Dula Dulaan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PASKO - Dula-dulaan

Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo

(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Ako rin po.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo

(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)


(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”

Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”

Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)

Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”


Tilon

Pangatlong Tagpo

(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.”

Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”


(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa
lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.”

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po
kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”

Tilon

Mga Tauhan:

Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales

Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada

Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati

Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon

Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza

Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon

Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada

Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero


DULA-DULAAN

PARA SA IYO ANAK

Isinulat ni: Nissy Amiela B. Sambere

Image result for girl crying because of the letter

Tagapagsalaysay: Si Sophia ay ang nag-iisang anak nina Rose at Ramon. Ngunit musmos palamang si
Sophia namatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso kaya ang tumatayong ina at ama niya ay ang
kanyang ama na si Ramon. Ngunit galit si Sophia sa kanyang ama dahil hindi nito binibigay ang lahat
nang kanyang gusto.

Sophia: Nakakainis na ang buhay na ganito. Dalawa na lang kami ng papa ko lagi pa siyang

wala sa bahay! Lagi na lang trabaho inaatupag niya pero di naman niya binibigay lahat ng mga gusto ko!!
galit na galit talaga ako sa kanya!

(Kakatok ang ama ni Sophia sa kanyang kwarto)

Sophia: Dumating na pala siya lagi nalang hating gabi siya umuuwi…hindi naman niya nabibigay ang mga
gusto ko bahala siya diyan!!! Hindi ba niya alam may pasok ba bukas nakakainis!!

Tagapagsalayasay: Laging pinupuntahan ni Ramon ang kwarto ni Sophia upang makasiguradong ayos
lang si Sophia kahit pagod siya sa kanyang trabaho hindi niya nakakalimutang bisitahin ang anak ngunit
lagi ding hindi binubuksan ni Sophia ang ama

II

Tgapagsalaysay: Kada umaga lagging nakikita ni Sophia na may isinusulat ang kanyang ama sa kwaderno

Sa isipan ni sophia: ano ba ;yan nagsusulat na naman siya sa kanyang kwaderno ano yan diary isip
bata!!....At ano naman to noodles nanam para sa umaga wala ba siyang alam na lutuin isip bata na nga
bobo pa!!!

Sophia: Wala na bang ibang pagkain?

Ramon: Pasensiya na anak yan lang eh…. pagtiisan mo nalang


Sophia: Sa paaralan na lang ako kakain

:Nakakaasar, wala na nga akong matinong ama, wala pa kong matinong pagkain.

Tagapagsalay say: Kina-umagahan humingi ng pangbiling laptop si Sophia sa kanyang ama.

Sophia: Papa, pwede mo ba ko ibili ng laptop? Kailangan ko na kasi ng computer eh para sa mga
proyekto ko sa school. Ang hirap ng nag rerent pa ko sa labas .

Ama: Patawad anak, wala pang pera si papa eh

Sophia: Eh inaabot kayo ng hating gabi sa trabaho tapos walang pera?! Sino niloko

niyo?! siguro nambababae ka lang eh! Madalas ka ng wala dito sa bahay

tapos di mo pa ko mapagbigyan! Walang kwentang ama!

(Tumakbo palabas si Sophia habang umiiyak)

:Nakakainis! Bat ba ko nagkaroon ng magulang na di kayang ibigay ang gusto ko?! Bat

sa dinami dami ng magiging ama ko yun pang walang silbi Galit ba sakin ang

Dyos?! Bat di na lang ako pinanganak na mayaman katulad ng mga kaklase ko?!

Pakiramdam ko ako na ang pinaka malas na tao sa buong mundo. Nagiisa lang ako.

Ayoko ng ganito. Ayoko ng buhay ko.

III

Tagapagsalaysay: Halos dalawang hindi pinapansin ni Sophia anng kanyang ama kahit sa pag-aalmusal
hindi siya sumasabay dito pero napapansin niyang nagsusulat parin ito sa kanyang diary. May nakilala
naman na lalaki si Sophia na si Max niligawan siya nito at sinagot din naman niya ito sapagkat nabibigay
nito ang mga luho niya.

Sophia: Andrei ipakilala kita sa papa ko

Andrei: Sige ba!

(Pagdating sa bahay)

Sophia:Papa kasintahan ko pala, si Max

Andrei: Magandang gabi po

: Hindi yata ako tanggap ng papa mo Sophia?!!

Sophia: Hayaan mo siya! Wag mo siyang intindihin!”


: Tara date tayo!!

Andrei: Nakokonsensya ako Sophia

Sophia: Bakit naman?!

Andrei: Ang papa mo, narinig ko siyang umiiyak

Sophi : Wala akong paki sa kanya

Andrei: Sophia wag ganyan ang trato mo sa iyong ama. Mamaya magsisi ka pag nawala siya sayo

IV

Tagapagsalay say : December na. Malapit na ang Christmas Party nila Sophia kaya nagpabili siya ng
damit sa kanyang ama at dahil may pera ang kanyang ama pinangako nitong bibilhin nito ang gusto
niyang damit dahil sa kasiyahan ni Sophia niyakap nito ang ama at hinalikan.

Sopjia: Ang tagal naman ni papa baka hindi niya nabili an gang aking gusting damit lagot siya saakin!!!

: Oh nandiayn na siya…. ano nangyari sayo?! Bat puro sugat ka?! Nasan yung damit ko? Hindi iyan
ang gusto ko ang pangit niyan

: Papa! Nakakaasar ka naman eh! lagi mo na lang ako pinapaasa! Ayoko na!

ayoko ng maging tatay ka! Hindi mo naman ako pinapasaya! Lagi mo pa kong

iniiwan sa bahay! I hate you ! I really hate you! Ayoko ng maging tatay ka!

Wala kang kwentang----“

*slap*

Tagapagsalaysay: Natigilan si Sophia kasi hindi niya inaakala na magagawa iyon ng ama niya. Tumakbo
palabis si Sophia habang umiiyak.

Tumakbo ako palabas habang umiiyak.

*BEEEEEEP*

Tagapagsalaysay: Nakita ni Sophia kung paano siya ilgtas ng kanyang ama dahil sa gulat hindi siya
nakakilos agad.
V

Sophia: Dok, ang papa ko

Doktor: Patawad hija, dead on arrival ang ama mo. Condolence

Tagapagsalaysay: Ang bilis ng pangyayari, hindi inaakala ni Sophia na wala na ang kanyanmg ama at
nakita ni Sophia ang diary ng kanyang ama nagulat siya dahil ang nakasulat sa harapan ng kwaderno ay
ang kanyang pangalan.

Dear Sophia…..

Tagapagsalaysay: Dahil sa nabasa ni Sophia nagsisi siya sa lahat ng kanyang ginawa at hindi niya
naipakita na mahal niya ang kanyanng ama. Nagsisisi talaga ako

WAKAS………

Ang eksenang iyon ay isa ng pangkaraniwang tanawin sa kanilang tahanan. Si Anna maria ay isang
"Single mom" na bumubuhay sa kanyang dalawang anak na lalaki. Nagkahiwalay sila ng kanyang mister
na isang seaman o mandaragat dahil na rin sa bisyo nito: sabong, alak at babae. May mga panahon ding
nasasaktan siya nito kung wala na itong pambili ng alak..

Unang Tagpo:

Anna maria: Juan! Pedro! Hindi ba at sinabi ko sa inyo na matulog na kayo? Anong oras na! Alas onse na
ng gabi. Hindi na naman kayo magigising ng maaga!

Juan (gumagamit ng selpon): Mamaya na ma, bigyan mo ako ng mga trenta minutos pa.

Pedro (nanonood ng bidyo gamit ang internet): Oo ma, pangako, matutulog na ako pagkatapos nito.

Wala nalang nagawa si Anna maria. Ayaw niya ng sumigaw, o magalit. Pagod din siya dahil sa
maghapong trabaho. Maliit ang sweldo, ngunit mabuti na ito kaysa wala. Kinailangan niyang magbanat
ng buto, lalo na at nasanay sa luho ang kanyang dalawang anak.

Ikalawang tagpo:
Kinaumagahan, nagising ang ina ng madaling araw upang maghanda ng agahan, baon ng mga anak, at ng
sarili papunta sa trabaho.

Anna maria: (nangangalumata) Mga anak, gising na! mahuhuli na kayo. Kailangan ako sa opisina ngayon
dahil nasa akin ang susi. Kayo na ang bahala ha!

Umingit ang dalawa, ngunit hindi bumangon. Kulang na kulang sa tulog dahil halos madaling-araw na
nagsipagtulog.

Pagsapit ng alas-otso y medya..

Juan: Hala! anong oras na! Pedro, pedro gising na!

Pedro: Ano ba, inaantok pa ako!

Juan: Hindi ba't ngayon ang ating malakihang pagsusulit??

Pedro: Hala! Patay! hindi ba tayo ginising ni inay??

Juan: Nako, ikaw kasi natulog ka ulit!

At nagmamadaling naghanda ang dalawa, na may piping dasal na umabot sila sa kanilang pagsusulit.

Ikatlong tagpo:

Samantala, sa opisina..
Napagalitan si Anna maria dahil sa kanyang maling nagawa. Nais man niyang lumipat ng trabaho ay
natatakot siya. Hindi niya kasi natapos ang pag-aaral dahil nabuntis ng maaga at nag-asawa. Naalala nya
ang pangaral ng ina na iyang isinawalang-bahala at sinuway.

Anna Maria: (tumutulo ang luha) Sana nakinig nalang ako kay inay noon..

Ikaapat na tagpo:

Makalipas ang isang linggo, ipinatawag si Anna Maria sa iskwelahan ng mga anak. Lumiban siya sa
trabaho sa pag-aakalang makatatanggap siya ng magandang balita..

Anna Maria: Magandang araw ho, ako ho ang nanay ni Juan at ni pedro.

Guro: Magandang araw din ho misis, tungkol ho sana ito sa kanilang grado. Hindi ho sila nakakuha ng
pagsusulit noong nakaraan. Dahil dito, mayroon ho silang mga bagsak na kailangan kunin sa susunod na
taon.

Anna Maria: (nalilito) Ho? Paano nangyari yun?

Ikalimang tagpo:

Pagdating sa bahay ay nadatnan ni Anna Maria ang dalawang anak na tila alam na ang nangyari. Sinugod
siya ng yakap ng mga ito at humingi ng patawad.

Anna Maria: (malungkot) Anong nangyari mga anak? Dismayado ako sa inyo. Alam niyo naman kung
gaano ito kahalaga hindi ba?Nais kong makatapos kayo ng pag-aaral upang hindi magaya sa akin.

Juan at Pedro: (Umiiyak) Patawad po inay, hindi na po mauulit..

Anna Maria: Sana nga, mga anak.. Mahal ko kayo at wala akong ibang hangad kundi isang maayos na
buhay para sa inyo..
At muling nagyakap ang tatlo.

WAKAS

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1506889#readmore

You might also like