Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KABANATA I

INTRODUKSIYON

Iba’t ibang tao na ang nagbigay pansin sa ating utak at kung paano ito gumagalaw,
mayroong mga dalub-agham, doktor at mga taong dalubhasa sa agham ng isip. Marami na
ang nagtangkang pagaralan at unawain ang mga possibleng sakit sa utak. Sa mga pagaaral
na ito ay maraming mga teorya ang mga nabuo at hanggang ngayon ay patuloy pa rin na
pinagaaralan.

Ang doktor, anatomista at dalub-agtao na si Paul Broca ay nagsagawa ng pagaaral


sa kakayahan ng kanan at kaliwang utak. Isinagawa ang pagaaral sa isang pasyente na
may suliranin sa kanyang lengguwahe. Pagkaraan ng ilang pagsusuri, nagkaroon ng teorya
ang doktor na ang ibang punksyon ng lengguwahe ay taglay ng kaliwang utak.

Nagkaroon ng isang pagaaral ang doktor na si Roger Sperry at tinawag itong Split-
Brain Theory. Ayon sa kanya ang utak ay mayroong dalawang bahagi: ang left hemisphere
at right hemisphere. Ang dawalang bahaging ito naiiba sa kanilang gawain at tungkulin.
Natuklasan niya na ang left hemisphere ng ating utak ay gumagana kapag ang tungkulin na
gagampanan ay intuitive, malikhain at synthesizing; habang ang right hemisphere ay
gumagana kapag analytical, lohikal, pangangatuwiran, at kritikal na pagiisip.

Ang neuroscientist na nagngangalang Paul MacLean ay nagkabuo ng teoryang The


Triune Brain Theory. Sa teoryang ito, ang ating utak ay binubuo ng 3 parte: neocortex, limbic
system, reptilian complex. Ang neocortex ay nakatuon sa pagpapalago ng lengguwahe,
abstrak na pagiisip, imahinasyon at kamalayan. Ito ay may pinakamalaking kapasidad sa
kaalaman at pagkatuto. Ang limbic system ay nakatuon sa emosyon ng bawat tao, may
kakayahan itong itala ang mga gawi at asal. May kinalaman din ito sa ating pagpapasya na
may malaking epekto sa ating mga gawi. Ang reptilian complex ay ang pinakamatanda sa
tatlong parte, kinokontrol nito ang heart rate, paghinga, temperature ng katawan at ang
balance.

Ang pagaaral ay nagpatuloy kay Ned Hermann, isang dalub-agsikap sa General


Electric at itinuturing na Father of Brain Dominance Technology.Naatasan siyang hanapan
ng kasagutan kung bakit ang ibang indibindwal ay mas malikhain kaysa sa iba; base
obserbasyon at mga pagsusuri ay nasabing ang katawan ng tao ay hindi pare-pareho ang
punksyon. Ang bawat tao ay may mas dominanteng parte ng katawan na mas gugustuhin
nilang gamitin. Isang Halimbawa, ang right-handed na tao ay magkakaroon ng mas
mahinang kaliwang kamay kumpara sa mas dominanteng kanang kamay vice versa.
Napagtanto ni Ned Hermann na ang utak ay hindi lang dalawa ang parte kung hindi ay apat,
ang upper left at right hemispheres, lower left at right limbic halves, at lahat sila ay
konektado sa isa’t isa.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik ay naglalayong alamin at patunayan na


ang left hemisphere ay mas dominante sa ikalabindalawang baitang ng STEM sa Universidad
de Sta. Isabel. Sa pagaaral na ito, nais alamin ng mga mananaliksik kung bakit nasa strand na
STEM ang mga taong dominante ang left hemisphere. Naglalayon rin itong alamin kung ano
ang mga katangiang ipinapakita ng mga estudyanteng dominante ang left hemisphere Layunin
rin ng pagaaral na ito na magbigay kaalaman sa mga estudyante kung bakit ang left hemisphere
ang mas dominante sa mga magaaral sa ikalabindalawang baitang sa STEM. Ang pagaaral ring
ito ay isasagawa upang mapayaman at mahasa ang mga katangiang taglay ng mga
ikalabindalawang baitang na estudyante sa STEM ng Universidad de Sta. Isabel.

PAHAYAG NA TESIS

Ang left brain ang mas dominante sa ikalabindalawang baitang ng Stem sa Universidad
de Sta. Isabel.

SULIRANIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mas dominanteng hemisphere ang taglay ng mga mag-aaral ng STEM sa
ikalabindalawang baitang?
2. Ano-ano ang mga katangian ng mga mag-aaral na nagtataglay ng isa sa mga brain
hemisphere?
3. Nakakaapekto ba ang paraan ng pagsulat ng mga mag-aaral sa kung anong brain
hemisphere ang mas dominante sakanila?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Isang pag aaral ang isinagawa ng mga mananaliksik hinggil sa brain hemisphere ng
mga mag aaral sa ikalabindalawang baiting ng STEM sa Universidad De Sta. Isabel upang
tuklasin kung ano ang mas dominanteng parte ng utak sa mga mag aaral sa
ikalabindalawang baitang.

Ano man ang matuklasan sa pag aaral na ito ay mahalaga at magsisilbing gabay sa
mga sumusunod na indibidwal:

Una, sa mga guro, sapagkat ang pag aaral na ito ay maipapakita ang mga katangain
at kakahayan ng mga mag-aaral ng STEM at magbibigay din ito kaalaman sa mga guro
kung ano ang mas dominanteng parte ng utak ng mag-aaral ng STEM. Mailalahad sa pag
aaral na ito ang mainam na paraan na pagturo ng mga guro sapagkat mabibigyan sila ng
kaalaman kung paano mas matutulungan ang mga mag aaral sa na mas mapabuti ang pag
aaral ng mga ito.

Pangalawa, sa mga kapwa mag aaral, sapagkat ang mga datos at impormasyon na
makukuha sa pag aaral na ito ay makatutulong sa paglinang ng kaalaman ng mga mag aaral
sa mga paraan ng pag aaral na maaring mas makakabuti sa kanila. Ito din ay magbibigay sa
kanila ng kaalaman kung paano sila nakapagiisip sa isang sitwasyon o kung paano mas
maipapatibay ang lanilang pagiging kritikal sa pag iisip sa mga bagay bagay.

Pangatlo, sa mga magulang, sapgkat sa paraan ng pag aaral na ito mabibigyan ng


kaalaman ang mga magulang kung paano nila matutulungan ang kanilang mga anak sa
pamamaraan na pag aalaga sa intelektwal ng mga kanilang anak katulad na lamang ng
pagbibigay ng mga bitamina na makakatulong sa pagpapabuti ng pag iisip ng kanilang mga
anak. Makakatulong din ito sa kanila upang mainam na malaman nila ang taglay na
kakayahan at katangian ng kanilang mga anak.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay hinggil sa brain hemisphere ng mga mag-aaral sa


ikalabindalawang baitang. Ang lugar ng pag-aaral ay ang Universidad de Sta. Isabel,
departamento ng Senior High School.
Ang sumasagot ay limitado lamang sa mga mag-aaral ng ikalabindalawang baiting
ng STEM sa Universidad de Sta. Isabel, na ang pangkat ng edad ay 16 hanggang 20 taong
gulang. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng 30 mga mag-aaral sa bawat seksyon ng
STEM. Isang survey ang isasagawa upang ipunin ang lahat ng mga datos upang malaman
kung left o right brain ang mas dominante sa mga mag-aaral ng ikalabindalawang baiting ng
STEM sa Universidad de Sta. Isabel.
KABANATA II

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng konseptwal na balangkas, batayang


teorya, kaugnay na literature at pag-aaral.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Left Brain o Right Brain: Pananaliksik hinggil sa Brain


Hemisphere ng mga mag-aaral sa Ikalabindalawang Baitang ng
STEM sa Universidad De Sta. Isabel

INPUT METODOLOHIYA AWTPUT

 Dominanteng Brain
Teorya base sa
hemisphere sa
Magsasagawa ang mga dominanteng brain
ikaladindalawang hemisphere ng
mananaliksik ng sarbey
baitang ng STEM sa lahat ng sections sa ikalabindalawang baitang
 Mga katangian ng ikalabindalawang ng STEM
mga mag-aaral sa baitang ng STEM sa
ikalabindalawang USI
baitang

Figure 1. Konseptwal na Dayagram

Ipinapakita ng konseptwal na balangkas na ito kung ano ang mga kakailanganin at


kung ano ang gagamiting metodolohiya ng mga mananaliksik. Ang balangkas na ito ang
magpapaliwanag sa proseso ng pag-aaral sa pamamagitan ng input – metodolohiya –
output. Ipinapakita ng input ang mga kakailanganin sa pag-aaral na isasagawa kung ano
ang Dominanteng Brain hemisphere sa ikaladindalawang baitang ng STEM. At
makakatulong din sa pag-aaral na ito kung malalaman ng mga mananaliksik ang mga
katangian ng mga mag-aaral sa ikalabindalawang baitang. Ang mga mananaliksik ay
magagawang malaman ang dominanteng brain hemisphere at ang mga katangian ng mga
mag-aaral sa ikalabindalawang baitang ng STEM.

Ang gagamiting metodolohiya ng mga mananaliksik sa pagkalap ng mga datos ay


sarbey sa ikalabindalawang baitang ng STEM. Kukuha ang mga mananalik ng 15 na mag-
aaral upang sagutan ang kanilang sarbey. Sa metodolohiyang ito ibabase ng mga
mananaliksik ang kanilang makukuang sagot. Ang awtput ng pag-aaral ay ang teoryang
nagawa base sa mga data na nakalap, ang Teorya base sa dominanteng brain hemisphere
ng ikalabindalawang baitang ng STEM. Sa huli ay matutukoy na ng mga mananaliksik kung
alin ang mas dominanteng brain hemisphere ang tinataglay ng mga mag-aaral.
BATAYANG TEORYA

The Triune Brain Theory

Left Brain o Right Brain:


Pananaliksik hinggil sa Brain
Hemisphere ng mga mag-
Brain Split-Brain
aaral sa Ikalabindalawang
Dominance Baitang ng STEM sa Theory
Theory Universidad De Sta. Isabel

Teorya base sa dominanteng


brain hemisphere ng
ikalabindalawang baitang ng
STEM

Ang Brain Dominance ay isang teorya na tutulong sa Brain hemisphere ng mga mag-
aaral sa ikalabindalawang baitang ng STEM na maunawaan na ang bawat mag-aaral ay
mayroong kanya kanyang paraang ng pagiisip na maaring makaapekto sa pagpoproseso ng
mga kaalaman. Ang teoryang ito ay isang metodolohiya na kung saan tinutulungan ang mga
taong pala isip at mga organisasyon na mas maunawaan at mapakinabangan ang mga
parteng naaakma sa bawat isa. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kagustuhan at hilig;
ang mga ito ay tumutulong sa paghubog sa mga parteng nangingibabaw sa bawat isa.
Nakahati sa apat ang utak ng tao: Cerebral Mode na kilala bilang analytical, limbic mode o
tinatawag ding organized, limbic mode na kilala din sa tawag na interpersonal at limbic
system o imaginative. Masusukat dito ang kahinaan at kalakasan ng bawat magaaral kung
paano nila ito magagamit sa paaralan lalong lalo na sa mga mag-aaral ng STEM. Pinapakita
ng teoryang ito na magagamit ng bawat mag-aaral ang kanilang kalakasan sa isang aspeto
habang ang kanilang kahinaan ay patuloy na papalaguin sa pamamagitan ng pagsanay.

Sa Split Brain Theory, ang utak ng tao ay nahahati sa dalawang bahagi ang left at
right hemisphere. Ang dalawang bahaging ito ay may ibang punsyon sa bawat isa pag
dating sa memorya. Ang right hemisphere ay mas magaling sa pagsiyasat ng mga bagay
bagay na makatutulong sa mga mag-aaral ng STEM sa pagdiskubre sa mundo ng siyensya
at kakayahang maalala ang mga kaalamang natutunan at mga larawang nakita. Ang left
hemisphere naman ay umiikot sa pagmamanipula ng utak at lengguwahe na malimit naman
magamit ng mga mag-aaral sa STEM. Ang teoryang ito ay akma sa teoryang may
kaugnayan sa Brain hemisphere ng mga mag-aaral sa ikalabindalawang baitang ng STEM.
Pinapakita ng teoryang ito na ang utak ng bawat tao ay may dalawang bahagi na magagamit
sa pananaliksik patungkol sa Brain hemisphere ng STEM.
KAUGNAY NA LITERATURA

Nielsen et al. (2013), ang lateralized brain regions ay tumutulong sa mga gawain
katulad ng lengguwahe at visuospatial processing. Ang bawat indibidwal ay maaring left-
brain dominant o right-brain dominant base sa kanilang personalidad at estilo ng pagiisip,
ngunit ang neuroimaging data ay hindi nagbigay ng malinaw na ebidensya kung mayroong
phenotypic na nagkakaiba sa lakas ng left-brain dominant o right-brain dominant networks.
Sinuri naming kung ang pinagtibay na laterized connections nagkakaiba-iba sa
pareparehong indibidwal. Ang mga datos ay inalisa mula sa maaring gamitin ng publiko sa
estado na sumuri para sa 1011 na indibidwal sa pagitang edad na 7 at 29. Sa bawat saklaw,
ang functional lateralization ay sinukat sa bawat pares ng 7266 na rehiyon na sumasaklaw
sa gray matter sa 5-mm resolution bilang isang pagkakaiba sa kaugnayon bago at
pagkatapos na mga imahe sa kabila ng midsagittal plane.
Shulman et al. (2010), ang spatial selective attention ay malawak na itinuturing na
ang right-hemisphere ang dominante. Sa nakaraang functional magnetic resonance imaging
studies, gayunpaman, nagulat ng bilateral blood-oxygen-level-dependent responses sa
dorsal frontoparietal regions sa kagsagan ng anticipatory shifts of attention papunta sa isang
lugar. Ang mga gawain na right-laterized ay higit sa lahat ay iniulat sa ventral frontoparietal
regions para sa mga pagbabago ng attention sa isang walang nagagalaw na target na
stimulus. Gayunpaman, ang malinaw na kongklusyon ay hindi maaaring makuha sa mga
pagaaral na ito dahil ang hemispheric asymmetries ay hindi nasuri gamit ang direktang
voxelwise na ikukumpara sa mga gawain sa left at right hemispheres.
Dr. Shmerling, R.(2017) sa kanyang artikulong “Right brain/ Left brain, right?” na
90% ng mga tao ay right-handed. Ang mga tao ay may posibilidad na magkaroon ng isang
pagkatao, estilo ng pag-iisip, o paraan ng paggawa ng mga bagay na alinman sa right
-brained o left-brained. Sinasabi rin na ang mga right-brained ay intuitive at creative.
Samantala, ang left-brained naman ay lohikal at kritikal mag-isip. Ang iba’t-ibang bahagi
nating utak ay may kanya-kanyang function. Tinitingnan nila ang pag-scan ng utak ng higit
sa 1,000 mga kabataan sa pagitan ng edad na 7 at 29 at hinati ang iba't ibang bahagi ng
utak sa 7,000 rehiyon upang matukoy kung ang isang bahagi ng utak ay mas aktibo o
konektado kaysa sa kabilang panig. Walang katibayan ng "sidedness" ang natagpuan.
Ayon kay Peter Salovey at John Mayer ang emotional intelligence ay ang
kakayahang makilala ang mga damdamin, upang ma-access at makabuo ng mga emosyon
upang tulungan ang pag-iisip, maunawaan ang mga emosyon at emosyonal na kaalaman, at
upang maipakita ang mga emosyon upang mapanatili ang emosyonal at intelektwal na
paglago. May limang bahagi ng Emotional Intelligence. Una ang self- awareness, ang
kakayahang makilala at maunawaan ang mga personal na damdamin at emosyon.
Pangalawa, ang self-regulation, ang kakayahang kontrolin ang disruptive impulses at
moods, at pag-isip bago kumilos. Pangatlo ang internal motivation, kung ano ang mahalaga
sa buhay, isang kagalakan sa paggawa ng isang bagay, pag-usisa sa pag-aaral. Pangapat
ang empathy, upang maunawaan ng emosyon. Panglima ang social skills, kasanayan sa
pamamahala ng mga relasyon at makahanap ng common ground at bumuo ng kaugnayan.
Ayon kay Dr. Tom, may tatlong teorya na nakapagsasabi na ang utak natin ay
cross-wired. Ang unang teorya ay nagsasabi na ang mga visual na imahe na ating makikita
ay di tuloy-tuloy kung ang utak natin ay hindi cross-wired. Ang stereoscopic vision ay
kakayahang makita ang kaliwa at kanang visual na patlang sa magkabilang panig ng utak at
pagkatapos ay pinagsasama ang mga imahe. Ang pangalawang teorya ay nagbibigay ng
pahintulot upang makatakas mula sa panganib. Ang tanging madaling makaramdam na
input na hindi naka-cross ay ang sistema ng olpaktoryo. Dahil ang amoy ay ginagamit para
sa pagkuha sa pagkain. Ang pangatlong teorya ay sa panahon ng evolutionary development
mula sa invertebrates hanggang vertebrates.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Bryan at Fox (1998), tiningnan na ang iba’t ibang bahagi ng cortex ay mayroong iba’t
ibang ginagawa, pero kahit ang pagkakaiba-ibang gawain na ito ay natagpuan sa iba’t ibang
bahagi ng utak, ang mga espesyal na gawain na ito ay espisipiko at elementary. Sinabi niya
rin na para maisakatuparan ang mas mahirap na mga gawain ng utak, katulad ng
pagsasalita at pagbabasa, itong mga iba’t ibang bahagi ng cortex ay kailangang magtrabaho
nang sama sama.
Corballis (2003), isinuhestiyon niya na ang left-hemispheric language dominance ay
maaring katangian ng biological pre-adaptations para sa lengguwahe sa halip ng neural
language system ng modernong tao. Madalas itong iminungkahi na ang dominanteng
pananalita ng left hemisphere ay umiikot mula sa kontrol sa kanang kamay, at maaaring
may kaugnay sa bagong evolutionary adaptation ng neural system ng sanay sa paggalaw at
kilos.
Ayon kay Dr.Maclean, P. isang neuroscientist na bumuo ng “The Triune Brain
Theory”. Ayon sa teorya na ito, mayroon 3 natatanging parte ng utak ang tao. Ito ay hindi
nakakapagtakbo ng mag-isa. Sila ay nagtatag ng neuro pathways sa pamamagitan ng kung
saan sila impluwensya sa isa't isa. Ang pagsasama ng memorya at damdamin, pag-iisip at
pagkilos ay ang pundasyon ng sariling katangian ng isang tao. Ang teorya ay humantong sa
mas mahusay na pag-unawa sa kaligtasan ng buhay tulad ng paglaban at ang kakayahang
i-override ang rational neocortex. Ang tatlong bahagi na ito ay ang Reptilian Brain, Limbic
System, at Neocortex. Ang Reptilian Brain ang kumokontrol sa rate ng puso, paghinga,
temperatura ng katawan at balanse. Sa Limbic System naman responsable ito sa emosyon
ng mga tao. Neocortex ipininalagay ang importansya ng primates at culminated sa utak ng
tao sa kanyang dalawang malaking cerebral hemisphere.
Ayon kay Dr. Sperry R. sa kanyang teoryang Split- Brain, nagsagawa ng experiment
tungkol sa epilepsy. Ang pag-aaral ay nagpakita na ang right at left hemispheres ay
dalubhasa sa iba’t ibang gawain. Ang left hemisphere ay karaniwan sa analytical at verbal
na gawain. Ang right hemisphere naman ay dalubhasa sa pagkilala ng mukha, pagbasa ng
mapa, at pakikitungo sa iba. Ang right hemisphere lamang ang maaaring gumawa ng mga
simpleng salita at parirala, ngunit nag-aambag ng emosyonal na konteksto sa wika. Kung
wala ang tulong mula sa kanang kalahati ng mundo, maaari mong basahin ang salitang
"baboy" Halimbawa, ngunit hindi mo magagawang isipin kung ano ito.
Napagpasyahan naman ni Connell (2006) na ang “neurological style” ay nakakapag
impluwensiya sa kung paano tinuturuan at tinutulungan ng mga guro ang mga mag aaral sa
pagtuklas ng indibidwal na kakayahan sa pag-aaral. Naiimpluwensiyahan din nito kung
paano nakapagtuturo at natuto ang isang indibidwal. Sinabi niya din na ang “hemisphericity
reference” ay maaring makaapekto ng masama sa estilo ng pag aaral sa mag aaral na
magkaiba ang “hemisipheric prefernces” sa mga guro.
Pinakita din nila Mac Coby at Jacklin (1974) na ang mga babae ay higit na mas
mataas ang pandiwang kakayahan kaysa sa mga lalake sa edad na labing-isa. Malayo ang
kakayahan ng mga babae sa mga lalake pagdating sa hilig at produktibo na lenggwahe at sa
mga matataas na lebel na mga pandiwang gawain. Ngunit ang mga lalake naman ang
nangunguna sa “visual-spatial ability. Napagtanto din nila na ang mga lalake ay mas
nangunguna din sa matematika at tiyak na mas agresibo pagdating sa mga pisikal na
gawain.
TALASANGGUNIAN

Alban, D., The Left-Brain Right-Brain Dominance Myth. Retrieved from

https://bebrainfit.com/left-brain-right-brain-myth/

Cherry, K., (2017, July 7). Left Brain vs. Right Brain Dominance: The Surprising Truth.

Retrieved from https://www.verywell.com/left-brain-vs-right-brain-2795005

Wolman, D., (2012, March 12). The split brain: A tale of two halves. Retrieved from

http://www.nature.com/news/the-split-brain-a-tale-of-two-halves-1.10213

Shulman GL, et al. (2010). Right hemisphere dominance during spatial selective attention

and target detection occurs outside the dorsal frontoparietal network. Retrieved from

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/20219998

Nielsen J, et al. (2013). An evaluation of the left-brain and right-brain hypothesis with resting

state functional connectivity magnetic resonance imaging. Retrieved from

http://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0071275

Dr. Shmerling, R.(2017). Right brain/ Left brain, right?. Retrieved from
https://www.health.harvard.edu/blog/right-brainleft-brain-right-2017082512222
Dr. Maclean, P(2008) The Triune Brain Theory. Retrieved from
http://www.thebrainbox.org.uk/triune_brain_theory/triune_brain_theory.html
Dr. Sperry R.(2003) Split-Brain Theory. Retrieved from
https://www.nobelprize.org/educational/medicine/split-brain/background.html
Goleman.(2009) Five Components of Emotional Intelligence. Retrieved from
https://web.sonoma.edu/users/s/swijtink/teaching/philosophy_101/paper1/goleman.ht
m

You might also like