Professional Documents
Culture Documents
Ang Alamat NG Maragtas
Ang Alamat NG Maragtas
Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin
ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao.
Nagbalak ang magigiting na Datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap
silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.
Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim silang
naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda
sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang
pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang
itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti.
Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong
lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng
malayang lupain.
Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang
sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga
katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si
Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na
kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu
Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at
Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang
datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.
Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan.
Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang
tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo. Nasa unahan ang barangay ni Datu
Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay.
Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang babae. Siya ay
katutubo sa pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng
kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang
pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na
silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan.
Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo
ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay
masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.
Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong
salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita
ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na
lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan
ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan
ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung
lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay
makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng
pag-aani).
Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang
kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong
ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si
Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding
kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na
iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay
kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti
kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga
Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim
ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.
Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti
ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu
Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng
Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga "Taga-
ilog". Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa
Borneo.
Aral ng kwento: