Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

I.

LAYUNIN

Sa loob ng 50 minuto na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Tukuyin ang pandiwang pangkasalukuyan,

b. Nagagamit ang pandiwang pangkasalukuyan sa pangungusap

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pandiwang Pangkasalukuyan

Sangunian: Ang Bagong Batang Pinoy: Filipino, pahina 295-298

Kagamitan: larawan, laptop, projector, biswal

Pagpapahalaga: Paggamit ng pandiwang pangkasalukuyan

Integrasyon: ESP

III. PAMAMARAAN

Gawaing Pang-Guro Gawaing Pang-Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Mga bata tayo ay tumayo para sa ating


panalangin.

“THE SALVATION POEM TAGALOG


VERSION LYRICS”

FIRST VERSE

HESUS SA KRUS, IKA’Y NAMATAY

NABUHAY MULI PARA MUNDO’Y


ILIGTAS

KASALANAN KO AY PATAWARIN MO

MAGING PANGINOON, KAIBIGAN KO


CHORUS

TULUNGAN MONG MAGSIMULA MULI

BUHAY KO’Y ALAY SA IYO

TULUNGAN MONG MAGSIMULA MULI

BUHAY KO’Y ALAY SA IYO

( REPEAT FEVERYTHING FOR 1X )

BRIDGE

TULUNGAN MONG MAGSIMULA MULI

BUHAY KO’Y ALAY SA IYO

TULUNGAN MONG MAGSIMULA


MULI….

MAGSIMULA MULI….

BUHAY KO’Y ALAY SA IYO


2. Pagbati

Mga bata manatiling nakatayo.

Meron ako ditong isang kahon na


naglalaman ng mga prutas. Habang tumutugtog
ang kanta nais kong ipasa ninyo sa inyong
kamag-aral ang kahon at kumuha ng isang
prutas.

Maliwanag ba mga bata? Opo.

“Kamusta Ka”

Kamusta ka, kamusta ka

O kaibigan ko kamusta ka

Kay ganda at kay saya ng umaga

Pag tayo ay sama-sama

Ang umaga ay kay ganda

Ang umaga ay kay saya

Simulan ang araw na puno ng pag-asa

Halina’t tayo’y magsama-sama


Ang umaga ay kay ganda

Ang umaga ay kay saya

Simulant ang araw na puno ng pag-asa

Halina’t tayo’y magsama-sama

Magandang umaga

Magandang umaga

Magandang umaga kaibigan ko

Halina’t tayo’y magsama-sama (3x).

4. Pagtala ng Liban

Mga bata idikit ang mga prutas ng inyong


nakuha sa basket na ibibigay ko sa inyo.
Unang pangkat

Ikalawang pangkat

Ikatlong pangkat
Magaling mga bata. Nagagalak akong
malaman na kayong lahat ay naririto ngayon.
Palakpakan natin ang bawat isa. (Ang mga bata ay nagpalakpakan.)

4. Balik-aral

Bumuo ng bagong salita sa pamamagitan


ng pagdaragdag, pagbabawas o pagpapalit ng
isang tunog sa mga salitang nasa ibaba.

1. belo
belo-yelo
2. ama
ama-tama
3. bata
bata-lata, yata
4. toyo
toyo-yoyo

Magaling mga bata, talagang alam na


alam na ninyo ang pagbuo ng mga bagong
salita.

B. Panglinang ng Gawain

1. Pagganyak

Meron ako ditong mga larawan nais kong


sabihin ninyo kung ano ang mga ginagawa ng
nasa mga larawan.

kumakanta

nagsusulat
naglalaro

tumatakbo

nagdidilig

Magaling mga bata.

2. Paglalahad

Ngayon naman gagamitin natin sa


pangungusap ang inyong mga binanggit.

1. Ang bata ay kumakanta araw-araw.

2. Si Marco ay nagsusulat ng kanyang


takdang-aralin.

3. Tuwing Sabado ay naglalaro sina


Carlos at Vera.

4. Tuwing umaga tumatakbo si James


sa plasa.

5. Si Kathlene ay nagdidilig ng kanyang


mga halaman sa bakuran.
3. Pagtalakay

Anu-ano ang mga may salungguhit na salita


sa mga pangungusap?

Ang mga may salungguhit na salita sa


Salamat. pangungusap ay kumakanta, nagsusulat,
naglalaro, tumatakbo at nagdidilig.
Ano kaya ang tawag sa mga may
salungguhit na salita?

Ang mga may salungguhit na salita ay


tinatawag na pandiwa.
Magaling mga bata.

Gusto nyo bang madagdagan pa ang


inyong kaalaman tungkol sa pandiwa?

Kailan naganap ang kilos sa Opo.


pangungusap?
Naganap ang kilos sa pangungusap ay
Nangyayari ngayon o tinatawag na nangyayari ngayon.
kasalukuyan.

Basahin natin ang kahulugan ng


pandiwang pangkasalukuyan.

PANDIWANG PANGKASALUKUYAN

Ang pandiwa sa aspektong


pangkasalukuyan ay nagpapahayag ng kilos na
nangyayari sa kasalukuyan. Ginagamit ang
mga panlaping nag-, nang-, at um- na
Halimbawa: sinusundan ng pag-uulit ng unang pantig ng
1. Si nanay ay bumibili ng mga prutas at salitang-ugat.
gulay kay Aling Nena.

2. Ang aking nanay ay naglilinis ng bahay


tuwing umaga.
5. Paglalahat

Ano ang salitang nagpapakita ng


pandiwang pangkasalukuyan?
1. Masayang naglalaro si bunso sa
kaniyang kuna.

Magaling mga bata. Bigyan natin ng - naglalaro


galing clap.

Ano ang salitang nagpapakita ng pandiwang


pangkasalukuyan?
2. Si Tagpi ay kumakahol sa mga taong
hindi niya kilala.
Magaling mga bata.
- kumakahol
Ano ang salitang nagpapakita ng
pandiwang pangkasalukuyan?
3. Naghuhugas ako ng kamay bago
kumain.
Magaling mga bata.
- naghuhugas
6. Paglalapat

Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.


Mayroon akong tatlong sobre. Pumili ng
dalawang leader para sa pag-uulat ng kanilang
gawain.

Unang Pangkat

Punan ng tamang pandiwang


pangkasalukuyan ang mga salita.

SALITA PANDIWANG
PANGKASALUKUYAN

takbo

laro

langoy

kain

sulat
Ikalawang Pangkat

Isulat ang mga salitang pandiwang


pangkasalukuyan sa bawat pangungusap.
1. Sina Entoy at Eboy ay naglalakad sa
pagpasok sa paarlan.

2. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa ng


kwento.

3. Si Chloe ay nag-aaral ng leksiyon sa


kanilang bahay.

4. Tuwing hapon, pumupunta sina Wella


at Sophia sa bahay nila Sharmaine.

5. Ngayon ang guro ay nagtuturo ng


leksiyon sa mga bata.
Ikatlong Pangkat

Gumawa ng dalawang pangungusap na may


sumusunod na salita at basahin sa klase.

bumibili

lumalangoy

(Ang mga mag-aaral ay makikiisa sa kanilang


grupo.)
IV. PAGTATAYA

Bilugan ang angkop na pandiwang


pangkasalukuyan sa pangungusap.

1. Si Aling Caridad ay maagang (bumibili,


bumili, bibili) ng sariwang gulay at prutas sa
palengke.

2. Si Kuya Mario ay (nagtanim, nagtatanim,


magtatanim) ng halaman araw-araw.

3. Si Lito ay (laro, naglaro, naglalaro) ng


basketbol tuwing hapon.

4. Maagang (gumigising, gising, gumising) si


Angela tuwing umaga.

5. Si Bunso ay (iiyak, umiiyak, umiyak) tuwing


nagugutom.
Tamang sagot

1. bumibili

2. nagtatanim

3. naglalaro

4. gumigising

5. umiiyak

V. KASUNDUAN

Gumawa ng limang pangungusap na may pandiwang pangkasalukuyan.

You might also like