Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alexa Jade Anferny L.

Javier
BSTM-2A
Usapang tapat

Wika ang pinagkakahulugan ng lahat at kabilang na ditto ang etika. Ito ay hindi basta
instrumento. Napakahiwaga ng wika si mr. Remmon E Barbaza ay may pitong kahulugan ng
tapat na kanyang pinagnilayan. Una tapat bilang nasa harap; malapit; “nasa tapat lang”. Ikalawa
tapat bilang totoo; “katapatan”. Ikatlo tapat bilang maasahan at laging naririyan; “tapat na
kaibigan”. Ikaapat tapat bilang tamang presyo; “may tawad ba?” “tapat na po”. Ikalimang tapat
bilang katumbas; “maghanap ka ng katapat mo”. Ikaanim tapat bilang pagbubukas ng sarili;
“pagtatapat ng pag-ibig o kasalanan”. At ang huli ay tapat bilang pagtanaw ng utang ng loob;
“paano ko matatapatan ang kabutihan mo?”. Pagsamasamahin natin ang ibat ibang kahulugan
nito at naway makapagbigay ito ng kahulugan sa katutubong etika. Ang unang hinihingi ng etika
ay “lumapit ka”. Ikalawang hinihingi ay maging totoo at marangal. Ikatlong hinihingi ng etika ay
maging tapat na kaibigan. Maging lagging handing tumulong. Ikaapat huwag manggulang at wag
magpapagulang. Ikalima ay gwing patas ang labanan. Huwag mangibabaw, at huwag din
magpasailalim. Ikaanim ay mangahas magtaya. Mangahas buksan ang sarili sa iba. At ang huli
ay kabutihan sa kabutihan, pagpapala sa pagpapala. Sa kanyang pagninilay narinig niya sa
salitang “GANTIMPALA” ang “GANTI” at “PAGPAPALA” na kung dumanas ng kabutihan
gaganti din ito sa pamamagitan ng pagpapala. Napapaisip tayo kung nagiging tapat tayo sa ibang
tao. Kung tama ba ang ibinibigay natin sa ating kapwa. Gaya na lamang ng mga magsasaka. Sila
ang nagbibigay ng bigas sa atin pero sila pa ang walang makain.

Marami akong natutunan sa sinabi ni Mr. Remmon E. Barbaza. Bilang tao maging
mapagmatyag tayo sa bagay bagay. May mga bagay na akala natin tama pero hindi pala. Maging
balance tayo sa lahat wag sobra at wag din kulang. Gaya nga ng kanyang mga binibigay na
halimbawa sobrang madaming tao ang nawalan dahil sa hindi tayo naging tapat. Maraming
mamamayan ang kulang dahil ang iba ay sumobra. Lalo na nung nagkameron ng COVID-19
maraming mahihirap ang nawalan, marami akong naisip dahil sa salitang “TAPAT” at sa mga
kahulugang ibinigay ni Mr. Barbaza. Bilang isang estudyante dapat maging tapat ako sa lahat ng
bagay. Magbigay ng tamang asal sa kapwa at Diyos ang magbibigay ng gantimpala sa akin.

You might also like