Ang Ngalan NG Rosas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

NAME:RAFAEL SEATIEL V MARINAS GRADE AND SEC: 10-EXCELLENCE

Ang Ngalan ng Rosas


(The Name of the Rose)
ni: Umberto Eco
Salin ni: William Weaver
Buod ni: Maria Dominique A. Lucenario
Taong 1327 nang dumating si William ng Baskerville, isang dalubhasang
mongheng Pransiskano, sa isang monasteryo'sa Hilagang Italya. Kasama niya
ang kanyang Benediktinong nobisyong si Adso, na nagsalaysay ng buong
kuwento. Nagtungo sila roon upang dumalo sa isang pagpupulong politikal.
Sa kanilang pagdating, sinalubong sila ng balita ng pagkamatay ng isa sa
mga residente ng monasteryo, si Adelmo ng Ontranto. Pinaniniwalaang
tumalon Siya sa bintana ng silid-aklatan at namatay. Nagpasya .si William na
imbestigahan ang kaso dahil batid niya ang kanyang kakayahan sa deductive
reasoning. Tinanggap Siya nang maayos ng mga puno ng monasteryo ngunit
binalaang huwag pumunta sa mismong pinangyarihan ng krimen. Sa naga
pagtatanong ni William sa mga naninirahan sa monasteryo, nagsimula
Siyang maghinala sa mga lihim na maaaring ikinukubli. Napansin din niya
na pinalalaganap nang husto ang paniniwalang bunga ng kababalaghan ang
kamatayang iyon, partikular na ng pagdating ng anti-Kristo.
Hindi nagtagal ay nakahanap si William ng paraan upang makapasok
sa silid-aklatan at doon nagtanong Siya tungkol kay Adelmo at ang kanyang
trabaho bilang katiwala ng aklatan. Sa kasamaang-palad, si Nenantius, ang
nakausap nilang tagasalin, ay pinatay at inilagay sa isang lalagyan ng dugo
ng baboy. Natagpuan ding patay sa paliguan si Berengar, isang katulong sa
aklatan, na batid nilang may pagtatangi kay Adelmo. Ang mga itim na marka
sa dila ni Berengar at ang hindi maipaliwanag na pagkamatay ni Venantius
ang lalong nagpatibay sa paniniwalang sangkot ang kababalaghang ito
sa lahat ng nangyayari. Ngunit patuloy na pinanghawakan ni William ang
siyentipiko at Iohikal na paliwanag kung paano isinagawa ang mga krimeng
ito.
Naibunyag din ni Adso ang mga pagtataksil sa monasteryo noong may
nakita siyang babae roon. Nagustuhan niya ito at nagkaroon ng maraming
pagkakataon ng pakikipagtalik dito. Nag-aalangang inamin ito ni Adso kay
William.'Sinabi ni William na ang babaeng iyon ay nakikipagtalik sa isang
monghe upang mapakain ang kanyang naghihirap na pamilya. Mas maraming
kasamaan ang nabunyag noong nahuli si Salvatore at Remigio, na nauugnay
rin sa babae, na inakala nilang may itim na salamangka. Dumating si Bernard

Gui, ang tagapag-imbestiga. Nalaman niya ang bagay na ito at inaresto ang
babae dahil sa pagiging mangkukulam. Gayundin si Remigio sa pagtataksil
sa kanyang sumpa ng kalinisan (vow of chastity) at sa kanyang mga gawaing
demonyo.
Nagkuwento kay William si Severinus, ang tagagamot ng monasteryoj
tungkol sa isang kakaibang libro na nahanap niya sa laboratoryo. Ngunit bago
pa man makita rii William ang libro, pinatay na si Severinus at nawawala
na ang libro. Samantala, nilitis si Remigio, ang tagapangalaga ng bodega.
matinding pagtatanong sa paglilitis na ito, natuklasang nauugnay Siya
sa pangkat ng mga heretiko at sa pagpatay. Ipinakita rin ni Malachi, ang
trabahador sa silid-aklatan, ang mga Iiham na galing kay Fra. Dolcino, ang
pinuno ng pangkat. Dahil sa amba ng pagpapahirap at kamatayan, inamin ni
Remigio ang kanyang mga krimen at hinatulan Siya ng kamatayan.
Si Benno ang ginawang bagong pinuno sa silid-aklatan noong natagpuan
ding patay si Malachi. Patuloy na iginigiit ni Jorge, ang matandang trabahador
sa aklatan, na ang kamatayan nina Adelmo, Venantius, Berengar, Severinus,
at Malachi ay ang lima sa pitong trumpeta na gigising sa anti-Kristo at sa
pagdating ng Armageddon.
Nang lumaon, nalamang nauugnay ang mga kamatayan sa isang kopya
ng Poetics ni Aristotle na dinala ni Jorge sa monasteryo maraming taon na ang
nakaraan. Maaaring natagpuan ito ni Berengar at ipinakita ito kay Adelmo,
na karelasyon niya. Ikinuwento ni Adelmo kay Venantius ang tungkol sa
libro at kanyang kahihiyan sa makasalanang relasyon niya kay Berengar. Ito
ang maaaring naging dahilan ng kanyang pagpapatiwakal. Nauugnay din si
Severinus sa libro dahil nakita niya ito sa kanyang laboratoryo.
Dahil sa panghihikayat ni Adso, ipinagpatuloy ni William ang
imbestigasyon sa kaso. Nakita nila si Jorge na may kopya ng Poetics sa finis
Africae, isang tagong silid sa aklatan. Ibinalot ni Jorge ang mga pahina ng libro
ng lason upang patayin ang sinumang maghangad na basahin ito at dumukal
ng kaalaman mula rito nito. lyon ang dahilan ng lahat ng kamatayan sa
monasteryo. Ginamit niya ang katawan ng mga namatay upang kumpletuhin
ang pitong sakripisyo para sa anti-Kristo. Pinlano na rin niya ang pang-anim
na sakripisyo, ang isang pinuno ng monasteryo na ikinulong niya sa isang
lihim na pasilyo.
Gumamit si William ng pantakip sa kamay noong pinag-aralan niya ang
libro kaya't hindi Siya nalason. Dismayado si Jorge sa hindi pagtatagumpay
na malason si William. Tinangka niyang sirain ang teksto, kainin ito upang
Siya na ang maging ikapitong trumpeta ng anti-Kristo. Hinadlangan Siya nina
William at Adso. Tumakbo si Jorge at hinabol Siya ni William, ngunit nasagi
niya ang isang lampara na naging dahilan ng sunog na sisira sa buong aklatan.

Kasamang nilamon ng apoy si Jorge. Nakalabas Sina William at Adso, Wala


na silang nagawa pa upang isalba ang silid-aklatan at bigyan ng babala ang
mga monghe.
Matapos ang lahat, umalis na Sina William at Adso. Sa paglaon,
naghiwalay rin ng landas ang dalawa. Pagkatapos ng maraming taon,
bumalik si Adso sa monasteryo na ngayo'y sira-sira at wala nang tao. Ani
Adso, "Stat rosa pristina nomine, nomina nuda tenemus" o "Iniiwan ko ang
kuwentong ito nang hindi ko nababatid kung para kanino." Ipinagkakaloob
niya ang bagay mismo ngunit hindi ang interpretasyon.
POKUS SA TAGAGANAP Taong 1327 nang dumating si William ng Baskerville, Hindi
(SINO) nagtagal ay nakahanap si William ng paraan upang makapasok
sa silid-aklatan, Natagpuan ding patay sa paliguan si Berengar,
Naibunyag din ni Adso ang mga pagtataksil sa monasteryo noong
may
nakita siyang babae roon, Dolcino, ang
pinuno ng pangkat, Nauugnay din si
Severinus sa libro dahil nakita niya ito sa kanyang laboratoryo.
POKUS SA LAYON sinalubong sila ng balita ng pagkamatay ng isa sa mga residente
(ANO) ng monasteryo, si Adelmo ng Ontranto, hinatulan Siya ng
kamatayan, Si Benno ang ginawang bagong pinuno sa silid-aklatan
noong natagpuan ding patay si Malachi
POKUS SA GANAPAN sa isang monasteryo'sa Hilagang Italya, huwag pumunta sa
(SAAN) mismong pinangyarihan ng krimen, Nakita nila si Jorge na may
kopya ng Poetics sa finis Africae, isang tagong silid sa aklatan, ang
isang pinuno ng monasteryo na ikinulong niya sa isang lihim na
pasilyo
POKUS SA TAGATANGGAP Nagtungo sila roon upang dumalo sa isang pagpupulong political,
(PARA KANINO) ang babaeng iyon ay nakikipagtalik sa isang
monghe upang mapakain ang kanyang naghihirap na pamilya,
Patuloy na iginigiit ni Jorge, ang matandang trabahador
sa aklatan, na ang kamatayan nina Adelmo, Venantius, Berengar,
Severinus, at Malachi ay ang lima sa pitong trumpeta na gigising sa
anti-Kristo at sa pagdating ng Armageddon, Ibinalot ni Jorge ang
mga pahina ng libro ng lason upang patayin ang sinumang
maghangad na basahin ito at dumukal ng kaalaman mula rito nito,
Ginamit niya ang katawan ng mga namatay upang kumpletuhin
ang pitong sakripisyo para sa anti-Kristo
POKUS SA GAMIT pinatay at inilagay sa isang lalagyan ng dugo ng baboy. , ngunit
(SA PAMAMAGITAN NG ANO) nasagi niya ang isang lampara na naging dahilan ng sunog na sisira
sa buong aklatan
POKUS SA SANHI
(BAKIT) Pinaniniwalaang tumalon Siya sa bintana ng silid-aklatan at
Namatay, Ito ang maaaring naging dahilan ng kanyang
pagpapatiwakal, Tinangka niyang sirain ang teksto, kainin ito
upang Siya na ang maging ikapitong trumpeta ng anti-Kristo
POKUS SA DIREKSYON Ipinakita rin ni Malachi, ang trabahador sa silid-aklatan, ang mga
(TUNGO SAAN/KANINO) Iiham na galing kay Fra

You might also like