kalayaan. Ang mga bayaning ito ay natanggap ang ninanais na kalayaan pero ang mundo ay lumiit at buhay na ang kapalit. Si Lapu-Lapu ay naging unang bayani. Lumaban siya sa Espanyol na si Magellan. Ang mga Espanyol noon ay may kolonyalismo at gustong sakupin ang pilipinas pero lumaban ang ating bayani para sa kalayaan at katahimikan ng bansa. Si Jose Rizal naman ay lumaban gamit ang ballpen, lapis, at papel. Ginamit niya ang kanyang talino sa mabuting gawain at ginamit nya rin ito upang labanan ang kaaway natin. Si Andres Bonifacio naman ay nakipaglaban para makamit ang kalayaang ninanais. Si Apolinario Mabini naman ay may kapansanan pero may talino na hindi nagpapatalo kahit may sakit na nilalaban. Ito ay ang mga kilalang bayani sa pilipinas. Sina Lapu-Lapu, Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini at ako ay nagpapasalamat sa mga kabutihang ginawa nila sa ating Bansa.