Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL-IX
SENIOR HIGH SCHOOL
Malasiga, San Roque, Zamboanga City

Andriea A. Carmelotes

11-Plato

Social Media: Nakabubuti o Nakasasama

Layunin
Ang layunin ng gawain na ito ay maipaliwanag at maipaglaban ng magkabilang
grupo ang kanilang pinapanigan na iniatas ng guro base sa binigay na paksa. Ang lahat
ng tinatapon na salita ng bawat grupo ay dapat na makatotohanan, nakalap ng may
sapat na ebidensiya at hindi dapat ito galing sa sariling opinyon lamang. Ang bawat
miyembro ay may pagkakataong magsalita at sila ay bibigyan lamang ng mahigit isang
minuto sa pagsasalita. Ang pangunahing sandata sa gawaing ito ay ang pagtutulungan
at koordinasyon ng bawat miyembro.

Deskripsyon
Ako ay galling sa grupo na kinabibilangan ng magagaling na sina binibining
Martin, Talon, Amazon, Bayot, Auditor at iba pa. Sa pagpili ng paksang papanigan,
nakbubuting social media ang nakaatas na dapat naming ipaglaban. Ang debateng ito
ang sinimulan n gaming miyembro na si Cassandra at nagbigay ng punto tungkol sa
kung ano ang kabutihan ng social media. Sinimulan niya ito sa pagsabi na ang social
media ay isa sa mabilis na paraan upang magkaroon ng koneksyon sa isang tao kahit
nasaang parte man ito ng mundo. Naisaad niya rin kung gaano ito kabilis makatulong
sa pagkalap ng impormasyon lalo na sa pananaliksik at sinundan ito ng sunod-sunod na
pagsagot at pagtutol ng bawat grupo. Sinara ng aming kagrupo na si Juvie and debate
sa pagbibigay ng summary sa lahat ng punto na aming sinabi. Dagdag niya pa rito na
ang social media ay malaking tulong sa negosyo, komunikasyon at iba pa.

Konklusyon
Para sa aking konklusyon, sa gawaing ito ay aking napagtanto na balance ang
nabibigay na kabutihan at kasamaan ng Social Media sa ating buhay ngunit bilang isang
Digital Native masasabi ko na isang malaking tulong ito sa kabataan lalo na sa systema
ng pamumuhay ngayon. Tayo ay pinalilibutan na ng technolohiya at mahirap na ang
mapag-iwanan. Lagi lang nating tandaan na tayo ay dapat na maging responsible sa
ating kalusugan kaya gamitin ang Social Media sa kabutihan.

You might also like