Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Isa ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal sa mga natatanging akda na naisulat at tumatak sa kasaysayan ng rebolusyon at
pagkilos ng lahing Pilipino. Kasunod ito ng naunang nobelang Noli Me Tangere na nailimbag noong Pebrero 1887 sa Berlin,
Germany. Nang taong din iyon, nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas makalipas ang limang taon ng paglalakbay at pag-aaral sa
Europa upang muling makapiling ang kaniyang pamilya at makapaglingkod sa kaniyang bayan bilang isang manggagamot. Ngunit
dahil sa kontrobersiyang dala ng kaniyang unang nobela na naipakalat na rin sa Pilipinas, napilitan siyang lisanin ang bansa at
muling maglakbay sa Europa dahil sa mga banta sa kaniyang buhay at kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Dulot ng kaniyang mga namalas na pagbabago’t mga suliranin sa kaniyang bayan dahil sa mapang-aping pamamalakad ng mga
ganid na prayle, muling sumikdo ang pagnanais ni Rizal na lumaban sa pamamagitan ng kaniyang panulat. Pinaniniwalaang
sinimulan niyang isulat ang ilang bahagi ng kaniyang ikalawang nobelang El Filibusterismo na may saling “Ang Paghihimagsik” noong
Oktubre 1887 habang siya ay nagpapraktis ng kaniyang panggamot sa Calamba, Laguna. Nang dumating siya sa London, gumawa
siya ng maraming pagbabago sa banghay ng kuwento nito.

Kasabay ng kaniyang pagsusulat para sa nobelang ito ay ang balita ng mga paghihirap na dinaranas ng kaniyang mga kamag-anak sa
Pilipinas dahil pa rin sa kontrobersiyang dala ng diumano’y subersibo o rebolusyonaryong Noli Me Tangere. Ginawa niya ang
malaking bahagi ng nobela sa kaniyang paglalakbay sa Paris, Madrid, at Brussel. Dulot ng paghihirap ng kalooban at iba pang
suliranin gaya ng usaping pinansiyal, hindi agad nailimbag ang aklat, bagaman natapos niya ang inisyal na manuskripto nito noong
Marso 29, 1891 sa Biarritz, France.

Sa tulong ng isang kaibigan mula sa Paris, na si Valentin Ventura, naisakatuparan ang pagpapalimbag ng aklat na ito. Ngunit dahil
limitado lamang ang tulong na kaniyang maaasahan mula sa mga kaibigan, napilitan si Rizal na ibaba ang bilang ng kabanata ng El
Filibusterismo sa tatlumpu’t walong kabanata. Malayo ito sa animnapu’t siyam na kabanata ng Noli Me Tangere. Naipalimbag niya
ito sa pinakamurang palimbagan na kaniyang natagpuan sa Ghent, Belgium noong Setyembre 22, 1891. Dahil sa malaking utang na
loob at kasiyahan, ibinigay ni Rizal ang orihinal na manuskripto ng nobela sa kaibigang si Valentin Ventura. Ibinigay niya ito kalakip
ang isang nilimbag na kopya na may sariling lagda.

Pinadalhan din ni Rizal ng mga kopya ng kaniyang nobela ang matatapat na mga kaibigang sina Dr. Ferdinand Blumentritt, Marcelo
Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Juan Luna. Pagkatapos ay ipinadala niya ang ibang kopya sa Hong Kong at ang iba naman ay sa
Pilipinas.

‘Di naglaon, isang masamang balita ang nakarating kay Rizal. Nasamsam ang mga sipi ng kaniyang nobela sa Hong Kong at sinira
naman ng mga Espanyol ang mga kopyang nakarating sa Pilipinas. Ang ilang kopyang naipuslit ang siyang nakapagbigay-sigla sa mga
Katipunero upang labanan ang pamahalaang Espanyol at maibalik ang kalayaan ng Pilipinas.

Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang
isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong
kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli,
nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng
1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni
Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong 29
Marso 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.
Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
  Tauhan ng

EL FILIBUSTERISMO

Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan
Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.

Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.

Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.

Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

Padre Florentino - ang amain ni Isagani

Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit
biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.

Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.

Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.

Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.

Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

Gertrude - mang-aawit sa palabas.

Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.

Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina. 


Buod ng Nobela

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si
Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng
kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang
ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa
kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya
upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang
mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang
pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at
mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi
naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-
salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang
mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga
pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga
pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay
na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang
nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang
mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag
nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama
ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa
kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa
Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang
umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa.
Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga
ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya
ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang
Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa
mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang
paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-
kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay
sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas
nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang
binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang
mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa
isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit
nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa
dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na
ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at
makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng
mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinHanggang ngayon, ito ay isa sa mga
pinakamahalagang literatura sa larangan ng pagsusulat.

Sa pananaw ng mga Kastila, ang Noli Me Tangere ay isang subersibong babasahin. Ito ay patagong sinulat at inilimbag ni Dr. Jose
Rizal. Ito ay sumikat hindi lamang sa ating bansa, kundi pati na rin sa mga banyagang bansa kung saan nakatira ang mga kaibigan at
taga suporta ng ating dakilang pambansang bayani.

Introduksyon sa kwento

Sa unang kabanata pa lamang ng nobela ay makikita na ang diskriminasyon sa pagitan ng mga mayayaman at maralita. Makikita ito
sa deskripsyon ng uri ng mga damit ng bisita sa salo-salo sa loob ng bahay nila Kapitan Tiago.

Ang naturang kwento ay umikot sa kwento nila Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso, Kapitan Tiago, Sisa, Crispin at Basilio.

Ang nobela ay mayroong animnapu’t apat na kabanata. Ito ay inilathala noong 1887 sa Berlin, Germany.

Buod

Si Crisostomo Ibarra, isang binatang Pilipino na matagal na nag-pakadalubhasa sa Europa ay nagpasyang umuwi sa kanyang bayang
sinilangan.

Nang siya ay nakauwi sa Pilipinas, nalaman niya na ang kanyang ama ay namatay sa kulungan dahil sa kagagawan ng isang
Pransiskanong prayle na nag-ngangalang Padre Damaso.

Ayon kay Tinyente Gueverra, pinaratangan diumano ni Padre Damaso si Don Rafael na isang Erehe at Pilibustero. Dahil dito ay siya
ay itiniwalag ng simbahan at ibinilanggo.

Nagkasakit ang matanda at namatay. Dahil hindi pa nakuntento sa pagmamalabis si Padre Damaso, inutusan niyang hukayin ang
mga labi ni Don Rafael upang ipalipat sa libingan ng mga Intsik.

Sa kasamaang palad dahil sa bigat ng bangkay at s amalakas na ulan, hindi na nila ito tuluyan pang nadala sa sementeryo. Bagkus,
napagpasyahan nilang itapon na lamang ito sa lawa.

Bagamat kasuklam-suklam ang mga nalaman ni Crisostomo mula kay Tinyente, mas pinili nitong manahimik at ipagpatuloy ang
kanyang adhikain na makapagpatayo ng isang paaralan.

Nagbago ang lahat nang nagkita silang muli ni Padre Damaso sa isang salu-salo.

Nagpasaring ang Pransiskanong pari sa binata ng makailang ulit.

Bagamat sinubukan niyang magkibit-balikat na lamang sa nangyari sa kanyang ama, hindi rin niya naitago ang kanyang tunay na
damdamin. Hindi siya nakapagpigil, kaya tinangka niyang saksakin ang pari.

Mabuti na lamang at sinuway siya ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayari, itiniwalag ng simbahan si Ibarra. Sinamantala naman ito ng kontrabidang si Padre Damaso upang udyukan si
Kapitan Tiago na ipawalang bisa ang nakatakda sanang pag-iisang dibdib ni Maria Clara at ni Ibarra.

Ginawa ito ni Padre Damaso dahil nais niyang makasal si Maria Clara kay Linares, isang kastilang binatilyo na kararating lamang
noon sa bansa.

Kahit na tinanggap ni Maria Clara ang hatol ng pari at ng kanyang ama, hindi siya naging masaya sa kinahinatnan ng kanyang
tadhana. Dahil rito, siya ay nagkasakit.

Pasikreto siyang ipinadalhan ng gamot ni Ibarra upang siya ay gumaling agad.

Mapapawalang bisa na sana ang pagkakatiwalag kay Ibarra ngunit sinalakay ang kwartel ng mga Gwardya Sibil. Napagbintangan si
Ibarra na kasama sa pag-atake kaya siya ay dinakip at muling inilagak sa kulungan.

Sinubukang patunayan ni Ibarra na wala siyang kinalaman sa pag atake sa kwartel ngunit siya ay napahamak dahil sa liham na
ibinigay ni Maria Clara sa kanya. Dahil dito ay tuluyan na siyang ibinilango.

Ang pagtakas ni Elias at Ibarra


Isang gabi, nakatakas si Ibarra sa kulungan, habang sila Kapitan Tiago naman ay may selebrasyon sa kanilang tahanan. Noong gabing
iyon ang ipinahayag ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ni Linares at Maria Clara.

Bago tuluyang lumisan si Ibarra ay nagawa nitong makipagkita ng palihim kay Maria Clara. Sinabi sa kanya ni Ibarra pinapalaya na
niya siya. Ipinaliwanag ni Maria Clara na si Padre Damaso ay ang kanyang tunay na ama ayon sa mga nabasa niyang liham na nasa
mga kamay ni Padre Salvi.

Sinabi niya na kailangan niyang protektahan ang karangalan ng kanyang yumaong ina kaya ito ay magpapakasal sa Kastilang si
Linares.

Isinumpa rin ni Maria Clara na magpakailanman ay hindi magbabago ang kanyang pag-ibig sa binata, kahit ano pa man ang
mangyari sa kanila.

Sa tulong ni Elias, tuluyang tumakas si Ibarra. Sumakay sila ng bangka at tinunton nila ng palihim ang ilog Pasig hanggang sa
makalabas sa may Lawa ng Bay.

Ang malagim at malungkot na pagtatapos

Sa kasamaang palad, nakita sila ng mga awtoridad na humahabol sa kanila. Upang mailigtas si Ibarra, iniligaw ni Elias ang mga
tumutugis sa kanila. Lumundag siya sa tubig at lumangoy papalayo.

Pinaputukan siya ng mga gwardya sibil hanggang sa napuno ng dugo ang tubig.

Narinig ni Maria Clara ang balita na si Ibarra ay pinaslang ng mga Sibil. Dahil rito, hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok siya sa
kumbento. Walang nagawa ang pari kundi umoo dahil pinagbantaan ni Maria Clara ang sarili niyang buhay.

Nagwakas ang kwento sa eksena kung saan nakarating si Elias sa kagubatang ng mga Ibarra. Siya ay lubhang sugatan noon nang
kanyang matagpuan si Basilio, na siya nama’y kasama ang kanyang inang pumanaw na.

Bago tuluyang namatay si Elias, sinabi niyang hindi man lang niya napagmasdan ang pamimitak ng araw sa kanyang mahal na
bayan. Hiniling niya na sana ay hindi malimutan ang mga taong namatay upang maipagtanggol ang bayang sinilangan.

Puno ng talinhaga at simbolismo

Marami ang naniniwalang hindi basta-basta ang pag-iintindi sa mga nakasulat sa Noli Me Tangere dahil ito ay punong-puno ng
simbolismo at mga matatalinhagang mga kataga.

Halimbawa na lamang nito ay si Maria Clara, na siyang sumasalamin sa ating bansang Pilipinas na nilapastangan ng mga dayuhan at
si Sisa, na bagamat nawala sa katinuan ay siyang sumisimbolo sa mga ulirang ina na ginagawa ang lahat para sa mga anak.

Sa huli, ang nobelang ito ay sumalamin sa masalimuot na sitwasyon na sinapit ng mga Pilipino noong mga panahon ng mga Kastila.
Ipinakita nito ang kalupitan ng mga prayle at kung papaano kagiting at kadakila ang ating mga bayani.

Nawa’y makapaglaan kayo ng oras upang magbasa ng mga obra tulad ng Noli Me Tangere. Dahil, bagamat ito ay isang lumang obra,
taglay nito ang napakaraming aral na iyong magagamit sa makabagong panahon.

Hanggang ngayon, ito ay isa sa mga pinakamahalagang literatura sa larangan ng pagsusulat.

Sa pananaw ng mga Kastila, ang Noli Me Tangere ay isang subersibong babasahin. Ito ay patagong sinulat at inilimbag ni Dr. Jose
Rizal. Ito ay sumikat hindi lamang sa ating bansa, kundi pati na rin sa mga banyagang bansa kung saan nakatira ang mga kaibigan at
taga suporta ng ating dakilang pambansang bayani.

Introduksyon sa kwento

Sa unang kabanata pa lamang ng nobela ay makikita na ang diskriminasyon sa pagitan ng mga mayayaman at maralita. Makikita ito
sa deskripsyon ng uri ng mga damit ng bisita sa salo-salo sa loob ng bahay nila Kapitan Tiago.

Ang naturang kwento ay umikot sa kwento nila Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso, Kapitan Tiago, Sisa, Crispin at Basilio.

Ang nobela ay mayroong animnapu’t apat na kabanata. Ito ay inilathala noong 1887 sa Berlin, Germany.
Sa tulong ni Elias, tuluyang tumakas si Ibarra. Sumakay sila ng bangka at tinunton nila ng palihim ang ilog Pasig hanggang sa
makalabas sa may Lawa ng Bay.

Ang malagim at malungkot na pagtatapos

Sa kasamaang palad, nakita sila ng mga awtoridad na humahabol sa kanila. Upang mailigtas si Ibarra, iniligaw ni Elias ang mga
tumutugis sa kanila. Lumundag siya sa tubig at lumangoy papalayo.

Pinaputukan siya ng mga gwardya sibil hanggang sa napuno ng dugo ang tubig.

Narinig ni Maria Clara ang balita na si Ibarra ay pinaslang ng mga Sibil. Dahil rito, hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok siya sa
kumbento. Walang nagawa ang pari kundi umoo dahil pinagbantaan ni Maria Clara ang sarili niyang buhay.

Nagwakas ang kwento sa eksena kung saan nakarating si Elias sa kagubatang ng mga Ibarra. Siya ay lubhang sugatan noon nang
kanyang matagpuan si Basilio, na siya nama’y kasama ang kanyang inang pumanaw na.

Bago tuluyang namatay si Elias, sinabi niyang hindi man lang niya napagmasdan ang pamimitak ng araw sa kanyang mahal na
bayan. Hiniling niya na sana ay hindi malimutan ang mga taong namatay upang maipagtanggol ang bayang sinilangan.

Puno ng talinhaga at simbolismo

Marami ang naniniwalang hindi basta-basta ang pag-iintindi sa mga nakasulat sa Noli Me Tangere dahil ito ay punong-puno ng
simbolismo at mga matatalinhagang mga kataga.

Halimbawa na lamang nito ay si Maria Clara, na siyang sumasalamin sa ating bansang Pilipinas na nilapastangan ng mga dayuhan at
si Sisa, na bagamat nawala sa katinuan ay siyang sumisimbolo sa mga ulirang ina na ginagawa ang lahat para sa mga anak.

Sa huli, ang nobelang ito ay sumalamin sa masalimuot na sitwasyon na sinapit ng mga Pilipino noong mga panahon ng mga Kastila.
Ipinakita nito ang kalupitan ng mga prayle at kung papaano kagiting at kadakila ang ating mga bayani.

Nawa’y makapaglaan kayo ng oras upang magbasa ng mga obra tulad ng Noli Me Tangere. Dahil, bagamat ito ay isang lumang obra,
taglay nito ang napakaraming aral na iyong magagamit sa makabagong panahon.

atataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

You might also like