Worksheet para Sa Modal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGSASANAY TUNGKOL SA URI NG MODAL

Panuto: Tukuyin ang mga modal na ginamit sa sanaysay pagkatapos salungguhitan ang mga ito.

Gusto nating mapaganda at maging maayos ang ating kapaligiran, dahil ibig rin nating maging
maayos ang magiging pamumuhay ng ating magiging apo o anak. Paano natin ito makakamit?
Una, kailangan muna nating magbayanihan o magtulungan upang makamit natin ang mga ito.
Dapat linisin ang kapaligiran, pagsabihan ang mga namumutol ng puno na itigil ito dahil
nagdudulot ito ng pagkaubos ng tirahan/tahanan ng mga hayop at ang puno na pinagkukuhanan rin natin
ng ating makakain at ang kahoy ng puno ay marami ring puwedeng paggagamitan tulad ng sa paggawa
ng bahay at marami pang iba, kung wala ang puno wala tayong maaaring pagkuhanan ng ating makakain
kapag dumating ang araw na wala na tayong makain. 
Dapat magtanim tayo ng puno, pangalagaan natin ang kalikasan, huwag rin tayong magtatapon ng
basura kung saan-saang lugar dahil kung ito’y naipon sa isang lugar puwede itong pagbahayan ng mga
lamok, maaari pa tayong makakuha ng kung ano-anong sakit tulad ng dengue at iba pa.
Kailangan natin itong gawin lahat upang maging maayos ang ating pamumuhay at para hindi tayo
magkasakit.
Panuto: Salungguhitan ang mga modal na ginamit sa mga pangungusap pagkatapos ay uriin ang mga ito.
1. Gusto ko ang damit mo.
2. Gusto niyang makaalis sa hukay.
3. Hangad ko ang iyong tahumpay.
4. Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
5. “Gusto kong maakyat ang bunganga ng hukay,” wika ng tigre.
6. Puwede silang dumating mamaya.
7. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
8. “Ibig mong maialis kita diyan sa malalim na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
9. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
10. Kailangan mag-aral kang mabuti.

Inihanda ni :
Marijoy B. Gupaal
Guro sa Filipino
PAGSULAT NG PABULA

Ang mga sumusunod ay mga hakbang na dapat gawin upang makasulat ng magandang pabula

1. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan


Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng aral o mahahalagang kaisipan o mensahe sa mga mambabasa lalong-lalo na
sa mga kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.

2. Lumikha ng tauhan
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula mahalagang ang mga ito ay maging kapani-paniwala o makatotohanan. Ilarawan
ang katauhan ayon sa pisikal na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga mithiin.

3. Iaayos ang banghay


Mahalagang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mailahad kung paano nagsimula ang
suliranin o tunggalian sa pagitan ng mga tauhan at kung paano ito nilutas ng mga tauhan patungo sa wakas.

4. Ilahad ang naging wakas


Ilahad ang naging wakas ng pabula sa paraang hindi bigla. Magbigay ng mga pahiwatig sa magiging wakas ng pabula sa
pamamagitan ng paglalahad ng kung paano nabigyang solusyon ang naging suliranin ng mga tauhan.

Inihanda ni :
Marijoy B. Gupaal
Guro sa Filipino

You might also like