Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang mapataas ang antas ng

kasanayan ng mga piling nakakaedad na mamamayan (generation-x) sa

pagbibigay ng kahulugan sa salitang Milenyal ng salitang Tagalog. Ang

pananaliksik na ito ay gumamit ng ng descriptive-quasi na pamamaraan sa ilalim

ng kwantitatibong pananaliksik. Dagdag pa rito, gumamit ang mga mananaliksik

ng purposive sampling sa kadahilanang ang mga respondente ay ang mga piling

nakakaedad na mamamayan na may bilang na dalwampu’t dalwa (22) na lalaki

at walu (8) na babae na may kabuuang tatlumpong (30) mga piling nakakaedad

na mamamayan sa mga napiling Barangay sa Bayan ng Tayabas. Ginamit

naman ang mean, standard deviation, MPS, at t-test bilang pamamaraang

estadistika upang maanalisa ang nakalap na datos.

Batay sa naging resulta ng pananaliksik, ipinakita na ang paunang

pagtataya ng mga piling nakakaedad ukol sa pagbibigay ng kahulugan sa

salitang Milenyal ng salitang Tagalog ay may mean na 11.80, standard deviation

na 5.30, at MPS na 39.33 na nangangahulugan na may mababang iskor at

malayo sa isa’t isa ang mga nakuhang puntos ng mga piling nakakaedad na

mamamayan. Samantala, ang pagwakas na pagtataya ay may mean na 28.50,

standard deviation na 1.63, at MPS na 95.00 matapos gamitin ang sariling

likhang kagamitang panturo na Glossary na nangangahulugan na may mataas

na iskor at malapit sa isa’t isa ang nakuhang puntos ng mga piling nakakaedad

na mamamayan matapos ipagamit ng mga mananaliksik ang sariling likha na

kagamitang panturo na Glossary. Bilang tugon naman sa ikatlong paglalahad ng


suliranin, mayroong mahalagang pagkakaiba ang pauna at pangwakas na

pagtataya batay sa computed t-value na l-16.22l na mas mataas sa critical t-

value na 2.00. Nangangahulugan lamang ang nakalap na datos na naging

epektibo ang paggamit ng Glossary sa pagpapataas ng antas ng kasanayan ng

mga piling nakakaedad na mamamayan (generation-x) sa mga piling Barangay

sa Bayan ng Tayabas ukol sa pagbibigay ng kahulugan sa salitang Milenyal ng

salitang Tagalog.

Dahil sa natuklasan sa pananaliksik na ito, inirekomenda ng mga

mananaliksik na gumawa ng kagamitang pangturo upang tumaas ang kaalaman

ng mga piling nakakaedad na mamamamyan ukol sa salitang Milenyal na

kadalasang may kahulugan sa salitang Tagalog, at dahil ang Glossary ay

nasabing epektibo, maaari na rin itong ipagamit sa iba.

Susing-salita: generation-x, experimental-quasi, kagamitang panturo, purposive


sampling, salitang, milenyal salitang Tagalog, Glosaryo.

You might also like