Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

.

Unang Anekdota

Anim na taong gulang si Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog ng


atakihin ito ng matinding hika. Sa kasamaang palad, lingid sa kaalaman ng mga
doktor at magulang nito, mayroon pala siyang Steven Johnson’s Syndrome (SJS).
Dahil sa kondisyong ito, hindi tinanggap ng kanyang katawan ang gamot na
magliligtas sa kanyang buhay, sa halip ay naging sanhi ito ng kanyang pagkabulag.
Ayon sa kanya, maging sa murang edad na iyon, hindi niya kailanman naisip
na sisihin ang Diyos sa kanyang pagkabulag o mahabag sa kanyang sarili. Para sa
kanya, lahat ng mga nangyayari ay may dahilan at plano ang Diyos. Ang kanyang
pilosopiya tungkol sa mga balakid na dumarating sa kanyang buhay ay ang sinasabi
sa 2 Corinto 12:9; “At siya'y nagsabi sa akin,
Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang Aking kapangyarihan ay
nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus Akong magmamapuri na may malaking
galak sa Aking kahinaan upang manahan nawa sa Akin ang kapangyarihan ni Cristo.”
Sa kabila ng kanyang pagkabulag, ipinagpatuloy ni Roselle ang kanyang pag-aaral.
Pangarap niyang makapagtapos nang may karangalan.

Tinanggap niya ang pinakamataas na karangalan sa paaralan mula sa


elementarya hanggang sa kolehiyo. Pinili ni Roselle na magpasalamat sa mga biyaya at
ibahagi ang mga biyayang ito sa ibang tao. Siya ang kauna-unahang bulag na naging
Summa Cum Laude ng Ateneo de Manila at nagtapos ng BachelorofScience sa
Matematika at minor sa Actuarial Science. Natamo niya ang lahat ng karangalang
maaaring makamit ng isang mag-aaral sa Ateneo: ang Ateneo President’s Award bilang
Valedictorian ng Class 2001, ang Ateneo Vice-President’s Most Outstanding Individual
Award para sa paglilingkod at kahusayan, ang St. Ignatius Award para sa pinakamahusay
na Scholar at ang Departmental Award para sa Matematika.
Itinatag ni Roselle ang Project Roselle, isang proyektong nagkakaloob ng mga
desktop computers, scanners at Braille printers, maging ang special software tulad ng
screen readers, screen magnifiers at optical character recognition (OCR) applications
sa mga paaralang pampubliko na may mga mag-aaral na bulag.
Ginawa niya ito habang nag-aaral ng kanyang Masters Degree sa Unibersidad ng
Pilipinas. Kabilang sa mga nabiyayaan ng proyektong ito ang alma mater niyang
Ramon Magsaysay High School sa Manila, Quirino HighSchool sa Quezon City at
Bagong Silang HighSchool sa Caloocan City.
Habang nakabase sa Pilipinas, nagtrabaho si Roselle bilang Consultant-
Contractor para sa Human-Computer Interaction at Freedom Scientific, Inc., na
lumilikha ng Windows PC solutions para sa mga taong may kapansanan sa
paningin at learning disabilities. Tinulungan niya ang Serotek Corporation ng
Minneapolis, Minnesota, USA, na ipakilala ang System Access sa mahigit na
800,000 bulag at may kapansanan sa paningin na mga Filipino. Ito ay isang mura
at portable na Windows screen reader na maaaring gamitin sa anumang computer
na wala nang kakailanganing instalasyon at maaaring gamitin sa computer sa
paaralan, trabaho o maging sa mga pampublikong lugar tulad ng aklatan at
internet café.
Sa kasalukuyan si Roselle ang Product & Support Manager ng Code Factory, S.L. sa
Barcelona, Spain, na nangungunang tagapagtustos ng screen-reading, magnification
at Braille access solutions para sa mga bulag at bahagyang nakakikita gamit ang
mobile devices tulad ng cell phones at personal digital assistants (PDAs).

Si Roselle Ambubuyog ay bahagi ng kampanya ng Microsoft Office Icons. Ang


proyektong ito ay kinabibilangan ng mga indibidwal na nakalikha ng pangalan sa kani-
kanilang larangan, nagbigay inspirasyon sa iba at matagumpay na napakikinabangan
ang teknolohiya sa kanilang mga gawain at uri ng pamumuhay.

Bilang kasapi naman ng Asian Center for Trainers and Speakers (ACTS), si Roselle
ay nakapagsalita na sa halos lahat ng uri ng organisasyon. Patuloy siya sa
pagbibigay ng inspirasyon sa iba at pagbabahagi ng mga biyayang kanyang
tinatanggap.
B. Ikalawang Anekdota

Umuwi si Tom sa kanyang bahay na may dalang sulat mula sa mga opisyal ng
paaralan. Si Tom ay may pagkabingi bunga ng isang karamdaman. Inaakala ng mga opisyal
ng kanyang paaralan na mahina ang ulo niya at wala siyang kakayahang matuto. Nang
mabasa ng kanyang ina ang sulat ay nagpasya itong siya na lamang ang magturo sa anak.
Dati itong guro at may mahusay na silid-aklatan sa kanilang bahay.
Nang mamatay si Tom noong 1931, ipinakita ng Amerika ang kanilang
pagdadalamhati sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw sa kanilang mga bahay sa loob ng
isang minuto. Ito ay simbolo ng kanilang pagbibigay-halaga kay Thomas Alva Edison - ang
imbentor ng bombilya (lightbulb), motion picture at phonograph. Sa kanyang buhay, siya’y
nakapagpa-patent ng 1,093 imbensyon sa Amerika. Mahusay din siyang magsulat ng mga
katagang nakapagbibigay inspirasyon.

You might also like