Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan : ______________________ Taon at Seksyon : ______________

Petsa: _________________________ Marka: _______________________

Modyul 4

Pag – alam sa Ponema at Morpema

Ponema - Ay ang makabuluhang tunog na bumubuo sa isang wika o salita. Binubuo


ng 21 ponema ang Filipino ito ay ang 16 katinig at 5 patinig.

Ponema
Ang phoneme ay hango sa dalawang salitang phone(tunog) at eme(makahulugan)
na inasimila naman natin at tinawag na ponema ayon sa kinagawiang paraan ng
panghihiram.
Mababanggit na rin sa pagkakataong ito ang
morpheme na hango naman sa morph(yunit) at eme(makahulugan) na inasimila rin natin
at tinawag na morpema.

Gayundin ang allophone-allo(katulad)+morph(yunit) na tinawag natin sa Pilipino ng


alopono at alomorp.Magagamit ding panumbas ang ponim,morpin,alopon,at alomorp.

Masasabi ring ang isang ponema ng isang wika ay hindi kailanman makakatulad ng
ibang wika; na walang isang ponemang unibersal.Ang Ingles ay may kanyang sariling
/t/,halimbawa;ang Pilipino ay mayroon din;gayundin ang Pranses,ang Aleman atbp.

Para sa ating pangangailangan,makabubuti pang sabihin na lamang natin na ang


ponema ay ang pinakamaliit na makahulugang tunog ng isang Wika.Halimbawa, sa
salitang basa /basa?/ ay sinasabi nating lima ang ponema-/b,a,s,a,?/ sapagkat bawat isa
ay makahulugan o ponemiko;na hindi maaaring palitan o alisin ang alinman sa mga ito
sapagkat maiiba o mawawala ang kahulugang wet.

Antas ng isang wika

 Palatunugan o Ponolohiya
 Palabuuan o Morpolohiya
 Palaugnayan o Sintaksis
 Semantika

Sa pagsusuri ng isang wika ay karaniwang inuuna ang tungkol sa


palatunugan nito. Inaalam muna ng nagsusuri kung anu-ano ang mga tunog na
makahulugan o ponemiko sa nasabing wika.

Mga Hakbang sa Pagsusuri

1.Pagakuha ng impormante.
ang impormante ay isang taong ang unang wika ay ang wikang sinusuri.

Mga karaniwang pagkakamali sa pagsusuri


Sa iisang ponema ay higit sa isang simbolo ang ginagamit, alalaong baga, ang mga
alopono ng isang ponema ay nagkakaroon ng kany-kanyang at magkaibang simbolo .

Sa dalawang ponema ay isang simbolo lamang ang ginagamit, na ang dalawang


magkaibang ponema ay naituturing na mga alopono lamang ng isang ponema.

Ang isang makahulugang tunog o ponema ay hindi nabibigyan ng kaukulang


simbolo. Nangyayari ang ganito, kalimitan, sa mga ponemang wala sa tunugan ng wikang
ng nagsusuri.

Ang isang simbolo ay kumakatawan sa dalawang magkasunod na ponema o ang


kabaligtaran nito.

1. Pagsasagawa ng imbenteryo.

dito pag sasamahin ang mga tunog na pinagdududahan omga alopono lamang ng
iisang ponema. Tinatawag itong”suspicous pairs”
Mga katangian ng ponema

 Isang grupo ng magkakahawig na tunog


 Na magkakatulad sa punto at paraan ng artikulasyon at
 May kanya-kanyang sistema ng distribusyon
 Sa wikang pinag-uusapan.
 Ang pagsusuri o pag aaral sa distribusyon ng mga pinagsususpetsahang pares o
grupo ng mga tunog.
hal. Ang p at b. kung itoy nagkokontras sa isat-isa.

Dahilan ng pagbabagu-bagong anyo ng isang ponema


 Ang unang katabing mga ponema sa una at sa huli.
 Ang ikalawang katabing mga ponema sa unahan at sa hulian, bagamat masasabing
ito’y hindi karaniwan
 Ang posiyon sa pantig, salita o parirala
 Kumbinasyon ng dalawa o higit pa sa mga nabanggit sa itaas
 Ang unang katabing mga ponema sa una at sa huli.
 Ang ikalawang katabing mga ponema sa unahan at sa hulian, bagamat masasabing
ito’y hindi karaniwan
 Ang posiyon sa pantig, salita o parirala
 Kumbinasyon ng dalawa o higit pa sa mga nabanggit sa itaas
 Masasabi nating ang bagbabagu-bagong anyo ng isang ponema ay may kaugnayan
sa asimilasyon o ng iba pang kilalang pagbabagong morponemiko.
 Paggawa ng tabulasyon dito pinapakita ang distribusyon ng bawat tunog sanhi ng
nagiging impluwensya ng ipinalalagay na salik (factor).
 Muling pakikipagkita sa impormante dito na tinititiyak ang mga bagay na ang
impormante lamang ang makakapagbigay linaw.

Morpema

Ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.Ito ay


maaaring isang salita o isang panlapi.
Sinasabing ang morpema ay naiiba sa ponema sapagkat may mga morpema
na may kahulugan kahit nag-iisa;ang ponema ay wala.Sa isang wika, ang ponema ay
ang pinakamaliit na makabuluhang tunog,

Samatalang ang morpema ay ang pinakamaliit na makahulugang yunit


nito.Ang morpema ay binubuo ng isa o higit pang ponema , kayat masasabi natin na
may pagkakataong ang ponema ay morpema rin.Hal. Ang boys sa Ingles ay binubuo
ng dalawang morpema-{boy}*+{z}.Ang {z}, bagamat maituturing na isa ring ponema ay
isa pa ring morpema. Ito ang tinatawg na pamparaming morpema(pluralizer
morpheme)

 Bound morpheme –tinatawag na nakalaping morpema


 maaari rin itong tawaging di-malayang morpema
 ang ponemang mo ay malayang morpema bawat morpema ay may kanya kanyang
distribusyon.

Mga notasyong ginagamit:


 [ ] transkipsyong ponetiko; na ang lahat ng tunog maging ponemiko o hindi ay
isinasama sa notasyon. Na ang lahat ng tunog na nakukulong nito ay ponemiko o
makahulugan.ang dalawang pahilis na guhit na ito ay tinatawag na ‘virgules’

 { } notasyong morponemiko- na ang nakukulong ng mga ito ay morpema o alomorp


 ‘‘ ’’ ang mga halimbawang salita ay kinukulong ng panipi, naghuhudyat din ito ng
tinatanggap na baybay ng halimbawang salita.
 ‘ ’ salin ng kahulugan sa ibang wika. Gloss ang tawag dito.
 * nangangahulugang ang halimbawang ibinigay ay mali o hindi tinatanggap ng
katutubong tagapag salita ng wika.
 : kumakatawan sa haba na ibinibigay sa patinig na sinusundan nito.
 /?/ kumakatawan sa glottal na pasara o impit na tunog na ponemiko sa wikang
Pilipino at iba pang wika sa kapuluan.
Pangalan : _________________ Taon at Seksyon : ___________
Petsa: _____________________ Marka: _____________________

Pagsasanay

Pag – alam sa Ponema at Morpema

I. Panuto:
1. Ang _______ ay hango sa dalawang salitang phone(tunog).
2. Ang ______ ay makahulugan na inasimila naman natin at tinawag na ponema
ayon sa kinagawiang paraan ng panghihiram.
3. Ang ________ ay hango naman sa morph(yunit)
4. Ang ___________ at _____________ magagamit ding panumbas ang
ponim,morpin,alopon,at alomorp.
5. Ang __________ ay ang pinakamaliit nay unit ng tunog.
6. Ang _____ ay ang pinakamaliit nay unit ng salita.
7. Ang ______ ay tinatawag na nakalaping morpema.
8. Ang lahat ng tunog na nakukulong nito ay ponemiko o makahulugan.ang
dalawang pahilis na guhit na ito ay tinatawag na _________.
9. Ang simbolong _____ ay kumakatawan sa glottal na pasara o impit na tunog na
ponemiko sa wikang Pilipino at iba pang wika sa kapuluan.
10. Ang mga halimbawang salita ay kinukulong ng __________, naghuhudyat
din ito ng tinatanggap na baybay ng halimbawang salita.

II. Panuto: Ilarawan kung ilang ponema ang bumubuo sa mga sumusunod:

1. dukha
2. bahay
3.tukso
4. alibugha
5. tuka
III. Panuto: Isulat kung ilang morpema ang bumubuo sa mga salita sa ibaba at uriin kung
anong uri ng morpema ang bumubuo sa mga salita.

1. abogada
2. maghanda
3. baluga
4. batian
5. kargadora
IV. Panuto: Bilugan ang mga salitang maituturing na morpemang leksikal at salungguhitan
ang mga salitang maituturing morpemang pangkayarian.

Si Ikka ay nagliwaliw sa Liwasang Bayan kahapon kasama niya ang kanyang


pinakamamahal na kapatid.

You might also like