Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Angielica N.

Rabago

III- BSTM

1.Sa iyong pananaw ano- ano ang mga pagsubok na kakaharapin ng programang K-12 ng pamahalaan,
lalo na at may kaugnayan sa pagpapatupad “ Mother Tongue” Based Multinlingual Education? Paano
kaya malulunasan ang mga ito?

Sagot: Sa aking pananaw ang mga pagsubok na kakaharapin ng programang K to 12 ay maraming mga
pamilyang mahihirap ang lubos na mahihirapan sa asletong penansyal sapagkat mas pinahaba pa ang
taon upang mapagtapos nila ang kanilang mga anak. Karagdagan dito, lubos ding mahihirapan ang mga
batang sinanay ng mga magulang sa wikang engles, kung mother tounge ang gagamitin tiyak na
mahihirapan ang bata sapagkat bago at hindi niya alam ang wastong paggamit nito.

2. Bakit mahalaga pa ring pag-aralan ang Filipino sa kolehiyo,lalot hindi na lamang ito isang wika,
kundi isa nang disiplina? Ipaliwanag.

Sagot: Mahalagang pagaralan ang Filipino sa kolehiyo sapagkat lalong mahahasa at mapapagyabong
nito ang kakayahan at kaalaman ng bawat magaaral sa asignaturang Filipino. Nababatid natin na sa
panahong ito, marami nang bagong uso, kung saan pinaiiksi ang pagsulat sa mga salita o di kaya'y
binabago ang kahulugan nito. Dahil dito maraming mga estudyante ang nahihirapan sa paggawa ng
sanaysay o anumang sulating gamit ang wikang Filipino. Kaya mahalgang pagaralan parin ang wikang
Filipino sa kolehiyo. Isa din itong simbolo at pagpapatunay natin na lubos nating ginagalang, minamahal,
isinasapuso at iniingatang ang wikang sariling atin.

3. Sang ayon ka ba sa ideolohiya ng mga hapones na itakwil ang impluwensiyang kanluranin?At itindig
ang pagkakaisang Asyano? Ipaliwanag.

Sagot: Sumasalungat ako sa ideolohiya ng mga hapones na itakwil ang impluwensyang kanluranin at
intindig ang pagkakaisang asyano sapagkat nararapat lamang na mas tangkilikin natin ang mga bagay na
mayroon tayong mga asyano. Ito rin ay magiging daan upang mas lalong magbuklod buklod at magkaisa
tayong mga asyano. Ito rin ay magiging tulay upang mas maging maulad ang mga bansang asyano
sapagkat ang mga tao ay mas tinatangkilik ang kanilang sariling produkto, kultura at tradisyon kesya sa
impluwensya ng mga tagakanluranin.

4.Ano ang kabuluhan ng wika sa pagiging mamamayan ng bansa at daigdig? Ipaliwanag.

Sagot: Sa aking opinyon, ang kabuluhan ng wika sa pagiging mamamayan ng bansa at daigdig ay ito ay
nagiging instrumento upang mas lalong magkaisa at magbuklod ang bawat tao, dahil din sa wika mas
madaling magkaintindihan at makapagpahayag ng mga damdamin at opinyon. Karagdagan dito, ang
wika ay nagiging daan upang makalikha ng mga bagay na makakatulong sa pagunlad ng isang bansa.

You might also like